Sobrang limited ng time ko dito sa Xiaomi 14 Ultra. Pero kahit papaano nakakuha ako ng ilang mga data para mapakita ko sa inyo at magkaroon kayo ng idea. Ang sad news lang ay hindi ito ire-release dito sa Philippines. Pero kahit papaano ay ma-experience natin ngayon.
Design
Ang ganda ng camera module nito at napaka-premium. Sa likod nito ay leather material at napakaganda. Ang ganda din ng grip. Ito yung maganda sa Ultra, compared sa mga flagship ngayon na sobrang glossy ng likod. Kahit walang case ay hindi ito magmumukhang madumi. Ang camera module nito ay makapal pero flat naman ang sides.
May dalawang colorway itong phone, Black and White. Meron din itong IP68 rating, dust and water resistant up to 1.5 meters for 30 minutes. Kung sakali na malubog natin ito sa tubig ay hindi tayo masyadong magaalala. Magaan lang din ang phone dahil 219 grams lang ito. Mas mabigat pa ang iPhone 15 Pro Max dito. Grabe din ang haptics ng phone, pinakamagandang haptics na na-experience ko sa isang phone. Maganda talaga at mafe-feel mo ang bawat pindot sa keyboard.
Camera
Specification:
Lahat ng camera nito ay naka Leica lens. Sobrang ganda ng specs ng camera nito. Sana lang talaga ay na-release ito sa Philippines. Kasi kahit may kamahalan ang phone na ito ay sigurado ako na maraming Xiaomi user ang willing bumili ng phone na ito.
Pagdating naman sa camera feature ng phone na ito, sa camera application, may option agad para sa zoom. At kahit anong zoom na gawin natin ay hindi mababago ang timpla ng kulay ng photo. Sa video naman, pwede tayo makapag-shoot ng up to 8K 30fps. Kapag naka-4K naman ay may option mag Master Cinema. Sa Pro naman, pwede ito makapag-shoot ng 4K Log. Magagamit ito para makapag-shoot ng raw video at sa mga gusto mag-color grade. Pwede rin natin mapili ang Shutter Speed at Aperture. Lumiliit din ang Aperture nito kagaya ng DSLR camera.
Tandaan din natin ang Variable Aperture nitong Ultra ay gagana lang sa main camera. The rest of the camera ay naka-fix na ang Aperture.
Ito ang mga sample photos:
Ang ganda ng quality at napaka-natural ng kulay. Kahit na against the light ang building, kita pa rin ang quality ng side na nakatalikod sa araw. Kahit i-zoom ang lens, wala tayong makitang difference pagdating sa kulay at quality. Pagdating sa photos, panalo itong Xiaomi 14 Ultra. Pwedeng itapat sa mga Flagship phone kagaya ng Samsung S24 Ultra at iPhone 15 Pro Max.
Pagdating naman sa night photos, okay din naman. Kahit na napakaliwanag ng loob ng building, nabalance nito ang dynamic range at kitang kita pa rin ang mga tao sa loob.
Ito ang sample video screenshots:
Sa sample 4K video, sa pag-pan palang ng video ay smooth at stable ito. Kapag zoom naman ay maganda pa rin ang quality. Hindi pixelated, hindi soft ang quality, at sharp pa rin ang text. Good news din dahil pwede na makapag-shoot ng 4K 30fps sa selfie camera.
Display
Specification:
Sagad-sagad ang technology na inilagay dito ng Xiaomi sa display. Napakaganda ng display natin dito sa 14 Ultra. Accurate ang kulay at wala tayong mapupuna sa display. Ang pagka-curved sa gilid ay saktong-sakto lang. Hindi kasing lala ng pagka-curve ng Samsung S23 Ultra at ang hirap hanapan ng tempered Glass. Ang nakakabilib din sa phone ay sobrang responsive ng Screen Refresh Rate nito. Mabilis bumaba to 10Hz at kahit sa Always on Display ay 10hz pa rin.
Performance
Specification:
Malaki na ang 16GB na physical RAM, pero may available pa na 8GB Virtual RAM. Pero hindi ko na ia-advice nagamitin niyo ang Virtual RAM kasi may epekto talaga ito sa performance. Ang Antutu score kapag naka-on ang Memory Extension ay 1930111. Kapag naka-off naman ay 1966798. May bawas sa performance kapag naka-on ang Memory Extension. Malaki na ang physical RAM kaya kahit huwag na i-on ang Virtual RAM. Ang masakit lang sa phone or sa Snapdragon 8 Gen 3 in general, ang bilis nito uminit. Nang nag-Wild Life Stress Test ako para malaman natin ang thermals at battery consumption, nag-overheat. Hindi ko na halos mahawakan ang 14 Ultra.
Battery
5000 mAh ang battery capacity nito. 90W ang charging speed at capable sa 8W na wireless. Meron din itong 10W na reverse charging. Napaka-decent ng Screen on Time natin dito, 12 hours and 58 minutes. Kapag naka-off ang Memory Extension, mas malaking SOT ang makukuha natin. Pagdating naman sa charging, 20% to 100% ay 49 minutes ko lang na-charge ang phone.
Verdict
Halos sa lahat ng aspect, talagang panalo itong Xiaomi 14 Ultra. Ang laki ng chance na matalo ang karamihan sa mga flagship phone sa ngayon. Sadly, hindi ito available locally. Sana dumating ang time na ang pinakasagad na flagship phone ng Xiaomi ay ma-experience natin dito sa Philippines. Kung sa iba natin ito bibilhin baka hindi natin makuha ang warranty na kailangan natin.
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: