Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!

Totoo na master color 'yung display nito. Halimbawa, nagte-take tayo ng picture. Kung ano 'yung nakikita natin o...
sulittechreviews June 29, 2026 12 minutes read

vivo X300 Ultra

Snapdragon 8 Elite Gen 5

LPDDR5X Ultra Pro

6600mAh 100W

40W Wireless Charging

LTPO AMOLED

Watch Full Review

  • Specifications
  • Price
  • Design
  • Camera
  • Performance
  • Display
  • Battery & Verdict
  • Video
DESIGNIP68, IP69 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM (eSIM Supported)
237g + 8.49mm
Glass Black
3D Ultrasonic Fingerprint Scanner
DISPLAY6.82″ LTPO AMOLED 1440p 144Hz
4500nits max brightness
PERFORMANCEAndroid 16
Origin OS 6
5 Major Android Upgrades
7 Years Security Patches
Snapdragon 8 Elite Gen 5
LPDDR5X Ultra Pro RAM
UFS 4.1 Storage
16+512GB
CAMERA200MP f/1.9 35mm OIS
ZEISS Documentary Camera Main
50MP f/2.0 14mm ZEISS Ultrawide
200MP f/2.67 85mm ZEISS
3.7x Optical APO Telephoto
Max video: 8k 30FPS
50MP f/2.45 ZEISS Ultra-Clear Selfie
Max video: 4k 60FPS
BATTERY6600mAh 100W
40W Wireless
Bypass Charging

16+512GB

109,999
PHP
BUY HERE

Talagang nag-step up pa ang vivo sa kanilang X300 Ultra. Pumasok ito sa professional camera grade territory. At ang iba ay tinatawag pa ito na DSLR killer. Kasi ang quality daw ng pictures and videos ng phone ay talagang almost same na sa DSLR. Baka mapagkamalan mo pang kuha ng DSLR.

Unboxing

Kung plano mo nang bilhin ang X300 Ultra ay mamimili ka sa dalawang option. Una ang X300 Ultra Photographer Kit. Malaki ang box at full bundle na ito ay complete accessories. Php149,999 ang presyo nito. Sa loob ng Kit na ito makikita ang box ng X300 Ultra. Meron itong drawer sa ilalim. Sa loob niyan ay merong ZEISS telephoto extender lens.

Una ay ang 200mm extender at 400mm extender lens. Meron din itong imaging grip na may camera controls. Meron din itong 2300mAh na battery capacity. Maga-act na rin ito as power bank habang nagta-take tayo ng photos at videos. Meron din itong lens adapter ring at case para maikabit ang mga ZEISS telephoto extender. May additional mount rings at filter adapter ring kung gusto nating maglagay ng UV filters. Meron din itong shoulder or wrist strap at tripod rings.

Kung ang phone lang ang gusto nating bilhin, Php109,999 ito para sa 16+512GB. Ang available na kulay sa Philippines ay ang Steppe Green. Napakaganda ng itsura, design, at kulay nitong X300 Ultra. Simple lang pero napaka-premium at professional ng dating. Talagang alam mo na camera focus ang phone. Sa ilalim naman ang free case at mga manuals. Sa isang box makikita yung SIM ejector pin, USB-C to USB-C cable, at yung vivo FlashCharge 100W charging brick.

Assembling

Para ma-assemble ‘yung photography kit, kailangan lang ikabit ‘yung adapter ring sa case. Tapos, ‘yung case sa phone. At mayroong ikakabit sa may bandang ilalim na imaging grip. Ganun lang kasimple. Yung ilalim nung imaging grip ay merong mount para ma-mount sa tripod ang X300 Ultra habang nakakabit yung telephoto extender. Madaming control sa mismong imaging grip. Kagaya na lang ng pag-zoom, pagbago ng ISO, at marami pang iba. Para naman makabit yung lente, kailangan lang i-ikot yung lens sa adapter ring. Napaka-comfortable pa rin hawakan dahil sa imaging grip. Pero kung gusto mong hawakan sa mismong lens ay wala ring problema.

Design

Napakaganda ng itsura ng X300 Ultra. Although, marami sa atin yung hindi preferred yung color green. Siguro ay mas gusto natin yung White, o Gold, o kaya ay Black. Pero sa totoo lang, sa personal ay ang ganda ng pagka-green nito. Hindi awkward ‘yung kulay. Hindi rin pansinin. Napakasimple pa rin. Medyo boxy ito.

Sa right side ng phone ay merong volume up and down buttons at power lock button. Sa taas yung secondary speaker. Tapos, sa ilalim naman yung main speaker, main microphone, yung USB-C port, at SIM tray. Medyo makapal talaga yung camera module or camera island nito.

Naka-3D Ultrasonic fingerprint scanner ito. Yung pag-unlock natin ay napakabilis, napaka-accurate at kasing secure ng mga conventional fingerprint scanner.

Camera

Specification:

Yung camera system nitong X300 Ultra ay nilagyan pa ng dedicated chip na ang ay Pro Imaging Chip VS1+. Nakakatulong itong imaging chip para mas maging maganda ‘yung image processing, maging malinis ‘yung output, at maging professional looking quality. Meron din itong ZEISS T* coating sa camera nito kaya malinis ang magiging output. Kahit mag-take tayo ng pictures sa gabi at may nakatutok na mga ilaw or may mga maliliwanag na spotlight. Hindi magkakaroon ng reflections or orb sa output ng photo. Mas magiging malinis at mas less noise rin.

Ito ang mga sample photos:

Unahin natin ‘yung mga normal photos na makukuha sa main camera. Most of the time, ang ginagamit kong mode ay ‘yung portrait mode. Sa quality pa lang ay ang tindi nung edge detection nito. Ang ganda nung quality. Para DSLR talaga. Yung skin tone ay napaka-natural. Kahit sa loob ng mall, napakakintab ng kotse at ang liwanag sa loob pero na-balance nito lahat. Again, parang professional grade camera talaga. Kung gusto niyong mag-take ng mga picture ng pagkain ay walang problema. Yung balahibo ng mga stuffed toy ay kuhang-kuha sa kaliit-liitang detalye. Ang galing talaga.

Teleconverter

Ito ang mga sample photos na walang Teleconverter 2.35x Gen 2:

Ito ang mga sample photos ng Teleconverter 2.35x Gen 2:

Una ang ultrawide, main, 3.7x, at 7.4x. Kapag ikinabit ang Teleconverter, ang default na pag-zoom nito ay 200mm. Pwede pa itong i-zoom. Pipindutin lang nang isa-isa sa camera app. Yung 200mm, 400mm, 800mm, at yung pinakamalayo 1600mm. Una sa lahat, napansin ko sa unang set na yung kulay mula sa ultrawide hanggang sa pinakadulo na 1600mm ay hindi nagbago. Yun ang unang kinabiliban ko sa X300 Ultra. Kahit nakakabit yung telephoto extender ay na-maintain yung magandang color reproduction.

Ito ang mga sample photos nang walang Teleconverter 4.7x Gen 2 Ultra:

Ito ang mga sample photos ng Teleconverter 4.7x Gen 2 Ultra:

Lipat naman tayo sa telephoto extender na 4.7x Gen 2 Ultra. Start ulit sa ultrawide. Makikita agad yung quality ay ang sharp. Parang lumapit talaga ako sa subject. Walang na-compromise. Walang lumabo na parts. Isa sa maganda sa X300 Ultra, yung pagtimpla nito ng kulay ay ang natural ng dating. Pwede niyo naman i-customize ito. Pero sa setting ko, Natural ‘yung gamit ko sa lahat ng nakikita niyong mga sample photos at natural talaga yung itsura. Kapag sinagad pa kahit sa 4.7x Gen 2 Ultra lens ay challenging pa rin kasi mas malikot na yung image kapag sagad. Although may ghosting ng kaunti ay usable pa rin. Napaka-useful, lalo na sa mga concert o kaya kukuha ng shot ng moon o stars. Madami talagang magagawa sa mga extender.

Low Light

Ito ang mga sample photos kapag low light:

Kahit low light pa ay naging sharp pa rin yung quality. Sa mga bombilya ay wala itong reflections sa lens or mga orbs na lumitaw. Dahil ito sa ZEISS T* coating. Overall, lahat ng low light photos ay napakalinis ng itsura. Maganda rin ‘yung dynamic range. Walang blown out kahit sa mga parts ng building na merong ilaw sa loob.

Ito naman yung sample selfie photos:

Videos

Ito ang mga sample video screenshots:

Meron itong portrait video. Pwedeng gumawa ng mga cinematic shots kasi ang ganda ng pagka-blur nung background o nung bokeh. Mas natural ito. Hindi ito mukhang AI. Ang dali mag-switch mula sa foreground papunta sa background. Ang ganda ng output. Makakagawa tayo ng mga cinematic shots sa X300 Ultra. And by the way, pwede itong mag-shoot ng 10-Bit LOG. Pwede ring mag-import ng LUT habang nagre-record.

Ito ang sample 10-Bit LOG video screenshot:

Para makapasok sa 10-Bit LOG ay punta lang sa camera app. Sa video ay merong makikitang button na Pro. Papasok ito ngayon sa Pro Mode. Dadami yung mga options or settings na pwedeng baguhin. At naging parang muted yung kulay kasi nga ay ready na ito for color grading. Yung resolution ay pwedeng i-set up to 8K. Yung White balance, ISO, shutter, at marami pang iba ay pwedeng baguhin. Hindi lang basta maganda yung mismong video na makukunan natin by default. Pwede rin tayong gumawa ng professional grade video dahil sa 10-Bit LOG.

Ito ang sample selfie video screenshot:

4K ang video recording sa selfie camera ng X300 Ultra. Yung audio ay naka-set sa outdoor. Perfect na setting kung sakaling magvi-video recording or magvo-vlog sa labas para ma-reduce nito yung wind noise, at environment noise.

Performance

Specification:

I-explain ko lang yung tinatawag na LPDDR5X Ultra Pro na inilagay nila sa X300 Ultra. Hindi ito kagaya ng normal na LPDDR5X. Hindi lang to basta marketing name ng RAM nitong X300 Ultra. Yung Ultra Pro na inilagay na LPDDR5X ay mas mabilis compared sa normal na LPDDR5X. Malaking tulong ito para sa image processing. Para mas maging mabilis ‘yung pag-take natin ng photos, para mas maging maganda rin ‘yung quality. At syempre ay kailangan ‘yung mabilis na RAM para sa ating up to 8K 10-Bit LOG video recording.

Isa pang maganda ay napakatagal ng software support ng vivo sa X300 Ultra. Meron itong matatanggap na 5 Major Android Upgrades. Makakaabot ito hanggang sa Android 21. Makakatanggap din ito ng up to 7 Years Security Patches. Ganun katindi. Kaya mas mao-optimize pa at mas gaganda pa yung performance sa bawat aspect nitong X300 Ultra.

Meron din itong virtual RAM or extended RAM na double nung physical RAM. 16GB yung physical RAM nito. Pwedeng mag-add ng up to 16GB virtual RAM. In total, 32GB. Pero pag-isipan niyo muna nang mabuti kung kailangan niyo ba talaga yung extended RAM. Kasi yung 16GB na LPDDR5X Ultra Pro ay sapat na sapat na. Ang laki na ng headroom natin. Hindi na magha-hang yung phone for the most part. Pero para ma-convince kayo na pag-isipan niyo munang mabuti yung paggamit, tingnan natin yung mga AnTuTu score.

AnTuTu

Ang AnTuTu score na nakuha nung hindi ginamit yung extended RAM ay 3815482. Sobrang lupit ng performance ng phone. Kapag ginamit naman yung extended RAM ay medyo bumaba ng kaunti, 3802882. Mataas pa rin. Pero ang point ko ay na-compromise ng kaunti yung performance nung ginamit yung extended RAM.

Meron itong liquid cooling vapor chamber. Pero hinay-hinay pa rin kasi sa test ko ay hindi gano’n ka ganda ‘yung thermal management nito. Siguro ay magi-improve pa ‘yan sa mga susunod na software updates. Pero keep in mind, kung sakali na magte-take tayo ng photos or videos ay okay lang. Hindi naman ito ganon kabilis uminit. Pero kung magpapatakbo tayo ng mabibigat na games or applications ay asahan niyo na makakapag-produce ito ng alarming heat. Halimbawa, sa Wild Life Stress Test. Yung CPU throttling ay ang laki nung ibinaba kaya ‘yung stability score ay 61.6% na lang. Sa mismong result, nabawasan ito ng 14% sa battery at nadagdagan ng 19°C sa temperature. Hindi biro yung kayang i-produce nito na alarming heat. At medyo magastos sa battery kapag nangyari ‘yun.

May magandang file sharing sa vivo X300 Ultra sa Origin OS6. Pwede nang mag-send sa ating iPhone. Kailangan lang may naka-install na EasyShare sa iPhone. I-share lang > vivo share, at lilitaw na yung ating iPhone na ginagamit. Nakagawa ng bridge ang vivo mula sa Origin OS papunta sa iOS. Good job.

Display

Specification:

Totoo na master color ‘yung display nito. Halimbawa, nagte-take tayo ng picture. Kung ano ‘yung nakikita natin o kung ano ‘yung tinutok natin at lumabas sa display. Yun mismo yung magiging kulay nung ating photo. Hindi kagaya sa ibang mga phone na hindi kalibrated ‘yung display. Magkaiba ‘yung output ng photo na makikita natin kapag ini-transfer na natin sa PC galing sa phone. Ganun kaganda ‘yung display nito. Makakatulong pa nga yung display nitong X300 Ultra para makapag-take tayo ng mas magandang mga pictures.

Dahil LTPO AMOLED ito. Kaya nitong bumaba ng 1Hz. Yung behavior nito ay 1Hz, 30Hz, 60Hz, 120Hz. Kapag hindi na ginagalaw yung display ay bababa talaga ito to 1Hz. Tipid talaga sa battery itong X300 Ultra. Again, good job sa vivo.

Sa display settings, merong option para sa screen resolution. Naka-Ultra HD ito by default pero pwede naman isagad to 1440p. Pero ang ipapakita ko sa inyo mamaya na SOT sa X300 Ultra ay naka-Extreme HD or 1440p. Para makita ninyo yung minimum screen on time na pwedeng makuha kapag sinagad yung resolution. Meron din itong option para timplahin yung kulay ng display: Natural, Professional, at Bright. Yung color temperature ay pwedeng-pwede ring galawin. Keep in mind lang, out of the box naman ay merong naka-install na screen protector. Pero wala itong Corning Gorilla Glass protection. Ang meron ito ay IP68, IP69 dust and water resistance. Hindi tayo mag-aalala kung sakaling mabasa or malubog sa tubig ng saglit. Meron tayong peace of mind na may maganda itong proteksyon.

Good news para sa mga manonood sa Netflix, Level 1 ‘yung Widevine Security. Full HD ‘yung max playback resolution na pwedeng i-play. Dahil sa mataas na brightness nitong X300 Ultra ay meron itong support sa HDR10, Dolby Vision, at HDR10+.

Battery

Specification:

Hindi kayo madi-disappoint sa battery nito. Iyung BlueVolt battery, ang advantage nito ay maliban sa mas magiging matagal yung battery health ay manipis din ito kahit malaki iyung capacity. Ang nakuhang SOT ay 21 hours 22 minutes. Paano pa kaya kung bababaan lang yung resolution, mas mataas pa diyan na SOT ang makukuha. At para sa isang flagship phone ay excellent na yung screen on time na yan. Para naman sa charging na kinabibiliban ko din, 1% to 100% ay 1 hour. Ang tindi.

Verdict

Ulitin ko lang ‘yung price nitong vivo X300 Ultra. As of writing this article, kung yung photographer kit o full bundle yung kukunin natin, Php149,999. Pero kung standalone or yung phone lang ay Php109,999. Kung sakali nabibili na kayo ng X300 Ultra, anong pipiliin ninyo? Yung photographer kit or yung standalone lang?

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review
Next: Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!

Related Tech

Redmi K90 Max Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!

sulittechreviews June 29, 2026
Infinix HOT 70 on Case
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review

sulittechreviews June 29, 2026
itel A200 Beauty Shot
  • itel
  • Phones
  • Tech Blog

itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!

sulittechreviews June 22, 2026
  • Redmi K90 Max Beauty Shot 2
    Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!
  • vivo X300 Ultra Beauty Shot
    vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!
  • Infinix HOT 70 on Case
    Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review
  • itel A200 Beauty Shot
    itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
  • vivo X300 FE Beauty Shot
    Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review
  • BenQ MA270S Beauty Shot
    BenQ MA270S
  • Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators
  • vivo X300 Ultra Launch (3)
    Anne, Marian star in vivo X300 Ultra camera showdown

Recent Posts

  • Redmi K90 Max – Ang Lakas Naman Nito!
  • vivo X300 Ultra Review: ZOOM Pa Lang, Panalo Na!
  • Grabe ang Battery | Infinix HOT 70 Review
  • itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
  • Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.