Xiaomi Pad 8
Snapdragon 8s Gen 4
LPDDR5X + UFS 4.1
9200mAh 45W
6 Years Security Patches
11″ 144Hz HDR

| DESIGN | 485g + 5.75mm Aluminum Frame Oleophobic Coating |
| DISPLAY | 11.2″ IPS LCD 144Hz 3.2K 3:2 HDR10 Dolby Vision 800 nits max brightness Panda X Glass |
| PERFORMANCE | Android 16 HyperOS 3 4 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Snapdragon 8s Gen 4 LPDDR5X RAM 128GB UFS 3.1 Storage 256GB UFS 4.1 Storage 8+128GB / 8+256GB |
| CAMERA | 13MP f/2.2 OIS Main Max video: 4K 30FPS 8MP f/2.3 Selfie Max video: 1080p 30FPS |
| BATTERY | 9200mAh 45W 22.5W Reverse Wireless |
Design



Ang Xiaomi Pad 8 na ire-review natin ay ang 8+256GB na Pine Green. Kung ayaw niyo ng Pine Green ay meron pa itong Black at Blue. Pag-open ng box, ang Pad 8 agad yung makikita natin na nakabalot sa isang paper na balot na merong top spec. Meron itong support sa Pen Pro. At meron itong napakalaking battery capacity. Lahat yan ay pag-uusapan natin maya-maya lang.





Ang unang kapansin-pansin sa Pad 8 ay napakanipis nito. Yung USB-C port ay konting-kunti lang yung ikinapal sa port. Hindi lang nakagitna yung port. Medyo hindi masa-satisfy yung karamihan sa atin kasi gusto natin palaging nakagitna yung port. Meron itong quad speakers. Dalawa sa ilalim at dalawa pa sa taas. May logo ng Dolby Atmos sa taas din. Napakaganda ng quality ng speakers ng Xiaomi Pad 8. Meron itong microphone sa itaas din.
Yung camera ay isa lang na 13MP. Yung pagkaka-design ng camera ay malaki yung resemblance sa design ng iPad o iPad Pro. Merong pogo pins sa gilid ng Xiaomi logo. Pwedeng-pwede natin itong kabitan ng keyboard. Dahil nga pogo pins yung keyboard ng Xiaomi ay hindi na natin kailangan pang i-charge para lang magamit. Basta idikit lang natin sa tablet ay mapapagana na.


Gusto ko lang kayo i-remind na itong tablet ay walang SIM. Wala din itong fingerprint scanner. Ang biometrics nito ay either face unlock, pattern, o pin. Sa harap ng tablet ay ang 8MP selfie camera. At maganda ‘yung placement ng selfie camera kasi nasa gitna kapag naka-landscape mode. Kung naka-video call tayo ay lagi tayong nakagitna. Hindi awkward yung pagtingin natin sa camera. Hindi lang 2.4GHz, hindi lang 5GHz ‘yung Wi-Fi nito. Compatible din ‘to sa 6GHz at 7GHz. At ‘yung USB-C port nito ay USB 3.2 na. Pwedeng-pwede natin itong isaksak sa external monitor.
Battery
Specification:

Pag-usapan na agad natin yung battery performance nitong Xiaomi Pad 8. Lalo na ngayong 2026 ay marami-rami na rin itong natanggap na software updates. Kung kailangan talaga natin i-charge yung TWS o iba pang mga wireless devices natin. Pwedeng-pwede yan sa likod ng Xiaomi Pad 8. At ang screen on time na nakuha sa tablet ay 13 hours and 2 minutes. Mababa ‘yung number na iyan compared sa mga phones na nire-review natin. Kasi ngayong 2026, karamihan ng mga phones na nire-release ay nakakakuha ng 16 hanggang 20+ hours of screen on time.

Pero ibang usapan kasi kapag tablet. Lagi kong sinasabi na nasa 10 to 12 hours of SOT ay masasabi nating normal. Okay lang yun. Hindi impressive pero not too bad. Itong 13 hours and 2 minutes na screen on time ng PAD 8 ay goods na rin. Makaka-last na ito ng one whole day sa isang charge. Lalo na kung gagamitin ito ng mga students sa mga office applications lang naman. Magta-type, magre-research, mga ganyan—kakayanin nito ang isang buong araw. Sa charging, ang ginamit ko ay isang 100W GaN charger ng Ugreen. From 8% to 100% ay 2 hours and 43 minutes ko ito na-charge.

At na-appreciate ko rin yung result na nakuha sa Wild Life Stress Test. Nabawasan lang ito ng 6% sa battery at nadagdagan lang ito ng 13°C sa temperature. Kung kailangan man nating magpatakbo ng mabigat na application, gaya ng mga video editing apps or photo editing apps, kakayanin talaga ng tablet. At hindi ito ganon kabilis ma-lowbat. Hindi rin ito ganon kabilis uminit.
Performance
Specification:

Kung plano ninyong gamitin nang matagal itong tablet ay go for 256GB. Para sagad na sagad ‘yung performance na ma-experience ninyo. Medyo pigil na pigil tayo sa UFS 3.1 at 128GB. Tapos, hindi pa naman expandable ang storage ng tablet. Sa settings, meron itong memory extension na up to 8GB.

I-walkthrough ko muna kayo sa UI nitong Xiaomi Pad 8. Umpisahan natin sa pagpapalit ng wallpaper. I-pinch lang ang homescreen at pindutin ang wallpaper. Madaming stock wallpaper na pwedeng piliin. Yung quick settings ay mukha pa rin iPadOS. Sa settings, napaka-normal naman ng UI o ng itsura.


Pero ang isa sa mga pinagmamalaki ng Xiaomi sa tablet. At magugustuhan talaga natin, lalong-lalo na ng mga students ay yung tinatawag na workstation mode. Or sa ibang tablet ay PC mode. Makikita niyo yung icon nito sa quick settings. Pag-tap ay medyo lumiit ng kaunti ‘yung dock at ‘yung mga icons dahil sa naka-PC mode na ito. Naka-window na ‘yung mga apps na bubuksan natin. Pwedeng-pwede natin itong ilipat sa kahit saang part ng display. Pwede rin tayong mag-multitask dito. Again, malaking tulong ito sa mga magmu-multitask, sa mga student na gustong gamitin itong tablet na ito as their laptop.





Kapag tiningnan natin yung App drawer. Meron pa itong pre-installed apps na nagustuhan ko, yung WPS Office PC. Mukhang PC experience talaga yung ibibigay sa atin nito. Ayos! Talagang highly recommended itong tablet. Isipin niyo, ‘yung USB-C nito ay pwede pang ikabit sa isang external monitor. Marami tayong magagawa talaga. And to turn off the workstation mode ay ganun din, quick settings > tap lang yung icon at babalik ito sa tablet mode.
Memory Extension


Balikan natin yung effect nung memory extension sa performance. Ang nakuhang AnTuTu score nung hindi ginamit yung memory extension ay 2305006. Nung ginamit ko ang memory extension ay tumaas, 2330642. Kung gusto niyong gamitin ‘yung memory extension ay huwag kayong mag-alala na babagal ang tablet. Mabilis talaga ‘yung UFS 4.1. Hindi ko lang sure kung magiging ganito rin yung case kapag yung 128GB na variant yung pipiliin ninyo. Pagdating sa software support, pina-promise ng Xiaomi na ang Xiaomi Pad 8 ay makakatanggap ng 4 Major Android Upgrades. From Android 16 ay aabot ito ng Android 20. Makakatanggap din ito ng 6 Years Security Patches.



Sa gaming, dahil alam natin na powerful talaga yung Snapdragon 8s Gen 4. Sa Asphalt pa lang ay napaka-optimized na. Pwedeng-pwede isagad yung performance at up to 120 fps yung gameplay nito. Meron din itong Game Turbo. Kapag ini-swipe sa gilid ng phone ay lalabas ang Game Turbo. Pwedeng i-boost pa yung performance para sagad-sagad. And as expected, napaka-smooth, napakaganda ng graphics. Kapag gusto nating maglaro sa Xiaomi Pad 8 ay kakayanin nito kahit na mabibigat na games. For example, sa Asphalt ay although hindi ito ‘yung pinakamabigat na game sa ngayon pero isa ‘to sa may pinakamabigat na graphics. Nakaya ng Pad 8 ang laro na ito. Napakaganda ng gameplay. Makaka-120FPS tayo sa Xiaomi Pad 8. Depende sa lalaruin nating game.
Display
Specification:

Asahan ninyo na kapag mag-play ng mga 16×9 ay merong black bars or borders sa baba at sa taas ng video. Na-appreciate ko talaga sa Xiaomi Pad 8 ‘yung pantay or proportioned na bezels nito sa lahat ng side. Kahit saan niyo tingnan ay talagang immersive yung magiging experience natin. Yung color reproduction nito ay maganda at may support pa ito sa HDR10. Liliwanag ito sa mga HDR contents pero hindi masakit sa mata. Balanced na balanced ‘yung kulay nito. Hindi oversaturated pero vibrant. Talagang mage-enjoy tayo sa media consumption. Syempre, kung ang gagamit nito ay student para sa kanilang mga school projects or research. Pwede nilang i-enable yung eye comfort or eye protection.


Out of the box, wala itong screen protector. Which is nakakalungkot, yes, pero pwede naman tayong bumili ng tempered glass. Pero good to know na although hindi Corning Gorilla Glass ‘yung inilagay ng Xiaomi. Meron itong tinatawag na Panda X Glass. Plus, meron pa itong Oleophobic coating. Yung Panda X Glass ay parang mas mura na protection sa screen. Hindi pa rin ito ganon kabilis magasgas. Hindi rin ganun kabilis mabasag. Pero syempre, kapag hindi natin nababasa yung Corning Gorilla Glass sa specs ng display ng isang device ay medyo alanganin para sa atin.
Pero pina-promise ng Xiaomi na ‘yung Panda X Glass ay kasing tibay ng Corning Gorilla Glass. Yung oleophobic coating ay para yung mga drops ng tubig or ng liquid ay dudulas lang talaga. Pero as time goes by, kung hindi tayo gagamit ng tempered glass ay unti-unting ninipis yung oleophobic coating. I suggest, bili kayo agad ng temper glass para sa Pad 8.
Display Settings


Sa settings ng display ay napaka-typical naman. Meron itong sunlight mode, reading mode. Meron din itong color scheme kung gusto man nating baguhin ‘yung timpla ng kulay. Pati na rin yung white balance or color temperature.



Yung refresh rate, sa custom ay pwedeng piliin kung 60Hz, 90Hz or up to 144Hz. Pero kagaya nung sinabi ko kanina, hindi pa lahat ng applications ay compatible sa 144Hz. Pero good to know na future proof na sa ganyang kataas na refresh rate itong tablet. At pagdating naman sa refresh rate behavior, napansin ko na bumababa ito to 50Hz. Ang default nito ay 120Hz ang pinakamataas tapos bababa to 50Hz kapag hindi natin tina-touch yung display.

Kapag manonood tayo sa Netflix, pwede tayong mag-play ng Full HD kasi Widevine Security Level 1 ‘yung tablet. Meron itong support sa HDR10 at Dolby Vision Contents.
Sulit Pa Rin Ba?

To answer the question kung sulit pa rin ba ngayong 2026 itong Xiaomi Pad 8? Ang sagot diyan ay yes na yes. Pwedeng-pwede niyo pa rin itong i-consider. Napakaganda pa rin ng performance ng tablet sa halos lahat ng aspect. Pero most importantly, ‘yung speed at performance nito ay talagang malaking tulong sa mga students. At kahit sa mga naghahanap ng tablet na napaka-praktikal ng presyo kumpara sa ibang mga tablet. Halimbawa ‘yung iPad. Kung gusto natin ng lower price pero halos same speed or performance. At hindi natin kailangan ng Apple ecosystem. Pwedeng-pwede nating i-consider itong Xiaomi Pad 8.
Meron pa itong workstation mode or PC mode na hindi lahat ng tablet ay meron. Yung battery performance nito ay mag-i-improve pa naman sa mga susunod na software updates. Speaking of software support, ang tagal pa po ng aabutin nito kasi hanggang Android 20 pa yung matatanggap nitong upgrade. Tapos, anim na taon na security patches. Again, sulit na sulit itong tablet kung bibilhin natin ngayong 2026.