OnePlus Nord 6
Snapdragon 8s Gen 5
LPDDR5X + UFS 4.1
7500mAh 80W
MIL-STD-810H

| DESIGN | IP68, IP69K – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM 210g + 8.50mm Plus Key MIL-STD-810H |
| DISPLAY | 6.78″ Sunburst AMOLED 2772×1272 165Hz 3600nits max brightness |
| PERFORMANCE | Android 16 Oxygen OS 16 4 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Snapdragon 8s Gen 5 LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 8+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.8 OIS Main Sony LYTIA-600 Sensor 8MP f/2.2 Ultrawide OmniVision OV08F Sensor Max video: 4k 60FPS 32MP f/2.0 Selfie OmniVision OV32C Sensor Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 7500mAh 80W 6.5W Reverse Wired Bypass Charging |

Yung pag-uusapan natin ngayon ay ang global version ng Turbo 6 na napag-usapan na natin. Ito yung OnePlus Nord 6. Pero unlike sa Turbo 6, 7500mAh lang yung battery capacity nito. Sa Tubro 6 ay 9000mAh na. At yung Turbo 6 na naipakita ko ay may kasamang charger. Itong Nord 6 ay wala kaya manipis lang yung box. Yung pre-order freebies ng Digital Walker sa Nord 6 ay charger. Yan yung ilan sa mga kapansin-pansing pagkakaiba ng dalawa. Meron pang mangilan-ngilan sa specs difference yung OnePlus Nord 6 at Turbo 6. Pero ibe-break down natin mamaya. Pero for the most part, almost same na same sila ng specs.
Price

Mabibili ito sa DIgital Walker. May dalawang variant itong OnePlus Nord 6. Yung una ay yung 8+256GB na Php29,990. Ang color na available para sa 8+256GB ay Pitch Black. Yung 12+512GB naman ay Php34,990 yung presyo. Meron itong Pitch Black at Fresh Mint na kulay.


Pero bago niyo i-comment ‘yung green line issue ng OnePlus. Itong OnePlus Nord 6 ay may kasama nang lifetime warranty para sa green line issue. Isipin niyo ‘yun. Confident ang OnePlus na hindi mangyayari sa phone ‘yung green line issue. Kaya nag-o-offer sila ng lifetime warranty.
Unboxing




Kagaya ng sabi ko kanina, manipis lang yung box nitong OnePlus Nord 6. Wala namang masyadong special sa box. Document sleeve agad yung bubungad na may kakapalan. Compared sa mga normal document sleeve ngayon. Pag binuksan, meron itong USB-C to USB-A cable, SIM ejector, at documentations. Walang kasamang case sa loob.
Sunod ang OnePlus Nord 6. Nakabalot ito sa white paper. Ito yung Pitch Black kasi nga 256GB lang yung nandito. Uulitin ko, yung Pitch Black ay available sa 8+256GB at 12+512GB. Pero yung Fresh Mint na kulay ay exclusive lang sa 12+512GB. Kung ako sa inyo, kung bibili lang naman kayo nito ay go for the Fresh Mint color.
Design


Itong Nord 6 ay kagaya pa rin sa Turbo 6 na walang eSIM support. Pero dual nano SIM naman ‘yung pwedeng ilagay. Kapag tiningnan ang mga gilid, sa may kaliwa ay makikita yung Plus Key. Kapag pinindot ito, pwedeng ma-set ‘yung iba’t ibang action na pwedeng gawin. Ini-set ko ito para sa sound profile. Pwedeng puntahan sa settings ng Plus Key. Makakapamili tayo ng iba’t ibang mga actions. May sound and vibration, do not disturb, flashlight, camera, at marami pang iba. Para itong button ng Apple or ng mga iPhone ngayon. Kaya ini-set ko ito sa sound and vibration para mas madali.






Sa may right side naman, makikita pa rin yung volume up and down buttons at power lock button. Sa taas naman yung mga microphone. Nasa may ilalim yung main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM tray. At syempre sa likod ay matte finish pa rin yung OnePlus Nord 6. Napakaganda ng design nito. Napakasimple lang. Nasa gitna yung OnePlus logo at matte finish ito. Hindi ito ganon kakapitin ng smudges or fingerprints. Pero yung mga oil at walang case yung Nord ay medyo mag-stain ng kaunti yung oil. Kailangan gumamit ng basang tissue or ng wipes para ma-remove.
Yung camera module nito ay manipis lang naman yung naka-protrude. Pero meron pa rin. Mas maganda ay gumamit kayo ng third party case. Sa harap ay meron itong pre-installed screen protector. Mabuti naman. Proportioned yung bezels nito. Yung taas, baba, at dalawang gilid na bezels ay pantay na pantay. Napaka-premium naman ng itsura nito sa unang tingin.
Rating
Meron itong MIL-STD-810H rating at IP68, IP69K. Talagang protected ito pagdating sa accidental drops. O kaya ay malublob ito ng hindi sinasadya sa tubig nang medyo malalim-lalim. Basta kukunin agad. Hindi tayo magkakaroon ng problema. Pero again, hindi ito action camera. Please, huwag nating isasama sa pagsu-swimming.
Ngayon, isa pang nagustuhan ko sa OnePlus Nord 6 ay yung stereo speakers. Ang lakas ng stereo speakers ng phone. Hindi talaga ako nabitin. Dinig na dinig ko ito. Maiko-compare ko na ito sa lakas ng speakers ng iPhone 17 Pro Max. Ang isa lang siguro sa kinalungkot ko, sa ganitong presyo ay inaasahan ko na naka-ultrasonic fingerprint scanner na ito. Pero naka-optical pa rin ito kahit na umabot na ito ng Php34,990 para sa pinakamataas na variant. Sana sa mga susunod na Nord phone ay ultrasonic na.
Silicone carbon yung ginamit na battery sa OnePlus Nord 6. Medyo makapal ito. Pero considering na 7500mAh yung battery capacity nito ay manipis pa rin itong maituturing. Thanks to silicon carbon kaya napanatili nilang maganda pa rin yung form factor nitong phone.
Battery
Specification:

Sa battery talaga nag-excel itong phone na kagaya sa Turbo 6. Napakaganda ng SOT na nakuha natin doon. Dahil medyo tone down yung battery capacity nito ay hindi kasing taas ng SOT ng Turbo 6 yung nakuha. Pero very close. Napaka-impressive pa rin, 25 hours and 17 minutes. Kayang tumagal nito ng 2 and 1/2 days to 3 days in one charge. Depende syempre sa mga gagawin natin. Kung palagi tayong naka-data ay malamang 2 days lang ang aabutin nito. Pero, grabe! Impressive talaga ‘yun para sa isang phone na kagaya nito.

Asahan natin na mag-i-improve pa ‘to. Baka tumaas pa nga ito up to 27 hours. Dahil sa napakatagal na software support ng OnePlus sa phone. At dahil sa mataas na battery capacity nitong phone at magandang battery performance, hindi tayo mapupwersa na palaging i-charge yung phone. Kaya yung battery health nito ay talagang maiingatan natin. Hindi magde-deteriorate agad yung battery health nito. Matagal talaga natin itong magagamit. At dahil nga silicone carbon, mas matibay ito compared sa mga regular batteries ng mga android phones. Pagdating naman sa charging, from 17% to 100% ay 1 hour and 15 minutes ko ‘to na-charge.
Performance
Itong OnePlus Nord 6 ay naka-Android 16 na out of the box at Oxygen OS 16. Medyo magiging hati yung opinyon natin. Kasi yung Turbo 6 ay naka-Color OS na. Itong Nord 6 ay Oxygen OS pa rin. Pero marami rin ang matutuwa kasi Oxygen OS pa rin yung ginamit sa phone. At para sa ilan ay mas magaan pa rin yung feels ng Oxygen OS compared sa Color OS.
Specification:

Talagang mabilis yung performance nito. Kaya ang tawag ng OnePlus sa phone ay “flagship crusher“. Hindi killer. Talagang dudurugin daw yung mga flagship ngayon dahil sa makukuha nating value sa OnePlus Nord 6. At mukhang kaya naman nilang panindigan iyan. Kasi sa battery performance pa lang ay talaga namang mataas yung SOT na nakuha natin. Ang ganda pa ng chipset na inilagay nila. Hindi man yung sobrang taas na chipset pero talagang performer na.

Pina-promise pa ng OnePlus na itong Nord 6 ay makakatanggap 4 Major Android Upgrade. Hanggang Android 20 ‘yung mare-receive nito. Tapos 6 years Security Patches. Yung virtual RAM nito ay double nung internal RAM natin or physical RAM. Dahil 8GB yung physical RAM nito, up to 8GB din yung virtual RAM. In total ay pwedeng 16GB ‘yung maging RAM nito sa pinakamababang variant.
Benchmark


Ang Antutu score kapag ginamit yung RAM expansion ay 2318662. Talagang pang-flagship na yung score na nakuha nito. Kapag naka-off yung virtual RAM, 2304846 na lang yung nakuha. Ganun kaganda at kabilis ‘yung storage type nitong OnePlus Nord 6. Kasi tumaas pa ‘yung performance nung ginamit yung storage as virtual RAM. Pero syempre hindi ko ire-recommend na palagi niyong gamitin ‘yan. Gamitin niyo lang kung talagang kailangan.

Pagdating naman sa Wild Life Stress Test, 5% lang yung nabawas sa battery percentage. Sa temperature naman ay 12°C lang ‘yung nadagdag. Talagang napakaganda ng battery consumption at thermals sa phone.
Kapag nasa game, swipe niyo from left to right para ma-openin ‘yung Game Assistant. Sa performance option, pwedeng mamili ng profile. Kung gusto niyong isagad yung CPU, GPU, at refresh rate ay i-select niyo lang yung Pro Gamer. Medyo magge-generate lang ng alarming heat kung mabigat talaga iyung game na paggagamitan ng Pro Gamer mode. Kasi isasagad nito talaga lahat. Kasama na yung battery consumption.


Sa Racing Master, as expected ay napaka-smooth ng gameplay. Walang kahit anong issue. Walang frame drops, hiccups, at struggle. Napaka-smooth lang. Pati ‘yung graphics ay na-generate nito lahat. Walang na-miss na graphics. Napakaganda ng reflections, texture, lahat-lahat. Very good. Pero ‘yun lang, kapag naka-Pro Gamer mode ay asahan niyo na na magge-generate ito ng alarming heat. Powerful talaga yung chipset na inilagay.
Camera
Specifications:

Itong Nord 6 ay merong ultrawide camera unlike sa Turbo 6 na wala.
Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshots:


4K 30 fps ang video recording sa OnePlus Nord 6 main camera. Hanggang 4K 60 FPS naman yung pwedeng i-record nito sa main camera. Stabilization wise ay okay naman. Hindi ganon kaalog kahit naglalakad. Handheld lang ito. Wala akong masyadong ingat sa paghawak pero hindi shaky. Kaya niton hanggang 2x zoom pero hanggang 10x ang digital zoom. Stable pa rin kahit na naka 2x ito.
4K rin ang video recording sa selfie camera nitong OnePlus Nord 6. Stable naman at kahit naglalakad ay hindi ganon kaalog. Pwedeng 0.8x, 1x, at 2x ang zoom.
Display
Specification:

Sa mata ko ay napakaganda at napaka-accurate ng kulay na ma-experience sa OnePlus Nord 6. Wala akong complain. Walang yellowish tint at walang pagka-bluish yung itsura nung display. Napakaganda at talagang true to life naman yung mae-experience natin. Mag-e-enjoy tayo sa media consumption.



Sa settings > display and brightness > screen resolution ay pwedeng baguhin. Yung Auto Select ay pwedeng mamili ‘yung Oxygen OS between Standard at High. Yung Standard ay 1080p lang. At High ay 1272p. Pero yung pinakita ko na SOT ay naka-Auto Select lang yung resolution. Ang screen refresh rate ay may tatlong option din. Yung Auto Select, ang default niyan ay 120Hz to 60Hz and vice versa. Yung Standard ay naka-lock to 60Hz. Kung gusto naman nating ma-experience yung 165Hz, i-select lang yung High and then manually i-select yung application na compatible sa 165Hz. As of reviewing the phone, wala pa akong nakita na naka-install sa Nord 6 na compatible sa 165Hz refresh rate. Pero in the future, kung dumami na yung mga apps na pwede sa 165Hz. At least ay meron tayong phone na magagamit na compatible. Pagdating sa future proofing ay check diyan ang Nord 6.
Conclusion

Based sa mga napag-usapan, sulit ba itong OnePlus Nord 6 para sa presyo? Kung ako ang tatanungin ay medyo pricey ito. Lalo na yung 12+512GB. Kasi yung Php34,990 ay nandun na talaga sa flagship territory. Pwede niyong pag-isipang mabuti kung ang hinahanap niyo bang phone ay mabilis, maganda yung battery performance, display, looks, at design. Pero compromise naman pagdating sa camera.
Kasi para sa presyo nito, yung camera quality nitong OnePlus Nord 6 ay medyo bitin. Hindi ko sinasabing pangit, hindi ko sinasabing hindi maganda. Maganda pero bitin para sa presyo. Kung hindi masyadong importante sa inyo ‘yung ganda ng camera. Yung performance, display, design, at battery ang talagang priority niyo. Swak na swak sa inyo ang OnePlus Nord 6.