POCO F9 Ultra
Snapdragon 8 Elite Gen 5
LPDDR5X + UFS 4.1
8050mAh 100W
50W Wireless Charging
10000nits max brightness

| DESIGN | IP68 – Dust & Water Resistant Nano SIM / eSIM + Nano SIM / eSIM 235g + 8.7mm |
| DISPLAY | 6.9″ AMOLED 185Hz 1.5K Dolby Vision, HDR Vivid, HDR10+ 4500nits peak brightness 10000nits max brightness (HDR) 850nits typical brightness Corning Gorilla Glass 7i 480Hz TSR, 4800Hz TSR |
| PERFORMANCE | Android 16 HyperOS 3 4 Major Android Upgrades 5 Years Security Patches Snapdragon 8 Elite Gen 5 VisionBoost D8 LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 12+256GB / 16+512GB / 16+1TB |
| CAMERA | 200MP f/1.7 OIS Main 50MP f/3.0 OIS Periscope Telephoto 5x Zoom 50MP f/2.4 Ultrawide Max video: 8k 30FPS 32MP f/2.4 Selfie Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 8050mAh 100W 50W Wireless 27W Reverse Wired 22.5W Reverse Wireless |
Na-release na ang POCO F9 Pro at POCO F9 Ultra. Kung hindi niyo pa nababasa ang unboxing ay basahin niyo muna iyun then balik kayo para sa full details.
Pricing


Itong POCO F9 Pro ay available sa Shopee at Lazada. Dalawang variant ang pwedeng pagpilian 12+256 at isang 12+512GB. Yung 256GB ay mayroong SRP na Php49,999. Yung 512GB naman ay mayroong SRP na Php54,999. Pero sa early bird price ay bababa pa ang presyo nito. Ang POCO F9 Ultra ay Shopee exclusive. Tatlong variant naman yung pwedeng pagpilian: 12+256GB, 16+512GB, at 16GB+1TB. Yung 256GB ay Php55,999 ang SRP. Yung 16+512GB naman ay Php59,999 SRP. Ang pinakamataas na 16+1TB ay mayroong SRP na Php89,999. Sa early bird promo ay mas bababa pa ang presyo ng mga ito.
Mas maganda kung maabutan ninyo yung early bird promo ng POCO sa Ultra at sa Pro. From September 1 to September 16 iyan. Hindi lang kayo basta makakatipid, makakatanggap pa kayo ng freebies. Yung mga freebie sa early bird promo ng POCO ay isang Redmi Buds 8 Active, 6-month free screen replacement, at 2 years free warranty. Pag-usapan na natin ang dalawang phone. Pero primarily ay magfo-focus talaga tayo sa F9 Ultra. From time to time ay meron akong ibibigay na details tungkol sa Pro version.
Design

Merong bagong kulay ang Ultra. Meron na ngayong Dark Cherry. At yan yung isa sa mga nakita natin sa teaser ng POCO F9 series. Pero kung ayaw niyo naman ng kulay nito ay meron pang isang kulay ang Ultra. Ang Black na merong red accent ang power button.

Pero may lamang yung Pro pagdating sa design. Kasi yung Aurora Green ng Pro version ay may surprise sa atin. Meron itong Light Graffiti Effect. Kapag natamaan ng araw or ng UV light ang likod nito ay mas titingkad ‘yung pagka-green nito. Kapag nasa labas tayo ng bahay ay mas kikintab pa yung pagka-green nitong Pro version Aurora Green. Pero ang bilis din mawala. Yung ibang mga may ganitong effect na phone ay ang tagal bago bumalik sa dati.
Ang Ultra ay may IP68 rating. Kung mabasa man ito ng tubig, halimbawa ay ginamit natin sa labas at biglang umulan, natalsikan ng tubig habang naghuhugas ng plato, naglalaba, or malublob sa tubig ng hindi sinasadya. Hindi ito agad-agad papasukin. Pero huwag natin itong isasama sa pag-swimming kasi hindi ito action camera.



Sa camera plateau nito ay merong Sound by Bose branding. Meron itong stereo speakers plus subwoofer. Malakas talaga at napakaganda ng tunog ng speakers nitong POCO F9 Ultra. Meron itong secondary speaker sa taas at sa baba yung main speaker. Naka-Dolby Atmos pa yung speakers nitong Ultra. Talagang maganda ‘yung separation ng left at right. Mas imersive yung experience natin gamit ang mga speakers.
Connectivity
Naka-WiFi 7 na rin ito. Sobrang bilis ng connection sa WiFi kung meron man tayong WiFi 7 router. At yung biometrics nito ay ultrasonic fingerprint scanner. Hindi lang ito mabilis. Sobrang accurate rin at kapantay na ng conventional fingerprint scanner. Hindi kagaya ng mga optical lang na fingerprint scanner.
Dual nano SIM na ang F9 Ultra. Pero wala itong support sa micro-SD card. Mas maganda, kung kaya lang ng budget natin, go for the highest variant. Lalong-lalo na yung 1TB para futureproof talaga yung F9 Ultra natin. Ito yung first time na merong 1TB variant ang POCO. Meron din itong support sa eSIM. Pwedeng dual nano SIM, isang SIM at isang eSIM, or dalawang eSIM ang pwedeng ilagay.



Sa internet speed test, unahin natin ang Ookla speed test. Ang download speed ay 324Mbps at 11.5Mbps upload. Sa Google Speed Test, 265.4Mbps download at 21.5Mbps upload. Sa FAST, 330Mbps download at 17Mbps upload. Based sa mga nakuhang data speed ng POCO F9 Ultra habang naka-5G GOMO SIM at sa loob pa rin ng studio kinuha ang test. Masasabi natin na stable at maaasahan yung data connection nito. Mabilis talaga yung internet natin kung naka-data man tayo sa F9 Ultra.
Performance
Specification:

Ang VisionBoost D8 ang AI dedicated graphics boost chipset. Ito ang magha-handle ng ibang processes para mas gumaan yung load nung 8 Elite Gen 5 na primary chipset ng F9 Ultra. Ang VisionBoost D8 ang magha-handle ng Smart Frame Rate, AI Super Resolution, Game HDR kapag naka-Wild Boost, at Dual Core Visuals na pwedeng i-enable sa settings. Pina-promise ng POCO na ang F9 Ultra ay makakatanggap ng 4 Major Android Upgrades at 5 Years Security Patches. Good deal.

Anong difference ng Pro version? Ang gamit nito ay Snapdragon 8 Elite Gen 5 din pero naka V series. Mas toned down version ito ng 8 Elite Gen 5. Mas mababa ‘yung graphics performance at clock speed nito compared sa full version ng Snapdragon 8 Elite Gen 5 na nasa Ultra. Pero huwag niyo itong maliitin. Dahil sa V series ay aasahan natin na mas maganda yung battery performance. Mas bababa din yung chance na mag-overheat ang Pro version kasi hindi ganon ka-powerful yung chipset nito compared sa Ultra. Lalo na sa gaming. Pero pagdating sa mga everyday tasks, mga applications for social media, or sa pag-stream ng mga content or movies, wala kayong mapapansing difference sa dalawa.
AnTuTu



Meron din itong memory extension na up to 16GB or double nung RAM ng variant na napili natin. Ganun din sa Pro version. Tingnan natin ang AnTuTu score ng Ultra. Pina-promise ng POCO na nasa mahigit 4 million AnTuTu score ang pwede nitong makuha. Tingnan natin sa actual test ko kung maaabot natin iyun. Ang AnTuTu score nung hindi ko ginamit yung memory extension ay 3867548. Nung ginamit ko na yung memory extension, tumaas pa ito ng kaunti at naging 3903180. Hindi ito umabot ng mahigit 4 million or kahit 4 million man lang.


Paano nakuha ng POCO ‘yung score na yon? Ang susi ay nasa battery setting. Sa current mode, baguhin niyo lang to Ultimate Mode para sagad-sagad yung performance na makuha ng F9 Ultra. Ang AnTuTu score na nakuha after kong mag-switch to Ultimate Mode ay 4021936.

Totoo naman talaga yung sinasabi ng POCO na mahigit 4 million AnTuTu score yung pwede nitong makuha. Yan ay kung naka-Ultimate Mode. Pero syempre, in reality, most of us ay hindi naman magsu-switch to Ultimate Mode. Kasi iyung Balance Mode ay enough na enough na para sa mga everyday na mga ginagawa natin sa phone. Baka nga i-lower pa natin yung Power Mode nito para makatipid pa tayo sa battery. At ma-lessen yung possibility na mag-overheat ang phone.
Wild Life Stress Test


Pero kahit kanina niyo pa naririnig yung word na overheat ay hindi naman talaga umabot sa point na iyon. Maganda yung POCO IceLoop Cooling system na inilagay ng POCO. Sa Wild Life Stress Test, nabawasan lang ito ng 9% sa battery at nadagdagan lang ng 22°C sa temperature after ng mahabang test. Ang performance or throttling nito ay wala itong masyado throttling. Yung pagbaba ng stability nito ay gradual. Hindi yung biglang baba or parang cliff yung pagbawas sa performance after nung test.
Kung umiinit man ‘yung phone dahil mabigat talaga ‘yung game or application na pinapatakbo natin. Huwag mag-alala na parang bigla-biglang babagal ‘yung performance ng F9 Ultra. Dahil sa magandang cooling system, dahan-dahan lang itong bababa to the point na baka hindi na natin mapansin na nababawasan na yung performance. At ang pinakaimportante sa lahat, hindi kagaya ng experience ko sa ibang mga flagship phone. Yung Wild Life Stress Test ay hindi nila natatapos. Merong overheating na nangyayari. Pero sa F9 Ultra ay hindi ko iyun na-experience.

At para lang magkaroon kayo ng idea, Ang nakuha kong pinakamataas na AnTuTu score sa Pro version ay 3465836. Sobrang ganda ng performance kahit naka-Pro version lang ito.
Gaming


Sa gaming performance sa Racing Masters. Sisiw na sisiw yung graphics. Wala akong nakikitang problem sa performance nito kahit nakasagad yung graphic settings. Walang struggle as expected. Syempre, talagang sagad-sagad yung performance sa F9 Ultra. Talagang ganun ang mangyayari. Kung sakali man na magpapatakbo tayo ng mabigat na game ay asahan niyo na walang magiging problem.
Sa experience ko, kahit na mabigat yung mga games or application na papatakbuhin ko sa Poco F9 Ultra. Ang ilang first minutes ng paggamit, wala talaga kayong mararamdamang alarming heat sa likod. Lalo na kung naka-case kayo or gagamit man kayo ng cooler sa likod, mas maganda. Kung gusto ninyong isagad pa ‘yung graphics habang naglalaro kayo, i-swipe niyo lang from left edge to right. I-turn on niyo lang sa Game Turbo yung Wild Boost.
Battery
Specification:

Isa pa sa pinagmamalaki ng POCO sa F9 Ultra ay yung napakalaking battery capacity nito. Hindi biro ang nakuhang screen on time nito. Umabot ito ng 24 hours and 27 minutes. Ganon katindi yung battery performance na makukuha sa Ultra. At dahil nga naka-Silicone Carbon battery na ito, asahan niyo na yung battery health nito ay matagal bago ma-degrade. Ganun kaganda yung upgrade sa battery. Hindi kagaya sa previous generation na hindi pa naka-silicone carbon. Ang laki talaga ng difference sa F9 Ultra.

Sa unboxing, wala itong kasamang charger sa box. Ang ginamit ko sa charging test ko ay ang UGreen 100W Nexode Charger. From 19% to 100% ay 1 hour and 18 minutes ko lang ito na-charge.
Camera
Specification:

Ang isa sa pinakamalaking upgrade na makukuha natin sa F9 Ultra ay yung main camera na 200MP na ngayon. Reminder lang na yung 200MP ay hindi natin magagamit by default. Kung sakali man na gagamit kayo ng 200MP mode, naka-separate po ‘yan sa camera application. Asahan niyo na 9 to 10 seconds po ‘yung process kapag nag-take tayo ng picture na naka-200MP mode. Ang maganda naman ay pagkapindot natin ng shutter ay pwede na tayong gumalaw. Yung phone na ‘yung bahalang mag-process ng image. Para sa akin ay hindi ganun ka-practical ‘yung 200MP mode. Kung sakali na nagmamadali tayo at gusto natin mag-take ng madaming pictures, doun lang tayo sa default na 1x. Naka-14.1MP lang yun by default.


Ito ang sample photo screenshot:

Side by side, Naka-150% zoom ang 200MP photo at default na 14.1MP. Ang layo ng difference. Kung gusto ninyo na sobrang detail talaga yung makuhang picture ay go lang sa 200MP. Kailangan ninyong asahan na medyo matagal yung process pero sulit naman yung paghihintay niyo.
Photos and Videos
Ito ang mga sample zoom photo:




Ang layo ng mararating ng ating zoom. Medyo may switching pagdating sa timpla ng kulay. ‘Yun lang ‘yung sana ma-improve ng POCO sa mga paparating na software updates. Pero other than that, wala akong masabi. Maganda ‘yung quality ng mga photos mapa-indoor man. Kahit merong kukunang tao, naka-off lahat ng filter at ang ganda nung skin tone. Napaka-natural, napaka-lively pero in a positive way. Hindi overly saturated. Maganda yung natural bokeh nito.
Ito ang mga sample photos:




Kung magte-take kayo ng pagkain, okay na okay din ang phone. Napakaganda pa rin ng quality. Kahit na yung 2x or ibang zoom yung gamitin natin, magiging maganda yung quality. Even sa mga low light situations ay ang ganda ng HDR nito. Hindi sabog yung mga bintana kahit na maliwanag sa loob. Sa outdoor, ‘yung langit ay hindi pa rin blown out. Yung ulap ay napaka-crispy pa rin ng itsura. Ang quality ng photos na makukunan natin sa F9 Ultra ay masasabi kong maganda talaga.
Ito ang mga sample video screenshot:


Naka-8K video recording ito pero nag-scale na ito to 4K dahil sa video ng YouTube. Walang kaproble-problema ang phone. Hindi struggling ‘yung phone. Hindi rin ako nakaramdam ng init. Although, saglit lang naman talaga yung recording ko. Sa ibang mga phone na merong 8K recording ay medyo nahihirapan na yung phone. Pero sa F9 Ultra, hindi ito hirap. Sa selfie, kaya nitong mag-take ng 4K video recording. Pero hindi pa rin ako sobrang nagagandahan sa selfie camera. Okay naman ito pero hindi pa rin ganon kaganda. Ang layo ng difference sa main at sa selfie. Pero other than that, para sa akin ay ang ganda ng camera system ng F9 Ultra.
Display
Specification:

Kung i-enable natin sa Wild Boost, pwede itong umabot ng 4800Hz instant touch response rate. Pero huwag kayong masyadong mapa-wow sa 185Hz refresh rate. In reality, 120Hz lang yung maaabot natin sa mga everyday apps. Ang 185Hz refresh rate ng F9 Ultra, kagaya ng palagi kong sinasabi, ay for future proofing pa lang. Kasi kahit na i-enable ko yung 185Hz sa lahat ng application sa phone, hindi ko na-experience yung 185Hz. Maliban na lang sa mga mobile games na may support nito pero hindi ganon kadami. Thank you pa rin sa POCO. At least ay matagal talaga natin ito magagamit. At ready ito sa mga apps na may support sa ganon kataas na refresh rate.

Isa pang good news, Level 1 yung Widevine Security. Sa Netflix, makakapag-play tayo ng Full HD contents. Meron pa itong support sa HDR10, Dolby Vision, at HDR10+.
Verdict

Yan na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa POCO F9 Ultra. Pero may ilan din akong mga points na ini-share sa Pro version. Sakali man na hindi niyo kailangan nung sobra- sobrang bilis na phone. At okay na rin sa inyo ‘yung hanggang 512GB lang na storage at 12GB of RAM ay go for the Pro version. Kasi futureproof na rin naman yung phone sa ganong kataas na variant. Pero kung gusto nyo talagang isagad ‘yung performance, lalong-lalo na ‘yung storage, mag F9 Ultra kayo. Hanggang 16+1TB na storage na ang phone. Kung kaya ng budget natin at plano nating gamitin ng matagal yung phone. Duon tayo sa highest variant hangga’t possible. At hangga’t kaya ng budget kasi baka mas makatipid pa tayo in the long run.