Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • MAS SULIT Nga Ba Itong Nothing Phone (4a)?!
  • Nothing
  • Phones
  • Tech Blog

MAS SULIT Nga Ba Itong Nothing Phone (4a)?!

Sunod naman ang glyph interface ng (4a). Pwede ito gawing volume indicator. Kitang-kita yung status nung volume kapag...
sulittechreviews September 1, 2026 8 minutes read

Nothing Phone (4a)

Snapdragon 7s Gen 4

LPDDR4X + UFS 3.1

5080mAh 50W

Glyph Interface

Essential Button

Watch Full Review
  • Specs
  • Price
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Camera
  • Battery & Verdict
  • Vid
DESIGNIP64 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
205g + 8.5mm
Glyph Interface
Essential Button
DISPLAY6.78″ AMOLED 120Hz
1224×2720
4500 nits max brightness
800 nits typical brightness
Corning Gorilla Glass 7i
PERFORMANCEAndroid 16
Nothing OS 4.1
3 Major Android Upgrades
6 Years Security Patches
Snapdragon 7s Gen 4
LPDDR4X RAM
UFS 3.1 Storage
8+128GB / 8+256GB / 12+256GB
CAMERA50MP f/1.9 OIS Main
8MP f/2.2 Ultrawide
50MP f/2.9 Telephoto 3.5x Zoom
Max video: 4k 30FPS
32MP f/2.2 Selfie
Max video: 1080p 30FPS
BATTERY5080mAh 50W
7.5W Reverse Wired

8+128GB

21,990
PHP
BUY HERE

8+256GB

24,990
PHP
BUY HERE

12+256GB

28,990
PHP
BUY HERE

Price

Ito namang mas murang Nothing Phone (4a) yung pag-uusapan natin na non-Pro version. As of writing this article, Php21,990 lang yung base model nito na 8+128GB. Pero merong 8+256GB na Php24,990. At ang i-unbox natin na 12+256GB, ang pinakamataas na variant ay Php28,990 naman. Kung hindi mo pa nababasa iyung unboxing at review sa Pro version ay basahin mo muna iyun.

Unboxing

Same na same lang naman ‘yung unboxing experience sa non-Pro version compared sa Pro version. Meron lang pupunitin sa box. Na-open ko na ‘to kasi nga ay kailangan kong gamitin agad-agad. Hindi ko na na-videohan yung mismong unboxing sa sobrang excitement. Pag-open, yung documents sleeve agad. Nakakatuwa yung Nothing kasi ini-make sure nila na wala daw plastic sa buong packaging nitong Nothing Phone (4a) at (4a) Pro. Makikita niyo yung effort ng Nothing na mabawasan yung laman ng box. Yung dati ay nabubuksan ito at may magnet tapos may document sleeve. Ngayon, yung mismong takip na yung document sleeve. Sa loob ng document sleeve ay may transparent jelly case na makapal-kapal. Covered yung camera module sa case na ito. Protected talaga. Meron itong cable na USB-C to USB-C, SIM ejector, at documentation. Ayan lang yung laman ng box.

Sunod naman ang Nothing Phone (4a). Kung hindi niyo type itong color Black na ire-review na unit. Meron itong White, Blue, at Pink. Talagang glossy yung phone. Napaka-reflective ng likod nitong Nothing Phone (4a). Compared sa Pro, ang laki ng difference nila pagdating sa itsura ng likod. Ang camera plateau lang yung glossy sa Pro version. The rest ng likod nito ay matte. Pero sa (4a), kitang-kita yung reflection sa likod.

Nasa sa inyo na yan kung alin yung mas gusto ninyong itsura. Pero itong (4a) kasi yung classic na Nothing phone design. Pero ang (4a) Pro ay bago talaga. New language ng design nila. Ang linis at nasa camera plateau lang ‘yung glyph interface. Pero sa (4a) ay mga squares na magkakapatong ‘yung glyph interface nito.

Design

Meron na itong pre-installed screen protector. Kapansin-pansin na yung bezels nito ay mas makapal talaga compared sa Pro version. Napakalayo ng kapal ng bezel compared sa (4a) Pro. Yan yung isa sa mga mapapansin niyo sa phone na ‘to. Yung ingress protection ng (4a) ay bumaba rin at naging IP64 na lang.

Compared sa Pro version na merong eSIM support, itong (4a) ay wala. Dual nano SIM lang ang pwede. Hindi rin expandable ang storage nito. I-suggest, hangga’t kaya ng budget natin ay go for the highest variant.

Sa taas ng Phone (4a), merong makikitang mga microphone. Sa may ilalim ang USB-C port, main microphone, at main speaker. At sa may right side ‘yung volume up and down buttons at power lock button. Sa may left side ‘yung Essential Button. Para sa mga curious, maganda rin yung haptics sa (4a). Kagaya sa (4a) Pro.

Sunod naman ang glyph interface ng (4a). Pwede ito gawing volume indicator. Kitang-kita yung status nung volume kapag babawasan or dadagdagan. Medyo mas limited yung mga pwedeng makita at mabasa sa glyph interface nito compared sa (4a) Pro. Ito yung isa sa malaking difference ng dalawa, yung glyph interface. Sa (4a) ay bar at sa (4a) Pro ay 8-bit display.

Pero kagaya sa (4a) Pro, mayron pa rin itong Essential Notifications. Kung saan pwedeng ma-customize ‘yung makikita sa glyph interface depende sa notification or contacts natin.

Display

Specification:

Maganda rin display sa (4a). Maliban sa pre-installed screen protector nito. Meron itong matibay na screen dahil sa Corning Gorilla Glass 7i. Anong difference sa (4a) Pro? Sa (4a) Pro ay 1260x 2800 yung resolution. Sa peak brightness naman ay 5000nits yung peak brightness ng (4a) Pro. May konting-konting bawas sa (4a). Pero kahit pagtabihin ‘yung dalawang phone ay hindi masyadong mapapansin kung anong difference pagdating sa mismong quality ng display. Konting-konti lang naman yung difference kung tutuusin.

Level 1 pa rin yung Widevine Security nito. Full HD ang mapa-play sa mga streaming services kagaya na lang sa Netflix. Meron din itong color presets, Alive at Standard. Pwedeng ma-adjust ‘yung color temperature nito. Unlike sa Nothing Phone (4a) Pro, 120Hz lang ‘yung pinakasagad na refresh rate nito. Hindi ganon kalaki ‘yung headroom nito for future proofing. Unlike sa (4a) Pro na 144Hz na ngayon pa lang. Hindi naman masyadong big deal ito para sa akin. Kasi kahit 120Hz lang ay okay na. 90Hz nga ay kaya ko nang gamitin yung phone. Sa mga nag-aalala at gusto ng future proofing sa refresh rate ay doun kayo sa Pro version.

Performance

Specification:

Unlike sa (4a) Pro, yung RAM doon ay LPDDR5X. Pero same lang sila pagdating sa haba ng software support. 3 Major Android upgrades at 6 Years Security Patches. Aabot ito ng at least Android 19. Nung sine-setup ko ‘to at hanggang sa ginamit ko, nakatanggap din ako ng dalawang update.

Meron din itong RAM booster na up to 8GB. Pwedeng maging 20GB yung RAM in total kung yung pinakamataas na variant yung bibilhin natin. At syempre, meron din itong App Optimization. Nung sine-setup ko pa lang itong (4a), dito ko first time nakita yung App Optimization. Kaya ko in-apply sa (4a) Pro at inulit ko ‘yung PCMark. Nung nakita ko sa (4a) yung App Optimization feature ay ginamit ko agad.

Ang mga AnTuTu score at PCMark mamaya ay optimize na sa phone. Halimbawa na lang, ang AnTuTu score na nakuha ko ay 1175972. Again, optimize na lahat ng apps nung nakuha ko yung score na to. Naka-on yung RAM Booster or virtual RAM. Nung naka-off naman ay 1152280 ang score. Hindi naka-optimized yung mga apps sa score na to. Mas maganda talaga yung performance kapag optimize lahat nung apps and naka-on yung RAM Booster. Pero kung 12GB na configuration na yung pipiliin natin, huwag niyo na masyadong gamitin yung RAM Booster. Sapat na sapat na yung 12GB.

Gaming

Para ma-boost pa ‘yung performance kapag magge-games, i-slide lang from left papunta sa gitna para sa Game Mode. Enable niyo lang yung Performance Mode para sagad-sagad yung performance ng chipset at GPU.

Sa Asphalt ay sagad-sagad din yung graphics. Hindi nito na-generate lahat ng graphics. Pero sa mismong gameplay or sa performance sa Asphalt 9 ay okay naman. Wala akong nakitang struggle. Walang hiccups or whatsoever. Napaka-smooth nung gameplay.

If ever man na casual gaming yung gagawin natin sa Nothing Phone (4a), wala tayong magiging problema. Mas maganda lang syempre yung performance nung (4a) Pro. Kasi 7 Gen 4 na yun. Medyo tone down version ng 7 Gen 4 ang nandito sa Phone (4a).

Pagdating sa battery consumption at thermals, sa Wild Life Stress Test, after nung test ay nabawasan ito ng 6% sa battery. Nadagdag naman ng 15°C sa thermals. Saktuhan lang yung nakuha pero gaganda pa naman yan sa mga susunod na software support.

Camera

Specification:

Kagaya nung sinabi ko sa review ko sa (4a) Pro ng Nothing Phone. On paper ay same na same sila ng specs ng camera ng (4a) at (4a) Pro. Pero dahil magkaiba yung chipset, asahan natin na may slight difference sila pagdating sa quality. Unlike sa (4a) Pro na hanggang 140x zoom. Sa (4a) ay 70x lang yung sagad.

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshots:

4K 30 FPS ang video recording sa Phone (4a). May natural bokeh naman ito. Sa 3.5x zoom ay maganda yung edge detection. Actually, natural yan kasi optical zoom yung ginagamit. Good thing na parehas may OIS yung main at periscope telephoto. Stable yung video recording alinmang lens yung gamitin. Pwede hanggang 7x digital zoom ito.

Pero yun nga lang, sa selfie camera ay 1080p 30fps lang yung pwedeng ma-record. Wala itong 4K video recording sa selfie camera. Miss opportunity na naman ng Nothing. Pero kung pag-uusapan yung quality, not bad pa rin naman. Pero yung pagiging future proof ay wala sa selfie camera.

Battery

Specification:

Gusto ko pa lang mag-add ng additional point sa (4a) Pro version na review ko. Kaya pala mas mataas yung battery capacity ng Phone (4a) sa India ay dahil wala silang eSIM support. Mas maliit ‘yung battery capacity ng Phone (4a) Pro sa Philippines dahil may eSIM support ito. Mas impressive ‘yung nakuhang screen on time sa (4a) kasi 18 hours and 33 minutes ‘yung nakuha nito. Sa charging, from 15% to 100% ay 1 hour and 1 minute ko lang ito na-charge.

Verdict

Yun na lahat yung mga gusto kong i-share na points, aspect, at benchmark results sa Nothing Phone (4a). KUng gusto niyo mapanood ang review ko sa phone na ito, check niyo sa Video Tab.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Nandito na sa wakas! | OnePlus Nord 6 Full Review
Next: Murang tablet na may PC Mode! | Blackview ZENO 10 5G Full Review

Related Tech

TCL C7L Beauty Shot
  • Other Tech
  • TCL
  • Tech Blog

TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!

sulittechreviews September 1, 2026
TECNO MEGAPAD 2 Beauty Shot
  • Tablets
  • Tech Blog
  • Tecno

TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!

sulittechreviews September 1, 2026
Nothing Phone (4b) Beauty Shot
  • Nothing
  • Phones
  • Tech Blog

Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid

sulittechreviews September 1, 2026
  • TCL C7L Beauty Shot
    TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • TECNO MEGAPAD 2 Beauty Shot
    TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!
  • Nothing Phone (4b) Beauty Shot
    Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid
  • Xiaomi Pad 8 Beauty Shot
    Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!
  • vivo Y11d Beauty Shot
    vivo Y11d: Matagal Na Ma-Lowbat, Matibay Pa!
  • OnePlus Nord CE6 Beauty Shot
    OnePlus Nord CE6: Akala Ko Ordinary Phone Lang…
  • Lenovo Legion Y70 (2026) Beauty Shot
    Gaming Phone… Pero Pang-Everyday?
  • TechLife Pad Plus 2 PR
    TechLife Powers Bigger Ideas with the Launch of the New TechLife Pad Plus 2

Recent Posts

  • TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!
  • Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid
  • Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!
  • vivo Y11d: Matagal Na Ma-Lowbat, Matibay Pa!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.