Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Redmi Note 13 Pro+ 5G FULL REVIEW – SULIT ‘TO BILHIN!
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Redmi Note 13 Pro+ 5G FULL REVIEW – SULIT ‘TO BILHIN!

Pagusapan natin ang full review sa Redmi Note 13 Pro+ 5G. Ishare ko narin sa inyo experience namin sa launch event ng Redmi sa Bangkok.
sulittechreviews March 12, 2024

Alam na natin ang official price ng Redmi Note 13 series. Nasa link sa baba kung gusto mo bumili.

Event

Gusto ko na rin i-share sa inyo ang experience namin sa launch event ng Redmi Note 13 series sa Bangkok. Medyo gabi na ng dumating kami sa Bangkok kasi hindi namin nakasabay yung ibang content creator dahil sa iba yung schedule namin. Kinabukasan, before ng launch event, in-enjoy muna namin ‘yung marketplace ng Bangkok kasi napakamura ng damit dito. Bandang hapon na nagpunta lahat sa place ng event. Before and after ng launch, meron kaming chance para i-explore yung mga naka-display na Note 13 series, pati na rin ang mga devices na kasabay ni-launch. Ang linis ng mismong presentation ng Xiaomi. After ng event sinamantala ko na ang chance na ma-interview ‘yung mga content creator na kasama natin sa event, mapapanood mo sa link sa baba.

Battery

Specification:

Kung gusto niyo ma-experience ‘yung kaniyang 120W na charging speed, need niyo gamitin ang charging brick na nasa box at pumunta sa settings > battery > setting icon > speed up charging. Need lang i-improve ng Xiaomi ‘yung battery performance, kasi mababa ‘yung nakuha nating SOT score, 10h and 17mins. Pero nang ginamit ko ito whole day sa Bangkok at naka wifi pa ako, at the end of the day, ang natirang battery percent ay 60%. Kaya para sa akin ay maasahan itong battery nito.

Charging speed specification:

Performance

Specification:

Nasa flagship killer na category yung phone na ito. Karamihan sa mga apps na napapatakbo sa phone na ito, ay kasing bilis ng performance na makukuha natin sa mga flagship devices, excluded dun yung mga mabibigat na games. Ang Antutu score na nakuha natin ay 720,628. Pagdating naman sa thermals, after ng Wild Life Stress Test, from 35 degrees umabot lang ng 39 degrees. Sa battery from 85% bumaba to 78%.

Camera

Again, 200MP ‘yung main shooter, meron din ultra-wide na 8MP at 2MP na macro lens. Impressive ‘yung 200MP kahit na na-disregard yung ibang camera. Meron din itong 4x na lossless zoom. Kaya rin nito mag-shot ng 4K 30fps sa likod pero sa harap 1080P 60fps naman.

Sample photos:

Sample camera video screenshot:

Maganda ‘yung mga photo, siguro need lang i-improve ng Xiaomi ‘yung pagiging vibrant ng kulay, kasi hindi ito ganun ka-vibrant. Yung video ay stable naman kahit ‘yung 4k digital recording. Sana ma-improve ng Xiaomi sa susunod na series yung HDR sa mga videos. May mga highlights minsan na nawawala lalo na kapag naka against the light, pero hindi naman super noticeable. Hindi naman nasisira yung quality ng overall video.

Design

So far ngayong 2024, ito ‘yung paborito ko na design ng phone. Sobrang ganda talaga, hindi ako nababaduyan at maganda ‘yung multi colors nito. Hindi ito kapitin ng fingerprint at smudges. Sana sa susunod Xiaomi, kung okay lang gawin nating transparent yung case. Okay naman ‘yung case na hindi flimsy, makapal, may protection sa camera bump, kaya lang pagsinuot natin sa phone ay ang laki ng nabawas sa itsura ng phone.

Verdict

Overall, para sa akin, although nasa 24K ‘yung price, malaki ang changes at malaki ang improvement na ginawa nila dito. Para sa akin, very acceptable yung presyo nito, lalo na dun sa mga tao na ang focus nila sa phone ay ang display, performance, pagkatapos ang ganda ng camera pati na rin battery life. Again, para sa akin ang Redmi Note 13 Pro+ 5G ay sulit para sa presyo nito.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkkqhx
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Facebook Down! Grabe!
Next: CHERRY Aqua GR – Oops! Basahin Muna Bago Mag-Order!

Related Stories

vivo V70 Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

Parang Flagship na ‘tong vivo V70!

sulittechreviews March 3, 2026
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews February 24, 2026
HONOR WIN
  • Phones
  • Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews February 24, 2026
vivo V70 Beauty Shot 2
Phones Tech Blog vivo

Parang Flagship na ‘tong vivo V70!

sulittechreviews
March 3, 2026 0
vivo X Series earns major PH tech awards
Phones Press Release vivo

vivo X Series earns major PH tech awards

sulittechreviews
March 2, 2026 0
STR Conclusion on Honor Win Full Review
Phones Tech Blog

Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
moto G100 Pro with Case
Phones Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews
February 24, 2026 0

Recent Posts

  • Parang Flagship na ‘tong vivo V70!
  • vivo X Series earns major PH tech awards
  • Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…
  • Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!
  • May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.