Tecno CAMON 50 Ultra
Dimensity 7400 Ultimate
LPDDR5X + UFS 2.2
6500mAh 45W
MIL-STD-810
Nano SIM + eSIM

| DESIGN | IP68, IP69K – Dust & Water Resistant MIL-STD-810 Nano SIM + Nano SIM (eSIM Support) 178g + 7.8mm Glass Back – Corning Gorilla Glass 7i |
| DISPLAY | 6.78″ Curved AMOLED 144Hz 1.5K 4500 nits max brightness Corning Gorilla Glass 7i |
| PERFORMANCE | Android 16 HiOS 16 3 Major Android Upgrades 5 Years Security Patches Dimensity 7400 Ultimate LPDDR5X RAM UFS 2.2 Storage 8+256GB / 12+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.56 OIS Main Sony LYT 700C 8MP f/2.2 Ultrawide 50MP f/2.4 Telephoto 3x Zoom Omnivision O550M Max video: 4k 30FPS 50MP f/2.4 Selfie Samsung ISOCELL JN1 Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 6500mAh 45W |
Price




Hindi ko lang sure kung hanggang kailan yung mga promo ng Shopee sa Tecno CAMON 50 Ultra 5G. Maganda i-check niyo na lang yung link sa baba.
Box


Medyo madaming nakalagay sa box ng TECNO CAMON 50 Ultra. Kasama na lang yung 50MP na naka-Sony sensor, military certification at IP ratings, at Yung Super-Zoom FlashSnap na up to 60x AI Zoom. However, may natanggap na bagong software update itong CAMON 50 Ultra. Hindi na lang ito 60x AI zoom, hanggang 100x na. Makikita rin sa box yung Corning logo kasi meron ‘tong dual Corning Gorilla Glass. Likod at harap. Yung nandito ay ang 8+256GB. 16GB ang nakalagay sa box kasi may additional na 8GB virtual RAM ito. Sa likod naman ang ibang mga top specs.
Unboxing






Pag-open, document sleeve na medyo manipis yung makikita na merong naka-engrave na TECNO AI. Pag-open ng document sleeve, mayroong SIM ejector, mga documentations, at tempered glass. Malaking advantage ‘tong tempered glass kasi ‘yung glass ng CAMON 50 Ultra ay naka-curved. Mahirap talagang makahanap ng screen protector or tempered glass na third party. Mabuti na lang ay nagsama sila ng freebie sa box.
Yung case nito ay napakaelegante tingnan. May pagka-mamahaling mga bag yung design nito. Parang Chanel o kaya ay Louis Viton. Medyo may pagkatela ‘yung texture sa malaking part at matte na plastic sa ibang part.
Balot na balot naman yung CAMON 50 Ultra gamit yung case. At may additional protection ito sa camera module. Sunod naman ang Tecno CAMON 50 Ultra na yung balot ay may top specs din. Yung nandito na kulay ay yung Moonshadow Black. Pero meron pang Nebula Titanium, Misty Purple, at Luminous Orange.


Sa ilalim naman ng box ay meron 45W charger na USB-A at USB-C to USB-A cable. Keep in mind lang, although merong tempered glass at case na kasama sa box. Walang pre-installed screen protector. Kung kaya ay i-install agad yung tempered glass. Pero huwag kayong masyadong mag-alala kasi yung mismong screen nitong Tecno CAMON 50 Ultra 5G ay naka-Corning Gorilla Glass Protection.
Design




Napakaelegante tingnan nito dahil sa curved display. Matte yung likod nito. Napakalinis tingnan. Hindi rin ito kapitin ng fingerprint or ng smudges. Yung pagkaka-layout ng mga camera sa CAMON 50 Ultra ay napakaelegante rin. Parang yung mga Samsung phones before.
May Tecno CAMON branding ito sa baba. Kagaya sa case, yung pattern nito sa likod ay mag-iiba sa may bandang camera module. napakakomportable naman nito hawakan.
Pagdating sa protection or ingress protection, meron itong IP68, IP69K rating. Plus, meron pa itong military certification, MIL-STD-810. Hindi naman ito rugged phone. Kung accidentally ay malaglag sa mataas-taas na height or malublob ng hindi sinasadya sa malalim na tubig. 2 meters for 30 minutes ay hindi ito agad-agad papasukin ng tubig. Pero hindi pa rin ‘to action camera. Huwag pa rin itong isasama sa pag-swimming.
Sa taas ay makikita ‘yung secondary speaker, Dolby Atmos branding, IR blaster, at secondary microphone. Sa may ilalim naman ‘yung USB-C port, main microphone, SIM tray, at main speaker. Good news kasi itong CAMON 50 Ultra 5G ay may support sa eSIM. Very good kasi sa ganitong presyo ng phone ay gusto nating may eSIM support na.
Data Speed



Sa data speed test results ay nakasagap ito ng 5G+. Sa OOKLA speed test, 243Mbps yung upload at 20.1Mbps naman yung download. At sa Google Speed Test, 218.3Mbps yung download at 19.7Mbps naman yung upload. Panghuli, sa FAST. 230Mbps ‘yung download at 26Mbps naman ‘yung upload. Napaka-consistent na nasa lagpas 200Mbps ito madalas sa download speed. Ang bilis talaga ng data connection nito. Same pa rin ‘yung sim na ginamit ko, GOMO SIM. 5G+ yung nasagap nito. Reliable ang data connection nito.

Yung biometrics nitong CAMON 50 Ultra 5G ay optical fingerprint scanner. Okay naman ito. Hindi super bilis. Medyo mababa nga ‘yung placement nito. Mag-a-adjust lang ng kaunti. Hindi ito ganon kabilis mag-unlock. Kahit ‘yung mismong animation ay hindi rin ako nabibilisan. Although, pwede naman iyang baguhin sa settings. Minsan, kahit na nakadampi na iyung thumb or fingerprint natin ay hindi pa rin agad-agad nababasa. Sana sa mga susunod na software update na matatanggap nitong CAMON 50 Ultra 5G ay ma-improve nila yung bilis nung pagbasa sa fingerprint.
Camera
Specification:

In total ay meron itong tatlong 50MP. At bonus na lang ‘yung 8MP ultrawide camera. Kaya nitong mag-shoot ng 4K sa likod at sa harap.
Ito ang mga sample photos:


Sa ultrawide hanggang sa 100X zoom. Good job sa TECNO kasi most of the time ay halos pare-pareho ‘yung timpla ng kulay ng ultrawide, papunta sa main camera, hanggang sa 3x telephoto camera. Yung 100x AI zoom or super zoom flashsnap ay hindi na talaga ganon ka-usable kung tutuusin. Pero at least, kung kailangan na kailangan talaga ng gayong kalayong zoom ay merong magagamit sa CAMON 50 Ultra 5G.
Ito ang mga sample photos:




Pero may ilang mga beses din akong na-experience na obvious na obvious yung difference ng 2x zoom gamit ‘yung main camera compared sa 3x telephoto camera. Minsan ay may mapansin na pagbabago sa kulay or sa quality mismo kapag ginamit yung zoom.
Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample photos:




At ito naman yung lagi kong paboritong camera mode sa mga Tecno phones, yung Sky Shop.
Videos
Ito ang sample video screenshots:

4K 30fps ang video recording sa main camera ng Tecno CAMON 50 Ultra. Kapag naka-1X or ginagamit ang main camera ay hindi pwedeng gamitin yung ultrawide. Stable kahit pina-pan ko. Naka-Video Steady ito. Naka-on yung stabilization kaya kahit maglakad tayo at kahit pa 4k yung resolution ay hindi ito maalog. Para sa ganitong presyo ng phone, napakaganda na po niyan. Maliwanag ito at malinaw hindi pixelated yung texture. Kapag 10x, hindi ito super linaw. Pero at least kung hinihiling ng situation ay pwedeng mag-zoom. Stable pa rin kahit handheld. Yan yung kagandahan ng 4K video recording sa Tecno CAMON 50 Ultra.
Ito ang sample video screenshots:

Ang sagad na resolution na pwedeng i-record ay 4K 30FPS at naka-on yung stabilization, which is good. Para sa ganitong presyo ng phone, nakakatawa na may ganitong capability na pwedeng mag-record ng mataas na resolution pero hindi masakit sa bulsa. Kapag ini-on yung stabilization sa 4K selfie video recording, medyo magzo-zoom in ito ng konti. Magka-crop ito. Pero itong 4K selfie video ay stable. Nakatalikod ako sa araw kaya medyo madilim pero kita pa rin ang mukha ko.
Ito ang sample video screenshots:

Sa 4K pero walang stabilization. Ang wide na nang kuha pero maalog na. May idea kayo kung sakaling gusto ninyong isagad yung quality na walang crop at wide talaga. Gamit na lang kayo ng gimbal kung gusto ninyong stable pa rin.
Before tayo pumunta sa display nitong CAMON 50 Ultra 5G, nakalimutan ko sabihin kanina na ang likod nito ay protected ng Corning Gorilla Glass 7i.
Display
Specification:

Pagdating sa bezels, proportioned at hindi ganun kakapal. Manipis na ‘yan. Pagdating sa color reproduction, masasabi ko na napaka-natural naman tingnan. Hindi sobrang saturated. Although AMOLED ito, napaka-balance pa rin nung timpla ng kulay. Kung hindi kayo kontento sa default na timpla ng kulay, pwede namang baguhin sa display settings.


Sa Color Style, naka-Original Color ito by default. Pero pwede namang Bright Colored para mas maging pop yung pagka-vibrant. Yung color temperature ay pwede ring baguhin. Sa screen refresh rate ay may mga options din na pweding piliin. Auto Switch kung gusto natin na 120Hz to 60Hz and vice versa. Kung gusto nating Standard ay naka-lock lang ito to 60Hz. High ang mag-a-unlock nung 144Hz na refresh rate.


Pero keep in mind na hindi lahat ng application ay compatible sa mataas na refresh rate. Ilan lang ang mga apps na naka-download sa phone ang pwede sa 144Hz na refresh. Sa Customize App Refreh Rate > Apps Supporting 144Hz, i-click lang yung app at manually i-set to 144Hz. Hindi pa rin ito automatic. Pero at least ay merong future proofing or may headroom pagdating sa refresh rate. Kapag dumami iyung mga apps na may support sa 144Hz na refresh rate ay merong phone na pwedeng gamitin para diyan.
Performance
Specification:

Yung UFS 2.2 ang bagong EMMC 5.1 para sa akin ngayong 2026. Hindi ako impressed sa storage type na ginamit nila sa CAMON 50 Ultra 5G. Especially, pwedeng-pwede itong umabot ng Php34,000 para sa 12+512GB. Isipin mo, ganun yung presyo ng phone na bibilhin mo pero UFS 2.2. Talagang kulang na kulang ako sa part na yon. Sayang, sana UFS 3.1 naman yung inilagay ng Tecno. Para naman mas promising yung performance na ma-experience natin kahit matagal nating gamitin itong phone.
And knowing na ang tagal din ng software support na ibibigay nila, sayang talaga na UFS 2.2. Hindi ko sinasabi na mabagal ang UFS 2.2. Pero meron na kasing mga UFS 3.1 na mga phone ngayon na mas mura compared sa phone na ito. Yun yung ine-expect ko sana na storage type na inilagay nila.
Kagaya ng sinabi ko kanina, matagal po yung software support na binigay ng Tecno. Aabot ito ng 3 Major Android Upgrades. Aabot ito ng Android 19 tapos 5 Years Security Patches. Ang tagal niyo talagang pwedeng gamitin itong phone pero UFS 2.2 lang.
Benchmarks


Para magka-idea kayo, ang AnTuTu score nito ay 990941. Ito ang nakuha nung hindi natin ginamit yung MemFusion. Nung ginamit naman ang MemFusion ay naka-980746 ito na score. Medyo bumagal ito. Hindi po talaga ganon kabilis yung UFS 2.2. Bumagal ito kasi ginagamit na as RAM ‘yung UFS 2.0 na storage nito. Yun ‘yung isa sa mga downside na nakita ko.

Pero pagdating naman sa mismong battery consumption at thermals. Okay naman kasi nabawasan lang ito ng 4% at nadagdagan lang ng 10°C. Hinay-hinay pa rin. Yung 10°C ay medyo mataas-taas pa rin yung nadagdag na temperature. And malamang sa malamang, ang reason ay ang nipis lang kasi ng phone. Kung matagal tayong gagamit ng mabigat na application, i-expect niyo na may mafi-feel kayo na alarming heat sa likod.

Sa gaming, merong lilitaw na maliit na line sa lefit side ng phone. Pwedeng palabasin yan at pwedeng mapili ‘yung performance profile sa High Boost. Naka-performance mode ito or yung pinakasagad na performance sa Tecno CAMON 50 Ultra 5G.


Sa setting ng Asphalt 9, pagdating sa graphics ay sagad na sagad lahat. Napaka-smooth naman ng gameplay kahit na sagad yung graphics. Pero kahit sagad ‘yung graphics ay hindi nito na-generate lahat nung graphics na gusto natin. Napaka-casual pa rin naman ng performance nito. Although, wala itong hiccups, walang frame drops na nae-experience. Pero hindi pa rin ito pang-flagship performance. Kailangan niyong i-expect ‘yun kung bibili kayo nito.
Battery
Specification:

Sa test ko ay hindi ganon ka-impressive yung nakuha nating SOT. 14 hours 59 minutes lang yung nakuha natin. Sabihin na natin na 15 hours flat yung SOT natin. Magtatagal naman ito ng isang buong araw or even 1 and 1/2 days. Depende sa kung naka-connect ba sa data or naka-Wi-Fi. Kung naka-data ito the whole day, imposibleng lumampas to ng isang buong araw. Pero at least ‘di ba, sa buong araw ay mayroon tayong peace of mind na sa isang charge ay uuwi tayo na mayroon pang 20% or 10% remaining. At pagdating naman sa charging speed, 8% to 100% ay 1 hour and 54 minutes ko naman to na-charge.

Verdict

Ayun na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa Tecno CAMON 50 Ultra 5G. Based sa mga napag-usapan natin, mula sa design, protection, display, performance, camera, at battery. Masasabi niyo ba na sulit ‘to para sa presyo?
Para sa akin, ‘yun lang naman yung nakita kong napakalaking downside nito. Pero depende pa rin sa point of view niyo. Kasi para sa akin ay medyo malaki-laking bagay na ‘yung storage type ay UFS 2.2. Sabihin ko na mga 3 years itong gagamitin, medyo outdated na talaga yung UFS 2.2. Doun lang talaga ako medyo napakamot nung nakita. Para sa ganitong presyo ay UFS 3.1 na dapat yung storage type na mae-experience natin. Pero bumawi naman sila sa data connection kasi meron itong eSIM plus 5G+ ang nasagap na signal.