Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Murang tablet na may PC Mode! | Blackview ZENO 10 5G Full Review
  • Blackview
  • Tablets
  • Tech Blog

Murang tablet na may PC Mode! | Blackview ZENO 10 5G Full Review

Sa gilid ng box makikita ang napakaraming accessories na laman ng box. Mouse, keyboard, folio case, tempered glass, pen, at...
sulittechreviews September 1, 2026 7 minutes read

Blackview ZENO 10

Unisoc T8200

LPDDR4X + UFS 2.2

8000mAh 18W

Doke OS_P 4.2

Watch Full Review

  • Specs
  • Price
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Battery
  • Performance
  • Verdict
  • Vid
DESIGNIP68 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM / micro-SD (up to 2TB)
517g + 8.2mm
Plastic Back
DISPLAY11″ IPS LCD 90Hz
1200×1920
400nits max brightness
PERFORMANCEAndroid 15
Doke OS_P 4.2
? Major Android Upgrades
? Years Security Patches
Unisoc T8200
LPDDR4X RAM
UFS 2.2 Storage
8+128GB / 8+256GB
CAMERA16MP f/1.8 OIS Main
Max video: 1080p 30FPS
13MP f/2.0 Selfie
Max video: 1080p 30FPS
BATTERY8000mAh 18W

8+128GB

59
PHP
BUY HERE

8+256GB

59
PHP
BUY HERE

Budget friendly android tablet naman yung pinadala sa atin ng Blackview. Ito ang kanilang ZENO 10 5G. Ano ang meron sa tablet na ito? Maliban sa budget friendly. Meron itong PC Mode. Sigurado na magugustuhan ito ng mga students. Lalo na, yung laman pa lang ng box na ito ay complete package na.

Price

Mabibili natin ito sa dalawang variant. Ang 8+128GB ay Php9,799. Ang 8+256GB naman ay Php11,999. Pwedeng mamili between Gray and Blue colorway.

Unboxing

Napaka-decent ng pagkaka-design ng box. Malayo sa itsura ng Blackview FORT 5. Parang walang identity yung itsura ng mga box ng Blackview. Meron itong sticker na 256GB+24GB. Pero 8GB lang ang RAM nito at pwede itong gumamit ng 16GB internal storage. Sa gilid ng box makikita ang napakaraming accessories na laman ng box. Mouse, keyboard, folio case, tempered glass, pen, at wired earphones.

Pag-open, ang unang makikita ay ang tempered glass. Hindi na kailangang bumili ng additional protection para sa tablet. Sunod naman ang ZENO 10 na nakasuot na ang mismong folio case. Sa ilalim ng box ay may wireless keyboard. Napaka-generic lang nito. Sa totoo lang ay ang flimsy lang nito. Comfortable naman ang pagta-type. Hindi na ako magrereklamo kasi free lang naman. Wala itong pogo pins at meron itong USB-C port for charging. Medyo strange lang talaga na Bluetooth keyboard yung inilagay sa box dahil ang ZENO 10 ay may pogo pins sa ilalim. Malamang ay mabibili yung official keyboard para sa ZENO 10 sa website nila.

Meron itong pen, generic lang din ang pen at walang masyaong special. Wala itong Bluetooth kaya wala itong additional actions. Hindi kagaya sa mga Apple pencil at iba pa. Sunod ang documentations at wireless mouse. Maganda naman ang mouse dahil matte at hindi kapitin ng mga smudges. Kung gagamitin natin ito sa maghapon at pawisin tayo ay hindi ito maglalagkit. Sunod ang SIM ejector, USB-C to USB-A cable, wired earphones, at 18W charging brick. Pero kahit generic freebies lang ang iniligay ng Blackview. Masasabi ko na good job pa rin. Maraming salamat sa extra effort na ginawa nila para sa atin.

Design

Napaka-typical lang ng folio case nito. At least ay meron tayong magagamit for added protection para sa tablet. At meron itong wake feature, kapag ini-open ang folio case ay mabubuksan ang tablet. Meron na itong pre-installed na screen protector out of the box. Hindi tayo mape-pwersa na i-install agad ang tempered glass kung hindi pa tayo ready.

Napaka-simple lang naman ng likod nitong ZENO 10. Matte at dual tone ito. Yung camera module nito ay naka-protrude. Napaka-premium naman ng pagkaka-design sa camera module. Meron itong quad speakers. Sa may ilalim ang dalawa, kasama na ang USB-C port. Sa may itaas naman ang dalawa pang speakers at power lock button. Kapag naka-landscape mode ay dinig na dinig ang pinapanood natin. Sa right side kapag naka-portrait mode ang SIM tray, microphone, at volume up and down buttons. Proportioned naman ang mga bezels. Hindi ganun kanipis ang bezels nito pero enough para maging immersive ang experience.

Itong ZENO 10 ay 5G. Pwedeng maglagay ng dalawang nano-SIM or isang nano-SIM + isang micro-SD. Pina-promise ng Blackview na yung SD card na pwedeng ilagay ay pwedeng umabot ng 2TB. Kagaya dati ay nag-speed test tayo gamit ang GOMO SIM. Sa kinauupuan ko pa rin sa studio. Sa OOKLA, 172Mbps download speed at 37.4 upload speed. At sa FAST, 170Mbps download speed at 41Mbps upload speed. Good news iyan, yung 5G connectivity nito ay masasabi nating reliable. Lumampas ito ng 100Mbps sa dalawang test. Good news iyan para sa mga students na nago-online class, research, or projects na kailangan ng data connection. Yung Wi-Fi connectivity nito ay hindi lang 2.4GHz Wi-Fi connection. 5GHz na rin ito.

Display

Specification:

In person, medyo bluish lang ang color reproduction nito pero mage-enjoy pa rin naman tayo. Hindi naman ganun kalala. Kapag tini-tilt lang ang tablet ay medyo nagbabago yung color reproduction nito. Kung nakaharap at diretso sa iyo ang tablet o screen ay wala ka masyadong mapupuna. For the most part, napaka-usable at mage-enjoy pa rin tayo. Isa pang good news, ang Widevine Security ay Level 1. Makakapag-play tayo ng Full HD sa Netflix.

Battery

Battery performance ang una nating tinitingnan kapag bumibili tayo ng tablet. Gusto natin na matagal nating magagamit ang isang tablet, Minsan kasi ay ito yung pang-replace natin sa laptop. Kung dadalhin natin ito sa pagta-travel or sa school, gusto natin na panatag tayo. Na buong maghapon ay may charge itong tablet. Meron itong 8000mAh battery capacity.

Ang nakuha kong SOT ay 10 hours 30 minutes. Kagaya ng palagi kong sinasabi, magkaiba ang average SOT na nakuhuha sa phone at tablet. Para sa akin, ang average at pasado na SOT sa isang tablet ay 8 hours pataas. For sure, aabot ng buong maghapon ang tablet sa isang charge lang. Speaking of charging, 18W lang ang charging speed nito. Sa test ko, 8% to 100% ay 2 hours and 5 minutes ko ito na-charge.

Performance

Isa ang performance sa aabangan niyo sa tablet. Lalong-lalo na ang skin. Pero out of the box ay Android 15 lang ito. Isa ito sa drawback ng tablet na hindi ito naka-latest na Android 16. Pero dahil Blackview ito, walang magandang reputation ang Blackview pagdating sa pagbibigay ng mahabang software support. Hindi rin tayo sure kung ganito ang case sa Blackview ZENO 10. Pero sa experience ko, more than a week na sa akin ito at wala pa akong natatanggap na software support. Sa settings > all parameters, ang Android Security Update ay December 5, 2025 pa. Napaka-late na at as of writing this article, almost May na ng 2026.

Specification:

Ang nakuhang AnTuTu score nito ay kalahating million lang, 560977. Para sa presyo, para sa akin ay acceptable na iyan. Considering na 5G na yung chipset nito, magagamit talaga ng mga student at pwedeng-pwede na ang performance.

PC Mode

By default, para itong Samsung OneUI sa tablet ang PC Mode. Kasi kapag nago-open tayo ng application ay may lumalabas na task bar sa ilalim. Madali na lang mag-switch ng application dahil pipindutin mo na lang ang task bar. Napaka-useful ng task bar. Sa left side ng task bar ay may icon para sa app drawer. Pero hindi pa yan ang PC Mode.

Para mabuksan ang PC Mode, swipe lang from top top bottom para lumabas ang settings. Hanapin lang ang PC Mode button. Kapag ini-tap ito ay magii-switch ito to landscape mode at papasok ito ngayon to PC Mode. Magiging desktop ang itsura nito. Kapag may ini-open na application ay nagiging window ito. Resize, maximum, at restore ang pwede. Wala itong automatic side by side application. Pero for the most part ay ang laking tulong.

Imagine kung meron tayong ginagawang task sa tablet. Like online schooling or basic task sa work like spreadsheet, google docs, and alike. Pwede na itong gawin sa tablet nang naka-mouse. Ano ang masasabi niyo sa PC Mode? Malaking tulong ba talaga ito? Nakaka-wow ba talaga yung feature na ito para sa ganitong klase ng tablet?

Conclusion

Iyan na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa Blackview ZENO 10. Masasabi niyo ba na sulit itong tablet?

Muntik ko nang makalimutan, meron itong selfie camera. Hanggang 1080p ang video recording nito. Okay naman ang tisura at decent naman. Medyo bluish din yung kulay na nakikita ko. Malamang sa malamang ay dahil ito sa display. Detailed pa rin. Meron lang nakatutok na mga liwanag pero well balanced pa rin. Make sure niyo lang na kung gagamitin niyo ito for video calls ay meron kayong sapat na liwanag. Kapag low light ay siguradong magkakaproblema kayo. Pero hindi ito ganun ka-grainy.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: MAS SULIT Nga Ba Itong Nothing Phone (4a)?!
Next: vivo V70 FE now on Globe GPlan 1799 with free limited edition Zsiga case

Related Tech

TCL C7L Beauty Shot
  • Other Tech
  • TCL
  • Tech Blog

TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!

sulittechreviews September 1, 2026
TECNO MEGAPAD 2 Beauty Shot
  • Tablets
  • Tech Blog
  • Tecno

TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!

sulittechreviews September 1, 2026
Nothing Phone (4b) Beauty Shot
  • Nothing
  • Phones
  • Tech Blog

Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid

sulittechreviews September 1, 2026
  • TCL C7L Beauty Shot
    TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • TECNO MEGAPAD 2 Beauty Shot
    TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!
  • Nothing Phone (4b) Beauty Shot
    Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid
  • Xiaomi Pad 8 Beauty Shot
    Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!
  • vivo Y11d Beauty Shot
    vivo Y11d: Matagal Na Ma-Lowbat, Matibay Pa!
  • OnePlus Nord CE6 Beauty Shot
    OnePlus Nord CE6: Akala Ko Ordinary Phone Lang…
  • Lenovo Legion Y70 (2026) Beauty Shot
    Gaming Phone… Pero Pang-Everyday?
  • TechLife Pad Plus 2 PR
    TechLife Powers Bigger Ideas with the Launch of the New TechLife Pad Plus 2

Recent Posts

  • TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!
  • Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid
  • Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!
  • vivo Y11d: Matagal Na Ma-Lowbat, Matibay Pa!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.