Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Unboxing ng Bagong Xiaomi 17!
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Unboxing ng Bagong Xiaomi 17!

For comparison lang para magkaroon kayo ng idea kung gaano ka-compact itong Xiaomi 17. Merong akong tatlong compact phones. Yung...
sulittechreviews April 15, 2026 8 minutes read

Xiaomi 17

Snapdragon 8 Elite Gen 5

LPDDR5X + UFS 4.1

6330mAh 100W

50W Wireless Charging

Xiaomi Shield Glass

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Camera
  • Display
  • Performance
  • Battery & Verdict
  • Video
DESIGNIP68 – Dust & Water Resistant
Nano SIM / eSIM + Nano SIM / eSIM
191g + 8.06mm
DISPLAY6.3″ LTPO AMOLED 120Hz
3500nits max brightness
Xiaomi Shield Glass
Dolby Vision
DCI-P3
PERFORMANCEAndroid 16
HyperOS 3
4 Major Android Upgrades
6 Years Security Patches
Snapdragon 8 Elite Gen 5
LPDDR5X RAM
UFS 4.1 Storage
12+256GB / 12+512GB
CAMERA50MP f/1.67 OIS Main
50MP f/2.0 OIS Telephoto 2.6x Zoom
50MP f/2.4 Ultrawide
Max video: 8k 30FPS
50MP f/2.2 Selfie
Max video: 4k 60FPS
BATTERY6330mAh 100W
50W Wireless

12+256GB

51,799
PHP
BUY HERE

12+512GB

55,799
PHP
BUY HERE

Xiaomi 16?

Medyo nakakatawa lang yung move ng Xiaomi. Kasi from Xiaomi 15 ay bigla silang tumalon to Xiaomi 17. ‘Yung mga naka-Xiaomi 15 ay parang two generations behind na agad-agad. Bakit ginawa ng Xiaomi yung move na yon? Para raw masabayan nila yung numbering ng iPhone, according yan sa ni-research ko. Kasi everytime na maglalabas ng bagong flagship lineup ang Xiaomi ay parang behind sila pagdating sa numbering. Ang ginawa nila, sinabayanan na nila yung numbering ng iPhone. Every time na magre-release ng iPhone ay same yung number na gagawin ng Xiaomi sa mga flagship lineup nila. Ganun sila ka-competitive pagdating sa iPhone.

Anyway, iu-unbox at ibibigay ko sa inyo ‘yung full specs at first impressions ko sa Xiaomi 17. Provided ito ng Xiaomi. Pinadala ito sa akin nang 3 days ago bago ko ginawa ang YouTube video. Ilang araw ko na rin itong ginagamit nang tuloy-tuloy para makakuha ng mga sample photos. Yung experience, performance, at battery ay na-test ko na rin. Isha-share ko ang ilan sa mga result. Pero magkakaroon pa ng dedicated full review para sa phone na ‘to. Para mibigay ko talaga yung real life experience ko sa phone. Gagamitin ko ito as my second phone.

Price

Sa Shopee, 12+256GB ay Php47,799. Yung isa naman ay 12+512GB na Php53,999. And halos same na same yung color set na pwedeng pagpilian sa Xiaomi 17. Meron itong Black, Venture Green, at Ice Blue. Ang kaibahan lang kapag 512GB ang pipiliin, meron itong exclusive color na Alpine Pink. At ito yung iu-unbox nating kulay ngayon. Kapag nakita ng mga tao na naka-Alpine Pink ka, matic na naka-512GB variant. Ang galing ng strategy ng Xiaomi. Malamang sa malamang ay madami naman talagang pumipili ng pink na color. Pero mas marami panigurado ang pumipili ng mga mas neutral at safe na color. Kagaya ng white at tsaka ng black. Para mapataas nila siguro yung bumibili ng ganitong klase ng kulay ay ginawa nilang exclusive sa 512GB.

Unboxing

Tingnan natin ang itsura at laman ng box nitong Xiaomi 17, 12+512GB na Alpine Pink. Kapansin-pansin na talagang ang nipis ng box nito. Nung una ko ‘tong nahawakan ay medyo may kutob na ako na may kulang na naman sa box. Pag-open, ang unang makikita ay ‘yung makapal na document sleeve. Sa loob nito ay SIM ejector pin, USB-A to USB-C cable, documentation, at transparent hard case.

Actually, ito yung first time na nahawakan ko ‘tong hard case. Maganda naman pala. Akala ko yung jelly case na typical. Nasilip ko ‘to pero hindi ko pa ito nahawakan at nagamit sa mismong Xiaomi 17. Pero ang reakson ko, bakit ganun? Kung kailan nasa flagship lineup ay bigla na lang transparent yung kulay nung free case. Para sa akin ay mas maganda pa rin yung rubbery yung feel ng case ng ibang mga Xiaomi phones. Hard case ito at frosted. Hindi naman super frosted pero matte ito. Ang ganda at okay naman pala.

Sunod naman ang Xiaomi 17 Alpine Pink na nakabalot sa paper. Wala ng ibang laman yung box. Wala itong charger. Pansin niyo ba na color pink talaga ito? Ginamit ko ito sa labas. Hindi ko ginamitan ng case para talagang makita yung kulay nito outdoor. Kapag hindi mo alam na pink ito, hindi ito sumisigaw ng pagka-pink. Nagtanong ako sa mga kakilala ko, parang hindi naman talaga ito super pink na pink. Parang may pagka-purple or may pagka-white. Para ma-convince ako ay nag-story ako sa Facebook page ng Sulit Tech Reviews. Sa story ko ay makikita iyung Xiaomi 17 at may tanong na “Ano sa tingin mo anong kulay nito?”. Merong nagsabi na gray, merong creamy white or off white, merong beige white, merong pearl white, at merong gold.

Alpine Pink

Patunay lang yan na itong Alpine Pink ay medyo confusing talaga sa personal at kahit sa picture yung kulay. Huwag kayong mag-alala if ever man na ito ‘yung mapili ninyong kulay o kaya ay may magregalo sa inyo ng Alpine Pink. Huwag mag-alala na sobrang pink ng kulay nito. Napakaelegante ng pagka-pink nito pero nasa pastel color yung ng pagka-pink nito. Ang ganda. Actually, nung una kong nakita yung Alpine Pink ng Xiaomi 17. Ang una kong agad naalala ay yung iPhone 6s Plus na Rose Gold. Mas matingkad pa rin yung pagka-pink non compared sa Xiaomi 17. Anyways, napakaganda nito at sobrang compact lang talaga ng size.

Pero in fairness, sa camera module ay mas gusto ko pa rin yung sa Xiaomi 15. Yun camera module non ay talagang flat na flat na hindi masisingitan ng alikabok. Unlike sa Xiaomi 17 na magkakahiwalay na naman. Masisingitan ito ng mga alikabok o dumi kung hindi natin iingatan. Kapag nakalagay na yung case ay ang ganda talaga. Kapag nakita ninyo ‘to in person ay sigurado akong magugustuhan niyo.

Design

For comparison lang para magkaroon kayo ng idea kung gaano ka-compact itong Xiaomi 17. Merong akong tatlong compact phones. Yung V70 ng vivo, Google Pixel 9A, at yung Xiaomi 17. Compared sa White na Pixel 9A. Mas halata na ‘yung pagka-pink ng Xiaomi 17. Sa vivo V70 naman, mas lumitaw na ‘yung pagka-pink nito. Pero kumpara sa dalawa na kung tutuusan ay compact na, mas maliit pa rin iyung Xiaomi 17. Magkakaroon tayo ng idea na mas komportable talagang gamitin yung Xiaomi 17 compared sa dalawa.

Naka-Ultrasonic fingerprint scanner na ‘to. Talagang napaka-secure ng biometrics. Meron itong support sa eSIM. Pwedeng magsalpak ng dalawang nano SIM, or dalawang eSIM, or isang nano SIM at isang eSIM. Itong Xiaomi 17 ay mayroong IP68 na rating. Hindi tayo mag-aalala if ever man na malubog sa tubig. Hindi ‘to agad-agad papasukin kahit pa ng alikabok.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshots:

At Ito naman ang sample selfie video screenshot:

4K ang video recording sa selfie camera nitong Xiaomi 17. Sa full review, magbibigay pa ako ng additional na sample ng video recording sa front facing camera. Lalo na outdoor at habang naglalakad.

Display

Specification:

Talagang napakaganda ng color reproduction nitong Xiaomi 17. Kahit sa mata ko ay napakaganda talaga ng kulay nito. Sobrang accurate. Kung sakali man ay gagamitin natin to sa TV series or movies, mag-e-enjoy talaga tayo. Lalo na at napakanipis ng bezels nito. Alam niyo kung ano yung hinangaan ko talaga sa display ng Xiaomi 17? Ginamit ko na ‘to sa labas. Kitang-kita kahit sa katirikan ng araw yung display. Ganun kaliwanag yung screen nito.

Performance

Specification:

Talagang napakabilis nito. Pagdating sa software support, ang sinabi pala ng Xiaomi sa kanilang mga paparating na flagship phones ay 4+6 policy. Ibig sabihin, 4 Major Android Upgrades at 6 Years Security Patches. Para ito sa kanilang mga flagship lineup kahit pa yung mga susunod. Ibig sabihin, itong Xiaomi 17 ay aabot ng Android 20. At ang security patches nito ay aabot ng February 2032. Ganun natin katagal magagamit itong phone.

Para magkaroon kayo ng idea sa bilis ng phone, tingnan natin ang AnTuTu score nito. Isa lang ‘to sa mga score na nakunan ko sa phone na ‘to. 3281334, napakataas. May nakalagay na “Defeated 87% of users”. Talagang pagdating sa performance, no question. Talagang mabilis yung Xiaomi 17 kasi nga nasa flagship lineup na ito ng Xiaomi. Pero pagdating sa thermals, ang ganda ng starting point na 27.3°C pero umabot ito ng 47.3°C. Sa AnTuTu ay nadagdagan ito ng 20°C. Ingat-ingat pa rin tayo sa phone.

Unlike sa ibang mga flagship phone ng Xiaomi na na-review ko, natapos nito yung Wild Life Stress Test. 8% lang ‘yung nabawas sa battery nito. Pero pagdating sa thermals ay nadagdagan ito ng 18°C. Hinay-hinay tayo. Mainit pa rin talaga yung phone. Pero again, natapos nito yung Wild Life Stress Test compared sa ibang mga Xiaomi phones.

Battery

Specification:

Sa Wild Life Stress Test ay 8% lang yung nabawas sa battery after yung 20 minutes na mabigat na test. Magkakaroon tayo ng idea na maganda talaga yung battery consumption nitong Xiaomi 17. Nag-uumpisa pa lang ito at wala pang mga bagong software updates na na-receive mula nung na-unbox ko ‘to. Magi-improve pa yung battery performance nito by time. Ayoko pang ipakita sa inyo yung SOT na nakuha ko sa PCMark. Pero, ito yung pinakamataas na screen on time na nakuha ko sa isang Xiaomi flagship phone ever. Kahit pa sa mga phones ng POCO. Kahit pa sa vivo, mas mataas yung nakuha nating SOT sa Xiaomi 17.

Hindi natin iintindihin yung battery consumption sa flagship phone ng Xiaomi na Xiaomi 17. Talagang mag-e-enjoy lang po tayo sa paggamit sa phone. Hindi nag-aalala na baka by the end of the day ay lowbat na lowbat na yung phone. Kasi nga ang bilis nung chipset nito at napakataas ng peak brightness nito. I guarantee you na talagang maganda yung battery consumption nito.

Conclusion

Yun muna ang mga gusto kong i-share sa inyo. At least ay nasabi ko sa inyo yung full specs ng Xiaomi 17. Sa tingin niyo ba ay okay yung phone na to compared sa nagdaang Xiaomi 15? Abangan niyo yung full review natin sa Xiaomi 17. Kung saan ay ipapakita ko sa inyo yung real life usage ko sa phone na to.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Magaan, Compact, at Murang Laptop Pang-WFH at Pang-Travel!
Next: Grabe sa Performance itong POCO X8 Pro Max!

Related Tech

VW_KV_Group KV_2 CMFs_16x9_RGB
  • Digital Walker
  • OnePlus
  • Phones
  • Press Release

OnePlus Unveils the Nord 6: “Flagship-Crusher” with Elite Gaming and Long Battery Life

sulittechreviews April 15, 2026
vivo V70 FE - Muse Purple
  • Phones
  • Press Release
  • vivo

vivo V70 FE now on pre-order with exclusive freebies

sulittechreviews April 15, 2026
POCO X8 Pro Full Review Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Mga Dapat Mong Malaman sa POCO X8 Pro!

sulittechreviews April 15, 2026
VW_KV_Group KV_2 CMFs_16x9_RGB
Digital Walker OnePlus Phones Press Release

OnePlus Unveils the Nord 6: “Flagship-Crusher” with Elite Gaming and Long Battery Life

sulittechreviews
April 15, 2026 0
vivo V70 FE - Muse Purple
Phones Press Release vivo

vivo V70 FE now on pre-order with exclusive freebies

sulittechreviews
April 15, 2026 0
POCO X8 Pro Full Review Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

Mga Dapat Mong Malaman sa POCO X8 Pro!

sulittechreviews
April 15, 2026 0
Xiaomi 17 Full Review Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

Two Weeks sa Xiaomi 17 – GINULAT AKO NITO!

sulittechreviews
April 15, 2026 0

Recent Posts

  • OnePlus Unveils the Nord 6: “Flagship-Crusher” with Elite Gaming and Long Battery Life
  • vivo V70 FE now on pre-order with exclusive freebies
  • Mga Dapat Mong Malaman sa POCO X8 Pro!
  • Two Weeks sa Xiaomi 17 – GINULAT AKO NITO!
  • Grabe sa Performance itong POCO X8 Pro Max!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.