vivo Y11d
SGS 5-Star Drop
Unisoc T7225
MIL-STD-810H
6500mAh 44W
2 SIM + microSD

| DESIGN | IP65 – Dust & Water Resistant MIL-STD-810H SGS 5-Star Drop 2 Nano SIM + microSD (up to 2TB) 209g + 8.39mm Plastic Back |
| DISPLAY | 6.74″ IPS LCD 120Hz 720p 1200nits max brightness |
| PERFORMANCE | Android 16 OriginOS 6 1-2 Major Android Upgrades 3 Years Security Patches Unisoc T7225 LPDDR4X RAM eMMC 5.1 Storage 4+128GB / 4+256GB |
| CAMERA | 50MP f/2.0 Main Auxiliary Max video: 1080p 30FPS 5MP f/2.2 Selfie Max video: 1080p 30FPS |
| BATTERY | 6500mAh 44W Reverse Wired |
Nakakatawa lang isipin na sa website ng vivo ay hindi talaga nila pinagmamalaki yung performance ng vivo Y11d. Ang talagang primary na pinagmamalaki nila sa phone na ito ay yung battery, design, pagiging almost rugged, display, at camera. Pero yung performance ay talagang iwan na iwan.
Pricing

As of writing this article, mabibili ito for Php9,999 for 4+128GB variant. Binili namin ito sa Lazada. Under warranty ito at hindi ito pinadala ng vivo. After ng review ay pwede niyong i-check sa Facebook page ng Sulit Tech Store kung gusto niyo itong bilhin. Ifo-for sale namin ‘to.
Unboxing








Sa harap pa lang ng box ay makikita na iyung itsura ng Y11d. Pero hindi nakadepende sa itsura ng harap kung anong kulay yung napili ninyo. Yung napili naming kulay ay Platinum pero ang naka-display ay yung color Blue. Pero sa Lazada, ang available lang ay Platinum at Black. Sa likod ng box pa lang ay makikita ninyo yung pinagmamalaki ng vivo. Yung battery, camera, at protection. Pag-open ng box, makikita agad yung mismong Y11d na nakabalot sa plastic. Again, ito yung Platinum. Sobrang ganda talaga ng itsura nito. Ito yung mga gustong-gusto kong design ng mga phone, yung matte finish. Tapos, simple lang pero elegante talaga yung overall na itsura. Mukhang marble stone yung design or pattern nito sa likod. Ganda. Napaka-premium pa rin. Yung camera module nito ay hindi naman makapal kaya hindi disturbing.
Sa ilalim ng box ay mayroong jelly case. Buti na lang. Complete naman yung accessories kasi meron din itong charger sa loob, USB-C to USB-A cable, at SIM ejector pin.
Maganda Ba Talaga Ang Battery Performance?
Specification:

Battery ang pinagmamalaki ng vivo sa phone. BlueVolt na ito. Ibig sabihin, mas maganda yung endurance, mas matagal yung life span ng battery. Kahit malaki yung battery capacity ay manipis pa rin yung itsura nito. Impressive ang battery nito para sa budget friendly Android phone.

At sabi ng vivo, tatagal daw ito ng 5 years bago mag-degrade. Bago ito umabot ng 80% battery health ay kailangan muna ng 1,600 charge cycle. Ganon katindi itong phone. Meron din itong reverse wired charging. Almost 24 hours lang naman yung nakuha nitong screen on time. Sa isang charge ay possible na umabot ito ng 2 and 1/2 to 3 days. Depende syempre sa paggamit natin. Lalo na kung naka-data tayo the whole day ay baka meron pa itong 70% or 60% remaining. Sa charging, 18% to 100% ay 1 hour and 12 minutes ko lang na-charge itong phone.
Para sa isang budget friendly Android phone, matagal na ma-lowbat at mabilis pa i-charge. Very good talaga. Kaya no doubt na ito talaga yung ipinagmamalaki ng vivo sa Y11d.
Maganda Ba Ang Design
Specification:

Yung talsik-talsik ng tubig at mga alikabok ay no problem sa phone. Matibay ito kahit na malaglag yung phone. Hindi ito agad-agad masisira, magkakaroon ng dent o gasgas. Kayang-kaya nito maka-survive ng at least 5m drop ng hindi nasisira. If ever na umabot ng 1,500 likes ang YouTube video ay gagawan ko ito ng drop test sa Facebook at TikTok.

Ang isa pa sa maganda sa vivo Y11d ay ‘yung SIM tray nito. Dual nano SIM ito plus pwede pang humawak ng isang microSD card na up to 2TB. Talagang pang future proof naman ‘yung SIM tray kasi pwedeng mag-expand ng storage. Kasi nga 128GB lang yung pinakamalaking kaya nating mapiling variant sa vivo Y11d.



Sa OOKLA Speed Test, 23.2Mbps download at 9.97Mbps upload. Sa Google Speed Test, 15.6Mbps download at 11.7Mbps upload. At sa FAST, 26Mbps download at 9.8Mbps upload. According sa mga results na nakita natin ay hindi ganon kabilis ‘yung data connection nito. 4G lang talaga ito. Kung gagamitin natin ang Y11d outdoor ay possible na tumaas pa yung makukuha nitong data connection. Nung nag-test ako ay medyo malakas-lakas yung ulan. Malamang na nakaapekto yun. Pero siguro sa maaraw na panahon ay baka umabot ito ng 30 to 40Mbps download speed. Pwedeng-pwede na ‘yun para sa mga gumagamit ng phone for social media at naka-data. Kahit sa mga gumagamit ng GPS based applications like Google Maps or Waze.
Sides


Sa speaker, isa lang yung meron ito at nakapwesto yan sa taas ng phone. Although hindi ako nabitin sa maximum volume pero hindi ganon ka-immersive yung tunog. Kasi nga isa lang. Pero hindi naman tunog lata. Okay na rin naman ‘yung quality ng sound kahit na mababa lang ‘yung presyo ng phone. At nakalimutan ko i-mention na meron itong headphone jack at meron itong pre-installed screen protector. Talagang gagamitin na lang natin ang Y11d.
Itong vivo Y11d ay naka-conventional fingerprint scanner. Reliable naman for the most part. Hindi sobrang bilis pero okay naman. Depende na rin sa pag-register natin sa fingerprint natin. Pero most of the time ay na-unlock ko naman yung phone. To answer the question kung okay ba yung design ng phone na to? Para sa akin ay yes. Kasi maganda yung proteksyon na nilagay ng vivo sa phone. Hindi basta-basta dahil sa dalawang certification na meron ito. Plus, expandable yung storage nito kasi hanggang 2TB microSD card yung kaya nitong i-handle. Malakas yung single firing speaker nito. Although, hindi ganon kaganda yung quality pero okay na okay yung max volume. Kasi meron itong 200% audio boost.
Maganda Ba Ang Display?
Specification:

Even outdoor ay kayang-kaya nating makita ng maayos yung naka-display sa screen nito. Pagdating sa color reproduction, hindi sinabi ng vivo kung gaano kalaki ‘yung color coverage ng display nitong Y11d. Pero sa mata ko ay okay naman. Hindi naman yellowish, hindi naman masyadong cool yung pagkakatimpla. Tamang-tama lang. Hindi ko sinasabi na sobrang ganda na parang midrange or flagship phone na yung level. Pero sapat na sapat para sa presyo nito. Okay na okay din for media consumption.
‘Yun nga lang ay medyo makapal-kapal yung chin nitong Y11d. Kailangan nating makasanayan ng ilang days muna ng paggamit bago tayo hindi ma-disturb sa chin nitong phone.

Sa screen refresh rate option sa Y11d ay may Smart, 60Hz, 90Hz, at 120Hz. Ang default na behavior nito ay 90Hz > 60Hz > 90Hz. Kapag tina-touch ko yung display ay babalik ito to 90Hz. Tapos, bigla itong bababa to 60Hz. Baka mag-expect kayo na 120Hz > 60Hz > 120Hz iyung behavior nito. Kung gusto natin ma-experience yung 120Hz ay i-select natin yan manually. Pero i-expect ninyo na mabilis bababa yung battery. At gagana lang yung 120Hz sa mga compatible applications. By default, 90Hz pa rin yung ibibigay sa atin.

Good news kasi Level 1 yung Widevine Security nito kaya makakapag-play tayo ng Full HD sa Netflix. Naka-notch ito at hindi ito naka-punch hole selfie camera. At para sa taong 2026 ay talagang outdated na ‘yung design na ‘yan. Pero dahil sa presyo ay hindi na natin gagawing deal breaker yan. Kasi bumawi sila sa ibang aspect.
To answer the question kung maganda ba yung display nitong Y11d? Para sa akin at para sa presyo nito, yes.
Maganda Ba Ang Camera?
Specification:

Ito ang mga sample photo:




Ito ang mga sample video screenshot:


To answer the question kung maganda ba yung camera ng phone? Para sa akin ay hindi. Kasi sa presyo na ito, sa ibang brand ay kaya nang mag-shoot ng 2K 30FPS at meron nang ultrawide camera. Pero sa Y11d, yes 50MP ay enough na enough naman. Pero yung auxiliary camera sana ay ultrawide na lang iyung binigay nila. May macro mode na rin iyun. Parang tatlong camera na rin yung katumbas non. Pero ito ay parang isa lang talaga. Kaya para sa akin ay no.
Maganda Ba Ang Performance?
Pagusapan naman natin yung ayaw pag-usapan ng vivo based sa web page ng Y11d, yung performance. Talagang hindi nila pinagmamalaki yung performance ng phone kasi nga entry level phone ito. Sa ibang aspect talaga sila nag-focus. Pero kailangan nating pag-usapan yan sa review na ito.
Specification:

Iyung processor na inilagay nila sa about phone ay Octa-core. Hindi kagaya ng ibang mga phone, kadalasan ay nakalagay talaga diyan yung model ng chipset na ginamit sa phone. Walang official announcement ang vivo sa kanilang website kung gaano katagal yung software update na ibibigay nila sa Y11d. Pero knowing vivo, wala naman akong ipinag-aalala sa part na yan. Kasi reliable naman sila pagdating sa pagbibigay ng security patches. And usually, sa mga budget series nila kagaya ng Y series ay umaabot ng 1 to 2 Major Android Upgrade. Possible na umabot ito ng Android 18 or 17. Pagdating sa security patches ay pwede itong umabot ng 3 Years. Habang sine-setup ko ‘tong phone ay nakatanggap ako ng mahigit 1GB update.

Benchmarks



Meron din itong extended RAM kung saan dodoblehin nito ‘yung physical RAM. Para maiwasan ‘yung pag-hang kasi nga yung 4GB ay medyo maliit sa panahon ngayon. Ang AnTuTu score na nakuha ay 365420 kapag naka-off ‘yung extended RAM. 366541 naman nung ginamit yung extended RAM. In a way ay nakakatulong talaga yung extended RAM sa Y11d.

Nakakabili sa Wild Life Stress Test, hindi man lang ito nabawasan ng 1% sa battery consumption. At 1°C lang yung nadagdag sa temperature after ng mahabang test. Hindi ganuon kataas ‘yung AnTuTu score na nakuha nito. Pero pagdating sa thermal management ay very good talaga. I-expect ninyo na kahit na naka-data connection tayo or maghapong active ang phone, okay na okay ito. Hindi ito iinit. Hindi rin mabilis mababawasan yung battery percentage nito. Pagdating sa performance nito ay pang-social media apps, streaming ng video or movies, web browsing, mag-take ng photos or videos lang talaga ito. Mga simple lang na mga apps. Pero pagdating sa mga mabibigat na apps, like mga games na talagang mabigat yung graphics, asahan natin na medyo mag-struggle na ang phone. Kaya hindi na rin tayo nag-test ng games kasi hindi naman talaga yan yung magiging reason ninyo kung bakit niyo bibilhin itong Y11d.
Conclusion

Para sa inyo, sulit bang bilhin ang vivo Y11d? Mare-recommend ko itong phone kung humahanap kayo ng phone na mahaba talaga ‘yung battery life. Tapos maganda ‘yung design kasi well protected ito dahil sa IP rating, SGS certification, at MIL-STD-810H. Kahit na malaglag natin itong phone ay hindi agad-agad masisira. Hindi rin ito mabilis uminit. Yung battery nito ay hindi mabilis bumaba. Yun ang ilan sa mga main aspects ng phone na dapat ninyo i-consider kung yan yung hinahanap ninyo.
Pero pagdating sa performance ay tama lang na hindi ipagmalaki ng vivo kasi hindi talaga ganon kabilis yung performance ng phone. Mabuti na lang ay naka-Origin OS6 na ito. At least, latest yung UI na ma-experience natin sa vivo Y11d. Again, kung isa ka sa mga tao na kailangan na kailangan ng phone na matagal ma-lowbat, okay na rin ‘yung data connection. Pwedeng-pwede mo i-consider ang vivo Y11d.