Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?
  • Phones
  • Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

Una, napakalaki ng battery capacity nito. Pangalawa, meron itong built-in cooling fan. At pangatlo, meron itong flagship...
sulittechreviews February 24, 2026

HONOR WIN

Snapdragon 8 Elite Gen 5

LPDDR5X + UFS 4.1

10000mAh 100W

80W Wireless Charging

185Hz

Watch Full Review

  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Camera
  • Battery & Verdict
  • Video
DESIGNIP68, IP69K – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
229g + 8.3mm
Built-In Cooling Fan
AI Button
Ultrasonic In-display Scanner
DISPLAY6.83″ AMOLED
1.5K resolution
185Hz HDR
6000nits max brightness
2000nits typical brightness
PERFORMANCEAndroid 16
MagicOS 16
? Major Android Upgrades
7 Years Security Patches
Snapdragon 8 Elite Gen 5
LPDDR5X RAM
UFS 4.1 Storage
12+256GB
CAMERA50MP f/2.0 OIS Main
50MP f/2.4 Telephoto 3x Zoom
12MP f/2.2 Ultrawide
Max video: 4k 60FPS
50MP f/2.0 Selfie
Max video: 4k 30FPS
BATTERY10000mAh 100W
80W Wireless
27W Reverse Wired
Silicon Carbon

12+256GB

40,899
PHP
BUY HERE

12+512GB

47,899
PHP
BUY HERE

16+512GB

50,899
PHP
BUY HERE

According sa nakuha kong news, itong phone na pag-uusapan natin ngayon ay na-release last December 26, 2025 sa China. Naging available ito na mabili sa market last January 1 lang. Kaya mabuti na lang ay nakakuha tayo kasi January 7 pa lang noong ginagawa itong review. Talagang napakabago pa ng phone na to sa market at ito ang HONOR WIN. Merong tatlong features na talagang nagustuhan ko kung bakit pinilit ko talaga na makakuha nito. Una, napakalaki ng battery capacity nito. Pangalawa, meron itong built-in cooling fan. At pangatlo, meron itong flagship performance.

Isipin niyo ‘yun, umpisa pa lang ng 2026, meron nang phone na mahirap-hirap talunin. Disclaimer lang, as of writing this article, available lang ito sa China. Pangalawa, nakarating ito noong January 6 at January 7 ay na-setup at na-installan ko na ito ng mga apps. Meron na akong maipapakita sa inyo ngayon na mga data at mga result ng ilang mga test. Binalik ko lang ito sa box para i-share sa inyo yung unboxing experience.

Unboxing

Abangan niyo yung in-depth full review sa phone na to sa mga darating na weeks. Gagamitin ko muna to as my secondary phone. Alongside iPhone 17 Pro Max. At speaking of, napakalaki ng resemblance ng design ng dalawa. Makikita niyo mamaya. Walang makikita masyadong kakaiba sa box. Maliban sa tatlong HONOR WIN sa bawat side at MagicOS text. Yung configuration or variant na nandito ay ‘yung lowest, which is 12+256GB na color Black. Pag-open, ang unang makikita ay ‘yung phone na nakabalot. Matte finish naman at ang ganda talaga ng itsura. Ang ganda ng texture nito. Hindi ito kapitin ng smudges or ng fingerprints, maliban sa camera plateau na medyo glossy. May pagka-glass yung dating nito. Sa likod ng phone ang built-in cooling fan. Kaya merong Ultra Fan text na nakalagay. Yung labasan ng hangin ay nasa may ilalim.

For comparison sa iPhone. Napakalaki talaga ng resemblance ng dalawa. Yung camera plateau pa lang ay talagang iPhone na iPhone na ‘yung dating ng HONOR WIN. Pero pagdating sa nipis or sa kapal ay mas makapal pa rin ‘yung iPhone 17 Pro Max. Silicone Carbon kasi ‘yung ginamit na battery sa HONOR WIN. Kahit napakalaki ng capacity ay manipis pa rin yung size nito. Plus, meron din itong dedicated camera button. Camera Control ang tawag sa iPhone.

Accessories

Sa loob ng box ay may SIM ejector pin sa document sleeve. Sa loob ng document sleeve ay may isang documentation at jelly case. Yung jelly case ay maganda-ganda naman. Habang hinihintay natin yung binili nating case, magagamit naman natin’ ng maayos itong case. Hindi tayo mag-aalala lalo na sa camera plateau kasi talagang protected ito. Protected naman ng maayos yung phone pero napaka-flimsy nung case. Hindi ko ire-recommend na gamitin ninyo ng matagal kasi hindi ito ganun kakapal. For ilang days or weeks lang yung magiging use nito para sa akin. Sa ilalim ng box ang USB-C to USB-A cable at 100W charging brick. Ganon kaganda yung mga kasamang accessories sa HONOR WIN out of the box. Meron na rin itong pre-install screen protector.

Design

Again, kagaya ng sinabi ko kanina ay na setup ko na to. Na-install ko na ang mga apps na kailangan ko. Meron na itong Google Play Store, GCash, Lazada, Shopee, at mga Google apps. Walang problema at lahat ay gumagana. Kailangan lang ay manually i-install yung Google Play Store kasi wala ito sa phone out of the box. Napakadali lang naman kasi kailangan lang gamitin ‘yung HONOR App Market. Search lang ang Play Store at install. Ganun lang kasimple at pwede nang mag-login sa Google account ninyo.

Sa may right side ay makikita yung volume up and down buttons, power lock button, at yung camera button. Again, ang button na ito ay camera control. Yung camera control ng iPhone ay pwedeng gamitin as zoom, pagbago ng ISO, at marami pang iba. Pero sa HONOR WIN ay pang-open lang ito. Para itong action button sa ibang mga phones. Ang official na tawag sa button ay AI Button. Search niyo lang sa settings. Pwede niyo nang ma-customize yung action na mangyayari kapag short press, double press, at long press. Tatlo yung pwede nating i-set na action.

Pero kapag nasa camera application pwede nating gamitin as shutter button pero yung pag-swipe ay walang effect. Sa may itaas ay makikita yung secondary microphone at speaker grills para sa secondary speaker. At sa ilalim ang USB-C port, main speaker, main microphone, at SIM tray. Dalawang SIM yung pwedeng ilagay sa SIM tray. Nakaka-sad na wala itong support sa eSIM.

Built

At kagaya kanina, nasa camera plateau ‘yung built-in cooling fan. Nasa ilalim naman ng camera plateau ang labasan ng hangin. Kahit may butas ‘yung camera plateau dahil sa built-in cooling fan. Itong HONOR WIN ay meron pa ring IP68, IP69K na rating. Dust tight and water resistant itong phone na to. Pwede pa daw itong mailubog ng 1.5m for 30 minutes. Hindi ito action camera. For accidental situations lang itong protection na ito. Kung malublob o malaglag sa timba na puno ng tubig. Hindi tayo mag-aalala na mapapasukan ‘to.

Maliban pala sa color Black, meron pa ‘tong color White at Blue. At para sa mga curious, ‘yung haptics, grabe! Flagship level. Pero yung keyboard nito, ako lang ang nag-install niyan gamit yung Google Play. Ito ‘yung Gboard. By default, kapag in-unbox niyo ito ay hindi ito yung keyboard na naka-install. Kasi nga ay China exclusive ‘to sa ngayon. Medyo weird at hindi tayo sanay sa ganong klase ng layout kaya kailangang i-install yung Gboard.

Display

Specification:

Ito yung first time ko na makakagamit ng phone na may ganito kataas na refresh rate. Mataas din ang peak brightness kaya walang kaproble-problema sa phone kahit gamitin sa katirikan ng araw. Pagdating sa color accuracy ng display ay wala ring problema. Sa mata ko ay accurate at maganda ‘yung display. As a bonus, pwede pa matimpla ng kulay nitong HONOR WIN. Merong Normal, Vivid, at Professional color presets. Meron itong Advance setting at pwedeng matimpla ‘yung white balance. Ang maganda rito, pwedeng manually i-set ‘yung resolution. Kung gusto nating makatipid sa battery, i-set lang to 954p. Pwede namang Adaptive. Ang MagicOS na yung bahalang mag-decide kung anong resolution ang bagay. Depende sa content na naka-display.

Pagdating sa screen refresh rate, ang option ay Dynamic, Standard, at High. Dito lang ako medyo nakulangan. Miss opportunity na sana mas madami ‘yung option na pwedeng piliin. Halimbawa, 60, 90, 120, 144, at 185. Pero sad news, nung in-install ko yung Netflix at tiningnan ‘yung playback specification. Level 3 lang yung Widevine Security. Standard Definition lang yung mape-play sa Netflix. Abangan natin sa mga susunod na software updates kung maayos pa to. Tungkol sa built-in cooling fan. Pwedeng ma-customize kung ano yung magiging behavior ng cooling fan sa phone settings. May dedicated na page yung cooling fan. Pwedeng i-enable or i-disable. Pwede ring Smart Mode para yung MagicOS na ang magde-decide kung kailangang i-on yung cooling fan. Pwede ring manually i-enable kung ayaw nating namamatay-matay iyung fan.

Performance

Specification:

Talagang flagship performance ang makukuha sa phone. Meron pa itong Honor RAM Turbo or virtual RAM. Pero hindi natin mapipili kung ilang capacity lang yung makukuha natin sa internal storage nito. According sa na-research ko, hanggang 7 Years ang magiging software support sa HONOR WIN. Actually, kahit sa mga phones ngayong 2026 na ire-release daw ng HONOR. Ang standard nila ay 7 Years of Software Support. Hindi natin sure kung ilan talaga ‘yung magiging Major Android Upgrade na matatanggap ng phone. Pero ‘yung 7 Years na ‘yun, for sure ay kahit man lang tatlo or apat ay sigurado. And nung sine-setup ko ‘tong phone, meron na agad akong natanggap na 1.30GB na update.

At para lang magkaroon kayo ng idea sa overall performance nitong phone. Pakita ko sa inyo yung isang AnTuTu score na nakuha ko. Abangan niyo sa full review ‘yung mas in-depth test sa phone na ‘to. Ang AnTuTu score na nakuha ay 3648711. Ganun katinda yung performance ng phone. At para sa mga magtatanong kung okay ba yung signal nito sa Philippines kasi nga China exclusive to. Yes na yes po.

Una, sa OOKLA speed test, 168Mbps yung nakuha nito. 21.6Mbps naman ‘yung upload speed. Again, naka-data connection ito. Ang gamit kong SIM ay GOMO at nasa loob ako ng bahay. Ang score naman nito sa Fast, 130Mbps at 13Mbps upload speed. Proof lang yun na maganda yung magiging signal natin sa phone na ito. So far, maliban sa mga napakadaming pre-installed Chinese apps. At saka iyung walang Play Store out of the box. Wala na akong makita, so far, na deal breaker sa phone.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos screenshots:

Ito ang sample video screenshot:

4K 30FPS yung pinakasagad na pwedeng ma-record sa selfie camera. Meron itong 0.8x na zoom by default pero pwede itong mag-1x. Medyo magzo-zoom ng kaunti. Meron itong EIS or Electronic Image Stabilization. Malaking tulong ito kung sakaling gusto nating mag-take ng selfie video habang naglalakad. Abangan nyo sa full review ‘yung mas magandang mga sample video sa selfie camera nito.

Battery

Specification:

Gagamitin ko ‘to as my secondary phone. Sa in-depth full review, makikita kung ilang SOT yung nakuha ko sa phone na to. Excited talaga ako na i-test na ito, abangan niyo. Pero sa ngayon, para magkaroon lang kayo ng idea, check natin ang result ng Wild Life Stress Test. Makikita yung nabawas sa battery after nung test at ang nadagdag sa temperature. Mahirap pang i-judge sa ngayon itong phone na ‘to kasi nga bagong-bago pa lang. And knowing na hindi talaga to global version, kasi China exclusive pa to sa ngayon. Siguro ay kailangan pa ng time para makita talaga yung totoong performance nito pagdating sa battery consumption. Makikita natin yan sa in-depth review.

Conclusion

Iyan na muna ang gusto kong i-share tungkol sa HONOR WIN. Sobrang excited ako kasi ito ‘yung klase ng spec sa isang phone na talagang inaabangan at hinahanap-hanap ko. Yung mataas na battery capacity pero ang ganda pa rin ng form factor nito. Tapos may cooling fan pa at meron pa ring mataas na IP rating. Ang ganda ng performance nito. Parang ang hirap mag-complain sa phone na ‘to. Pero abangan yung full review para makita yung performance nito. Hindi lang based doon sa mga benchmark scores kundi yung performance nito sa everyday na paggamit.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…
Next: Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

Related Stories

moto G100 Pro with Case
  • Phones
  • Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews February 24, 2026
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews February 24, 2026
iQOO Z10 Turbo+ Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog

Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

sulittechreviews February 24, 2026
moto G100 Pro with Case
Phones Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
Phones Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
iQOO Z10 Turbo+ Beauty Shot
Phones Tech Blog

Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

sulittechreviews
February 24, 2026 0
STR Conclusion on Honor Win Full Review
Phones Tech Blog

Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…

sulittechreviews
February 24, 2026 0

Recent Posts

  • Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…
  • Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!
  • May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?
  • Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…
  • Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.