Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!

Mabilis talaga ang phone. At yan yung talaga ang focus ng Redmi K90 Max, yung performance. Kaya flagship killer ito kasi...
sulittechreviews June 29, 2026 11 minutes read

Redmi K90 Max

Dimensity 9500

LPDDR5X + UFS 4.1

8500mAh 100W

Dragon Crystal Glass

Watch Full Review

  • Specs
  • Price
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Battery
  • Camera & Verdict
  • Vid
DESIGNIP66, IP68, IP69 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
227g + 8.2mm
DISPLAY6.83″ AMOLED 1.5K
1280×2772 165Hz
3500nits max brightness
Dragon Crystal Glass
PERFORMANCEAndroid 16
Hyper OS 3.0
Xiaomi D2 Display Chip
4 Major Android Upgrades
6 Years Security Patches
Dimensity 9500
LPDDR5X RAM
UFS 4.1 Storage
12+256GB / 12+512GB
CAMERA50MP f/1.7 OIS Main
8MP f/2.2 Ultrawide
Max video: 8k 30FPS
20MP Selfie
Max video: 1080p 30FPS
BATTERY8500mAh 100W
22.5W Reverse Wired

12+256GB

32,990
PHP
BUY HERE

12+512GB

37,990
PHP
BUY HERE

16+512GB

40,990
PHP
BUY HERE

Ang pag-uusapan nating phone ay ang Redmi K90 Max. Mabibili ito sa AHH Xiaomi Manila. Pwede niyong i-message ‘yung kanilang Facebook page para sa updated pricing at available colors ng phone. Sila rin yung nagpahiram ng unit na gagamitin natin sa review na ‘to.

Mabibili ito sa dalawang configuration. Ang una ay 12+256GB na Php27,000. Yung 12+512GB ay Php32,000. Ito ang presyo as of making this article. Munting paalala lang na itong Redmi K90 Max ay hindi global version. China exclusive itong phone. Asahan ninyo na kapag na-setup niyo na ay wala itong Google Play Store by default. Pero napakadali lang i-install ng Play Store. I-open niyo lang ‘yung app store ng Hyper OS at i-search lang ang Google Play Store and install. Ganun lang kasimple.

Unboxing

Wala namang masyadong special sa box ng K90 Max. Maliban na lang sa Sound By Bose text. Napakaganda ng speakers ng phone, mamaya ay pag-usapan pa natin yan. Pag-open ng box, ang makikita ay document sleeve na may Redmi branding. Meron itong SIM ejector pin, hard case, manual, at maliit na brush. Pwedeng gamitin ang brush sa built-in cooling fan. Merong grills sa likod ang phone. Kaya kung may mag-accumulate na mga dumi, alikabok, o kaya balahibo ng pets ay madaling malilinis gamit yung brush.

Sunod ang Redmi K90 Max. Yung nandito ay ang Shadow Black. Napakaganda nito. Para sa akin ay isa to sa may pinakamagandang design sa mga phone na nahawakan ko ngayong 2026, so far. Matte finish pero may kunting-kunting texture ito sa likod. Napakaganda ng itsura. Lalo na sa personal, yung feels nito kapag hawak-hawak mo na.

Pero syempre ay gagamit ka naman ng hard case kaya hindi mo naman palaging mata-touch ang likod. Pero kung hindi man kayo gagamit ng case guys, napakaganda talaga ng feels kapag hawak mo na. Hindi ito kapitin ng smudges or fingerprint. Palaging malinis yung itsura nito.

Capabilities

Sa likod din ng phone ay may built-in fan sa may grills. Sa grills papasok yung hangin at lalabas naman sa ilalim ng camera module. Umiikot ito para makatulong sa cooling or thermals ng phone. Kahit na may butas sa likod, napanatili pa rin ng Xiaomi yung mataas na IP rating para sa K90 Max. Meron itong IP66, IP68, at IP69. At kung accidentally malublob sa tubig nang 1.5m for 30 minutes ay makaka-survive ang phone. Pero syempre ay ingatan niyo pa rin. Huwag niyong isasama sa pagsi-swimming. Good to know na kahit may magandang cooling system ito ay may magandang IP rating pa rin. Ibig sabihin, yung butas sa likod ay hindi tumatagos sa pinakaloob ng phone. Kaya walang papasukan talaga yung tubig.

Sa ilalim ng box, meron itong USB-A to USB-C cable at 100W charging brick. Sana, kapag lumabas na yung global version sa Philippines ng Redmi K90 Max ay meron ding kasamang charging brick.

Design

Meron itong tatlong colorway na pwedeng pagpilian. Space Silver, Shadow Black, at Sky Blue. Ang Shadow Black at Space Silver, ang ginamit na material sa likod nito ay tinatawag na GFRP. Ito ay Glass-Fiber Reinforced Plastic. Samantalang yung Sky Blue naman ay Silicon Polymer. Anong difference ng dalawa? ‘Yung Silicon Polymer na ginamit sa Sky Blue ay hindi ganoon kabilis lumamig. Kung sakali man na ginamit natin yung K90 Max sa mabigat na application at nag-accumulate ito ng mataas na temperature.

Samantalang iyung Space Silver at Shadow Black na naka-GFRP material sa likod, mas madali itong lumamig. Lagi itong malamig sa touch or sa feels by default. Kung sakali man na gumamit tayo ng mabigat na application or nag-games, mabilis din itong lalamig. I highly recommend, kung bibili man kayo ng K90 Max ay go for Silver or Black.

Sa taas ng phone ay makikita iyung branding ng Bose, Sound By Bose. Katabi niyan ang secondary speaker at IR Blaster. Sa ilalim naman yung main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM tray. Sa right side ang volume up and down buttons at power lock button. Meron itong Ultrasonic fingerprint scanner kaya mabilis at reliable.

Bose

Yung Sound By Bose na speaker nitong K90 Max ay 2.1. Ibig sabihin, merong maliit na woofer sa loob para mas maging maganda yung tunog. Lalo na yung bass. Sa experience ko, isa ito sa may pinakamalakas at pinaka-crispy na tunog ng speaker sa isang phone. Mas nagandahan pa ako sa speaker nito compared sa speaker ng iPhone 17 Pro Max na ginagamit ko.

Dual nano SIM lang yung pwedeng hawakan ng phone. Plus, wala po itong support sa eSIM. Sa Philippines, piling-pili yung mga network provider na makakasagap ng 5G connection sa phone na to. To be specific, DITO SIM lang. According to AHH Xiaomi Manila. At sa experience ko, sinaksak ko yung GOMO SIM at umabot lang ito ng 4G+. Hindi rin ganon ka-impressive yung nakuha nitong speed pagdating sa data connection. 120Mbps lang yung download speed at 21.1Mbps naman yung upload speed sa OOKLA. Sa FAST, halos ganun din. 120Mbps download at 35Mbps upload. Sa Google Speed Test, ito ang nakakuha ng pinakamababa. 105.3Mbps download at 13.9Mbps upload. Based sa tatlong test, tamang-tama lang. 6 or 7 lang yung data connection nito out of 10. Asahan ninyo na medyo compromise ‘yung signal ng phone. Pero kung naka-DITO SIM ka ay may possibility na makasagap ka ng 5G signal.

Sa accuracy ng Ultrasonic fingerprint sensor, isang dampi ay nag-a-unlock agad ito. Hindi ganon kaarte yung animation kapag naa-unlock yung phone. Napakabilis talaga. Reliable at mabilis yung fingerprint scanner.

Display

Specification:

Baka sabihin ninyo, “Ba’t ganun? Parang compromise ata ‘yung protection na inilagay ng Xiaomi”. Kasi dapat sa ganitong caliber ay naka-Corning Gorilla Glass Victus 2 na ito na protection. Yung ginamit na Dragon Crystal Glass Protection ay iba yung ino-offer na protection compared sa Corning Gorilla Glass Victus 2. Yung Corning Gorilla Glass Victus 2 ay mas matibay kapag naibagsak yung phone. Hindi iyun agad-agad mababasag pero mas madali iyung ma-scratch compared sa Dragon Crystal Glass. Ang ino-offer naman ng Dragon Crystal Glass na nakalagay sa Redmi K90 Max ay mas mahirap itong ma-scratch. Pero mas madali naman itong mababasag kapag nabagsak. May compromise pareho pero parehas may protection na ibinibigay sa atin.

At ang K90 Max display ay aabot ng 3500nits yung peak brightness. Kahit na gamitin pa ito outdoor ay makikita at makikita natin yung naka-display. Pagdating sa color accuracy, sa mata ko ay napaka-accurate. Napaka-vibrant ng display. Wala akong reklamo. Napakaganda ng color reproduction nito. At ang isa pa sa maganda ay yung Widevine Security nito. Level 1 ito at makakapag-play ng Full HD sa Netflix. Wala lang support sa HDR contents sa Netflix. Although sa specs ay meron itong support sa HDR10+ at Dolby Vision.

Paalala lang ulit sa screen refresh rate nito na up to 165Hz. Hindi pa lahat ng application na na-install sa phone ay makakapag-utilize ng ganyang kataas na screen refresh rate. Kahit i-custom yung setting at i-select lang yung up to 165Hz. Hindi lahat ng app ay compatible sa ganyang refresh rate. Pero at least ay may headroom ito. May future proofing pagdating sa mataas na refresh rate. Pero by default na setting, 120Hz to 60Hz and vice verse ang behavior nung refresh rate nito.

Performance

Specification:

Mabilis talaga ang phone. At yan yung talaga ang focus ng Redmi K90 Max, yung performance. Kaya flagship killer ito kasi talagang pang-flagship na yung performance na maibibigay sa atin. Meron pa itong tinatawag na Xiaomi D2 dedicated display chip. Ang maitutulong naman nito sa performance ay ito na yung bahala mag-handle ng frame generation or high refresh rate at hindi na yung chipset. Mas magiging magaan yung load kaya mas magiging maganda rin yung overall performance.

Pina-promise rin ng Xiaomi na itong K90 Max ay makakatanggap ng up to 4 Major Android Upgrades. Aabot ito ng Android 20. At makakatanggap ito ng 6 Years Security Patches. Good deal.

Benchmarks

Meron din itong memory extension. Pwede itong magbigay ng RAM na double nung physical RAM nito. Pero sa test ko, imbes na makatulong yung memory extension sa performance ay medyo nabawasan pa ng kaunti. Ang AnTuTu score kapag hindi ginamit ‘yung memory extension ay 3471899. Pero kapag ginamit ang memory extension ay 3423830 na lang. Medyo nabawasan ng kaunti ang score. 36.1°C yung starting temperature sa AnTuTu. Ganun din kapag naka-off yung MemFusion, naka 36.8°C ang starting temperature. Almost same yung temperature nung nag-start tayo na walang memory extension at merong memory extension.

Sa Wild Life Stress Test, after ng test ay 3% lang yung nabawas sa battery. Which is very good sa ganitong klase ng specs pagdating sa performance. 13°C lang ang nadagdag sa temperature. Ang laking tulong talaga nung cooling fan nito para ma-minimize yung alarming heat na pwedeng ma-generate. Mataas pa rin yung 48°C na temperature na na-reach nito. Pero para sa ganitong specs ng phone ay i-expect natin na lampas 50°C yung pwedeng abutin nito kung walang active cooling fan.

Pagdating sa gaming, as expected sa Racing Master, kahit na nakasagad ‘yung graphics ay napakaganda pa rin ng performance. Napaka-smooth ng gameplay. Walang akong kahit anong problema napansin. At medyo may init akong nafi-feel kasi walang case nung tine-test ko ito. Pero napanatili pa rin nito ‘yung magandang performance kahit ganoon. Sa Subnautica, sagad-sagad din yung graphic settings pero napaka-smooth at napakaganda ng graphic. Again, wala akong na-encounter na kahit anong issue.

Battery

Specification:

Mabuti na lang ay meron na itong 100W charging brick out of the box. Sa sobrang bilis nung charging nito ay hindi na-capture nung app na ginagamit ko yung total charging time. Iyan ay mula sa 18% to 100% charging. Ganun kabilis. Pero ang sure ko lang ay less than 1 hour.

Ang SOT na nakuha nito ay 25 hours 31 minutes. Para sa akin, kung naka-Wi-Fi tayo the whole day ay pwede itong umabot ng up to 3 days of usage. Kahit sa isang charge lang. Ganun ito katindi. Pero kung gagamit man tayo ng data the whole day ay pwede itong umabot ng 2 days. Ganon kaganda yung battery performance ng phone.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Okay lang. Wala naman nakaka-wow sa quality nung mga pictures. Minsan nga any nasosobrahan ako sa saturation. Hindi rin ganun kaganda yung exposure kung minsan. Pero at least ay hindi rin ganun kasama yung quality. Pwedeng-pwede na. Ito naman yung kadalasang compromise sa mga ganitong klase ng flagship killer na phone.

Ito ang mga sample video screenshot:

Pagdating sa video, up to 8K yung pwedeng i-record sa rear camera. Pero 4K lang yung ipapakita ko kasi hindi rin naman natin masyadong ma-appreciate yung 8K video recording. Pero at least ay merong future proofing. Stable din naman kahit naglalakad.

Ito ang sample selfie video screenshot:

Pero ang hindi maganda ay yung selfie camera nito. Although okay iyung quality pero 1080p video recording lang iyung pwedeng ma-record. Walang 4K video recording sa selfie camera pero yung likod ay up to 8K video recording.

Verdict

Yun na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa Redmi K90 Max. Anong masasabi ninyo sa phone na ‘to? Kung ako naman yung tatanungin, okay ito kung para sa presyo. Para sa akin lang, go for 512GB kasi ang tagal ng software support na ibibigay ng Xiaomi.

Yun lang, kailangan ko lang i-ready yung sarili ko na hindi ako makaka-experience ng 5G connectivity. Dahil naka-Globe SIM ako. Pero kung naka-DITO SIM ako ay walang magiging problema. Pero other than that, okay na okay ang phone. Kung humahanap kayo ng phone na maganda sa performance, magandang display, napakagandang battery life, ay okay na okay ito. Mare-recommend ko ito. Maraming salamat sa AHH Xiaomi Manila sa pagpapahiram ng unit na ‘to.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!

Related Tech

vivo X300 Ultra Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!

sulittechreviews June 29, 2026
Infinix HOT 70 on Case
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review

sulittechreviews June 29, 2026
itel A200 Beauty Shot
  • itel
  • Phones
  • Tech Blog

itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!

sulittechreviews June 22, 2026
  • Redmi K90 Max Beauty Shot 2
    Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!
  • vivo X300 Ultra Beauty Shot
    vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!
  • Infinix HOT 70 on Case
    Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review
  • itel A200 Beauty Shot
    itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
  • vivo X300 FE Beauty Shot
    Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review
  • BenQ MA270S Beauty Shot
    BenQ MA270S
  • Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators
  • vivo X300 Ultra Launch (3)
    Anne, Marian star in vivo X300 Ultra camera showdown

Recent Posts

  • Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!
  • vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!
  • Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review
  • itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
  • Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.