POCO F9 Pro
Snapdragon 8 Elite Gen 5
LPDDR5X + UFS 4.1
6330mAh 100W
50W Wireless Charging
27W Reverse Charging

| DESIGN | IP68 – Dust & Water Resistant Nano SIM / eSIM + Nano SIM / eSIM 206g + 8.8mm Aluminum Frame |
| DISPLAY | 6.59″ AMOLED 185Hz 4500nits max brightness 10000nits peak brightness (HDR) 850nits typical brightness Corning Gorilla Glass 7i |
| PERFORMANCE | Android 16 HyperOS 16 4 Major Android Upgrades -6 Years Security Patches Snapdragon 8 Elite Gen 5 V Series -LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 12+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 200MP f/1.7 OIS Main 50MP f/2.0 Telephoto 2.5x Zoom 8MP f/2.0 Ultrawide Max video: 4k 60FPS 32MP f/2.2 Selfie Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 6330mAh 100W 50W Wireless 27W Reverse Wired 22.5W Reverse Wireless |

While writing this article, ang date ay Wednesday, August 19, 2026. Hindi pa officially nala-launch ang dalawang phone na iu-unbox natin ngayon. Ang POCO F9 Pro at F9 Ultra. Ibibigay ko sa inyo ang raw first impressions ko sa dalawang phone. Naka-plastic pa ito at hindi pa nau-unbox mula nang dumating. Iu-unbox natin ito at ipapakita ko na rin ang pagkakapareho at differences ng dalawang phone. Pero abangan niyo ang full review ko sa dalawang phone na ito. Para makita ninyo yung experience ko after ng ilang days na paggamit sa mga phone. Pati na ang typical test na ginagawa natin sa mga phone.
While writing this article ay hindi ko pa alam ang official price ng phone. Yung ginamit na chipset sa F8 Ultra ay same lang sa dalawang phone. Titingnan natin kung ano ang mga upgrades na ginawa ng POCO sa F9 Pro at F9 Ultra.
Unboxing



Ang configuration ng F9 Pro ay Aurora Green 12+512GB. Ang F9 Ultra naman ay Dark Cherry 16GB+1TB.
POCO F9 Pro



Unahin nating i-unbox ang POCO F9 Pro. Ang ilan sa pagkakapareho ng dalawang phone ay ang Display, Chipset, Storage, at main Camera. Makikita sa box ang Sound by Bose, maganda-ganda yung speakers ng dalawang phone. Pag-open ng box, document sleeve na makapal ang makikita. Sa loob ng document sleeve ay may SIM ejector pin, case, charger, at documentation. Sa ilalim ng box ang F9 Pro. Makikita sa balot ng phone ang ilang top specs. Nakalagay sa balot na Snapdragon 8 Elite Gen 5 pero V series at may specific model ng 8 Elite Gen 5.


Ang ganda ng F9 Pro. Ang perfect ng size nito. Malaki-laki ang size difference nito compared sa iPhone 17 Pro Max. Comfortable ito compared sa mga POCO na nasubukan ko before. Ang ganda ng pagka-matte nito. Yung pagiging green nito ay parang muted green. Mas toned down na green na ito.


Meron itong light graffiti effect. Kapag natamaan ng araw or ng UV light ang likod nito ay mas titingkad yung pagka-green nito. Pero mabilis din mawala at babalik sa dati. May makikita ring Powered by Bose sa camera plateau.
POCO F9 Ultra



Kagaya kanina, makapal ang document sleeve nito. Sa loob ay may SIM ejector pin, case, and USB-C cable. Sa ilalim ng box ang F9 Ultra. Nakabalot ito sa plastic na may top specs. Interesting na wala yung specific model ng Snapdragon 8 Elite Gen 5 sa Ultra compared sa Pro. Ang differences lang din na nakasulat sa top specs ay ang size ng display at battery capacity.

Grabe, ang ganda ng Dark Cherry! Medyo tunog O.A. pero ang ganda talaga sa personal. Ang sosyal ng pagkapula nito. Parang inunahan ng POCO na mai-release ang color red ng iPhone 18 series. Nagandahan ako sa kulay nito.



Ang ganda ng contrast ng dalawang kulay at ang sosyal ng kulay. Pero mas gusto ko yung Dark Cherry ng F9 Ultra. Don’t get me wrong, maganda rin ang F9 Pro. Meron din itong Powered by Bose sa camera plateau. Medyo may difference sa design ng Bose speaker ang F9 Pro at F9 Ultra. Almost same rin ang kapal. Mas mabigat naman ang F9 Ultra pero kaunti lang. Kagaya rati ay wala itong charger sa loob ng box.
Differences and Similarities

Periscope telephoto ang nasa Ultra kaya may box ang camera nito. Compared sa Pro na telephoto lang. Pero marami rin itong similarities.

Abangan niyo sa in-depth full review sa dalawang phone. Pero ang main highlight sa full review ay ang Ultra. Alamin natin kung anong malaking differences sa performance ang makikita natin. Kasi parehas lang ang chipset nito at ng F8 Ultra.

So far, pagdating sa design ay sobrang ganda. Hindi kagaya sa F8 Ultra na may pagka-jeans ang design. Pero sa F9 ay nag-stick sila sa pagka-iPhone or pagka-premium ng itsura. Yung display ng dalawang phone ay proportioned ang mga bezels. Meron din itong pre-installed screen protector.
Verdict

Pasensya na kayo at medyo onti ang details na nasabi ko. Talagang unboxing at first impressions lang yung target ko sa video. First impressions pagdating sa design ay sobrang ganda. Looking forward talaga ako na magamit ko na ang dalawang phone. Promising ang POCO F9 Pro at F9 Ultra.
Again, hindi ko pa alam ang SRP ng dalawang phone. Sa panahon ngayon na nagtataasan ang presyo ng halos lahat ng phone. Dahil sa crisis sa RAM at storage. Sa tingin ko ay may bump ng kaunti sa price ng dalawang phone compared sa price ng F8 series.