Xiaomi 17
Snapdragon 8 Elite Gen 5
LPDDR5X + UFS 4.1
6330mAh 100W
50W Wireless Charging
Xiaomi Shield Glass

| DESIGN | IP68 – Dust & Water Resistant Nano SIM / eSIM + Nano SIM / eSIM 191g + 8.06mm |
| DISPLAY | 6.3″ LTPO AMOLED 120Hz 3500nits max brightness Xiaomi Shield Glass Dolby Vision DCI-P3 |
| PERFORMANCE | Android 16 HyperOS 3 4 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Snapdragon 8 Elite Gen 5 LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 12+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.67 OIS Main 50MP f/2.0 OIS Telephoto 2.6x Zoom 50MP f/2.4 Ultrawide Max video: 8k 30FPS 50MP f/2.2 Selfie Max video: 4k 60FPS |
| BATTERY | 6330mAh 100W 50W Wireless |
Xiaomi 17 Case – https://invl.me/clnc3oq
Xiaomi 17 Tempered Glass – https://invl.me/clnc3om
After 2 weeks na nasa akin itong Xiaomi 17, gusto ko i-share sa inyo yung tatlong aspect nito na hindi ko na hindi masyadong na-tacle sa unboxing at first impressions. If ever na hindi niyo pa iyun napapanood, pwede niyong puntahan muna yun. Panoorin o basahin niyo muna. Para magka-idea kayo sa design at sa iba pang aspects ng phone. Pero ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa battery, data connection, pati na rin ‘yung camera.
Setup

Pakita ko muna sa inyo ‘yung setup ko sa Xiaomi 17. Una sa lahat, binilan ko ‘to ng case para hindi ko masyadong makita yung pagka-pink nito. Tinanggalan ko ‘to ng screen protector. Pero so far, after ng 2 weeks na nasa akin ‘tong phone ay wala pa ‘tong kahit anong gasgas. Kahit micro scratches. Palagi ko itong binubulsa at palaging nasa bag ko. Wala naman akong sinasamang coins or susi sa pinaglalagyan ko. Naingatan naman ito kaya wala talagang gasgas na nakuha ‘tong phone. Syempre, nag-order na rin ako ng tempered glass na magagamit ko.
Ito ang reason kung bakit napilitan akong ibenta yung Google Pixel 9A ko. Parang kailangan ko talagang mag-switch muna para maipakita sa inyo ng full details lahat ng experience ko. Kahit masakit sa akin na i-let go yung Pixel 9A, kailangan. Ang isa pa sa maganda sa Xiaomi 17 compared sa Pixel 9A ay ‘yung size. Mas maliit ito compared sa 9A. Pero hindi pa rin maaalis ‘yung advantage ng mga Google Pixel phones na sobrang dalas at sobrang tagal ng software updates. Itong Xiaomi 17, sa paggamit ko ng 2 weeks ay parang isa pa lang.

Hindi ako gumamit ng app drawer kaya merong malalaking folder kapag ini-swipe. Mukha itong iOS. Ayan yung aking setup sa Xiaomi 17. The rest ay mga apps na lang yung nadagdag. Tinanggal ko yung ilang mga Xiaomi applications.
Battery
Specifications:

Ginamit ko ito ng tuloy-tuloy hanggang sa umabot ito ng 20%. Pero kagaya rati, ang setting ay naka-Auto Brightness, naka-Auto Refresh Rate, at naka-Off yung Wi-Fi the whole time. Lagi itong naka-data.

Sa first day, tinanggal ko ito sa charger nang 7:20pm. After kong tanggalin ito sa charger ay ginamit ko ito. Nanood kami ng videos, nag-browse sa internet at marami pang iba. At paggising ko nang 5:28am, 68% yung battery remaining nito. Ito ay after ng 10 hours and 8 minutes of active usage. Medyo confusing talaga para sa akin yung data na binibigay ng HyperOS sa mga phones. Sa battery usage ay nakalagay doon ay “active”. Pero syempre, natulog ako at hindi ko actual na ginagamit yung phone habang natutulog. Siguro, ang ibig sabihin ng HyperOS ay hindi ito naka-off. Tuloy-tuloy pa rin naman yung pagtanggap nito sa notifications. Naka-connect pa rin ito sa ating data kaya siguro ay active pa rin.

Sa second day, 41% remaining at ang oras ay 5:12pm. After yan ng 21 hours and 52 minutes of usage. Around 10:09pm ay ini-check ko ulit at 27% na lang. After na yan ng 26 hours 49 minutes of usage. Isinagad ko pa to 20%, 10:57pm, after yan ng 27 hours and 37 minutes of usage.
Usage
All in all, kayang-kayang tumagal nitong Xiaomi 17 ng 2 and 1/2 days nang tuloy-tuloy kahit pa naka-data connection. Hindi ko masyadong ini-baby yung paggamit nung mga time na tine-test ko ‘yung battery nito. Una sa lahat, naka-data connection nga ito the whole time. Kahit nasa bahay ako ay hindi ko ino-off yung data.
Hindi ko rin ito ginawang secondary phone. Parang primary phone nga sa dalawang araw na paggamit ko nito. Kasi madalas ito talaga yung ginagamit ko sa chat at sa iba pang mga apps ko. Yung banking apps ko ay doun pa rin sa main phone ko which is yung iPhone. Pero the rest ng application, kahit yung pag-reply sa mga email, ay sa Xiaomi 17 talaga. Talagang pang primary phone yung usage ko sa mga ipinakita kong screenshot sa inyo ng 2 days. All in all, masasabi ko talaga na maaasahan at napakaganda ng battery performance nitong Xiaomi 17.

Pero syempre, nandito pa rin yung classic na pag-test natin sa battery, yan yung PCMark. Tingnan niyo naman, 24 hours and 1 minute. Ito na ata ‘yung may pinakamalaking SOT sa PCMark na nakita ko. Grabe, 24 hours. Kahit tuloy-tuloy ng buong isang araw gamitin ‘yung phone ay kayang-kaya. Pero dahil itong Xiaomi 17 ay walang kasamang charger out of the box, gumamit ako ng third party charger. Yan yung UGREEN GaN Fast Charger. From 17% to 100%, 1 hour and 25 minutes ko ‘to na-charge. Pero kung gagamit tayo ng official Xiaomi charger ay mas mabilis pa doon yung aabutin. Malamang sa malamang kasi 100W Hypercharge yung speed nito.
Data Connection
Kumusta iyung sagap nito sa 5G signal? Kagaya ng sinabi ko kanina, the whole battery test ko ay naka-data connection ako. Masasabi ko kung kumusta yung sagap nito sa signal sa bawat case scenario. Halimbawa nagba-browse lang tayo sa social media, nagba-browse sa website, o kaya naman nanonood tayo ng video or sa ibang streaming services.

Sa OOKLA ay nag-test ako, 302Mbps download speed at 20.6Mbps naman yung upload speed. Sa Google internet speed test, 205.8Mbps yung download at 24Mbps yung upload. At sa FAST, 260Mbps yung download at 17Mbps yung upload speed. Sa tatlong test, makikita natin na talagang napaka-reliable. Mabilis yung data connection natin sa Xiaomi 17. Kagaya ng palagi kong ginagawa, yung tatlong test na ‘yan ay ginawa ko sa studio. Kagaya ng palagi kong ginagawa sa lahat ng phone. Kaya if ever man na mas mabilis sa inyo ‘yung data connection ng 5G, dahil ‘yun sa location ninyo. Para kasi maging patas sa lahat ng phone na ni-review, lagi akong sa iisang location lang kumukuha at nagte-test ng data speed.
Sa paggamit ko nito ay wala akong naging problema. Kahit manood man ako sa YouTube ng naka-4K, mag-browse man ako sa Facebook, kahit sa TikTok, or mag browse ako sa Google Chrome. Wala akong naging problem sa Xiaomi 17 pagdating sa data connection nito. In short, reliable.
Camera
Specification:

Lahat ng camera nito ay maganda ‘yung quality. Hindi ko pa rin masasabi na iPhone Pro Max level ‘yung quality ng mga photos na makukunan sa Xiaomi 17. Pero pwedeng-pwede na as your secondary camera. Ang madalas kong gamiting settings ay Leica Vibrant. Yung telephoto camera ‘yung madalas na ginagamit ko na camera kapag nagta-take ako ng photo, kung sapat naman yung layo ko. Pero napaka-subjective nung setting ko na yun. Depende na ‘yun sa inyo. Yung ilan sa mga makikita niyong samples ay kuha sa telephoto camera at yung mga wide shots ay sa main camera.

Ito ang mga sample photos screenshots:




Ito ang mga sample video screenshots:


Conclusion

Yun na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa Xiaomi 17. If ever na gusto niyong bilhin yung case at yung inorder kong tempered glass. Nasa YouTube video description box yung link. Overall, masasabi ko na maganda itong Xiaomi 17. Sa halos lahat ng aspect ay talagang nag-excel ‘tong phone. Lalong-lalo na ‘yung battery nito. If ever man na gagamitin natin ‘to as main phone, kagaya ng paggamit ko. Hindi tayo mag-aalala na baka ma-lowbat agad ito. Tapos, yung data connection ay baka mabagal, hindi rin. Yung camera okay rin. Sa halos lahat ng aspect ay okay na okay itong phone na to. Pero kayo? Masasabi niyo ba na sulit itong Xiaomi 17? Or maghihintay pa kayo ng isa pang generation bago kayo bumili?