Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Mga Dapat Mong Malaman sa POCO X8 Pro!
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Mga Dapat Mong Malaman sa POCO X8 Pro!

Kung kaya ng budget natin ay go for the highest variant na 12+512GB. Lalo na kung plan nating gamitin 'tong phone nang...
sulittechreviews April 15, 2026 9 minutes read

POCO X8 Pro

Dimensity 8500 Ultra

LPDDR5X + UFS 4.1

6500mAh 100W

3500nits max brightness

IP68, IP69K

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price
  • Back Light
  • Data
  • Battery
  • Performance
  • Camera
  • Verdict
  • Video
DESIGNIP68, IP69K – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
201g + 8.38mm
Glass Black
DISPLAY6.59″ LTPS AMOLED 120Hz
1.5K 12-Bit DCI-P3
HDR10+ Dolby Vision
3500nits max brightness
2000nits typical brightness
Corning Gorilla Glass 7i
Wet Touch Display 2.0
PERFORMANCEAndroid 16
HyperOS 3.0
Dimensity 8500 Ultra
LPDDR5X RAM
UFS 4.1 Storage
8+256GB / 8+512GB / 12+512GB
CAMERA50MP f/1.5 OIS Main
8MP f/2.2 Ultrawide
Max video: 4k 60FPS
20MP f/2.2 Selfie
Max video: 1080p 60FPS
BATTERY6500mAh 100W
27W Reverse Wired

8+256GB

16,699
PHP
BUY HERE

8+512GB

17,899
PHP
BUY HERE

12+512GB

18,899
PHP
BUY HERE

Malamang sa malamang ay alam na alam mo na kung ano yung presyo nitong POCO X8 Pro. Talagang pinag-uusapan sa social media ngayon yung phone na to. Dahil nga affordable yung presyo kung pagbabasehan yung specs or performance na makukuha sa phone.

Price

As of writing this article, ang presyo ng 8+256GB ay Php15,799. Yung 8+512GB naman ay Php16,699. At yung 12+512GB ay Php17,599. I highly recommend, palaging sa highest variant or highest configuration ng isang phone ang piliin niyo. Lalo na kung plano niyong gamitin ng matagal-tagal.

Back Light

Kapag tiningnan yung likod nitong POCO X8 Pro, parang plain lang na phone ng POCO. Walang kahit anong design. Pero ‘yung paligid pala ng dalawang camera ay merong light effects. Pupuntahan lang sa additional settings at makikita na ‘yung backlight effects settings. Pwede nang mamili kung anong makaka-trigger sa backlight effects. Pati na rin yung kulay ng backlight effect. Pero para sa akin ay saktong-sakto yung pula kasi merong red accent yung power button. Pero syempre depende pa rin sa taste ninyo. Pwedeng i-customize yung brightness nung backlight effect. Pati na rin yung separate na kulay sa notification at marami pang iba.

Data Connection

5G na itong X8 Pro. Tingnan natin kung malakas ba itong sumagap ng signal. Again, yung pag-test natin ng connection ay laging sa mismong studio para patas. Unahin natin yung OOKLA speed test, 142Mbps ‘yung download at 8.38Mbps naman ‘yung upload speed. Sa Google Speed Test, 214.2Mbps ‘yung download at 23.5Mbps naman yung upload speed. At panghuli sa FAST, 210Mbps yung download at 78Mbps naman yung upload speed.

Sa mga data na nakuha, masasabi ko na stable naman yung data connection. Kahit na medyo mababa ‘yung sa OOKLA compared sa dalawa. Hindi pa rin ganon kalayo compared sa dalawa pang test. Nasa three digits lahat yung download speed na nakuha sa iba’t ibang speed test websites. Para sa mga gagamit sa POCO X8 Pro sa work, lalo na kung iyung work ay nangangailangan ng data connection. Saktong-sakto itong phone sa inyo. Mabilis naman yung pagsagap nito sa 5G.

Battery

Specification:

Kung ma-lowbat ang iba nating device at wala tayong dalang power bank. Pwede natin itong gamitin as emergency power bank. Pero hindi ko ire-recommend na palagi niyong gawin iyun. Hindi pa rin ganon kalaki yung capacity nito para gawing full blown power bank. Ang SOT na nakuha sa PCMark, 16 hours and 15 minutes. Medyo malayo sa nakuhang SOT sa POCO X8 Pro Max. Kasi 23 hours mahigit ang SOT ng X8 Pro Max. Well, not bad pa rin naman yung SOT na yan. Masasabi natin na makaka-last pa rin ito the whole day. Kahit pa naka-data, for sure ay meron pang sukli na battery level pag-uwi ng bahay.

Pero kagaya ng sinabi ko, medyo malayo ang SOT sa nakuha natin sa POCO X8 Pro Max. Syempre ay 8500mAh yung battery capacity non. Samantalang itong X8 Pro ay 6500mAh lang. Kung gusto ninyo ng mas mahabang SOT ay mag-Pro Max na lang kayo. Sa charging, from 20% to 100% ay 50 minutes ko lang na-charge itong phone.

Kung gusto ninyong gamitin palagi yung 100W na charging speed nitong POCO X8 Pro. I-make sure lang na sa battery settings > charging options, piliin niyo yung Top Speed charging. Pero hindi ko ire-recommend na palaging ganun ang gawin ninyo. Magge-generate pa rin ng alarming heat itong POCO X8 Pro kapag naka-100W palagi yung charging speed. Kung gusto ninyo magtagal yung battery health nito ay gamitin niyo lang yung 100W max speed charging kung talagang kailangan. Pero kung mga normal days ay kahit yung slow charger lang ay okay na. Or kung icha-charge itong phone habang natutulog, okay na yung mabagal lang. Para hindi mag-generate ng heat at tumagal pa sa inyo yung phone.

Performance

Specification:

Meron itong memory extension up to 12GB. Ang AnTuTu score na nakuha kapag naka-Off yung memory extension ay 2030747. Pero kapag ginamit na yung memory extension ay naging 2076566. Mas bibilis pa yung phone kung gagamitin natin yung memory extension. Pero hindi pa rin advisable na palagi nating gamitin ‘yun memory extonsion. Pero kung naka-12GB tayo na variant, malamang sa malamang ay enough na enough na ito.

Kagaya ng sinabi ko kanina, kung kaya ng budget natin ay go for the highest variant na 12+512GB. Lalo na kung plan nating gamitin ‘tong phone na ‘to ng marami-raming taon. Lalo na kung malalaman ninyo ‘yung software support nito. Ang promise ng POCO ay 4 Major Android Upgrades. Ngayon ay naka-Android 16 ito out of the box. Aabot ito ng Android 20. Based yan sa na-research ko. Ito po ang maganda, meron itong matatanggap na 6 Years Security Patches. Maganda yung promise ng POCO rito.

Pag-usapan natin yung thermals. Sa Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 7% battery after ng test. Nadagdagan ito ng 18°C sa temperature. Ganun katindi yung init na kayang ma-generate ng phone na to. Yung final temperature ay umabot ng 51°C. Again, hinay-hinay tayo sa POCO X8 Pro. Medyo aggressive at powerful talaga ‘yung chipset nito. Kaya kung sakali man na magge-games tayo ay huwag naman yung sobrang tagal. Lalo na kung ang game na papatakbuhin natin ay mabigat talaga yung graphics. Mas maganda kung gagamit tayo ng cooling fan na dinidikit sa likod ng phone. Para maiwasan yung sobrang pagtaas ng temperature.

Gaming

Sa gaming sa Subnautica, mataas yung graphic settings nito. Naka-120 FPS gameplay ito. Feel na feel ko talaga ito habang naglalaro. Kahit na open world ito at mabigat yung graphics ng game ay kinaya ng POCO X8 Pro. Ilang minuto lang ay meron na akong nafe-feel na alarming heat sa may likod. Please take note na wala akong case na gamit kaya talagang mararamdaman ko naman agad. Compared kung meron akong case na gamit. M Meron tayong idea na mabilis talagang uminit itong POCO X8 Pro sa mga ganitong klase ng scenario.

Sa Racing Master, sagad din yung graphics nito. Walang kaproble-problema pagdating sa mismong gameplay. Nung nilaro ko ‘to, kakatapos ko lang rin laruin yung Subnautica. Mga siguro ay 5 minutes or less tapos pumunta na ako agad sa Racing Master. Isang game lang yung ginawa ko rito. Pero ayun, mas lalo kong na-feel na tumindi yung init sa likod. Hindi naman naapektuhan yung gameplay or yung performance ng phone. Napaka-smooth pa rin ng buong gameplay. Na-generate pa rin nito lahat ng graphics. Walang stutter at walang frame drops. Mainit lang talaga sa likod. Unlike sa mga phone na na-review ko before na nag-generate rin ng alarming heat habang naglalaro ng mabigat na game. Itong POCO X8 Pro ay hindi ganon kabilis mag-subside yung init sa likod.

Heat

Siguro nga ay dahil wala akong case na suot sa phone kaya feel na feel ko talaga ‘yung init. Inabot ako ng ilang minuto bago ko ma-feel na naging normal na yung temperature sa likod. Keep in mind na dahil nga aggressive yung Dimensity 8500 Ultra, at medyo malakas din talaga sa battery yung display. Asahan ninyo na magge-generate ito ng alarming heat. Hinay-hinay lang tayo sa paggamit sa POCO X8 Pro. At kung sakali naman na gagamitin natin to as our daily driver. Pang-social media, GPS based applications, offline applications, or internet browsing. Walang magiging problem sa phone. Hindi ito magge-generate ng alarming heat. Hindi kagaya nung naramdaman ko habang naglalaro ako. Pero kung magpapatakbo tayo rito ng mabigat na game, mag-e-edit ng mabigat na mga videos or photos, possible na ma-experience natin yung init na iyon.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photo screenshot:

Iilan lang ‘yung additional photos ko rito kasi wala naman talagang surprising sa quality ng POCO X8 Pro camera. Ito talaga ‘yung compromise nito. Asahan ninyo na hindi nakaka-wow ‘yung quality ng photos. Although, napaka-decent para sa presyo nito. Okay na rin basta okay rin yung lighting. Pero kung sa loob ng bahay, loob ng restaurant, mga indoor shots ay makukulangan tayo sa brightness. Pwede namang i-edit pera asahan na medyo magiging noisy ito.

Ito ang sample video screenshot:

Pagdating sa 4K video recording sa main camera, kahit indoor ito basta okay naman yung liwanag sa kwarto ay magiging maayos naman yung quality ng video.

Conclusion

Yun na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa POCO X8 Pro na hindi ko nasabi at naipakita sa unboxing at first impressions. Sana nakatulong ito para mas makapag-decide kayo kung ang POCO X8 Pro ba yung dapat ninyong bilhin as your next daily phone. Pero before tayo magtapos, meron tayong iu-unbox na POCO X8 Pro Max na iba sa na-unbox natin na POCO X8 Pro Max na full review.

POCO X8 Pro Max

Ito ay color White. At least, magkaka-idea kayo kung anong itsura ng color White na POCO X8 Pro Max. I-unbox natin ay POCO X8 Pro Max na 12+512GB na highest variant. Nakabalot pa sa plastic yung mismong box nito. Wala namang pinagkaiba sa unboxing ng first X8 Pro Max. Papakita ko lang sa inyo yung color White na POCO X8 Pro Max. Ang ganda pala nitong White, grabe oh! Meron itong stripes. Hindi kagaya sa POCO X8 Pro Max na naipakita ko sa full review. Plain lang yun na black. Parang itong POCO X8 Pro. Pero itong puti ay ang ganda.

Ganda! Ayos pala ‘tong puti. Mas recommended ko ‘to compared sa itim. Kapag sinuot yung case ay bagay naman. Nagustuhan ko ‘tong puti. Para dun sa mga bibili pa lang ng POCO X8 Pro Max, I highly recommend ‘yung color White. Ang ganda talaga. Kung ako lang yung bibili at pipili para sa inyo, White ang pipiliin ko kasi ang ganda. Mas premium yung dating nung itsura nito dahil sa kulay. Ayun lang naman. At least ay nagka-idea kayo sa POCO X8 Pro Max color White at na-review natin na POCO X8 Pro Black.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Two Weeks sa Xiaomi 17 – GINULAT AKO NITO!
Next: vivo V70 FE now on pre-order with exclusive freebies

Related Tech

Quintuple Prism Reflection Periscope Structure
  • Phones
  • Press Release

OPPO Find X9 Ultra: Go Further with Your Next Camera

sulittechreviews May 16, 2026 0
vivo X300 Ultra unveils stunning portraits ahead of May 23 launch
  • Phones
  • Press Release
  • vivo

vivo X300 Ultra unveils stunning portraits ahead of May 23 launch

sulittechreviews May 16, 2026
Compact flagship vivo X300 FE previews pro shots, coming on May 23
  • Phones
  • Press Release
  • vivo

Compact flagship vivo X300 FE previews pro shots, coming on May 23

sulittechreviews May 16, 2026
1200x628---Y31d-pre-order
Press Release vivo

SPECIAL OFFER: Pre-order vivo Y31d with Php 3k off

sulittechreviews
May 16, 2026 0
Quintuple Prism Reflection Periscope Structure
Phones Press Release

OPPO Find X9 Ultra: Go Further with Your Next Camera

sulittechreviews
May 16, 2026 0
vivo X300 Ultra unveils stunning portraits ahead of May 23 launch
Phones Press Release vivo

vivo X300 Ultra unveils stunning portraits ahead of May 23 launch

sulittechreviews
May 16, 2026 0
Compact flagship vivo X300 FE previews pro shots, coming on May 23
Phones Press Release vivo

Compact flagship vivo X300 FE previews pro shots, coming on May 23

sulittechreviews
May 16, 2026 0

Recent Posts

  • SPECIAL OFFER: Pre-order vivo Y31d with Php 3k off
  • OPPO Find X9 Ultra: Go Further with Your Next Camera
  • vivo X300 Ultra unveils stunning portraits ahead of May 23 launch
  • Compact flagship vivo X300 FE previews pro shots, coming on May 23
  • Redmi A7 Pro
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.