POCO M8 Pro
Snapdragon 7s Gen 4
6 Years Security Patches
6500mAh 100W
Dolby Atmos Hi-Res
400% Audio Boost

| DESIGN | IP66, IP68 – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM 205.9g + 8.31mm IR Blaster Dolby Atmos Hi-Res 400% Audio Boost In-display fingerprint sensor |
| DISPLAY | 6.83″ CrystalRes AMOLED 1.5K 120Hz HDR10+ DCI-P3 Dolby Vision 3200nits max brightness 1800nits typical brightness Corning Gorilla Glass Victus 2 |
| PERFORMANCE | Android 15 HyperOS 2.0 4 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Snapdragon 7s Gen 4 LPDDR4X RAM UFS 2.2 Storage 8+256GB / 12+512GB / |
| CAMERA | 50MP f/1.6 OIS Main Light Fusion 800 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 30FPS 32MP f/2.2 Selfie Max video: 1080p 60FPS |
| BATTERY | 6500mAh 100W 22.5W reverse |
Price

Yes, 6500. At yan ang battery capacity nitong M8 Pro 5G ng POCO. At isipin niyo, wala pang dalawang buwan mula nang ini-release yung POCO F8 series. Meron na naman tayong bagong series at ito yung M8 series. At mabuti na lang ay nandito ‘yung Pro version. Gusto nating malaman kung anong mga improvements yung inilagay sa phone compared sa previews M7 Pro. Isa-isahin natin yan mamaya.
Unboxing






Wala namang kakaiba sa box ng POCO M8 Pro 5G. Ang nandito sa atin ay itong 12+512GB na variant na Silver colorway. pag-open ay may document sleeve. Meron itong SIM ejector pin, documentations, at case na ganun pa rin naman yung itsura. Gray pa din at may pagka-rubber yung feels. Butas na butas pa rin yung ating camera module na part. Sunod ang M8 Pro 5G na nakabalot sa printed plastic na mayroong top specs. Ang ganda. May parang fiber na texture sa may dalawang gilid. Napaka-premium ng itsura. Sobrang nagandahan talaga ako nung nakita ko.
Yun nga lang ay hindi ganon ka-matte yung finish sa likod. Merong makikitang mangilan-ngilan na mga smudges or fingerprints kung sakaling hindi kayo gagamit ng case. Tapos, manipis naman ito. Medyo may pagka-curve ng kaunti ‘yung dalawang edges. Mas comfortable ito hawakan. Sa may ilalim ng box makikita ang 100W charger. USB-A pa rin ‘yung port. Tapos, ‘yung USB-A to USB-C cable.
Design




Mabuti na lang ay meron ng pre-installed screen protector ang POCO M8 Pro 5G. Kasi medyo curved yung display nito. Medyo mahihirapan tayong makakita agad-agad ng screen protector or tempered glass para sa phone. Tapos in-improve ng POCO yung IP rating sa M8 Pro. From IP64 ay IP66 at IP68 na yung rating nito. If ever na malublob ito sa tubig, kakayanin ng phone na ‘to. Kahit yung mga maalikabok na environment ay kakayanin din ito. At kung sakali man na mailublob to sa tubig ay kaya nito hanggang 1.5 meters for 30 minutes.
Kapag tiningnan yung taas, makikita ‘yung secondary speaker at secondary microphone. Malamang ‘yung IR Blaster nitong M8 Pro ay nasa loob ng speaker grill sa taas. Sa ilalim naman ‘yung main speaker, main microphone, SIM tray, at USB-C port. Dual sim ang SIM tray nito pero walang microSD card slot. Medyo downgrade iyan para sa akin. Iyung M7 Pro 5G, kung hindi ako nagkakamali ay hybrid iyung SIM tray non. Pwedeng makapaglagay ng microSD card sa M7 Pro. At isa pang nakakalungkot ay wala pa ring eSIM support sa M8 Pro. Yun sana ang isa sa mga in-upgrade na rin nila. Kasi ang M7 Pro previously ay wala ring support sa eSIM. Chance na sana nila kasi tinanggal na nila yung microSD card slot. Sana pinalitan na lang nila ng eSIM support pero wala pa rin.
Internet Speed Test



Pero ang good news ay mabilis ‘yung 5G connectivity ng M8 Pro. Halimbawa na lang sa speed test ng OOKLA. Yung download speed ay 191Mbps at 30Mbps naman ‘yung upload speed. Sa Google Speed Test, 170.6Mbps yung nakuha at 14.2Mbps naman yung upload speed. Panghuli, sa Fast, umaabot ito ng 230Mbps sa download at 19Mbps naman yung upload speed. Para sa mga gagamit ng data connection sa M8 Pro 5G, malaking assurance na maganda po yung magiging signal nito. Take note na yung tatlong test na yan ay kinuha ko indoor. At ang isa sa maganda sa M8 Pro 5G design ay yung speakers. Stereo speakers na ito plus Dolby Atmos Hi-Res Audio. Meron pa itong 400% Audio Boost. Maasahan din ang fingerprint scanner nito. Isang dampi ay ma-unlock naman agad. Hindi naman sobrang bagal nung animation.
Battery
Specification:

Pag-usapan natin yung 6500mAh na battery capacity. For context, malaking improvement iyan compared last year. 5110mAh lang yung capacity noon. Malaki din yung improvement sa charging speed. 100W na ngayon compared previously na 45W lang. According sa na-research ko, Silicon Carbon na rin yung ginamit nilang battery type. Mas magtatagal yung battery health nito compared sa hindi naka-silicon carbon. Not bad ‘yung SOT na nakuha sa POCO M8 Pro 5G, 15 hours and 38 minutes. Sa mga susunod na software updates, malaki ‘yung chance na mag-improve pa ‘yan. Pagdating naman sa charging, 16% to 100% ay 46 minutes lang ‘yung inabot.

Display
Specification:

Yung Widevine Security Level 1. Yung max playback resolution ay Full HD. May support din ito sa HDR10 at Dolby Vision sa Netflix application.

Performance
Specification:

Upgrade na naman kasi dati ay 2 to 3 years lang yung security patches nito. Ang isa lang sa hindi ko masyadong nagustuhan ay iyung storage type nito. Again, miss opportunity na naman sa POCO. Imbes na gawing UFS 3.1 man lang sana yung storage type nito ay UFS 2.2 pa rin. Hindi naman sobrang bagal non pero outdated na para sa 2026. Wala pa akong maipapakita AnTuTu score kasi nga hindi pa ‘to officially nare-release sa Philippines. Wala din akong maibibigay na Wild Life Stress Test result. To follow na lang ‘yan sa Facebook page ng Sulit Tech Reviews. Para magka-idea kayo, sabi ng POCO ay aabot daw ng more than 1 million yung AnTuTu score.






Pagdating sa gaming, sa Racing Master ay nakasagad ‘yung graphics nito. Pero sa actual gameplay, kayang-kaya. Walang kahit anong hiccups na na-feel or struggle. At good news, compatible sa Subnautica itong M8 Pro 5G. Mataas naman yung graphic settings na na-set ko. Sa mismong gameplay ay napaka-smooth din. At panghuli sa Ark Survival, naka-high din yung resolution at mataas yung graphic settings. Wala ring struggle sa gameplay. Pagdating sa casual gaming hanggang sa triple A games ay kayang-kaya nitong POCO M8 Pro 5G.
Camera
Specification:

Isa pa sa malaking improvement na pinagmamalaki ng POCO rito ay yung main shooter nito. 50MP pa rin pero ngayon ay may Light Fusion 800 na yung sensor. 32MP na yung selfie camera na previously ay 20MP lang.
Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshot:



Sa selfie video recording ng POCO M8 Pro 5G, 1080p 30FPS lang yung pinakasagad na video recording. Nakakalungkot kasi 1080p eh 2026 na ‘di ba. Dapat minimum kahit sa selfie camera ay 4K. Lalo na sa mga ganitong presyo ng phone.
Verdict

Yun na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa bagong POCO M8 Pro 5G. Anong masasabi niyo sa phone na ‘to? Bibilhin niyo ba ‘to para sa presyo? Okay sa akin yung phone na ‘to. Kung based sa mga pinag-usapan natin kanina na result ng mga test. Ang isa lang siguro sa hindi ko talaga ma-justify. Para sa taong 2026 ay yung UFS 2.2 na storage type nito. Sana UFS 3.1 na yung maging minimum na makita natin at mabili natin sa mga ganitong klase ng phones. From entry level to midrange phone ay yun na sana yung maging default. Pero other than that, wala na akong masabi na parang deal breaker tungkol sa M8 Pro 5G.