Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Mas Maganda na ang Glyph Interface dito sa Nothing Phone (4a) Pro!
  • Nothing
  • Phones
  • Tech Blog

Mas Maganda na ang Glyph Interface dito sa Nothing Phone (4a) Pro!

Yung Phone (4A) at (4A) Pro. Hindi ko alam kung naghi-hint sa atin yung Nothing na may paparating silang...
sulittechreviews September 1, 2026 11 minutes read

Nothing Phone (4a) Pro

Snapdragon 7 Gen 4

LPDDR5X + UFS 3.1

5080mAh 50W

144Hz + 500nits

Watch Full Review
  • Specs
  • Price
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Camera
  • Battery & Verdict
  • Vid
DESIGNIP65 – Dust & Water Resistant
Nano SIM / eSIM + Nano SIM / eSIM
210g + 7.9mm
Aluminum Unibody Back
Glyph Interface
Optical Fingerprint Scanner
DISPLAY6.83″ AMOLED 144Hz
5000nits max brightness
-800nits typical brightness
HDR10+
Corning Gorilla Glass 7i
PERFORMANCEAndroid 16
Nothing OS 16
3 Major Android Upgrades
6 Years Security Patches
Snapdragon 7 Gen 4
LPDDR5X RAM
UFS 3.1 Storage
8+128GB / 8+128GB / 12+256GB
CAMERA50MP f/1.9 OIS Main
8MP f/2.2 Ultrawide
50MP f/2.9 OIS Telephoto 3.5x Zoom
Max video: 4k 30FPS
32MP f/2.2 Selfie
Max video: 1080p 30FPS
BATTERY5080mAh 50W
7.5W Reverse Wired

12+256GB

34,990
PHP
BUY HERE

Price

Itong Nothing Phone (4a) Pro ay mabibili for Php34,990 para sa 12+256GB configuration. Tatlong kulay yung pwedeng pagpilian: Black, Silver, at Pink. Kung maabutan niyo ang preorder promo sa Digital Walker from March 28 to April 6, may mga freebies na pwedeng makuha.

Unboxing

Yung itsura at design ng box ay halos walang difference sa previous generation. Again, yung nandito ay yung Silver color. Mayroon lang pupunitin na maliit na paper sa likod para ma-open. Once na ma-open, makikita ‘yung document sleeve na mayroong case, cable, SIM ejector, at documentations. Sunod naman ang Nothing Phone (4a) Pro na nakabalot sa paper. Sobrang ganda nito. Napakalinis tingnan ng silver. Pero kahit ano mang kulay yung piliin natin, for sure ay magugustuhan natin yung itsura ng Nothing Phone (4a) Pro. Ilang araw na ring nandito sa akin itong Nothing Phone (4a) Pro. Marami na rin akong information at data na gustong i-share sa inyo.

Design

Merong Aircraft Grade Aluminum Unibody design itong Nothing Phone (4a) Pro. Ibig sabihin ay yung frame or yung gilid at likod ay aluminum. Mas premium yung itsura nito at yung feels nito. Malinis talaga. Hindi kagaya before na ang daming glyph interface or circuit board design. Pero ngayon ay ang linis na talaga at nasa iisang camera plateau na lang. Hindi lang yung camera kundi pati na rin yung glyph interface. Para sa akin ay sobrang ganda nung ginawa nilang update sa design ng Nothing Phone (4a) Pro. For sure ay ganito na rin yung makikita nating design sa paparating na Nothing Phone 4.

Glyph Interface

At ini-make sure talaga ng Nothing na magiging useful sa atin yung Glyph Interface. Nakita na natin ito sa Nothing Phone 3 na yung preview ng main camera ay pwedeng makita sa glyph interface. Agad-agad meron ng ganung feature na pwedeng i-toggle on and off. Kasi sa Nothing Phone 3, personally, medyo nag-struggle ako kung paano i-enable ‘yung ganitong preview sa unit na ni-review ko. Sa ibang bansa ay parang default na ata na may ganun ‘yung Nothing Phone 3. Pero naka ilang update na ako sa Phone 3 ko before. Hindi ko pa rin makita ito sa camera application. Pero ngayon ay ang dali ng makita. Yun siguro yung naging update nila sa Nothing OS 4.1.

At least, kahit na medyo parang 8-bit talaga yung itsura nito. Magkaka-idea ka pa rin kung naka-center yung mukha mo sa paggamit sa main camera. Kagaya pa rin before ay meron itong dedicated na Glyph Interface setting na pwedeng i-customize. Napakadaming pwedeng magawa. Halimbawa na lang sa Essential Notifications. Pwedeng i-customize iyung lilitaw na icon or design sa Glyph Interface depende sa nag-chat, nag-call, or nag-text. Kapag nakita nating lumitaw yung icon kahit na nakataob pa yung phone. Alam natin kung sino agad yung nag-text or nagca-call sa atin.

Isa sa mga reason kung bakit talagang pinapaganda nang pinapaganda ng Nothing yung Glyph Interface ay para ma-reduce yung distraction sa paggamit ng phone. Kahit na nakataob yung phone sa desk, yung glyph lang ang nakikita natin. Alam natin kung gaano kaimportante ‘yung notification sa phone before natin damputin ‘yung phone. Maiiwasan yung palaging pagche-check ng notification. Or binubuksan iyung display para lang makita kung sino iyung nag-message sa atin.

More Design

Pwede ring i-enable yung volume indicator sa Glyph Settings. Kapag ina-adjust natin yung volume ay gumagalaw din yung Glyph Interface. Nakikita natin agad kung gaano kalakas yung volume kahit pa hindi natin tingnan yung display. For sure sa mga paparating na Nothing OS Updates ay marami pang magagawa or maidadagdag na feature ‘yung Nothing. Para mas ma-utilize natin ‘yung glyph interface. Ang ang laki talaga ng potential nito sa iba’t ibang mga apps.

Pagdating naman sa ingress protection, naka-IP65 na itong Nothing Phone (4a) Pro. Ibig sabihin ay meron itong dust and water protection. Pero hindi ibig sabihin ay pwede na natin itong ilublob sa tubig. Mga talsik-talsik lang ng tubig o ulan. O Kaya yung mga konting alikabok sa mga pupuntahan natin ay protected itong phone.

Theory?

May napansin lang ako sa default wallpaper ng mga Nothing Phone ngayon. Yung Phone (4A) at (4A) Pro. Hindi ko alam kung naghi-hint sa atin yung Nothing na may paparating silang folding phones. Sa default wallpaper ng (4A) Pro, kapansin-pansin yung guhit sa gitna. Parang flip. Sa default wallpaper naman ng Nothing Phone (4A) ay may hati naman sa gitna. Mayro’n bang sinasabi sa atin dito ‘yung Nothing?

Good news, meron itong eSIM support. Pwedeng mamili kung dalawang nano SIM, or isang nano SIM + isang eSIM, or dalawang eSIM. Sobrang ganda ng haptics ng Nothing (4) Pro. I suggest, huwag niyong i-disable. Maganda rin yung quality nung stereo speaker nito. Meron itong speaker sa ilalim at secondary speaker naman sa earpiece. Maganda yung speakers, in a sense na hindi ako na bitin sa maximum volume. Hindi rin ito tunog lata. Pero kung ikukumpara sa ibang mga phone na ginagamit ko ngayon, iPhone 17 Pro Max at Xiaomi 17 ko. Mas maganda pa rin yung tunog ng mga phone na yun compared sa (4a) Pro. Medyo naiwanan ito pagdating sa quality ng tunog. Pero bottom line ay okay pa rin. Pasado pa rin.

Security

Optical fingerprint scanner yung nasa (4a) Pro. Okay naman ito at mabilis pero hindi ito ganon ka-secured compared sa mga Ultrasonic. Medyo mababa ‘yung placement ng scanner. For the most part ay naa-unlock naman palagi yung phone.

Overall, pagdating sa design nitong Nothing Phone (4a) Pro ay pasado ito para sa akin. Pero kung kayo ang tatanungin, okay ba sa inyo yung updated design nitong Nothing Phone (4a) Pro compared sa previous generations? Before natin iwanan yung design, gusto ko lang i-mention ‘yung camera plateau nito. Medyo naka-protrude ito. Pero kapag ini-touch natin ang Glyph Interface ay parang may cover. Protected naman ito ng isa pang layer ng glass or plastic. Hindi tayo mag-aalala. Pero yung cameras nitong Nothing Phone (4a) Pro ay mas naka-protrude compared sa mismong camera plateau.

Display

Specification:

Meron itong pre-installed screen protector out of the box. Yung bezels nito ay manipis naman at proportioned. Immersive ‘yung feels kapag nanonood tayo dito. Yung color reproduction nito ay accurate naman. Maganda sa mata at pleasing para sa akin. Mag-e-enjoy talaga tayo sa media consumption. Speaking of media consumption, yung Widevine Security nito ay Level 1. Full HD yung max playback resolution at wala itong support sa HDR sa Netflix. Pero at least, mataas ‘yung resolution ng mapapanood sa mga streaming services. Meron itong dalawang color preset sa display settings: Alive at Standard. Pwedeng timplahin at i-adjust yung color temperature nito.

Performance

Specification:

Actually, medyo nabitin talaga ako sa 3 Major Android Upgrades lang. Ine-expect ko ay apat sana. Pero at least ay tatlo naman ‘yun. Matagal-tagal pa rin. As a proof, upon setting up ay meron na akong natanggap na dalawang update.

Isa sa mga bago sa akin na nakita ko sa Nothing OS 4.1 ay ‘yung App Optimization. Pwede manually i-optimize ang mga apps na naka-install sa Nothing Phone. According sa ilang nabasa ko na mga forum, yung App Optimization na feature sa NothingOS 4.1 ay nag-start talaga noong NothingOS 4.0 pa.

Kapag hindi pa optimized ‘yung mga apps na naka-install, naka-list lahat ng apps na yon. Pwedeng manually i-start agad yung optimization. Dati, yung optimization ay nangyayari sa background. Habang ginagamit natin yung phone ay ino-optimize na ng Android yung mga apps. Ang gagawin lang natin ay maghintay. Hindi natin alam kung ano na yung mga na-optimize. Pero sa App Optimization ay pwedeng makita at i-select yung gusto nating i-optimize na mga apps. Siguro ay tumagal sa akin ng mga 5 to 10 minutes bago natapos ang optimiziation. Magandang feature ito na pwedeng gamitin. First time kong makita ‘to sa isang Android phone na pwedeng manually i-optimize ‘yung mga apps na naka-install. Maganda talaga ‘to para ma-make sure na full featured na ‘yung application na ginagamit natin.

Benchmarks

Meron pa rin itong RAM Booster or virtual RAM na up to 8GB. Ang AnTuTu score kapag hindi ginamit yung RAM Booster ay 1414331. Pero kapag ginamit ay tumaas pa yung score na nakuha, 1473134. Kung bitin pa tayo sa 12GB na internal RAM nitong Nothing Phone (4a) Pro ay pwedeng i-on yung RAM Booster. Pero hindi ko nire-recommend na gamitin natin palagi yun. Ang laki na nung 12GB.

Pagdating naman sa Wild Life Stress Test, 5% lang ang nabawas sa battery pagkatapos ng test. Nadagdagan lang ito ng 16°C. Goods ‘yung battery consumption nito. Okay din ‘yung thermals nitong phone.

Pagdating sa gaming, sa Racing Master. Pwede ito sa Ultra High setting, resolution ay HD, motion blur ay High. Lahat ay nakasagad. Pero ‘yung gameplay ay hanggang 60 FPS lang talaga. Pero may ibang apps na supported ‘yung 144 FPS na gameplay. For the most games na pwede sa mga high FPS na gameplay, nakaka-120 FPS naman itong phone. Pero pagdating sa mismong gameplay, wala na akong masabi. Napaka-smooth naman nito. Hindi ako nakaka-feel ng alarming heat kahit ilang minutes na ako naglalaro sa phone. Maasahan naman ‘yung performance nitong Nothing Phone (4a) Pro. Although hindi naman to gaming phone. Hindi pa rin ito capable sa mga triple A games or mabibigat na games sa market ngayon. Pero kung gusto natin ng mga casual gaming ay hindi tayo magkakaroon ng issue sa Nothing Phone (4a) Pro.

Camera

Specification:

Keep in mind lang na nag-iba lang yung setup sa Pro pero sa (4A) non-Pro ay iba rin yung setup pero same na same yung specs ng camera.

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshots:

4K 30 FPS ang video recording sa Nothing Phone (4a) Pro. Dahil may OIS ito ay stable yung video kahit pa naglalakad ako. Wala akong kahit anong hawak o ginagamit na gimbal or phone holder. Kamay lang talaga. Pwede pa itong mag-digital zoom hanggang 7x. Sa selfie camera, 1080p 30fps yung sagad na video recording. Yun ang medyo nakaka-sad kasi hindi man lang nila ginawang 4k yung video recording sa selfie camera.

Battery

Specification:

Na-post ko na before sa Facebook page ng Sulit Tech Reviews na ngayong 2026, hanggat maaari ay huwag tayong magpu-purchase ng phone na less than 6000mAh yung battery capacity. Mahalaga sa ngayon na maging practical tayo. At the bigger the capacity the better. Lalong-lalo na pagdating sa battery health. Pero sa Nothing Phone (4a) Pro, medyo na-disappoint ako na hindi man lang ito umabot ng 6000mAh. Kahit man lang 5500mAh. Although, ‘yung India version nitong Nothing Phone (4a) Pro ay naka 5500mAh.

Pero sa global, itong unit na hawak ko ay 5080mAh lang. Medyo mag-iisip talaga ako kung mare-recommend ko ‘tong phone na ‘to for the longevity. Pero considering na almost stock Android ‘yung experience natin sa phone na to. Halos walang bloatwares ito. Hindi kagaya ng ibang mga brands ngayon na mataas ‘yung battery capacity pero sobrang daming tumatakbo sa background. Kaunting-kunti lang ‘yung tumatakbo sa background nitong phone na ‘to.

PCMark

Ang unang SOT sa PCMark, 16 hours 16 minutes. Not too bad pero not too good din. Hindi ito impressive pero okay lang. Ma-assure na natin na magla-last itong phone na to sa isang charge for the whole day. Meron pang 20% or 15% na matitira if ever man na mabigat ‘yung paggamit natin sa phone or naka-data tayo all day. Pero ginamit ko rin yung App Optimization at inuulit ko yung PCMark test. At yung result ay 17 hours 22 minutes. More than 1 hour yung nadagdag sa SOT nung nag-App Optimization.

Ganun kaganda yung feature na yun sa Nothing OS. Yung 17 hours 22 minutes, okay na okay na talaga yan na SOT para tumagal sa atin yung phone ng isang buong araw. Or maybe more than a day depende talaga sa paggamit natin. Rest assured, dahil napakadaming software updates na mare-receive nitong Phone (4a) Pro ay magi-improve pa yung SOT nito. Sa charging, 2% hanggang 100% ay na-charge ko lang ito for 1 hour and 18 minutes. Not bad.

Conclusion

Iyan na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa Nothing Phone (4a) Pro. Abangan niyo ‘yung separate review para naman sa non-Pro version. Inuna lang natin ‘tong (4a) Pro kasi mas excited talaga ako sa phone na to compared sa non-Pro. Primarily, dahil sa glyph interface na updated. Sobrang ganda at napaka-useful talaga ngayon compared before. Anong masasabi niyo sa Nothing Phone (4a) Pro? Maraming salamat sa Digital Walker kasi sila yung nagpadala ng unit na ito sa atin.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Pwedeng ipalit sa MacBook??
Next: First 400 Customers Get the Best MacBook Neo Launch Deal at Beyond the Box and Digital Walker

Related Tech

TCL C7L Beauty Shot
  • Other Tech
  • TCL
  • Tech Blog

TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!

sulittechreviews September 1, 2026
TECNO MEGAPAD 2 Beauty Shot
  • Tablets
  • Tech Blog
  • Tecno

TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!

sulittechreviews September 1, 2026
Nothing Phone (4b) Beauty Shot
  • Nothing
  • Phones
  • Tech Blog

Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid

sulittechreviews September 1, 2026
  • TCL C7L Beauty Shot
    TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • TECNO MEGAPAD 2 Beauty Shot
    TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!
  • Nothing Phone (4b) Beauty Shot
    Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid
  • Xiaomi Pad 8 Beauty Shot
    Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!
  • vivo Y11d Beauty Shot
    vivo Y11d: Matagal Na Ma-Lowbat, Matibay Pa!
  • OnePlus Nord CE6 Beauty Shot
    OnePlus Nord CE6: Akala Ko Ordinary Phone Lang…
  • Lenovo Legion Y70 (2026) Beauty Shot
    Gaming Phone… Pero Pang-Everyday?
  • TechLife Pad Plus 2 PR
    TechLife Powers Bigger Ideas with the Launch of the New TechLife Pad Plus 2

Recent Posts

  • TCL C7L SQD-Mini LED TV Review: Grabe ang Picture Quality!
  • TECNO MEGAPAD 2: Marami Kang Magagawa Dito!
  • Nothing Phone (4b): Mukhang Mura… Pero Hindi Tinipid
  • Xiaomi Pad 8: Ang Hirap Talagang Tapatan Nito!
  • vivo Y11d: Matagal Na Ma-Lowbat, Matibay Pa!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.