Infinix XPAD 30 Pro
Helio G200 Ultimate
LPDDR4X + UFS 2.1
8200mAh 18W
SIM + microSD Support
Aluminum Back

| DESIGN | Nano SIM + microSD (up to 2TB) 476g + 6.6mm Aluminum Back |
| DISPLAY | 11″ TFT LCD 90Hz 2.5K 550nits max brightness 500nits typical brightness Panda MN228 |
| PERFORMANCE | Android 16 XOS 16.3 1 Major Android Upgrades 2 Years Security Patches Helio G200 Ultimate LPDDR4X RAM UFS 2.2 Storage 6+128GB / 8+256GB |
| CAMERA | 8MP f/2.0 OIS Main Max video: 1080p 30FPS 8MP f/2.0 Selfie Max video: 1080p 30FPS |
| BATTERY | 8200mAh 18W |
Alam niyo ba na yung presyo nitong Infinix XPAD 30 Pro “All-round entertainment tablet” ay pwedeng mabawasan ng Php1,000 ang presyo? Iyan ay kung maabutan ninyo yung promo nila. From Php13,999 SRP ay magiging Php12,999 na lang. Meron pang mga freebies na kasama kapag naabutan ninyo ‘yung promo. Una ay protective case, X Pencil, at 1-Year viu premium subscription. May bundle pa na XPAD 30 Pro + X Keyboard 11 for Php14,699.
Unbox natin ito at pag-usapan natin ang magagandang features. Sa dulo ay tingnan natin kung sulit ba ang tablet para sa presyo.
Unboxing

Ang sinabi kong presyo kanina ay ‘yung 6GB+128GB. Up to 12GB naman ang Extended RAM nito. At ‘yung color Twilight Purple ‘yung nandito. Pero kung hindi niyo type ang color Twilight Purple, meron pa silang Anthracite Grey at Titanium Silver.
Makikita agad sa harap ng box yung itsura ng tablet. May kasama na itong protective case sa loob. 4G capable na ang tablet. Hindi kagaya ng ibang mga tablet ngayon na naka-WiFi lang. Ito ay meron nang 4G capability. Kung kailangan mong gamitin ang tablet sa labas at kailangan mo ng internet ay hindi mo na kailangang mag-hotspot pa. Pwede mo na itong lagyan ng SIM at i-on mo lang yung data nito. Makakapag-internet ka na.
Case




Pag-open ng box ay merong makapal na documents sleeve. Dito nakalagay yung protective case. May pagka-leather yung feels ng protective case. Premium yung itsura at yung feels nito. Matigas yung likod, Hindi kagaya ng mga folio case ngayon na nabibili sa market. Okay naman yung itsura kaya lang ay ang flimsy at ang nipis nung likod. Well protected ‘yung XPAD 30 Pro.


Sunod ang mismong tablet. Nakabalot ito sa paper plastic at nakalagay ang mga top specs. Lahat naman ‘yan ay pag-uusapan natin mamaya. Napakasimple ng design ng XPAD 30 Pro na Purple. Wala naman akong masasabing special. Yung camera design nito na parang dual tone ang design ay mahaba. Para sa akin ay hindi ko ito masyadong type. Mas maganda kung square lang yung dual tone. O kaya ay wala na lang na parang dual tone para mas seamless yung itsura. Hindi ako masyadong nagandahan sa part na ‘to ng likod. Pero syempre ay napaka-subjective kasi ng design ng isang tablet. Depende na yun sa tumitingin.






Pero nanalo ng 2026 European Product Design Award ang Infinix XPAD 30 Pro dahil sa sleek design nito. Meron itong dual speakers. Sa taas at sa baba ng tablet. USB-C port pa rin ito. Kagaya ng sinabi ko kanina, pwedeng maglagay ng SIM sa tablet na ito. Sa ilalim ng box ay hindi mawawala yung mga documentations, 18W charging brick na USB-A, at yung USB-C to USB-A cable.
Design





Kapag inilagay ang protective case sa XPAD 30 Pro ay well protected yung likod. Dahil sa hard case ang part sa likod. Pero medyo exposed yung ilang parts. Pero okay lang iyun kasi iba ‘yung paraan natin ng paggamit sa tablet compared sa phone. Kadalasan ay ginagamit lang natin yung tablet kapag magbabasa tayo ng pdf or ebook. O kailangan natin na makita ng mas malaki ‘yung website.
Hindi natin ‘to nilalabas sa mga public place, usually. Yung ganitong klase ng design ng case, para sa akin ay okay lang kahit may mga exposed na mga parts yung tablet.
Pero napaka-unnecessary ng butas nito sa bandang camera. Sana ang ginawa ng Infinix ay naka-expose lang yung camera. Tapos, meron itong subtle na Infinix logo sa likod ng folio case. At kagaya ng ibang folio case ay pwede nating itayo or itupi para maitayo yung tablet. Kapag ikino-close ang case ay nagla-lock ang tablet. Kapag in-open ay mawe-wake ang tablet.
At meron na itong pre-installed screen protector. Hindi natin kailangan bumili agad-agad ng tempered glass.
Biometrics
‘Yun nga lang ay kailangan ninyong tandaan na wala itong biometric kagaya ng fingerprint scanner. Pero pwedeng mag-set ng password, pin, or gesture. Pero yung physical na biometrics ay wala. Meron din naman itong face unlock pero alam naman natin na hindi iyun ganon ka-secured. Mas maganda sana sa susunod na mga iteration ng mga XPAD tablet ng Infinix ay gawin nilang standard yung paglalagay ng fingerprint scanner. Kahit yung power button na fingerprint scanner na. Para medyo mas mag-level up pa sila compared sa ibang mga Android tablets ngayon sa market. Opinyon ko lang, mas okay sa akin na walang folio case sa loob pero may biometrics.

Pagdating sa weight, almost same ito ng bigat ng iPad Air na 462 grams. Ang XPAD 30 Pro ay 476 grams to be exact. Ang SIM tray nitong XPAD 30 Pro ay pwedeng maglagay ng isang nano SIM at isang micro SD card. At kaya nitong mag-handle ng up to 2TB na micro SD.

Pagdating naman sa camera, nasa gitna ‘yung selfie camera or webcam nito kapag naka-landscape mode. Hindi awkward kapag nagta-take tayo ng video calls. Good job sa Infinix. 1080p yung sagad na video recording sa selfie camera. Ganun din sa likod ay same na 8MP.
Connectivity



Sa 4G connectivity, sa Ookla ay 15.4Mbps download at 14.6Mbps upload speed. Sa Google Speed Test ay 15.1Mbps download at 10.9Mbps upload. Panghuli sa Fast, 20Mbps download at 11Mbps upload. Para sa akin ay okay na okay. Acceptable at reliable yung speed na nakuha natin sa 4G connectivity para sa mga daily use like social media, pag-stream sa movies, or YouTube. Okay na okay na yung speed nito.
Overall, pagdating sa design nitong XPAD 30 Pro. Masasabi ko na very comfortable itong gamitin. Okay na okay ito para sa isang tablet. Hindi ito sobrang laki. Hindi ko masasabing compact kasi lampas na ito ng 8″. Pero ‘yung form factor nito ay hindi disturbing kung gamitin natin ng matagal sa labas or sa pagbabasa. 6.6mm ang kapal nito at 476 grams pero kahit Ilagay sa bag ay hindi ganon ka-disturbing yung size. Kahit yung weight. “Ultra-Slim & Ultra-Light, Seamlessly Stylish Design” ang sabi ng Infinix. Para sa akin ay goods na goods yung design nito. Especially, meron itong 4G capability. Pag-usapan natin ang isa sa pinakamahalagang aspect ng tablet, ang battery capacity.
Battery
Specification:

Kagaya ng palagi kong sinasabi, kapag ang isang Android tablet ay umabot ng mga 10 to 12 hours of Screen-On-Time. Para sa akin ay enough na enough na yun para mag-last ito the whole day. Kagaya ng sinabi ko kanina, magkaiba yung paggamit sa phone at sa tablet. Hindi tayo usually tuloy-tuloy na gumagamit ng tablet. Hindi kagaya sa phone, Pero sa XPAD 30 Pro, nakakuha ito ng almost 15 hours of Screen-On-Time. Yes, very good yung screen on time na nakuha sa tablet. Sa charging ay hindi ko pa na-record ang charging. Pero according sa na-research ko, from 0% to 100% ay possible na 2.5 hours to 3 hours yung aabutin. Isipin niyo, may 4G capability ang tablet. Plus, matagal ma-lowbat. Goods talaga.

Display
Specification:

Ang peak brightness ay very enough kung sakaling gagamitin man natin ito outdoor. Yun nga lang ay medyo reflective talaga ang tablet dahil na rin sa screen protector na naka-install. Kung merong available sa market na matte tempered glass ay mas okay gamitin yun. Kung pag-uusapan ang color reproduction nito. Sa mata ko lang ay okay na okay ‘yung kulay nito. Hindi sobrang saturated. Hindi rin naman bluish at hindi rin naman yellowish. Saktong-sakto lang. Mag-e-enjoy tayo sa panonood ng mga contents. Lalo na kung mag-stream tayo ng mga movies.

Speaking of movies, good news kasi Widevine Security Level 1 ito. Tapos, makakapag-play tayo sa Netflix ng Full HD contents.




Sa display settings, Meron itong Eye Care settings. Kaya ‘yan ‘yung tawag ng Infinix sa display ng XPAD 30 Pro, Eye Care Display. Kapag in-enable ito ay mae-enable yung blue light protection. Maganda yan para sa mga students or sa mga matagal gagamit ng tablet. Meron din itong Color Style kung gusto nating timplahin yung color temperature or white balance ng display. Yung Screen Refresh Rate options ay tatlo. Merong Auto, Standard, and High.
Performance
Specification:

Meron pa itong MemFusion na up to 6GB. In total, pwedeng umabot ng 12GB yung total RAM. Hindi ito official pero according sa ni-research ko, pwede itong makatanggap ng 1 Major Android Upgrade. From Android 16 ay pwede itong umabot ng Android 17. Pagdating naman sa security patch ay possible raw na umabot ito ng 2 Years.

I-demo ko sa inyo ang ilan sa makikita ninyo sa UI ng XOS 16.3 sa XPAD 30 Pro. Meron pa rin itong tatlong dot sa taas ng bawat application kung saan magagamit natin for multitasking or multi-window. Kapag tinap yan ay pwede pa tayong mag-open ng isang window sa kabila. Pwedeng i-resize yan depende sa gusto natin.




At meron pa itong mga educational apps na pre-installed. For example, Google Classroom, EduDesk, E-Book, Hi-Tutor, at Learning Center.
Features




Meron pa itong mga AI features. Sa settings ay hanapin niyo lang ang Infinix AI. Merong mga AI features na pwedeng gamitin. Halimbawa, yung Folax Voice as your AI assistant, Folax Smart Touch, AI Call Assistant, AI Caption, Recording Summary, Translation Assistant, AI Writing, AI Note, at Document Assistant. Sa gaming naman, meron ding AI features sa X-Boost kagaya ng AI Voice Changer, E-Sports Mode, at Bypass Charging. Pero ang pinakanagustuhan ko ay yung recording summary.
Basically, kailangan niyo lang i-tap yung record button sa mga meeting or sa classes. Kapag tinap niyo ang recorded audio ay meron kayong makikitang button para ma-summarize yung recording. Pindutin lang ang Generate Note. Magge-generate nito ‘yung summary nung buong audio recording na ginawa natin. At malaking tulong yun para ma-note talaga natin yung sinabi nung speaker o kaya nung teacher natin sa meeting.


Ang AnTuTu score na nakuha nung hindi ginamit yung MemFusion ay 588582. Nung ginamit ko na yung MemFusion or virtual RAM ay 574564 na lang. Kung enough na sa atin yung 6GB ay mas magandang huwag na nating i-enable yung MemFusion para hindi maapektuhan yung performance.


Kung magge-games tayo, meron itong XBoost para ma-set natin to Performance, Balance, or Power Saving yung performance profile. Hindi nito na-generate lahat ng graphics. Pero enough naman para mag-enjoy pa rin tayo sa mga casual gaming. Smooth naman overall. Walang hiccups or frame drops na na-experience habang naglalaro ako ng ganitong klase ng game sa XPAD 30 Pro.
Verdict

At ‘yan na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa bagong Infinix XPAD 30 Pro. Based sa mga napag-usapan natin at based sa presyo na sinabi ko. Masasabi niyo bang sulit ang XPAD 30 Pro?