Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Infinix NOTE Edge – Ang Unang Phone na Naka-Dimensity 7100 5G!
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix NOTE Edge – Ang Unang Phone na Naka-Dimensity 7100 5G!

Ito yung kauna-unahang phone na merong Dimensity 7100 5G na chipset. Curious tayo sa overall performance ng...
sulittechreviews February 24, 2026

Infinix Note Edge

5 Years Security Patches

LPDDR5X + UFS 2.2

6500mAh 45W

4500nits

One-Tap Button

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Battery
  • Camera & Verdict
  • Video
DESIGNIP65 – Dust & Splash Resistant
Nano SIM + eSIM Support
185g + 7.2mm
One-Tap Button
UPS 3.0
DISPLAY6.78″ AMOLED 120Hz
3D-Curved
4500nits max brightness
700nits typical brightness
Corning Gorilla Glass 7i
PERFORMANCEAndroid 16
XOS 16
3 Major Android Upgrades
5 Years Security Patches
Dimensity 7100 5G
LPDDR5X RAM
UFS 2.2 Storage
8+128GB / 8+256GB
CAMERA50MP f/1.8 Main
Max video: 2k 30FPS
13MP f/2.2 Selfie
Max video: 2k 30FPS
BATTERY6500mAh 45W
10W reverse wired

8+256GB

TikTok

12,999
PHP
BUY HERE

8+256GB

Shopee

13,999
PHP
BUY HERE

8+256GB

Lazada

13,999
PHP
BUY HERE

Na-release na ng Infinix ang bagong Infinix NOTE Edge. Ito yung kauna-unahang phone na merong Dimensity 7100 5G na chipset. Curious tayo sa overall performance ng phone na ito. Hindi lang sa overall speed nito. Pati na rin sa battery performance, yung 5G connectivity, at marami pang iba. Lahat iyan ay pag-uusapan natin.

Price

Maraming-maraming salamat sa Infinix sa pagpapahiram ng phone. Para maipakita ko agad sa inyo after ng release.

Unboxing

Napakasimple lang ng box nito pero hindi kagaya ng mga nagdaang Infinix na overall green. Nasa premium side yung itsura ng box nito. May makikitang text na 256GB at 16GB of RAM na 8+8GB Extended RAM. Ang maganda pa, sa likod ng box ay may nakalagay na kung ilang taon ang software support. 3-Year OS Updates and 5-Year Security Patches. Yes na yes talaga! Hindi na lang yung fluency ang makikita natin pati na rin ang software support. Good job talaga sa Infinix. Sana palagi na natin ito makita at sana consistent sila sa part na ito. Meron din itong 3D-Curved 1.5K na display, XOS 16, at 6500mAh battery. Excited na akong ipakita ito sa inyo.

Pag-open ng phone ay document sleeve ang makikita na may NOTE Edge text. Sa loob ng document sleeve ay may SIM ejector pin, documentations, case, at free na tempered glass. Ang tempered glass ay may black na border. Good job sa Infinix kasi nagsama sila ng tempered glass kasi mahirap makabili ng tempered glass para sa curved display. Ang ganda ng case! Kakulay ng phone na binili natin. Yung NOTE Edge na nandito ay green kaya green din ang case. Ang ganda ng case, good job sa Infinix. Para sa presyo ay meron nang premium unboxing experience.

Silk Green

Sunod naman ang phone na nakabalot ng printed plastic. Ito ay Silk Green, ang ganda. Kung ako ang tatanungin, bakit hindi na lang nila pinangalanang Infinix Green. Kung hindi natin gusto itong kulay, meron pa itong Stellar Blue, Lunar Titanium, at Shadow Black. Sayang lang kasi maraming teaser sa Note Edge 5G na may ire-release na color orange. Pero para sa akin ay sobrang ganda nitong green. Yung texture ng likod nito, hindi lang basta matte, may pagka-suede na yung feels ng likod nito. Napakaganda talaga at napaka-premium. Pero yung camera module nito ay fingerprint magnet na kasi sobrang kinis nito. Ang ganda rin ng itsura nito kapag may case. Sa ilalim ng box ay may 45W charger, at USB-A to USB-C cable. Natuwa talaga ako kasi ang daming improvement na ginawa ng Infinix sa unboxing experience.

Design

Maliban sa magandang design nitong NOTE Edge 5G. Napakanipis din nito, 7.2mm to be exact. 185g lang ito, almost half ng weight ng ibang phones sa ngayon. Comfortable gamitin kahit sa buong maghapon. Curved din ang likod nito kaya comfortable hawakan. Meron pa itong IP65 na rating. Hindi ito basta papasukan ng alikabok o ng talsik ng tubig. Hindi ito waterproof kaya huwag ninyong ilulubog sa tubig. Sa right side ay may up and down button, power lock button, at One-Tap Button.

Sa settings ay pwede nating ma-customize kung anong action ang mangyayari kapag ini-long press ang One-Tap Button. One-Tap ito kasi isang press lang ay pwedeng ma-activate ang Ai assitant ng Infinix NOTE Edge 5G. Ang customizable lang na action ay ang long press. Meron ding custom app na na mapipili para ma-open kapag ini-long press ito. Wala itong action para sa double press. Sana sa susunod na updates ay maidagdag ito ng Infinix para marami tayong magawa sa action button. Hindi rin magagamit ang One-Tap Button sa camera application.

Sides

Sa top part yung secondary speakers, IR Blaster, secondary mic, at Sound by JBL text. Sa bottom part naman ang main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM tray. Speaking of speakers, dahil sound by JBL ito, i guarantee na hindi kayo mabibitin sa maximum volume nito. Ang crisp ng tunog at hindi sabog kahit itodo. Mage-enjoy tayo, napaka-immersive ng sound quality nito. Lalo na kung manonood tayo ng movies or magga-games tayo. Sa SIM tray, dalawang nano SIM lang ang pwedeng maisalpak. Baka may mabasa kayo na meron itong eSIM support. Dito sa Philippines, ang Note Edge natin ay walang eSIM support. Pero huwag kayong magalala. Marami namang paraan ngayon para makagamit ng eSIM kahit walang eSIM support ang phone natin. Pero para sa presyo, mapagbibigyan na rin. Hindi naman lumampas sa Php15,000 yung phone na ito. Napakabilis din ng 5G connectivity ng phone na ito.

5G Connectivity

Ang tawag ng Infinix sa technology na inilagay nila ay UPS 3.0. Kahit sa mga lugar or spots na medyo mahina na yung sagap ng signal. Merong boost na gagawin ang UPS 3.0 technology na inilagay ng Infinix. Inilagay ko ang GOMO SIM ko rito at tingnan natin ang result ng 5G connectivity nito. Sa Fast, 240Mbps ito at 73Mbps yung upload speed. Napakabilis talaga. Naka-5G plus rin ito sa may bandang signal bar. Sa Google Speed Test, 198.6Mbps download at 27.4Mbps upload. Finally, sa OOKLA, 261Mbps ang download at 21.3Mbps ang Upload. Matindi talaga! Maganda ang pagsagap ng 5G signal ng Note Edge. Lalo na kung gagamitin natin ito sa mga apps na kailangan talaga ng tuloy-tuloy na 5G connectivity. Yung mga GPS based application like Waze o Google Maps, maasahan natin itong phone sa ganung trabaho.

Meron din itong Active Halo Lighting sa camera module, na pwedeng ma-customize kung ano mang kulay o behavior ang gusto natin. Magagamit iyan sa mga notifications, incoming call, charging, at marami pang iba. Itong Infinix Note Edge ay naka-Wifi 6 na at Bluetooth 5.4.

Display

Specification:

Good news, sa Netflix ay Level 1 ang Widevine Security. Full HD ang max playback resolution. Talagang mae-enjoy natin yung napakagandang display ng phone. Para sa ganitong presyo, napakaganda ng display nito. Hindi sinabi ng Infinix yung color coverage ng phone, pero sa mata ko ay maganda. Accurate yung kulay na napo-produce nito. Hindi maputla, hindi over saturated, at tamang-tama lang. Napaka-natural ng dating.

Yung 120Hz na max refresh rate nito ay hindi natin mae-experience sa usual na paggamit sa phone. Sa settings > Display & Brightness > Screen Refresh Rate, tatlo ang option nito. Auto-Switch, Standard, at High. Kung gusto natin ma-experience yung 120Hz ay i-select ang High at Customize App Refresh Rate. Pwede na tayong maka-select ng app na pwedeng maka-experience ng 120Hz. Hindi ito maa-apply sa lahat ng application by default. Kung naka-Auto-Switch ito, maglalaro lang ito to 90Hz to 60Hz. Ito lang yung medyo dissapointing ng kaunti para sa akin. Kung ini-declare ng brand na 120Hz yung display ng isang phone. Dapat, by default kapag naka-Auto-Switch ay 120Hz na ang pinakamataas na refresh rate ang mae-experience natin. Pero not bad pa rin. Napaka-smooth pa rin. Sana sa susunod na software update ng Infinix ay ma-consider ng Infinix na gawing 120Hz by default.

Performance

Specification:

Kagaya ng nakita niyo sa box, ipino-promise ng Infinix na magkakaroon ito ng 3 Major Android Upgrades at 5 Years Security Patches. Good job sa Infinix at natuwa talaga ako nung malaman ito. Para sa presyo, ayaw natin na basta maganda ang design, display, chipset, or battery. Gusto rin nating ma-assure na yung bibilhing phone ay matagal ang software support. Meron tayong peace of mind na at least 5 years ay mase-secure natin ang software support ng phone.

Sa AnTuTu, nakakuha ito ng 801771 na score. Sa Wild Life Stress Test, 4% lang ang nabawas sa battery at nadagdagan lang ng 8°C. Considering na bagong-bago lang yung Dimensity 7100, okay na agad yung mae-experience nating performance. Hindi ito matakaw sa battery at hindi rin ganun kabilis uminit. Yung AnTuTu score ay very acceptable na para sa ganitong presyo.

Pagdating sa gaming, sa Asphalt. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero napaka-playable. Napaka-smooth ng experience natin. Compatible ito sa Subnautica, smooth din for the most part. Pero hindi ganun kataas ang frame rate na ibibigay sa atin. Nasa 30fps lang yung nafe-feel ko na binibigay. Pero napaka-playable naman.

XOS 16

Natuwa rin ako sa ginawa ng Infinix na improvement sa XOS 16. Parang IOS feels na talaga yung mga icon at dock sa ilalim. May pagka-glass effect ito pero ang tawag ng Infinix rito ay Glow Space. Meron itong mga reflection sa mga edges. Maganda rin ito at napaka-smooth. Yun ang pinaka-importante, hindi mabigat yung feels kapag ginagamit. Wala lang itong parang naka-categories at naka-folder yung mga apps na kagaya sa IOS. Pero by page naman ang category nito. Sana magkaroon ito ng option na parang naka-square na malaki at naka-folder na ang mga apps sa app drawer.

Meron din itong Depth-Effect na pwedeng gawin sa phone. Kapag namili tayo ng wallpaper ay select lang natin yung Depth-Effect. Tatagos yung icon sa subject ng wallpaper. Good job sa Infinix sa additional feature na ito. Mae-enjoy natin yung paggamit sa phone. Kagaya rin sa IOS, meron itong Landscape Display. Kapag ini-charge natin ang phone at ini-landscape natin. Magiging parang bedside clock ito.

Battery

Specification:

Yung SOT nito ay 17 hours and 31 minutes. Impressive talaga iyan para sa ganitong phone. Lalo na’t bagong-bago yung chipset nito. Ibigsabihin, napakaganda na po talaga ng performance nung XOS so far. Lalo na sa mga paparating na software support. Sa charging, 19% to 100% ay 2 hours and 3 minutes ko ito na-charge.

Camera

Specification:

Meron na itong Live Photo Mode. Napaka-familiar na sa atin ng feature na iyan. Pero ito yung first Infinix phone na may ganitong feature. Sa camera app ay meron itong bilog na icon sa taas. I-enable lang natin iyan para ma-on yung Live Photo Mode. Yung first three seconds ay automatic na mare-record bago tayo mag-take ng picture. Kapag nag-take tayo ng photo at ini-long press natin ang picture, gagalaw na ang pciture. Magandang opportunity ito para gawing GIF.

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshots:

2K 30fps ang video recording sa rear camera ng Infinix Note Edge. Digital zoom lang ang 2x zoom nito. Hindi ito ganun ka-stable. Kung i-enable natin yung EIS ay magdo-downscale na ito to 1080p. Pero kung may gimbal kayo ay maisasagad niyo yung video quality. May natural depth of field naman ito.

Conclusion

Iyan na lahat ang gusto kong i-share sa inyo tungkol sa Infinix NOTE Edge. So far, puro goods yung nakita ko sa phone na ito. Maliban siguro sa mga bloatwares na palagi naman nating ine-expect sa mga Infinix phones. Pero the rest, para sa presyo, ang bawat aspect ng phone na ito ay very good talaga. Kagaya ng sinabi ko kanina, nakakabilib na kumpleto yung accessories nito. Meron itong matagal at maasahan software support. Naka-3D Curved na yung display nito. Meron itong bagong-bago na Dimensity 7100 5G na chipset. At malaking battery capacity. Para sa akin, yung presyo nito ay sulit. Maraming salamat sa Infinix sa pagpapahiram ng phone na ito.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Infinix HOT 60i 5G – SULIT NA 5G PHONE!
Next: Nakita Ko Na Ang TOTOONG WINNER Sa Battery!

Related Stories

moto G100 Pro with Case
  • Phones
  • Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews February 24, 2026
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews February 24, 2026
HONOR WIN
  • Phones
  • Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews February 24, 2026
moto G100 Pro with Case
Phones Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
Phones Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
HONOR WIN
Phones Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews
February 24, 2026 0
iQOO Z10 Turbo+ Beauty Shot
Phones Tech Blog

Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

sulittechreviews
February 24, 2026 0

Recent Posts

  • Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…
  • Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!
  • May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?
  • Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…
  • Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.