Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • BenQ MA270S
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA270S

True to life ang makikita sa display nito. Talagang perfect ang monitor na ito sa professional works. Kagaya na lang ng...
sulittechreviews June 20, 2026 6 minutes read

BenQ MA270S

Display Pilot 2

3W Speakers x2

Thunderbolt 4

27″ 5K 70Hz

Watch Full Review

  • Specifications
  • Price
  • Unboxing
  • Design
  • Setup
  • Display Pilot 2
  • Display
  • Verdict
  • Video
DESIGN8.64kg
90Ëš Pivot
Display Pilot 2
DISPLAY27″ IPS 5K 70Hz
450nits max brightness
450nits typical brightness
Nano Gloss 99% P3
PORTS2 HDMI 2.1
Thunderbolt 4 (Power 96W, Display, Data)
Thunderbolt 4 (Power 15W)
USB-C (Power 35W, Display, Data)
2 USB-A 3.2 Gen 2 (10Gbps, Power charging 7.5W)
USB-C 3.2 Gen 2 (10Gbps, Power charging 15W)
Headphone Jack
SPEAKERS3Wx2

Enter Title

59
PHP
BUY HERE

Enter Title

59
PHP
BUY HERE

Enter Title

59
PHP
BUY HERE

May pinadalang bagong monitor ang BenQ. Hindi ito ang first time. Ito na yung pangatlong BenQ monitor namin sa bahay. Yung una ay ang PD2705U noong July 2023. Ang pangalawa naman ay ang MA320U noong July 2025. At ngayong June 2026, ito namang MA270S 27″ 5K Nano Gloss Monitor for MacBook.

Talagang perfect monitor ito. Lalo na dun sa mga naka-MacBook. Almost half the price ito ng Apple Studio display na almost same na same naman yung specs.

Unboxing

Pag-open ng box ay may makikitang karton na merong mga cutouts. Pwede itong tupiin at magiging stand ng iPhone or iPad. Napaka-thoughtful. Meron din itong dalawang USB-C cable at yung isa ay capable sa Thunderbolt 4. Meron din itong Quick Start Guide at microfiber cloth. Very thoughtful from BenQ kasi mahahawakan natin ang monitor habang sine-setup. Pwede itong gamitin ng maraming beses at washable rin. Meron din itong power cord, base, at stand.

Napakadali lang naman i-setup nito. Ipapasok lang yung bilog na cable management sa stand. Kapag hindi ninyo ito nagawa ay kailangan pang baklasin yung base sa stand. Pagkapasok ng pang-cable management ay ipapasok na ang base sa stand. Then, pwede nang i-connect ang monitor.

Design

Pagdating sa ports, sa likod ay meron itong dalawang HDMI 2.1. Thunderbolt 4 for Power delivery 96W, display, at data. Isa pang Thunderbolt 4 out na para sa power delivery 15W. Meron pang USB-C for power delivery 35W, display port, at data.

Compatible sa Daisy Chain ang MA270S. Kung dalawang monitor ang bibilhin ninyo ay pwede ninyong i-connect sa Thunderbolt port ang dalawang MA270S. Isang cable na lang ang ikakabit sa MacBook. Compatible rin sa Smart KVM ang MA270S. Kasi kapag tiningnan niyo ang ilalim ng monitor ay meron itong dalawang USB-A 3.2 Gen 2. 10Gbps ang speed nito at 7.5W na charging. Katabi nito ang USB-C port 3.2 Gen 2, 10Gbps din ang speed at 15W charging speed. Meron din itong headphone jack.

Sa gitna ay merong knob para sa volume, brightness, at input source. Meron din itong dedicated button para sa power. Sa taas ng monitor ay may makikitang dalawang 3W speakers.

At yung previous na dalawang BenQ monitor namin ay palagi naming ginagamit yung built-in speakers. Kasi hindi sabog yung tunog. Maganda na para magamit sa work natin.

Setup

Para mai-connect sa ating MacBook ay gamitin lang yung Thunderbolt 4 cable na kasama sa box. Magcha-charge na rin ang MacBook. At dahil isang cable lang ang kailangan para magamit ang BenQ MA270S ay napakalinis ng magiging desk setup natin.

Sa previous setup ko ay meron akong ginagamit na ultrawide monitor. Yung dalawang previous BenQ monitor namin ay ginagamit ng wife ko at editor namin. Talagang very timely na nagpadala ng bagong monitor ang BenQ. Nung nakapag-setup na ako, napakalayo ng itsura compared sa dating setup.

Dahil isang cable lang yung kailangan ay marami tayong option. Pwedeng naka-clamshell mode, o nasa gilid ang laptop para dual monitor setup, or nasa ilalim ng monitor ang laptop. Alin man diyan ay napakalinis tingnan. Perfect talaga sa mga gustong mag-minimalist setup.

Meron itong ambient light sensor. Kapag nag-dim ang light sa ating room ay automatically maga-adjust ito ng brightness. Maiingatan yung mata natin. Hindi masyadong masisilaw o magkakaroon ng eye fatigue dahil sa mataas na brightness.

Display Pilot 2

After setup, huwag niyong kakalimutang i-install ang Display Pilot 2. I-download niyo lang sa kanilang website. Make sure niyo lang na Display Pilot 2 yung mado-download ninyo para sa updated features. Basically, lahat ay mako-control mo sa Display Pilot 2.

Meron itong tinatawag na iDevice Color Sync. Kapag ikinabit natin ang MacBook sa BenQ monitor ay made-detect nito kung anong klaseng MacBook yung nakakabit. Automatic din na magse-set ito ng color mode na match sa MacBook na ginagamit natin. Para same na same yung color profile ng BenQ monitor at MacBook.

May freedom ka pa ring mag-select ng ibang color profile na gusto mo. Pwede mo ring timplahin manually yung kulay, contrast, at sharpness.

Sabay na rin mag-a-adjust yung brightness ng BenQ MA270S at ng MacBook dahil sa Display Pilot 2. Hindi kailangang separately i-adjust yung brightness ng BenQ monitor at ng MacBook kapag meron tayong Display Pilot 2. Maa-adjust mo rin ang resolution ng monitor mo.

Isa pang maganda ay ang Auto Pivot. Kapag naka-enable ito ay maga-auto rotate ang BenQ monitor kapag ini-adjust ang monitor. Halimbawa, kapag ginawa nating portrait mode ang monitor ay maga-adjust ng kusa ang display. Kapag binalik naman sa landscape mode ay maga-adjust ulit.

Meron din itong tinatawag na PBP mode. Para mahati ang BenQ monitor at dalawang input source ang pwede nitong i-display at the same time. Kinabitan ko ito ng console sa kaliwa at sa kabilang side ang MacOS.

Meron din itong tinatawag na Dual View+. Halimbawa, nage-edit tayo ng photo or video at gusto natin makita ang output sa magkaibang color profile. Isa ay MBook at ang isa ay DCI-P3. Pwede yang gawin sa BenQ MA270S.

Display

Specification:

True to life ang makikita sa display nito. Talagang perfect ang monitor na ito sa professional works. Kagaya na lang ng color grading, video editing, photo editing, at mga digital artworks. At gusto ko lang i-emphasize na Nano Gloss ang MA270S. Same ang viewing experience sa Studio Display ng Apple. Reduce ang glare sa monitor. Pero i-expect ninyo na medyo reflective pa rin ito compared sa mga matte display. Although, hindi naman ako na-bother. Less reflective pa rin ang Nano Gloss compared sa hindi Nano Gloss.

Ang BenQ MA270S ay perfect hindi lang for professional works. Perfect din ito kahit sa entertainment. Kagaya na lang ng Nintendo Switch.

Verdict

Again, ito ang BenQ MA270S 27″ 5K Monitor na 70Hz max refresh rate, may thunderbolt 4 ports, at 96W power delivery. Talagang perfect as Apple Studio display alternative.

Sana nakatulong ito lalo na kung naghahanap ka ng perfect monitor para sa workload mo. At kung naka-MacBook ka ay highly recommended ko ang monitor na ito. Para sa akin na pangatlong BenQ monitor na ang gamit. Talagang masasabi ko at confident ako na talagang reliable at napakaganda ng quality. 2023 pa ang first BenQ monitor namin pero hanggang ngayon ay ginagamit pa rin almost every day. 8 hours a day.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators

Related Tech

Infinix GT 50 Pro Beauty Shot
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 50 Pro – May silbi ba talaga ang HydroFlow Liquid Cooling?

sulittechreviews June 11, 2026
Infinix GT 50 Pro First Impressions GT 50 Pro
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 50 Pro – First Impressions

sulittechreviews June 8, 2026
Redmi A7 Pro Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Redmi A7 Pro

sulittechreviews May 16, 2026
Phones Press Release vivo

Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators

sulittechreviews
June 11, 2026 0
vivo X300 Ultra Launch (3)
Phones Press Release vivo

Anne, Marian star in vivo X300 Ultra camera showdown

sulittechreviews
June 11, 2026 0
Uncategorized

Ito Na Ba Ang Pinakasulit na Xiaomi Ngayon? | Xiaomi 17T and 17T Pro

sulittechreviews
June 11, 2026 0
Infinix GT 50 Pro Beauty Shot
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 50 Pro – May silbi ba talaga ang HydroFlow Liquid Cooling?

sulittechreviews
June 11, 2026 0

Recent Posts

  • BenQ MA270S
  • Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators
  • Anne, Marian star in vivo X300 Ultra camera showdown
  • Ito Na Ba Ang Pinakasulit na Xiaomi Ngayon? | Xiaomi 17T and 17T Pro
  • Infinix GT 50 Pro – May silbi ba talaga ang HydroFlow Liquid Cooling?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.