Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • Other Tech
  • TCL
  • Tech Blog

TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!

Pero 50% lang ang volume sa sound test kasi hindi talaga namin kinakaya kapag lumampas na sa 50% volume. Malakas na para...
sulittechreviews September 1, 2026 8 minutes read

TCL C7L

TCL AiPQ Processor

DTS Premium Sound

Bang & Olufsen

HDR 3000nits

144Hz

Watch Full Review

  • Specifications
  • Price & Availability
  • Design
  • Setup
  • Difference
  • Gaming
  • Verdict
  • Video
DESIGN26.6kg
TCL AiPQ Processor
AMD FreeSync
DISPLAY4K UHD 16:9 144Hz
Dolby Vision
HDR 3000nits max brightness
PORTS(1x) USB-A 3.0
(1x) USB-A 2.0
(2x) HDMI 2.0
(2x) HDMI 2.0
AUDIOBang & Olufsen
Dolby Atmos
DTS Premium Sound

55″

69,995
PHP
BUY HERE

75″

109,995
PHP
BUY HERE

85″

149,995
PHP
BUY HERE

Itong TCL C7L SQD-Mini LED na paguusapan natin, according to TCL ay “exceptional choice” daw pagdating sa cinema and gaming experience. Aalamin natin kung totoo talaga ang kine-claim ng TCL. Pero paguusapan din natin kung ano ba ang advantage ng SQD-Mini LED panel compared sa regular LED, regular mini LED, at sa OLED TV? Gusto ko rin i-share yung experience ko sa TV na ito pagdating sa gaming. Sulit ba talagang bilhin ang TCL C7L?

Pricing

May apat na size option ang TCL C7L. Pwedeng magbago ang presyo nito kaya mas magandang i-click mo na lang ang button sa taas.

Design

Kapag nailabas mo na ang TV sa box ay meron kayong makikitang tatlong panels at mga screws. Kailangan munang i-connect ang dalawang panels. Ito ang magse-serve as stand ng TV sa likod. Huwag kayong mag-alala kasi metal yung kakapitan ng mga screws. Mukha lang itong plastic. Pero nung tinitigan at hinawakan ko ay metal naman yung i-i-screw na part. Nababalutan lang ito ng plastic pero very solid. Napakatibay ng stand. I-i-screw lang natin ito sa likod ng TV. Tapos, iko-connect na yung cover ng stand. Yung cover na yan ay magagamit para ma-organize yung cable gamit yung stand. Pwedeng mapasok yung cable sa taas ng stand at lalabas sa butas sa baba ng stand.

Yung frame ng TCL C7L ay may pagka-brushed metal yung design. Nakakadagdag pa yan sa pagiging modern at premium ng itsura ng TV. Hindi lang ito basta pure black allover. May makikita ring branding sa gilid na “Premium SQD-Mini LED” na paguusapan din natin mamaya.

Napansin ko din na yung plug na pwede nating gamitin sa TV ay IEC C13 plug. Mas makapal ito at tatlo yung prongs nito compared sa regular na nakikita natin sa mga TV. Manipis yun na IEC C7 plug. Bakit mas makapal yung cord na ginamit sa TCL C7L? Dahil iyan sa nangangailangan ito ng mas malakas na electricity. Dahil na rin sa magandang speaker system nito sa likod.

Audio

Sa likod ay meron itong Bang & Olufsen audio system. Meron itong built-in dual woofers sa likod na naka-Dolby Atmos. Plus, DTS Premium Sound na kaya napakaganda ng tunog. Yung mismong stereo speakers ay nandun sa may ilalim ng TV. Nag-sound test ako sa TV, pwede mong panoorin ang sound test sa YouTube para may idea ka kung gaano kalakas. Pero 50% lang ang volume sa sound test kasi hindi talaga namin kinakaya kapag lumampas na sa 50% volume. Malakas na para sa amin ang 50%. Very rich yung sound ng built-in speakers. Hindi ito tunog built-in speakers, para kang nakikinig sa isang dedicated speakers na naka-connect sa TV. Napakaganda ng B&O audio system na nakakabit sa TCL C7L.

Yung remote ng TV ay kagaya rati, very user-friendly pa rin. Meron itong shortcut button para sa mga streaming services.

Setup

Very simple lang ang pag-setup sa TV. Meron lang kailangang i-accept na ilang mga terms. Tapos, makakapili rin tayo ng mga streaming apps na gusto niyong i-install sa TV. Hihintayin niyo lang ma-download at ma-install. After noon ay pwede mo nang magamit yung TV.

At dahil sa Google TV ang C7L ay meron itong Google Voice Assistant. Pwede itong ma-activate kapag pinindot sa remote o meron tayong inquiry. Pwedeng ma-customize ang display settings kasama na ang iba’t-ibang picture mode. Pwede ring i-customize ang brightness, clarity, motion, at pwede ring ma-activate ang Eye Health Protection.

Meron itong Apple AirPlay kaya pwedeng ma-mirror yung Apple devices natin sa TV. Super low latency or delay yung mae-experience natin kapag nag-mirror tayo. Parang naka-wired connection ito dahil sa mabilis na response ng C7L. Meron din itong Google Cast at Chromecast.

Sa ports, meron itong isang USB-A 3.0 at USB-A 2.0. Meron din itong dalawang HDMI 2.1 na up to 4K 144Hz Native Refresh Rate, at Variable Refresh Rate. Compatible din ito sa 1080p and 1440p 288Hz refresh rate. Meron din itong dalawang HDMI 2.0. In total ay meron itong apat na HDMI port.

Ano Ang Difference ng SQD-Mini LED sa Ibang TV Panels?

Standard LED

Ang standard LED ay merong few large light bulbs sa likod ng screen. Okay naman yung quality. Pero once na meron nang pinakitang madilim na scene na may ilang object na maliwanag, yung buong screen ay possible na maging maliwanag. Kaya nagmumukhang gray yung dark scenes or dark parts ng TV. While yung SQD-Mini LED ay merong thousands, not few, na microscopic LEDs. Kaya kayang ma-turn off yung mga area sa isang dark scene. Ang maliwanag lang talaga ay yung may kulay or bright objects. Kaya mas realistic yung scenes, mas deep yung black, at mas maliwanag yung mga highlights.

Mini LED

Ano ang advantage ng SQD-Mini LED sa mga regular Mini LED? Yung regular na Mini LED ay better sa Standard LED. Pero may problem ito sa light leaks sa ilang dark scenes. Ang tawag nila diyan ay Halo Effect. Dahil iyan sa kulang ang local dimming zones. Yung SQD-Mini LED naman ay may mini lenses. Especially, itong C7L ay may tinatawag na Super Condensed Micro Lens. Nagta-trap ito ng light kung saan lang dapat ito lumiwanag. Walang halo effect or light leaks. Kaya mas crisp yung bawat text at object na nasa screen kahit sa dark scenes.

OLED

Yung OLED ay kayang mag-produce ng best black levels sa lahat ng panels. Dahil kaya nitong i-turn off completely ang every single LED sa TV. However, hindi ganun kataas ang brightness nito at very prone pa sa burn-in overtime. While ang SQD-Mini LED ay very close sa OLED yung black levels. Pero mas maliwanag ito compared sa regular OLED. Kaya maganda pa rin yung viewing experience sa daytime or sa maliwanag na environment. Higit sa lahat ay hindi mo iintindihin sa SQD-Mini LED ang burn-in.

In layman’s terms, napaka-cinematic ng quality, at true to life ang colors. 2700nits ang peak brightness nito at up to HDR 3000nits, napakaliwanag pero hindi blownout yung content na naka-display. Ang ganda ng contrast, ang vibrant ng kulay, pero hindi over yung saturation. Very natural pa rin pero pop na pop yung kulay.

Sobrang deep din ng blacks nito. Yung manipis na black bezels nito ay nagbe-blend in kapag dark scenes ang naka-display sa TV. Kapantay ng literal na black yung black na mapo-produce ng C7L. Kahit maliwanag yung room or environment ay maintained yung magandang kulay at brightness. Na kailangan para ma-appreciate pa rin yung pinapanood natin. Hindi overpowering yung brightness sa kulay. Complement talaga yung dalawa. Nagtutulungan para pleasing sa mata natin.

Keep in mind lang na hindi anti-reflective o hindi matte ang display sa TCL C7L. Glossy pa rin. Malaking tulong iyan para ma-achieve yung mga features na pinag-uusapan natin mula pa kanina. However, hindi pa rin naman super reflective ng TV.

Gaming

Pag-usapan natin yung premium gaming experience sa TCL C7L. Ang TCL C7L ay saktong-sakto para sa mga gustong maglaro gamit ang TV nila na naka-console at may support sa high FPS gameplay. Meron din itong TCL AiPQ Processor. Lalong-lalo na kung naka PS5 ka, XBOX, or Nintendo Switch na may support sa high FPS gameplay.

Bago ka mag-start sa game, pwede mong i-enable yung Game Master at Game Bar. Pwedeng i-enable yung show FPS. Habang naglalaro ako ay naglalaro ito ng 119.5Hz to 119.9Hz pero considered pa rin ito as 120Hz. Napaka-smooth ng gameplay. Mas nakaka-enjoy talaga maglaro sa TV. Parang mas realistic yung paglalaro natin kasi napaka-smooth at the same time ay walang ghosting, screen tearing na nangyayari. Malaking tulong yung AMD FreeSync support para maiwasan yung mga issues.

Verdict

Yes, premium ang presyo ng TCL C7L SQD-Mini LED TV. Pero dahil yan sa premium features na makukuha natin or value na maibibigay sa atin ng TV. Bawat aspect ng TV ay talagang mae-enjoy natin. Mula sa audio experience na hindi lang basta malakas. Napakaganda ng tunog at napaka-cinematic. Parang may physical or dedicated speakers ka. Hanggang sa napakagandang SQD-Mini LED panel nito na magbibigay sa atin ng napakagandang kulay, deep blacks, at very realistic na kulay. Bonus pa na ang taas ng refresh rate nito at swak na swak kung gagamit tayo ng mga gaming console.

Mukhang totoo yung sinabi ng TCL na exceptional choice talaga ang C7L pagdating sa cinema experience or gaming experience. Para sa akin, kahit premium yung price ng TV ay maire-recommend ko ito. Sulit na sulit. Nag-enjoy ako sa paggamit sa TCL C7L. Maraming salamat sa TCL kasi pinahiram nila itong TV nang ilang araw muna para ma-experience ko. At makita ko yung ilang mga features ng TV.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!

Related Tech

TECNO MEGAPAD 2 Beauty Shot
  • Tablets
  • Tech Blog
  • Tecno

TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!

sulittechreviews September 1, 2026
Nothing Phone (4b) Beauty Shot
  • Nothing
  • Phones
  • Tech Blog

Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid

sulittechreviews September 1, 2026
Xiaomi Pad 8 Beauty Shot
  • Tablets
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!

sulittechreviews September 1, 2026
  • TCL C7L Beauty Shot
    TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • TECNO MEGAPAD 2 Beauty Shot
    TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!
  • Nothing Phone (4b) Beauty Shot
    Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid
  • Xiaomi Pad 8 Beauty Shot
    Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!
  • vivo Y11d Beauty Shot
    vivo Y11d: Matagal Na Ma-Lowbat, Matibay Pa!
  • OnePlus Nord CE6 Beauty Shot
    OnePlus Nord CE6: Akala Ko Ordinary Phone Lang…
  • Lenovo Legion Y70 (2026) Beauty Shot
    Gaming Phone… Pero Pang-Everyday?
  • TechLife Pad Plus 2 PR
    TechLife Powers Bigger Ideas with the Launch of the New TechLife Pad Plus 2

Recent Posts

  • TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!
  • Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid
  • Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!
  • vivo Y11d: Matagal Na Ma-Lowbat, Matibay Pa!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.