Xiaomi 17T Pro
Dimensity 9500
LPDDR5X + UFS 4.1
7000mAh 100W
50W Wireless Charging

| DESIGN | IP68 – Dust & Water Resistant Nano SIM / eSIM + Nano SIM / eSIM 219g + 8.25mm |
| DISPLAY | 6.83″ AMOLED 144Hz 1.5K Dolby Vision 3500nits max brightness 600nits typical brightness Corning Gorilla Glass 7i |
| PERFORMANCE | Android 16 HyperOS 3 5 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Dimensity 9500 LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 12+256GB / 12+512GB / 12+1TB |
| CAMERA | 50MP f/1.67 Leica OIS Main 12MP f/2.2 Ultrawide 50MP f/3.0 Leica OIS Telephoto 5x Zoom Max video: 8k 30FPS 32MP f/2.2 Selfie Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 7000mAh 100W 50W Wireless 22.5W Reverse Wired |

Pag-uusapan natin sa article na ito yung Xiaomi 17T Pro version at non-Pro version. Pero ang main focus natin ay ang Pro version. Pero bibigyan ko kayo ng preview mamaya kung anong pwede niyong i-expect sa non-Pro version. Para at least ay makatulong kung nalilito kayo kung alin sa dalawang phone yung dapat ninyong bilhin.
Unboxing







Wala namang masyadong special sa box ng Xiaomi 17T Pro. Yung nandito ay yung 12+512GB na Deep Blue color. Ito yung isa sa bagong color option ng Xiaomi para sa 17T series. Pag-open ng box, makikita agad ang document sleeve na merong SIM ejector pin, documentations, at case.
Wala namang nagbago sa case. Color gray pa rin. Napaka-rubber ng feels. Malambot lang ito. Pero protected naman yung 17T Pro. Sunod yung mismong phone na nakabalot sa paper na merong top specs. Kasama na yung 5X periscope telephoto camera nito, battery capacity, display, chipset, at marami pang iba. Mamaya ay iisa-isahin natin yan.

Pagtanggal sa balot, napakaganda nito lalo na sa personal. Pero kung ako lang naman, okay itong Deep Blue. Pero personally ay mas pipiliin ko pa rin ang White or Black. Yung camera module nito ay wala nang gap yung bawat camera. Hindi ito masisingitan ng alikabok. Napakadaling linisin at napakadaling i-maintain. Obviously, meron na ito ngayong Periscope telephoto for the first time sa T series ng Xiaomi. Mamaya ay ipapakita ko yung mga sample photo na kuha gamit ang Periscope telephoto camera.
Ang good news sa Pro version, sa ilalim ay meron itong charger na 100W at yung charging cable. Complete itong Pro version sa mga acessories. Gano’n din kaya ‘yung i-expect natin sa non-Pro version? Mamaya ay malalaman natin.
Design

Kapag isinuot ang case sa 17T Pro ay hindi masyadong bagay iyung case sa Deep Blue. Yun ang sinasabi ko kanina na it’s either White or Black ‘yung pipiliin ko. Good news, hindi lang basta dual nano SIM itong phone. Meron din itong support sa eSIM. It’s either dalawang eSIM, or dalawang nano SIM, or isang nano SIM at isang eSIM. Kagaya na lang ng gamit ko ngayon, isang nano at isang eSIM. At maganda yung speed test result sa 5G connection nito.



Yung download speed ay 291Mbps. Yung upload naman ay 24.6Mbps sa OOKLA speed test. Sa FAST, 350Mbps yung download at 53Mbps naman yung upload speed. At lastly, sa Google Speed Test. 232.1Mbps yung download at 25.4Mbps naman yung upload. Talagang very reliable ‘yung 5G connectivity nito. Kung gagamitin naman natin ‘to sa buong maghapon nang naka-data connection ay walang magiging problem.



Sa taas ng phone ay wala namang makikitang secondary microphone or secondary speaker. Yung secondary speaker nito ay nasa earpiece. Sa ilalim naman yung main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM tray. Yung volume up and down buttons at power lock button ay nasa may right side. Naka-Optical fingerprint scanner ito. Siguro sa iba ay magiging downside yan. Kasi ine-expect na natin sa 17T Pro ay Ultrasonic fingerprint scanner na rin yung ilagay nila. At good news, ‘yung stereo speakers sa 17T Pro ay naka-Dolby Atmos. Maganda talaga ‘yung tunog. Lalo na kung magpa-play tayo ng mga movies o kaya makikinig ng music. Hindi tayo mabibitin kahit sa max volume.
Meron din itong IP68 rating. Dust and water resistant ang phone. Pwede itong malublob sa tubig pero huwag nating sasadyain. Yung IP rating na yan ay para lang sa mga aksidente. Pagdating sa Wi-Fi, naka-Wi-Fi 7 na rin ito.
Display
Specification:

Isa sa magandang aspect ng phone na ito ay ang display. Out of the box ay meron na itong pre-installed screen protector. Yung mga bezels nito sa bawat side ay proportioned at manipis. Talagang immersive at maganda ‘yung magiging experience natin dito pagdating sa media consumption. Pagdating sa color reproduction, hindi pa sinasabi ng Xiaomi kung ilan ‘yung color coverage nito. Pero sa mata ko lang ay napaka-accurate at napaka-vibrant. Hindi overly saturated yung color reproduction ng phone. Again, makakatulong yan para mas mag-enjoy tayo sa pinapanood.

At hindi lang basta maganda yung display ng phone. Kasi Level 1 yung Widevine Security. At yung max playback resolution ay Full HD. Meron itong support sa Dolby Vision at HDR10+ sa Netflix.
Screen Refresh Rate

Pag-usapan natin yung maximum screen refresh rate nito na 144Hz. Headroom lang ang 144Hz. For future proofing lang kasi hindi pa natin mau-utilize iyan sa ngayon. Hindi pa lahat ng apps ay makakagamit ng ganyang kataas na screen refresh rate. Pero at least ay 120Hz ay may mga app na nagsu-support nito. Yung default behavior nito kapag naka-Auto yung screen refresh rate ay 60Hz to 120Hz.
Sa Display and Brightness > Refresh Rate. Ganun pa rin yung option na pwedeng piliin. Yung default ay up to 144Hz pero hindi guaranteed yan. Kung gusto nating i-lock sa mataas na refresh rate, pwede nating i-select sa custom yung 144Hz. Mamimili tayo kung anong application na naka-install sa phone yung gusto nating gumamit nung ganong kataas na screen refresh rate. Kahit po i-enable natin lahat iyan, hindi pa rin guaranteed na magagamit yan ng application na naka-enable. At least ay merong future proofing pagdating sa screen refresh rate ang phone.

Good news, meron din itong dalawang color preset—Original Color Pro at Vivid. Meron din itong Adaptive Color Temperature na pwedeng i-enable. Para hindi na natin manually sine-set yung white balance or color temperature.
Performance
Specification:

Nakakatuwa na napaka-consistent na ng Xiaomi pagdating sa software support. Ibig lang sabihin ay matagal-tagal natin magagamit itong 17T Pro. As of reviewing the phone, hindi pa officially na-launch ang phone sa Philippines. Wala pang official SRP. Kaya naka-block pa iyung AnTuTu at Wild Life Stress Test. Wala kaming maibibigay sa inyo na benchmark scores.


Pero para magkaroon kayo ng idea sa performance. Laruin natin ang Grid Legends. Sagad ‘yung graphics pero wala tayong kahit anong problem, as expected. Kasi nga flagship level ‘yung chipset na nakalagay sa 17T Pro. Mabigat-bigat yung graphics sa Grid Legends pero nakaya nito at may motion blur pa, lahat-lahat. Napakaganda rin ng haptics. Gamit na gamit ‘yung haptics sa game na ‘to everytime na liliko o mababangga. Ramdam ko na mag-e-enjoy kayo sa haptics ng phone na ‘to kung sakali na magta-type kayo. Huwag niyo na lang i-disable.
Overall, pagdating sa performance nito sa gaming. Walang problem. Flagship level. Next nating pag-usapan yung isa rin sa talagang ipinagmamalaki ng Xiaomi sa 17T series, ‘yung camera.
Camera
Specification:

Up to 8K 30 FPS yung video recording na kaya nitong i-shoot sa main camera. Pero ‘yung mga ipapakita ko sa inyo ay 4K lang. Kapag magsho-shoot kayo ng 8K, tandaan niyo na malaki ‘yung kakainin nun sa storage. Isa pa na kailangan ninyong tandaan ay meron itong 4K video recording na naka-LOG. Para sa mga gustong mag-color grade ay pwedeng-pwede niyo gamitin itong phone. Plus, meron itong 120x AI zoom. And lastly, dalawa pa rin yung Leica preset na pwedeng gamitin. Isang Leica Authentic at Leica Vibrant. Pero kagaya ng mga nakaraang review ko sa mga Xiaomi phones, hindi ko talaga masyadong gusto yung Leica Authentic. Kasi para sa akin ay masyadong dramatic yung effect nito at madilim. Lahat ng ipapakita kong sample ay naka-Leica Vibrant.
Ito ang mga sample photo screenshots:




Ito ang mga sample video screenshots:




Battery
Specification:

Ang nakuha nitong SOT ay 21 hours and 1 minute. Reliable po ito. Kahit sa isang charge lang ay asahan ninyo na tatagal ito ng 1 and 1/2 to 2 days. Depende na lang kung the whole day naka-Wi-Fi tayo or naka-data connection. Sa charging, 19% to 100% ay 56 minutes ko lang na-charge yung phone.

Yan na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa 17T Pro. Pag-usapan naman natin ngayon ‘yung non-Pro version at ‘yung ilang differences ng Pro version. Kasama na ang konting comparison pagdating sa difference sa camera output.
Xiaomi 17T





Kitang-kita sa box pa lang na medyo malaki yung difference nila. Mas manipis ang box ng non-Pro version. Yung nandito ay 12+512GB na Opal White. Mas gusto ko ‘yung white at makikita niyo sa non-Pro version yung reason kung bakit ko nasabi ‘yun. Makapal-kapal yung documents sleeve nito kasi meron itong SIM ejector pin. Nasa loob na rin yung charging cable. Bad news yan kasi wala itong charger sa loob ng box. Ganun pa rin yung case, kagaya sa Pro version.
Sunod ang mismong 17T non-Pro. Same din ‘yung balot ng dalawa. May naka-print din na mga top specs. Yung pagka-white nito, kapag tini-tilt ng kaunti ay medyo may effect na nag-iiba-iba ng kulay yung ilang part. Parang mother of pearl. Kung pamilyar kayo sa design na yun or sa dial ng ilang mga watches ngayon ay parang ganun. Pero matte finish pa rin. Hindi pa rin kapitin ng smudges or fingerprints, kagaya sa Pro version. Pero obviously ay mas maliit yung non-Pro version. Kung gusto ninyo ng mas compact size ng phone, doon kayo sa non-Pro version. Para sa akin ay dito nag-excel ang non-Pro version. Kasi mas comfortable ito gamitin compared sa Pro version dahil mas maliit ito.
Specification:

Compared sa Pro version na 7000mAh pero hindi pa rin maliit yung 6500mAh kung tutuusin. Kasi nakakuha pa rin ito ng almost 16 hours na screen on time, not bad. Hindi pa rin super impressive para sa akin. Pero para sa ganitong klase ng phone ay siguradong magtatagal na ‘to ng mahigit isang araw. Uuwi pa tayo ng may 20% to 30% remaining sa battery. Sa charging, 1% to 100% ay 1 hour and 44 minutes ko ito na-charge.

Camera
Specification:

Pagdating naman sa camera on paper ay almost same na same sila ng specs. Pero malaki yung difference nila pagdating sa sensor. Ang main camera ay naka-Light Fusion 800 at walang 8K video recording. I-expect niyo na dahil iba yung chipset sa non-Pro version at iba rin yung sensor na ginamit. May konting difference pagdating sa camera output, photos, at videos. Pero sa mga ipapakita ko sa inyong mga sample, side by side, sa totoo lang ay hindi ganun kalaki ‘yung difference. Siguro mas obvious lang pagdating sa video recording lalo na sa selfie camera.
Ito ang mga sample photo screenshots:




Ito ang sample video screenshot:

Verdict

Yan na lahat yung mga gusto kong i-share sa inyo tungkol sa Xiaomi 17T at 17T Pro version. Kung kayo ang tatanungin, alin sa dalawang ito ‘yung gusto ninyo or ‘yung pipiliin ninyong bilhin?