POCO X8 Pro Max
Dimensity 9500s
LPDDR5X + UFS 4.1
8500mAh 100W
IP68, IP69K

| DESIGN | IP68, IP69K – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM / eSIM Support 218g + 8.2mm 400% Audio Boost Plastic Back |
| DISPLAY | 6.83″ AMOLED 120Hz 1.5K 3500nits max brightness 800nits typical brightness Corning Gorilla Glass 7i DCI-P3 12-Bit HDR10+ Dolby Vision |
| PERFORMANCE | Android 16 HyperOS 3 4 Major Android Upgrades 5 Years Security Patches Dimensity 9500s LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 12+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.5 OIS Main Light Fusion 600 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 60FPS 20MP f/2.2 Selfie Max video: 1080p 60FPS |
| BATTERY | 8500mAh 100W 25W Reverse Wired |
Alam niyo ba ay nitong bagong release ng POCO X8 Pro Max ay pwedeng mabili for as low as Php22,999? At sa tingin ko lang, posible na mapasama itong phone sa Top 10 Phones ng 2026. Dahil iyan sa magandang performance vs sa presyo.
Price

Itong POCO X8 Pro Max ay may dalawang configuration. Isang 12+256GB at isang 12+512GB. Yung 256+GB ay merong SRP na Php25,999. Yung 512GB naman ay Php27,999. Pero from March 17 to April 19 ay mababawasan ng Php3,000 yung bawat isa sa mga variant na ‘yan. Kung makakaabot ka pa ay i-avail mo na yung discounted na presyo ng phone na ‘to. Huwag ka nang magdalawang isip kasi sayang yung Php3,000 na matitipid mo.
Unboxing







Wala namang masyadong special sa box ng POCO X8 Pro Max. Itim at yellow accent pa rin. Ang isa sa mapapansin ninyo ay napakanipis na ng box compared sa ibang phones ng POCO. Sigurado na wala itong charger sa loob ng box. ‘Yung nandito ay POCO X8 Pro Max 512GB na color Black. Pag-unbox ay meron agad na makapal na documents sleeve na makikita sa box. Pag-open, meron itong SIM ejector pin, cable na USB-A to USB-C, documentations, at case.
Yung case ng X8 Pro Max ay same na same lang naman sa case ng X8 Pro at sa mga previous POCO phones. May pagka-rubber yung feels ng case. Makikita naman sa balot ng phone yung ilan sa mga top specs nito. Mamaya ay pag-uusapan naman natin isa-isa. Parang may pagka-satin yung feels nung likod nito. Naka-protrude ng kaunti yung camera module nito. Pero seamless naman at walang awang sa may gitna. Hindi ito mapapasukan ng alikabok or ng dumi.




Okay naman ‘tong Black. Napaka-matte pero malamang sa malamang ay may mapapansin pa ring kaunting mga smudges or fingerprints. Pero for the most part ay hindi naman ito dumihin. Merong red accent sa may power lock button. Nasa right side rin ang volume up and down buttons. Sa taas ang secondary speaker at secondary microphone. Nasa baba naman ang main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM tray. Sa may left side ay wala namang makikitang kakaiba.
Design


Kapag isinuot ang case sa phone, partner talaga ang color ng case sa color Black X8 Pro Max. Pero if ever na ayaw niyo ng color Black, meron pa itong White at Blue. Makikita sa harap yung punch hole selfie camera at meron na rin itong pre-installed screen protector. Good news sa SIM tray ay pwedeng magsalpak ng dalawang nano SIM + kaya pa nito ang isang eSIM. Hindi expandable ang storage nito. Pero dahil 256GB agad yung minimum variant na pwedeng piliin ay malaki-laki na rin yun. Kung kaya nating isagad to 512GB ay mas okay.
Ang good news, para sa presyo na Php27,999 yung pinakamataas na presyo. Meron na itong eSIM. Para sa mga naka-eSIM na ay walang magiging problem switching sa POCO X8 Pro Max. Meron itong IP68, IP69K rating. Dust tight and water resistant ito. Pwedeng ring ma-submerge sa fresh water itong POCO X8 Pro Max, 1.5 meters for 30 minutes. Meron din akong ilang mga articles na nakita sa internet na papasa raw ito as rugged phone. Hindi naman pino-promote ng POCO na rugged phone itong X8 Pro Max. Pero dahil sa mga rating nito ay papasa na ito as rugged phone. Pero kailangang tandaan na yung IP69K na rating nito ay para dun sa mataas na water pressure. Hindi rin ito basta-basta papasukin ng alikabok o ng tubig pero fresh water po yun. Kung ilulubog ‘to sa dagat ay asahan niyo na magkakaproblema ang phone.

Yung dual speakers nitong POCO X8 Pro Max sa taas at baba ay naka-Dolby Atmos na. Plus, meron pa itong 400% Audio Boost. Naka-WiFi 7 na rin ito at Bluetooth 6.0. Pagdating sa connectivity ay latest ito. At hindi lang yan, pati na rin yung biometrics nito ay Ultrasonic fingerprint scanner. Hindi lang basta mabilis, reliable at napaka-accurate.
Battery

Kahit na napakalaki ng capacity ng phone ay manipis talaga yung form factor nito. Maraming article na mababasa na 9000mAh yung capacity nitong X8 Pro Max. Pero yung unit na nasa akin ay 8500mAh lang. Either way, malaki pa rin ‘yan kahit 500mAh ‘yung less na capacity nung unit sa akin. Ang taas pa rin po ng nakuha kong SOT.
Specification:

Ang nakuhang SOT nito ay almost 24 hours na, 23 hours and 21 minutes. Asahan niyo na kahit gamitin niyo ‘to ng buong araw ay hindi to malo-lowbat. Nasa mga 30% to 40% pa ‘yung pwedeng matira kahit bugbugin nyo ‘to sa paggamit at naka-data pa kayo. Kaya maintindihan natin kung bakit talagang pinagmamalaki ng POCO ‘yung battery department nitong POCO X8 Pro Max. So far, ngayong 2026 ay isa ‘to sa may pinakamalaking SOT na nakuha ko.

Performance
Specification:

According sa ni-research ko, para magka-idea tayo sa performance ng Dimensity 9500s ng POCO X8 Pro Max. Comparable raw yung performance nito sa Snapdragon 8 Elite. At konting-kunti lang yung lamang ng Dimensity 9500 sa 9500s. Talagang nasa flagship territory ito. Maasahan natin na kahit anong application or game sa ngayon yung ibato sa phone na ‘to ay kakayanin. At bilang patunay, 2323344 yung nakuhang score sa AnTuTu. Ang setting natin nito ay naka-50% brightness pero naka-off yung virtual RAM.

And again, according sa ni-research ko. Aabot daw ng 4 Major Android Upgrades yung matatanggap na software support nito. From Android 16 up to Android 20. Tapos 5 Years Security Patches. So far, yung mga aspect na nakita na natin sa phone ay napakaganda talaga para sa presyo nito. Ang ganda rin ng software support.

Isang proof na maganda yung battery consumption ng POCO X8 Pro Max. After ng Wild Life Stress Test, 6% lang yung nabawas sa battery. Pero ‘yun nga lang, pagdating sa thermals ay 21°C yung nadagdag. From 30°C ay 51°C yung final temperature after nung test. Hinay-hinay pa rin tayo sa paggamit sa POCO X8 Pro Max. Kasi kahit na powerful talaga na maituturing yung performance nitong phone. Madali itong makapag-generate ng alarming heat kung talagang matagal at sobrang bigat ng application ang papatakbuhin. At kung palaging magge-generate ito ng init ay magiging cause pa rin ng problem kahit pa malaki yung battery capacity.
Gaming


Sa Subnautica, ‘yung graphic settings ay naka-High ‘yung landscape detail, resolution ay naka-High, at ‘yung FPS ay 120FPS. And based sa feels ko habang naglalaro ako sa Subnautica. Napaka-smooth nito. Wala talagang struggle. Walang hiccup na mafi-feel. Tuloy-tuloy lang. Yung graphics ay okay rin. Walang makikitang issue. Pero syempre ay asahan ninyo na kung lalaruin niyo ‘yung ganito kabigat na game ng matagal-tagal. May init talaga na mage-generate. Hindi naman din biro yung graphics ng game tapos open world pa. Talagang mabigat ‘to. Pero again ay na kaya ng POCO X8 Pro Max.

At kung gusto ninyong isagad pa ‘yung performance, pwedeng i-swipe mula sa left papunta sa right. Lalabas ‘yung game turbo. Pwedeng i-enable ‘yung Wild Boost. Sa Racing Master, ‘yung graphic settings ay naka-Ultra High, resolution ay HD, motion blur ay High, naka-on yung sharpening, FPS mode ay 60FPS ang pinakasagad, dynamic terrain ay on, at realistic ‘yung filter. Sa mismong gameplay, wala ring problem. Pero kagaya sa Subnautica, kung hindi tayo mag-iingat sa pagkapatakbo ng mabibigat na game or application. May mainit talaga tayong mafi-feel sa likod.


Ilang minuto pa lang ako nagga-game. Kasunod nung Subnautica kanina. Mainit na po talaga ‘yung likod ng POCO X8 Pro Max. Kahit na affordable ito compared sa ibang mga phone na may mataas na specs. Meron pa ring drawback syempre at yan yung thermals. Although, updated yung cooling system na inilagay rito ng POCO. Hindi pa rin maiwasan yung alarming heat kasi nga powerful ‘yung chipset nito.
Display
Specification:

Nasa flagship territory na rin yung specs ng display nito. Talagang maasahan na napakaganda ng display, ng color accuracy, pati na rin yung brightness nito. At kahit na gamitin outdoor sa katirikan ng araw, makikita at makikita yung naka-display. Ganyan po kaganda ‘to. Yung bezels ay napakanipis. Hindi naman sobrang nipis to the point na napakalapit na sa REDMAGIC phones. Pero almost malapit na malapit na talaga. Pero ang comment ko lang sa display ng X8 Pro Max, maganda. Mag-e-enjoy kayo sa media consumption kasi ang ganda talaga ng color reproduction. Hindi lang basta maganda yung display. Makakapanood din kayo ng Full HD sa Netflix. Level 1 yung Widevine Security at may support sa HDR10, Dolby Vision, at HDR 10+. Kagaya ng sinabi ko kanina, nasa flagship territory rin yung display nitong POCO X8 Pro Max.

Sa display settings, meron itong Color Scheme na dalawa ‘yung preset, Original Color Pro at Vivid. Pwedeng matimpla ‘yung color temperature. Yung refresh rate ay ganun pa rin, Default at Custom lang ang pwedeng pagpilian. Pagdating sa behavior ng refresh rate, nakita ko na from 120Hz ay pwede itong bumaba to 60Hz, vice versa.


Camera
Specification:

Kagaya rati, ang isa sa mga main compromises ng mga phones ng POCO ay yung camera department. Although, pinagmamalaki ng POCO na malaki-laki yung improvement na maasahan natin sa specs ng camera. Asahan niyo rin na wala sa flagship territory yung quality ng photos at videos na makukuha natin.
Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshots:


4K 30fps ang video recording sa rear camera nitong POCO X8 Pro. Ang sagad nito ay hanggang 6x digital zoom. Kapag naglakad naman ay for the most part, stable ito. Pero yun nga lang ay wala itong telephoto camera. Hindi naman camera centric itong phone. Pero pwedeng-pwede na. Maganda na yung performance ng camera nito para sa presyo. Sa selfie camera, sadly ay hanggang 1080p 30fps lang yung pwede.
Conclusion

Yan na lahat yung mga gusto kong i-share na information tungkol sa POCO X8 Pro Max. Magmula sa full specs nito, sa mga data, benchmark, at marami pang iba. Kapag umabot kayo sa sale nila from March 17 to April 19 of 2026, less Php3,000 yung makukuha natin na presyo sa POCO X8 Pro Max.