Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Pwedeng ipalit sa MacBook??
  • Laptops
  • Tech Blog

Pwedeng ipalit sa MacBook??

Meron itong MIL-STD-810H certification kaya meron itong military grade durability. Kung ma-scratch natin 'to ay...
sulittechreviews August 3, 2026 11 minutes read

ASUS ExpertBook Ultra

Intel Core Ultra X7

Intel Arc B390

MIL-STD-810H

Aerospace Grade Magnesium Alloy Unibody

Watch Full Review

  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Verdict
  • Video
DESIGNMIL-STD-810H
920g + 10.9mm
Aerospace Grade Magnesium Alloy Unibody
9H Nanoceramic
Face ID, Fingerprint Scanner
Ambient Lighting
6 Speaker Dolby Atmos System
DISPLAY14″ Tandem OLED 3K
30Hz to 120Hz
1400nits max brightness
600nits typical brightness
Corning Gorilla Glass Victus
Corning Gorilla Glass Matte
100% DCI-P3, 100% sRGB
Anti-Glare, Touch Screen
PERFORMANCEIntel Core Ultra X7 358H CPU
50W CPU TDP
Intel Arc B390
LPDDR5X
up to 2TB
32GB / 64GB
PORTSUSB-C Thunderbolt 4 x2
HDMI 2.1
USB-A 3.2 Gen 2 x2
Audio Jack
BATTERY70Whrs
90W

Enter Title

59
PHP
BUY HERE

Enter Title

59
PHP
BUY HERE

Enter Title

59
PHP
BUY HERE

Ang ASUS ExpertBook Ultra ay kasama sa first wave ng mga laptops na gumamit ng Intel Panther Lake CPU. Specifically, yung Intel Core Ultra X7. Pero ibahin natin itong ASUS ExpertBook Ultra sa iba pang mga laptop na gumamit ng ganitong CPU. Dahil napakadaming features nito. At pag-uusapan natin kung gaano kaganda ‘yung performance ng laptop na ‘to, kung gaano katibay ‘yung ExpertBook Ultra, at marami pang iba.

Unboxing

Pagbukas sa box ng ASUS ExpertBook Ultra, makikita agad yung separate box para sa mismong laptop. Kapag in-open ang separate box, makikita na nakabalot sa paper yung ExpertBook Ultra. Sa ilalim ng box ay merong USB to LAN port. If ever man na gusto natin ng wired connection. Meron din itong documentations. Sa main box ay meron itong laptop sleeve at 90W charger sa pinakailalim.

Design

Morn Grey na kulay ang ExpertBook Ultra. Pero kung ayaw niyo nito ay merong Jet Fog na kulay. Sobrang ganda ng Morn Grey lalo na sa personal. Hindi ito kapitin ng smudges, fingerprints, at alikabok. Sobrang linis ng itsura nito. Matte din ito, syempre. Hindi kagaya ng ibang mga laptop na talagang kitang-kita yung reflection, ilaw, scratches at marami pang iba. Pero sa Morn Grey ay napakalinis ng itsura. Yung unit na nandito ay yung 64GB RAM at 2TB SSD.

Itong ASUS ExpertBook Ultra ay ultra light at ultra thin din. 920 grams to be exact at 10.9 mm to be exact. So hindi lang to magaan, manipis din. At naging possible yan dahil sa 9H nanoceramic technology ng Asus at aerospace grade magnesium alloy unibody na ginamit dito. At meron itong MIL-STD-810H certification kaya meron itong military grade durability. Test natin yan. Kung ma-scratch natin ‘to ay walang problema. At kung matapunan man ‘to ng kape o masulatan ng mga highlighter ay walang problema. Napakadali ring alisin. Kung sakali man na matapunan ng tubig ‘yung keyboard ay wala ring problema. At kahit pa madaganan at tinuntungan ko na ay walang naging problema ang ASUS ExpertBook Ultra. Dahil napakatibay ng pagkakagawa ng ASUS.

Maganda rin ang hinge ng laptop kasi kaya natin ‘tong ma-open gamit ang isang finger lang. Compatible din ‘to sa Windows Hello. Dahil meron itong Face ID at meron ding fingerprint scanner. Meron din itong tinatawag na ExpertLumi Ambient Lighting. Meron itong ambient lighting sa may dulo ng keyboard for additional status ng laptop.

More of Design

Mayroon din itong touchpad na may haptics. Pwedeng ma-adjust ‘yung volume kapag ini-slide ‘yung finger natin sa may left side. Maa-adjust naman ‘yung brightness kapag ini-slide natin yung ating finger sa may right side. At pwede naman nating ma-adjust ‘yung pinapanood natin kapag ini-swipe yung finger natin sa may taas ng touchpad.

Meron din itong backlit keyboard. At ang maganda rito ay auto brightness yung back light nito. Hindi na natin kailangang i-adjust manually everytime kapag naka-auto mode tayo. Meron itong 1.5mm key travel kaya napaka-comfortable gamitin ‘yung keyboard. Sa typing test ay nakakuha ako ng 52 words per minute. Ganun ka-comfortable. Kasi usually ay nakakakuha ako ng 45 words per minute lang sa mga tine-test kong laptop. Smudge, spill, and stain resistant din yung keyboard nitong ExpertBook Ultra.

Meron din itong 6 speaker Dolby Atmos System. Gusto kong i-assure kayo na sobrang lakas at sobrang linaw ng sound quality ng speakers nito. Napakaganda rin ng thermal management nito.

ExpertCool Pro

Yung likod ng ExpertBook Ultra ay ang laki nung mga vents or labasan ng hangin. Meron itong ExpertCool Pro Technology. Kaya kahit pa i-clam shell mode ito o isaksak sa isang monitor nang nakasara yung laptop, hindi maapektuhan yung thermal management nito. At ang maganda sa ExpertBook Ultra, ang ginamit na fan blade ng ASUS ay tinatawag na LCP or Liquid Crystal Polymer. Hindi ABS plastic. Kasi kapag ABS plastic, by time ay made-deform kasi masyadong flexible ‘yun. Lalo na kung naka-max speed yung pag-ikot nung fan blades na ABS plastic. Pero yung LCP or Liquid Crystal Polymer ay mas solid yung pagkakagawa. Mas matigas compared sa ABS plastic. Kaya kahit naka-max ‘yung pag-ikot ay hindi ito made-deform. Kasi hindi ito ganon ka-flexible compared sa ABS.

Kaya kahit lumipas ang maraming taon na ginagamit natin ‘tong laptop, rest assured na hindi magbabago yung performance nung fan blades. Mas magiging maganda pa rin yung thermal management compared sa ibang mga laptop na naka-ABS plastic yung fan blades.

Ang maganda pa sa ExpertBook Ultra ay kahit nakabukas yung fans nito ay hindi ganun kaingay. Practically noiseless ‘yung laptop na ‘to. Halimbawa, kapag ini-set to Whisper Mode yung fan nito ay less than 22dB yung mapo-produce na ingay. Ang Standard Mode naman ay less than 35dB. At yung Performance Mode yung pinakamalakas sa performance ay less than 42dB lang yung maririnig. Ibig lang sabihin ay hindi pa rin ganon ka-noticeable yung noise na po-produce ng laptop. Kahit isagad pa yung performance. Lalo na kung nasa kwarto tayo na merong electric fan o kaya ay bukas yung aircon. Hindi na natin to mapapansin.

Ports

Pagdating naman sa ports, sa may left side ay may USB-C Thunderbolt 4, HDMI 2.1 port, USB-A 3.2 Gen 2 port, at audio jack. Sa may right side naman ay may isa pang Thunderbolt 4 USB-C port, isa pang USB-A 3.2 Gen 2 port. Pagdating sa iba pang connectivity, naka-WiFi 7 na ito at Bluetooth 6.0.

Itong ASUS ExpertBook Ultra ay Copilot+ PC na. Meron itong mga AI features. Meron itong dedicated Copilot button sa keyboard at meron pang ASUS MyExpert software na pre-installed. At meron itong tinatawag na Knowledge Hub kung saan kapag in-upload natin yung ating document ay pwede nitong i-summarize or i-translate. Meron din itong tinatawag na Advanced Tools kung saan pwede naman tayong matulungan nito na makagawa ng mga email or documents na tama yung grammar at mga sentences. Meron din itong AI ExpertMeet kung saan ay makakapag-capture ito at makakapag-summarize ng mga meeting natin. Pwedeng i-upload ‘yung mismong audio file or mag-record ng meeting real time at ita-transcribe nito. Meron din itong tinatawag na File Search. Hindi lang local files yung pwede nitong i-search. Pati na rin yung mga uploaded files sa cloud.

Display

Specification:

Protected din ng Corning Gorilla Glass Victus ‘yung screen nitong ASUS ExpertBook Ultra. Plus, meron pa ‘tong Corning Gorilla Glass Matte. Ibig lang sabihin ay hindi madaling magagasgas ‘yung screen nitong ASUS ExpertBook Ultra. Plus, hindi lang din basta anti-glare or anti-reflective yung screen nito. Hindi rin ito madaling kapitan ng mga smudges at fingerprints na malaking tulong kasi nga touch screen ito.

Meron itong physical webcam shield. Kung hindi natin ginagamit ‘yung webcam ay pwede nating takpan for added security.

Performance

Specification:

Para sa isang laptop na napakanipis, yung 50W CPU TDP nito ay malaking headroom para sa performance. And to illustrate, ‘yung speedometer ng mga sasakyan na kung minsan ay pwedeng umabot ng up to 160 km/h or 200+km/h. Syempre ay hindi naman natin pinapatakbo ng ganyan kabilis yung mga sasakyan natin. Madalas ay sapat na tayo sa 60, 80 or 100 km/h. And mabilis na yun para sa atin. Pero good to know lang na may kakayanan yung mga sasakyan natin na umabot ng ganong speed kahit na hindi natin gagamitin.

Parang ganun yung 50W CPU TDP nitong ASUS ExpertBook Ultra. Good to know na ang laki nung headroom natin. Yung mga everyday na mga gagawin natin sa laptop ay mga 20 or even 30W lang talaga. Pero at least, kung kailangan, halimbawa ay magre-render tayo ng 4K video, magre-render ng 3D. Ibibigay nito talaga sa atin ‘yung 50W CPU TDP.

Specification:

Yung SSD na nasa ExpertBook Ultra ay upgradable.

Benchmarks

Sa 3D Mark, sa Steel Nomad Light. Nakakuha ito ng 5643 score kapag naka-battery ito. Kapag naman nakasaksak ito sa charger ay 6131 yung nakuhang score. At ano ibig sabihin ng mga score na yan? Usually, yung RTX 4050 laptops ay nakakakuha lang ng 7000 score. Ibig lang sabihin, napakalapit na ng GPU performance nitong ExpertBook Ultra sa mga naka-dedicated GPU. Enough na enough iyung power ng laptop na to para makapaglaro tayo ng mga modern games on the go.

Sa Blender benchmark launcher, nakakuha ito ng 287.09 score sa CPU at 1416.10 naman sa GPU. Hindi pa rin kasing taas ng mga score na ‘yan yung makukuha nating score sa mga beefy gaming laptop. Pero itong ExpertBook Ultra kasi ay nearly half the weight ng mga gaming laptop. Na talagang ang lalaki pero mas maganda pa yung battery performance nitong ExpertBook.

Sa Geekbench, sa CPU ay nakakuha ito ng 2649 single-core score at 14082 naman sa multi-core score. Ibig lang sabihin, magiging snappy talaga ‘yung pag-open natin ng mga apps at pagpunta sa iba’t ibang mga websites. Same feels lang ‘yung ma-experience natin compared sa mga beefy laptops or gaming laptops sa ngayon. At yung multi-core score na nakuha sa Geekbench ay patunay lang na itong laptop ay nasa power user category na. Yung pag-compile ng mga codes, pag-run ng multiple virtual machines ay kayang-kaya nito. Sa Geekbench, sa GPU naman. nakakuha ito ng 48359 score at impressive yan para sa isang integrated GPU. Almost same na talaga yung performance nito sa isang laptop na naka-dedicated GPU.

Gaming

Meron pa itong tinatawag na Turbo Mode. Kung saan ay kapag ini-on yon for 30 minutes ay ibo-boost nito yung performance ng laptop. Para mas maging maganda yung performance nito kapag nagre-render ng video o kaya nagga-games tayo.

Para patunayan yan, sa Forza Horizon. Naka-High ‘yung graphic settings pero napaka-smooth pa rin ng performance. At kahit sa Subnautica ay ganun din. Naka-High ‘yung graphic settings pero napaka-smooth ng gameplay. Hindi ko rin ine-expect yun. Talagang wala tayong magiging problem if ever man na maglaro tayo dito ng mabibigat na games or gamitin to sa video editing.

Pero magre-remind lang ako na halimbawa naka-DaVinci Resolve tayo na 4k video editing. Walang magiging problem. Yun nga lang ay magkakaiba kasi tayo ng workflow. Halimbawa, 4K editing yung ginagawa mo pero wala masyadong effects. Hindi ka nagfu-fusion ay magiging smooth ‘yung pag-render at pag-browse mo sa timeline. Pero ibang usapan na kung 4K video editing pero ang daming effects, meron ka pang fusion, mga transitions, at marami pang iba. Medyo magi-struggle yung performance natin.

Kailangan niyo lang i-make sure everytime na magpapatakbo kayo ng mabigat na task, application, or software sa ExpertBook Ultra ay naka-connect ito sa charger. Pina-promise ng ASUS na abot ito ng up to 26 hours of usage. At pwedeng-pwede natin itong i-charge gamit ang isang power bank.

Mayro’on din itong tinatawag na ASUS Battery Care Mode. Kapag sinaksak natin ‘yung charger ay mayroong lilitaw na notification. At pwede tayong mamili kung ire-retain natin to Default Mode kung saan hanggang 80% lang talaga ang icha-charge nito. Or Instant Full Charge para up to 100% yung icha-charge nito sa battery.

Verdict

At napakadami pang features nitong ASUS ExpertBook Ultra. Mas mahaba pa ‘yung magiging article kung ita-tackle natin lahat. Pero ang bottom line lang, kahit napakanipis at napakagaan ng laptop na ‘to. Halos katumbas na talaga ito ng mga full blown gaming laptop sa ngayon, almost. Mataas ‘yung mga benchmark scores na nakuha nito. Pwedeng-pwede na talaga sa pag-render ng mga 3D models. Yung mga 4K video editing ay pwedeng-pwede na. Kahit nga yung mga triple A games ay pwedeng-pwede rin.

Pero syempre ay nandon pa rin ang expectation natin na hindi pa rin ito full blown gaming laptop. UltraBook ito pero kahit yung mabibigat na mga softwares ay kakayanin nitong ExpertBook Ultra. Nakakabilib, ang galing ng ASUS. Hindi lang to basta high performing laptop, napakatibay pa kagaya sa durability test.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!

Related Tech

Redmi K90 Max Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!

sulittechreviews June 29, 2026
vivo X300 Ultra Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!

sulittechreviews June 29, 2026
Infinix HOT 70 on Case
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review

sulittechreviews June 29, 2026
  • ASUS ExpertBook Ultra Beauty Shot
    Pwedeng ipalit sa MacBook??
  • Redmi K90 Max Beauty Shot 2
    Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!
  • vivo X300 Ultra Beauty Shot
    vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!
  • Infinix HOT 70 on Case
    Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review
  • itel A200 Beauty Shot
    itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
  • vivo X300 FE Beauty Shot
    Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review
  • BenQ MA270S Beauty Shot
    BenQ MA270S
  • Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators

Recent Posts

  • Pwedeng ipalit sa MacBook??
  • Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!
  • vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!
  • Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review
  • itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.