Infinix HOT 70
Helio G100 Ultimate
LPDDR4X + UFS 2.2
6000mAh 45W
Bypass Charging
IP65 + SGS Certified

| DESIGN | IP65 – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM + Micro-SD Up to 2TB Micro-SD 195g + 7.49mm Plastic Back |
| DISPLAY | 6.78″ IPS LCD 120Hz 720p 700nits max brightness 560nits typical brightness |
| PERFORMANCE | Android 16 XOS 16 3 Major XOS Upgrades 5 Years Security Patches Helio G100 Ultimate LPDDR4X RAM UFS 2.2 Storage 4+128GB / 6+128GB / 8+128GB / 6+256GB |
| CAMERA | 50MP f/1.85 Main Auxiliary Camera Max video: 2k 30FPS 8MP f/2.0 Selfie Max video: 2k 30FPS |
| BATTERY | 6000mAh 45W 10W Reverse Wired Bypass Charging |

Na-release na ang bagong entry level phone ng Infinix. Ito ang Infinix HOT 70. Meron tayong limang tanong na sasagutin tungkol sa phone.
Unboxing







Wala namang masyadong special sa box ng Infinix HOT 70. Maliban sa sticker sa taas na nakasulat ang variant ng phone. Plus, sa baba ng box ang pinagmamalaki nilang 6000mAh battery capacity. Faster Beyond Wattage ang slogan nila para sa phone kasi mabilis ang charging speed para sa ganitong entry level phone. Sa likod ng box ay makikita ang mga top specs.
Pag-open, nakabalot ang HOT 70 sa printed plastic. Ang nandito ay ang Green Texture na colorway. Sobrang ganda talaga nito. Nagulat ako noong una ko itong nakita. Talagang ang premium ng itsura. Matte finish ito at hindi talaga kapitin ng smudges, fingerprints, or alikabok. Yung design nito ay napakasosyal ng effect. Hindi loud ang design at napaka-professional ng itsura. Maganda talaga in person.
Kung ayaw niyo ng Green Texture colorway na highly recommended ko. Meron pa itong Quiet Violet, Silver Dancer, Dive Blue, Night Pulse, at Thermo Orange. Ang Thermo Orange ay nagbabago yung kulay depende sa temperature na tatama sa phone.
Sa ilalim ng box ay makikita documentations, case, USB-C to USB-A cable, 45W charger, at SIM ejector pin. Kakaiba yung case nito. Parang smokey ito at may highlights yung mga gilid. Kapag isinuot ang case sa phone ay kitang-kita pa rin yung design ng HOT 70. Ayos na ayos yung itsura.
Matagal ba ‘tong Ma-Lowbat?
Specification:

Ang SOT na nakuha ay 21 hours and 56 minutes. Impressive yan para sa ganitong phone. Sigurado na magtatagal ito ng 2 to 3 days. Kung palagi tayong naka-data ay mga 2 to 2 and half days ito tatagal. Pero kung palaging naka-Wi-Fi ay possible na tumagal ito ng 3 days.


To answer the first question. Yes, matagal ma-lowbat ang HOT 70. Sa charging, 1% to 50% ay 25 minutes ito macha-charge. Para ma-fully charge, from 0% to 100% ay 1 hour.
Mabilis ba itong Phone?
Specification:

Ang physical RAM ng phone ay 4GB. Plus, pwedeng magdagdag ng virtual RAM or MemFusion na up to 8GB. Pino-promise ng Infinix na makakatanggap ang HOT 70 ng 3 Major XOS Upgrades. Hindi Major Android Upgrades. Kung naka-XOS 16 ito ay aabot ito ng XOS 19. Regardless kung anong klaseng Android version ang nasa XOS 19. Ang sigurado, magi-improve pa ang skin ng Android. Pagdating sa security patches ay 5 Years ang mare-receive nito.


Ang AnTuTu score nito ay 541261. Hindi mabagal at hindi rin naman mabilis. Tamang tama lang yung speed at performance na ibibigay ng phone. Sa Wild Life Stress Test result, nabawasan lang ito ng 3% sa battery at nadagdagan lang ito ng 8°C sa temperature.
To answer the second question. Mabilis ba ang phone na ito? Tama lang. Hindi ito sobrang bilis dahil entry level phone lang ito. Enough na enough yung speed nito para sa mga everyday use. Like, social media apps, pag-stream sa mga videos at movies, at marami pang iba.
Maganda ba ang Display nitong Phone?
Specification:

Hindi pantay ang bezels ng phone. Yung taas at ang dalawang gilid ay pantay. Pero ang chin ay mas makapal compared sa ibang mga sides. Pero dahil entry level phone ito ay mapagbibigyan natin. Ang importante ay ang display at color reproduction nito ay napaka-acceptable na para sa ganitong presyo. Wala itong support sa HDR. Kaya kapag ang naka-display ay white o sobrang liwanag ay medyo over exposed ang display. Hindi nito masyadong maba-balance. Again, para sa ganitong presyo ng phone ay tamang-tama lang ang makukuha nating quality. Hindi naman blueish at hindi rin naman yellowish.

In person, may minor yellowish tint sa bandang ibaba kapag pure white ang naka-display. Then again, hindi naman sobrang obvious. Mapagbibigyan na dahil sa presyo ng phone.
Screen Refresh Rate
Ang maganda sa display ng HOT 70 ay ang behavior ng refresh rate. Imbes na 120Hz at baba ng 60Hz at tataas ulit ng 120Hz. Ang ginagawa nito ay from 120Hz > 90Hz > 60Hz > 45Hz, and vice versa. Sobrang bilis ng paggalaw nito. Pero ang point ko ay mas matipid sa battery ang ganitong movement. Kaysa 60Hz at 120Hz agad. Itong phone ay step by step ang pagbaba at pagtaas ng refresh rate. Mas magiging maganda yung smoothness ng animation.


Sa Display Settings > Screen Refresh Rate > i-set to High > Customize App Refresh Rate. Makakapamili tayo ng application na may support sa 120Hz. At sa test ko ay totoo naman na pumapalo ito ng 120Hz at baba ng 60Hz. Pero sa home screen or ibang apps ay bumababa ito ng 45Hz. Thumbs up sa Infinix, talagang tipid sa battery ang phone dahil sa magandang behavior ng refresh rate.


Meron din itong Color Style. May dalawang preset na Bright-Colored at Original Color. Pwede pang timplahin ang color temperature. Good news sa mga gagamit sa Netflix. Ang Widevine Security nito ay Level 1. Makakapag-play tayo ng Full HD na max playback resolution.
To answer the question kung maganda ba yung display nitong Infinix HOT 70, yes. Considering na mababa ang presyo ng phone ay yes talaga ang answer.
Matibay ba itong Phone?



Ang HOT 70 ay may IP65 rating. Dust tight at water resistant ang phone. Kung mabasa man ng ulan habang ginagamit outdoor, matalsikan ng tubig habang naghuhugas tayo ng plato, o madala natin sa maalikabok na environment ay wala tayong aalahanin. Plus, meron itong SGS certification. Meron itong protection sa drop. Kung sakaling mabagsak ang phone ay hindi ito agad-agad masisira.
Ang isa pang nagustuhan ko sa HOT 70 ay meron itong conventional fingerprint scanner. Mabilis ang response. Sa bawat dampi ng thumb ay talagang nagu-unlock yung phone. At hindi maarte ang animation kaya hindi tayo matagal maghihintay.






Sa right side ay meron itong volume up and down button, power lock button, at additional na One-Tap button na color orange sa Green Texture colorway. Ang One-Tap Button ay pwedeng i-customize. Halimbawa, kapag ini-long press ay pwedeng piliin na mabuksan ang flashlight. Magagamit din ang One-Tap button para ma-open ang AI assistant. Stereo speakers na ang phone at sa taas ang secondary speaker. Sa ibaba naman ang main speaker. Maganda ang quality ng mga speakers. Mas magiging immersive yung paggamit sa phone. Lalo na’t makakapag-play tayo ng HD content sa Netflix.
Active Halo Lighting


Meron pa itong Active Halo na magagamit sa iba pang notification kapag nakabaliktad ang phone. Sa Active Halo natin malalaman kung talaga bang kailangan pa nating tingnan yung display.

Sa SIM tray ay dalawang nano SIM ang pwedeng ilagay. Plus, up to 2TB na micro-SD. Sa OOKLA speed test, 31.3Mbps lang ang download at 19.3Mbps naman ang upload. Para sa akin ay ang taas ng upload speed na nakuha nito. Usually ay nasa 1 digit lang palagi yung upload speed. Sa FAST, umabot ito ng 95Mbps download. Pagdating sa pag-stream ng movies at TV series ay wala tayong magiging problema kapag naka-data. 22Mbps naman ang upload speed sa FAST. Pangalawang beses ito na mabilis ang upload speed na nakuha. Sa Google speed test, 78.6Mbps download speed ang nakuha at 14.1Mbps upload.



Ang gamit kong SIM sa test ay GOMO at ang location ay sa Studio. 4.5G ang signal nito habang ginagawa ang test. Mas mabilis ito compared sa typical 4G connection. Patunay lang ng tatlong result na pagdating sa upload speed ay mabilis ang magiging connection sa Infinix HOT 70.
To answer the question kung matibay ba ang Infinix HOT 70, yes na yes. Dahil sa mga certification nito. Plus, napakadaming additional na mga features na idinagdag ng Infinix. Para mas ma-enjoy natin ang paggamit.
Maganda ba ang Camera Performance?
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Decent naman yung mga nakuhang photos. Okay lang. Pero hindi ganun ka-sharp at hindi ganun ka-detailed. Kahit tirik na tirik ang araw ay hindi pa rin ganun ka-vibrant, detailed, or sharp ang nakuhang mga photos. Kung paguusapan naman ang portrait mode. Yes, blurry ang background pero yung edge detection nito ay hindi ganun kaganda. Para sa akin ay saktong-sakto lang yung quality na makukuha sa camera ng HOT 70. Huwag tayong mag-expect ng malaki. Ito ang isa sa mga compromise ng phone.
Ito ang mga sample video screenshots:

Ang pinakamataas na resolution na pwedeng ma-record sa selfie camera ay 2K 30fps. Kung gagamit tayo ng EIS ay magdo-downscale ito to 1080p. Kung kailangan talaga natin ng stabilization ay mas magandang gumamit ng gimbal. At kung gagamit man ng gimbal ay stick to 2K 30fps na. Sa video ay okay naman yung quality. Meron itong 2x digital zoom. Wide naman ang video kapag naka-2K. Pwede pang magpasok ng dalawang tao.
To answer the question kung maganda ba ang camera performance ng HOT 70. Para sa akin ay hindi ganun kaganda. Enough naman para sa presyo. Pero ilagay natin sa tama ang ating expectation. Hindi ang camera performance ang key aspect ng phone. Bonus na lang na 50MP ang main camera.
Verdict

To recap, matagal ba itong ma-lowbat? Yes. Mabilis ba ang performance? Yes din para sa presyo. Maganda ba ang display? Again, yes din para sa presyo. At maraming mga additional features na nakita. Lalong-lalo na yung magandang behavior ng refresh rate. Matibay ba ang phone? Yes din ang answer dahil sa mga certification at additional features. At lastly, maganda ba ang camera ng phone? Ang answer ko ay hindi.
Pero overall, masasabi ba natin na sulit itong Infinix HOT 70? Yes para sa presyo. I suggest na go for the highest variant. Para matagal nating magamit yung phone.
Get exclusive benefits when you purchase the Infinix HOT 70. Unlock more productivity and creativity with Google AI Plus and 2TB of cloud storage, included for 3 months. Get a free 12-month Viu Premium subscription, available for a limited time and while supplies last.
Buy here:
– TikTok Shop 128GB+12GB (6+6GB RAM): https://vt.tiktok.com/ZS9jPFErnofWG-1718z/
– Lazada 128GB+16GB (8+8GB RAM): https://www.lazada.com.ph/products/i15475790137.html?spm=a1zawj.24863640.table_online_product.4.441d1e13cWCmwd
– Shopee 256GB+12GB (6+6GB RAM): https://shopee.ph/product/292089111/52459357756
Shop now with Home Credit: https://hcph.info/4vjVQ8x