vivo X300 FE
Snapdragon 8 Gen 5
LPDDR5X Ultra + UFS 4.1
6500mAh 90W
40W Wireless Charging

| DESIGN | IP68, IP69 – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM (eSIM Support) 191g + 7.99mm Glass Back 3D Ultrasonic Fingerprint Scanner |
| DISPLAY | 6.31″ LTPO AMOLED 120Hz 2640×1216 P3 Wide Color HDR10+ 5000nits max brightness |
| PERFORMANCE | Android 16 Origin OS 6 5 Major Android Upgrades 7 Years Security Patches Snapdragon 8 Gen 5 LPDDR5X Ultra RAM UFS 4.1 Storage 12+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.6 OIS ZEISS Main 50MP f/2.7 OIS ZEISS 3x Super Telephoto 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 8k 30FPS 50MP f/2.0 ZEISS Selfie Max video: 4k 60FPS |
| BATTERY | 6500mAh 90W 40W Wireless Reverse Wireless Bypass Charging |
May bago akong favorite na Android phone at ito ang vivo X300 FE. Mamaya ay i-explain ko sa inyo kung bakit. Pero iisa-isahin muna natin yung bawat aspect ng phone.
Price

Anuman yung mapili niyo sa dalawang options ay parehong 12+256GB ‘yung makukuha ninyong configuration. Kung gusto niyo lang magkaroon ng idea kung paano mag-perform ang ZEISS Telephoto Extender Gen 2 ay pwede niyong panoorin yung video ko sa X300 Ultra. Kung kaya ng budget, highly recommended ko ‘yung lens na ‘yon. Para mas ma-utilize niyo ‘yung magandang telephoto camera nitong X300 FE.
Unboxing






Wala namang special sa box nitong X300 FE. Kagaya ng mga nagdaang X series ng vivo. May naka-embossed na bilog, ZEISS logo, at X300 FE. Yung nandito ay ‘yung Mist Purple na kulay. Pero if ever na ayaw niyo ‘to, meron pang Luxe Black color. Pero explain ko din sa inyo kung bakit pwedeng i-consider ninyo itong Mist Purple. Kasi hindi sumisigaw na purple yung kulay nito. Parang muted na purple. Pwede nga itong pumasok sa kulay na silver. Kasi ang mismong camera module ay parang silver na yung kulay, hindi na purple. Yung buong body nito ay matte finish. Kung familiar kayo sa purple na colorway ng mga iPad, parang ganun. Almost same. Hindi purple yung una mong masasabing kulay nito kapag una mong nakita. Kung gusto ninyo ng light na kulay ng X300 FE, pwede niyong i-consider to.
Sa ilalim ng box, meron itong dalawang mas maliit na mga box. Sa unang maliit na box ay merong SIM ejector pin, case, at mga documentations. May pagka-rubber ang feel ng case at merong naka-embossed na logo ng vivo. Yung second box ay meron namang USB-C to USB-A cable at yung 90W vivo FlashCharge.

Kung gusto niyo talagang matakpan yung pagka-purple nitong X300 FE, highly recommended ko ‘tong case na gamit ko. Kapag inilagay ninyo yung case ay mas maganda na ito. Mas hindi na halata ‘yung pagiging purple nito. Yung camera module nito ay may pagka-silver or gray yung kulay.
Design

Ang unang reason kung bakit gustong-gusto ko ang FE kasi maliit lang ito. Compact size at manipis lang. 191grams to be exact yung weight nito at 7.99mm yung nipis. Mas makapal pa rin ng konti compared sa iPhone Air. Pero mas maliit yung form factor nito kaya mas comfortable gamitin.




Sa taas ay makikita yung IR blaster, secondary speaker, at yung secondary microphone. Sa may ilalim yung main speaker, main microphone, at yung SIM tray. Yung SIM tray ay dalawang nano SIM lang yung pwedeng ilagay. Meron din itong support sa eSIM. Meron itong IP68, IP69 ingress protection. Kahit na maliit at manipis lang yung phone ay nakapasa ‘to sa SGS. Meron itong SGS certification. Military grade din itong phone at kayang maka-survive sa mga drops or pagkahulog. Meron din itong pre-installed screen protector out of the box. Naka-3D Ultrasonic fingerprint scanner ito kaya hindi lang basta mabilis, accurate at talagang secured. Kagaya ng mga conventional na fingerprint scanner.



Pag-usapan natin ‘yung speed test. So kagaya ng ginagawa ko palagi, naka-GOMO pa rin tayo at sa kinauupuan ko sa studio ginawa yung test. Una, sa OOKLA Speed Test. Nakakuha ito ng 352Mbps download at 39.2Mbps upload. Sa FAST, 350Mbps ‘yung download at 43Mbps ‘yung upload. Panghuli, sa Google Speed Test. 317.4Mbps download at 25.6Mbps naman ‘yung upload. Hindi bumaba ng 300Mbps ‘yung download speed ng X300 FE kapag naka-data connection. Kung gagamitin man natin ‘to sa labas or palagi tayong naka-data, hindi tayo mag-aalala na mabagal ‘yung makukuha nating signal or connection. Maliban sa mabilis na 5G connectivity, naka-WiFi 7 na rin ito. Mayron din itong IR blaster at naka-stereo speakers na rin. Para sa mga magtatanong kung kumusta ‘yung haptics nito? maganda po.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Una sa lahat, nagustuhan ko ‘yung dynamic range nitong X300 FE. Kahit against the light na yung building ay na-balance pa rin yung exposure. Kitang-kita pa rin lahat and yung langit ay hindi blown out. Next naman ay indoor shot. Tinutok ko talaga ito sa isang bombilya ng isang restaurant. Wala reflections, walang orb or kung ano mang artifacts na nakuha. Kasi nga ay meron itong ZEISS T* coating. Naiiwasan yung mga noise sa output ng camera. Malinis yung kuha nito. Kung magte-take kayo ng mga photos ng mga pagkain ay okay na okay din. Again, indoor shot ‘to at hindi ganon ka-well lit yung restaurant. Pero makikita ninyo na okay na okay ‘yung liwanag sa photos. Sa photo ng mga stuff toy. Pati ‘yung mga balahibo ay hindi soft ‘yung kuha. Sharp na sharp din, detailed tapos walang blurry na parts.
Ito ang mga sample low light photos:




Malinis at walang mga artifacts. Walang mga orb na makikita sa photo. Wala ding noise na mapapansin. Actually, kahit maliwanag yung environment ay meron kayong makikitang mga ilan-ilang stars na nakuha sa picture. Kagaya nga ng palagi kong sinasabi sa mga photos kuha sa isang vivo phone na merong ZEISS optics at ZEISS T* coating. Napakalinis talaga.
Zoom
Ito ang mga sample zoom photos:




Umpisa sa ultrawide. Although hindi ganon ka-sharp compared sa ibang mga camera sa X300 FE. Pero enough na enough naman na kung sakali na kailangan talaga nating kumuha ng wide shot. Well-balanced pa rin yung exposure. Yung langit ay hindi pa rin blown out. Pasado pa rin for the most part. Take note lang na 8MP lang yan. Sa main ay medyo nag-improve yung quality. Sunod yung 2x tapos sa 3X telephoto lens. Ang maganda mula pa sa ultrawide ay kahit 8MP lang ay na-maintain ng vivo ‘yung kulay. Lastly, 10x. Parang optical pa rin yung pinang-zoom. Keep in mind na pwede itong isagad nang up to 100x zoom. Pero syempre ay may processing na ‘yun ng AI para mas maging usable pa rin. Pero kung hanggang 10x lang yung kukunan natin na picture ay parang optical pa rin yung quality.
Ito ang mga sample video screenshot:


4K video ang recording sa likod at sa harap.
Display
Specification:

Talagang kitang-kita pa yung buong display kahit sa katirikan ng araw. Accurate yung kulay ng display. And sa mata ko din ay napaka-natural ng color reproduction ng display. Para sa mga nagpaplanong manood ng content. Kahit maliit lang yung display nitong X300 FE ay mage-enjoy talaga tayo. Kasi yung Widevine Security ay Level 1. Tapos, ang max playback resolution ay Full HD. May support tayo sa mga HDR10 contents.

At dahil LTPO AMOLED ‘yung display nitong X300 FE, asahan niyo rin na magiging maganda yung behavior nung refresh rate. Mula sa 120Hz ay kaya nitong bumaba to 1Hz. Mabilis yung paggalaw nung refresh rate nito. Naglalaro to 1Hz tapos 30Hz yung refresh rate kapag hindi na natin ginagalaw yung display. Which is tipid sa battery. Kapag ginalaw na natin ay 120Hz to 90Hz na lang ito. Kung gagamit man tayo ng AOD or always on display ay 1Hz lang yung refresh rate. Tipid sa battery.


Isa pang maganda sa X300 FE ay yung option para baguhin yung screen resolution. Pwedeng isagad to 2640×1216 ‘yung resolution para sa Ultra HD. Pero pwede ring 1080p lang para sa mas mahabang battery life. Pero ipapakita ko sa inyo ang SOT mamaya sa X300 FE na naka-Ultra HD resolution.

Performance
Specification:

Meron din itong tinatawag na extended RAM or virtual RAM na ang option lang ay enable or disable. Kapag in-enable, dodoblehin yung 12GB physical RAM at magiging 24GB in total. Pero bago niyo ‘yan gamitin ay pag-isipan nyo munang mabuti. Ang AnTuTu score na nakuha kapag hindi ginamit ‘yung extended RAM ay 2951966. Napakaganda ng score na nakuha natin. Kahit maliit lang ‘tong phone ay huwag nating maliitin ang performance. Kapag ginamit naman ang extended RAM ay naging 2958999 na yung score. May tulong yung extended RAM. Pero kung hindi niyo naman kailangan ay huwag na lang. Kasi okay naman na yung 12GB na physical RAM.


Sa Wild Life Stress Test, na nabawasan lang ito ng 1% sa battery at 9°C lang yung nadagdag sa temperature. Pero syempre ay camera focus itong phone. Hindi ito gaming phone. Pero if ever man na gusto niyong maglaro sa phone ay kahit ano pa ibato niyo ay kayang-kaya. Kahit ‘yung mga games na mabibigat ‘yung graphics. Pero medyo mahihirapan lang siguro ‘yung mga malalaki ‘yung kamay. Dahil nga maliit lang ‘yung display nito compared sa ibang mga phones sa ngayon. Kung ito man yung gagamitin ninyo sa paglalaro ay maganda kung meron kayong Bluetooth controller.


Battery
Specification:

Nakakabilib lang na malaki pa rin yung nilagay nilang battery capacity sa X300 FE. Kahit manipis lang yung form factor nito. Good job sa vivo. Ang actual SOT na nakuha ay 28 hours and 6 minutes. Matindi. At if ever man na palagi kayong naka-1080p resolution ay mas malaki pa yung makukuha nating screen on time. Pagdating naman sa charging, 17% to 100% ay 1 hour and 4 minutes ko ‘to na-charge.

Verdict

Iyan ang lahat ng gusto kong i-share tungkol sa vivo X300 FE. Sana lahat ng information na nasabi ko sa video na ‘to ay makatulong para makapag-decide kayo kung ito na yung next na daily phone ninyo. Kung ako ‘yung tatanungin ninyo. Kagaya nung sinabi ko sa intro ay ito na yung bago kong favorite na Android phone. Una sa lahat, hindi compromised yung camera, yung display, at yung mismong performance. Lalong-lalo na yung battery. Kahit manipis lang at maliit yung phone na to. At gustong-gusto ko ng mga compact na mga phones na kaya kong gamitin nang one handed. Pwedeng-pwede yun sa X300 FE. Kahit pa gumamit ka ng case na ipinakita ko sa inyo kanina na medyo mas makapal compared sa free case na kasama sa box. Yes, ito na yung favorite ko na Android phone sa ngayon.