iQOO Z10 Turbo+
Dimensity 9400+
LPDDR5X + UFS 4.1
800mAh 90W
Color Spectrum Sensor

| DESIGN | IP65 – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM 212g + 8.16mm In-display fingerprint scanner |
| DISPLAY | 6.78″ AMOLED 144Hz UHD 1.5K Resolution 5500nits max brightness 2000nits typical brightness |
| PERFORMANCE | Android 16 Origin OS 16 2 Major Android Upgrades ? Years Security Patches Dimensity 9400+ LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.8 OIS Main 8MP f/2.2 Ultrawide Color Spectrum Sensor Max video: 4k 30FPS 16MP f/2.5 Selfie Max video: 1080p 30FPS |
| BATTERY | 8000mAh 90W |

Medyo late na ako sa review na to kasi August 2025 pa na-release itong iQOO Z10 Turbo+. Oo nga pala, alam niyo ba na ang iQOO, ang ibig sabihin niyan ay I Quest On and On? Share ko lang naman. Nabili ko pala itong Z10 Turbo+ sa AHH’s Xiaomi Manila. Pwede itong mabili for Php22,800. I-message niyo na lang sila sa Facebook para sa updated pricing. I-unbox natin ‘to at i-setup ko. Para mabigyan kayo ng initial details at information kung kumusta ‘tong phone. After ng ilang days, babalikan natin ‘to. Gagawa ako ng full review. Para mas madami akong mai-share na test result at saka mga camera samples.
Unboxing







First time kong magu-unbox at magre-review ng ganitong phone. Sub-brand to ng vivo para sa mga hindi po nakakaalam. Yung nandito sa ay yung 12+512GB. Disclaimer, according sa AHH’s Xiaomi Manila. ‘Yung 5G connection nitong Z10 Turbo+ ay gagana lang sa DITO SIM. Pero ‘yung Smart at Globe ay 4G+ lang daw yung makukuhang signal nito. Ite-test ko mismo personally. Kakabit ko rito yung SIM ko. Abangan niyo yung in-depth review.
Yung phone agad yung makikita pag-open ng box. Yung nandito ay color gray na kulay. Ito yung recommended ng AHH’s Xiaomi Manila. At mukhang maganda yung recommendation nila. Napakaganda ng itsura guys. Matte finish. Hindi kapitin na smudgest at fingerprints. Yung camera module nito ay may gold accent sa paligid. Manipis lang din ito.
Isa sa maganda sa phone na to ay yung battery capacity na 8000mAh. Capable ito sa 90W fast charging. Excited akong i-test kung ilan yung makukuha nitong SOT sa phone. Pati na rin syempre yung camera performance nito. Ang ibang laman ng box ay case. Wala itong documents sleeve. Ang ganda ng case nito. Parang sa Xiaomi case, may pagka-rubber pero darker yung kulay nito. Mas hindi awkward to kumpara sa case na kasama sa mga POCO at Xiaomi phones. Mas gusto ko ang case nito.
Sa ilalim ng box ay may documentation, 90W vivo FlashCharge na USB-A port, USB-C to USB-A cable, at SIM ejector pin. Kapag isinuot ang case ay ang ganda. Parang okay na ‘to sa akin. Hindi na ako maghahanap online ng case para sa iQOO Z10 Turbo+ kasi ang ganda nga nito. Naka-OriginOS 5 na ito out of the box. On top of Android 15.
Design






After setup ng iQOO Z10 Turbo+. Sa may right side ng phone, makikita yung volume up and down buttons at power lock button. Sa taas yung secondary speaker at secondary microphone. Dito sa may left side ay malinis na malinis. Tapos sa ilalim yung USB-C port, main microphone, main speaker, at SIM tray. Dual nano SIM lang ‘yung supported nito. Walang lalagyanan ng micro SD card slot. Bad news din, wala itong eSIM support. Para sa mga naka-eSIM na, may additional steps kayong gagawin kung magsu-switch kayo sa iQOO Z10 Turbo+. Yung in-display fingerprint scanner, medyo kakaiba ‘yung pwesto compared sa mga phone na nakasanayan natin. Nasa may bandang ibabang pwesto ito. Kung ako lang naman ay mas okay sa akin ‘to. At para sa mga curious, ‘yung haptics nito ay magandang-maganda. Talagang flagship level ‘yung haptics. Mage-enjoy kayo. Huwag niyong i-turn off.


Pero sa setup, kailangang tandaan na wala ring pre-installed na Google Play Store sa iQOO Z10 Turbo+. Pero huwag kayong mag-alala kasi meron naman itong vivo App Store. Search niyo lang ang Google Play Store. Install niyo lang at pwede na kayong mag-login sa Google Play Store. Kagaya na lang ng ginawa ko, meron na itong Google Play Store dito. Marami na akong na-install na mga apps sa mismong Google Play Store. May additional step lang pero walang problema. Meron lang itong mga pre-installed Chinese apps na pwede namang i-uninstall. Uni-install lang ito para mas maging normal yung iQOO Z10 Turbo+.
Updates


Ang isa pa sa maganda rito. Nung sine-setup ko ‘to, dalawang update agad yung na-receive ko. 1GB of update. Nung binuksan ko ‘tong phone, naka-OriginOS 5 pa ito. Android 15 pa ito. Pagkatapos kong i-update ay meron na naman akong natanggap na isa. Update ito na mas malaki kasi OriginOS 6 na. Android 16 na itong iQOO Z10 Turbo+ which is good news. Merong guarantee agad na may malaking Android update na matatanggap agad kapag binili natin ‘to. Pero if ever na hindi niyo gusto itong colorway na to. Which is very unlikely na hindi niyo to magustuhan. Meron pang color na White at Gold. Tanungin niyo na lang sa AHH’s Xiaomi Manila kung merong available. Pero highly recommended ko ang design na to.
Ang isa lang sa kailangan ninyong tandaan. Although nakatanggap ng OriginOS 6 upgrade ang iQOO Z10 Turbo+. Walang kasiguraduhan, based sa na-research ko, kung ilan talaga ‘yung major Android upgrade na matatanggap nito. Sabi sa ilang website ay 2 Major Android Upgrade lang ang matatanggap nito. Pero sa security patches ay walang kasiguraduhan. Considering na vivo ito, maging consistent pa rin yung software support.
Performance
Specification:

Para sa akin, para sa Php22,800 na presyo ay ang gandang specs na niyan. Talagang pwedeng-pwedeng gawin itong daily driver. Pero mamaya ay pag-usapan natin yung camera performance nito. Sa result ng Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 9% sa battery after ng 20 minutes test. 8°C yung nadagdag sa temperature. Pero take note lang na ang setting ko ay 1080p resolution at naka-off yung virtual RAM. Yes, tama po. Pwedeng-pwede i-downscale to 1080p ‘yung resolution nito kung gusto nating makatipid sa battery. Pero initial lang ‘yung test na ‘to. Abangan niyo sa in-depth full review kung ilang SOT talaga ‘yung makukuha nito gamit ‘yung PCMark. Plus, ‘yung real life usage.

Display
Specification:

Kapag pumunta kayo sa display settings, i-scroll niyo lang. Meron kayong makikita na screen resolution. UHD ito by default. Kung gusto nating makatipid sa battery, piliin niyo lang ‘yung 1080p. Yung display nitong Z10 Turbo+ ay aabot lang naman ng 5500nits peak brightness. Medyo mas mababa lang ng kaunti compared sa unang na-review na HONOR WIN. Kasi 6500nits yung peak brightness noon. Pero iyung 5500nits brightness sa Z10 Turbo+ ay sobrang ganda na. Kahit outdoor ay makita pa rin yung naka-display. Isa pang good news, yung max playback resolution sa Netflix ay Full HD. Wala lang itong support sa HDR content. Pero at least Full HD. Malinaw na malinaw na po ito.

Camera
Specification:

According sa na-research ko, meron itong Color Spectrum Sensor. Malaking tulong ito para kung magte-take ng picture outdoor tapos bigla tayong papasok sa loob ng bahay. O sa loob ng isang lugar at hindi na katirikan ng araw. Maba-balance pa rin nito ‘yung kulay. Mas magiging accurate yung kulay dahil sa Color Spectrum Sensor.
Ito ang mga sample photos screenshots:




Ito ang mga sample video screenshots:


Naka-4K 30FPS ang rear video nito. Pwedeng i-zoom ng 2x. Ang digital zoom na pinakasagad ay hanggang 10x. Sa selfie video, 1080p ang max video recording sa Z10 Turbo+. Nakalungkot lang na hanggang 1080p lang yung pwedeng i-record. Pero quality wise ay okay naman. Hindi naman ito ganon kaalog. May EIS naman ito.
Conclusion

Iyan na muna ang mga gusto kong i-share tungkol sa iQOO Z10 Turbo+. Abangan niyo yung in-depth review sa phone na to. Pero sa ngayon, masasabi niyo ba na sulit bilhin at sulit gawing daily driver itong iQOO Z10 Turbo+ ngayong 2026?