Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
  • itel
  • Phones
  • Tech Blog

itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!

Isa pa sa nagustuhan ko sa itel A200. Usually, sa mga murang phone na kagaya nito ay may yellowish tint sa may ilalim ng phone. Pero sa...
sulittechreviews June 22, 2026 9 minutes read

itel A200

Unisoc T7250

LPDDR4X RAM

5000mAh

120Hz Refresh Rate

Watch Full Review

  • Specs
  • Price
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Battery
  • Camera & Verdict
  • Video
DESIGNIP65 – Dust & Water Resistant
MIL-STD-810H
Nano SIM + Nano SIM
8.3mm Thickness
DISPLAY6.75″ IPS LCD 120Hz 720p
PERFORMANCEAndroid 15 (Go Edition)
itel OS 15.1.2
1 Major Android Upgrades
2 Years Security Patches
Unisoc T7250
LPDDR4X RAM
eMMC 5.1 Storage
3+128GB
CAMERA13MP Main
Auxiliary Camera
Max video: 2k 30FPS
5MP Selfie
Max video: 1080p 30FPS
BATTERY5000mAh 15W

3+128GB

5,413
PHP
BUY HERE

Itong itel A200 ay less than Php5,000. Php4,799 to be exact. 128GB na yung internal storage, 120Hz pa ang screen refresh rate, meron ka pang military grade protection, at mga AI features. Ganun katindi ang phone na ito. Pero syempre, gusto pa rin nating isa-isahin yung aspects ng phone na ito para alam niyo yung ie-expect kapag binili niyo ito.

Unboxing

Sa harap pa lang ng box ay napaka-familiar at napaka-trendy ng design. Makikita rin sa harap ng box ang ilang top specs. Pag-open ng box, ang phone agad ang bubungad sa atin na nakabalot sa plastic. Meron itong sticker sa harap ng phone na may top specs.

Napaka-trendy ng itsura nitong itel A200. Mukha itong iPhone. Dual texture ang likod nito. May malaking part na mas matte compared sa camera module at sa gilid. Napaka-modern ng design ng camera plateau. May subtle Ai text ito sa camera plateau.

Sa ilalim ng box ay may USB-C to USB-A cable, 15W charging brick, SIM ejector pin, at case. Ang ganda ng black case. May style pa rin at premium ang feels ng case kahit na napakamura ng phone. Protected ang phone sa case.

Design

Meron itong IP65 na rating. Maliban pa sa MIL-STD-810H certification. May additional protection ito sa mga talsik ng tubig o maalikabok na environment. Hindi agad-agad papasukin ang phone. Sa taas ng phone makikita ang single firing speaker. Good news sa may ilalim kasi meron itong headphone jack. Bihirang-bihira nating makita iyan. Lalo na sa mga mid-range at flagship. Napaka-importante pa rin para sa karamihan ng audio jack.

Nung tine-test ko ang single firing speaker nito ay medyo nagulat ako. Maganda pa rin ang tunog para sa presyo. Meron din itong DTS audio na partner ng single firing speaker. Hindi sobrang ganda pero enough na enough para sa presyo. Hindi rin ako nabitin sa max volume. Naka-side mounted fingerprint scanner ito. Dahil conventional ito ay napaka-responsive. Isang dampi ay nau-unlock naman agad-agad ang phone. Walang maarteng animation kaya mabilis-bilis kahit papaano.

Pinagmamalaki rin ng itel ang A200 dahil meron itong 4.5G signal. May konting boost ito compared sa 4G signal. Ang nakuha sa OOKLA speed test ay 54.6Mbps download at 11.6Mbps upload. Sa FAST, 31Mbps download at 17Mbps upload. At sa Google speed test, 23.1Mbps download at 4.58 upload. Sa tatlong test, hindi sobrang bilis ng data connection nito. Hindi nga man lang ito tumuntong sa 60 or 80Mbps download speed. At least, para sa ganitong phone ay pwede mo na itong gamitin sa buong maghapon ng naka-data. Hindi ka magla-lag sa YouTube, TikTok, at mga social media apps. Saktong-sakto lang yung speed. Sabi ng itel para sa A200 ay Trendy at Durable ang phone. At tama sila.

Display

Specification:

Although hindi punch hole selfie camera ito at medyo makapal ang chin pero yung color reproduction ay hindi blueish. Iyun kasi ang karaniwang nangyayari sa ganito kamurang phone. Kahit nga sa mga Php7,000 phones ay bluish yung timpla ng display. Pero sa itel A200 ay napaka-natural pa rin for the most part. Mage-enjoy tayo sa media consumption sa A200.

Yung sinasabi ng itel sa A200 na Smooth ay pertaining sa 120Hz screen refresh rate. May pattern akong nakita sa mga entry level phones. 120Hz ang nilalagay nilang screen refresh rate at kasama yun sa marketing. Kapag ginamit mo na ay umaabot naman ng 120Hz pero nagla-lag. Sa previous entry level phone na na-review rin natin na POCO M8s 5G. Mataas din ang screen refresh rate nun pero naglalag ito pa rin ito kapag nagii-scroll. In fairness, hindi ko na-experience iyan sa A200. Kapag nagii-scroll ay wala kang mafe-feel na hirap ang phone. Talagang totoo yung smooth na sinasabi ng itel tungkol sa A200.

Pero, keep in mind na may ghosting ito. Magkaiba kasi ang lag at ghosting. Kapag ghosting ay may konting shadow. Hindi ito kasing smooth ng mga mid-range phone and higher. Pero ang importante, kahit may ghosting ay walang lag. Para sa akin ay mas acceptable yun.

More of Display

Isa pa sa nagustuhan ko sa itel A200. Usually, sa mga murang phone na kagaya nito ay may yellowish tint sa may ilalim ng phone. Pero sa display ng A200 ay wala akong nakita. Kahit pa pure white ang naka-display. Good job sa itel. Kahit na mura ang phone ay ini-make sure pa rin nila na maganda yung magiging experience natin sa display. Merong ilang mga compromises. Kagaya ng touch response rate kaya may ghosting. Kasama na ang notch at medyo makapal-kapal na chin. Pero mase-set aside natin yung ilang downside dahil sa magandang kulay at smooth scrolling.

Sa media consumption, sa Netflix ay hanggang Standard Definition lang ang pwedeng mapanood. Iyan ay 480p dahil sa Level 3 ang Widevine Security nito.

Sa display settings, meron pa rin itong light theme at dark theme. Napansin ko ring compromise sa phone pero makakasanayan niyo rin pagtagal ay wala itong auto brightness. Ang hirap gawing issue ito dahil napakamura na ng phone na ito. May High Brightness Mode ito at pwedeng ma-adjust manually ang brightness. Wala itong ambient light sensor para kusa itong maga-adjust ng level ng brightness. Depende sa environment natin. Hindi rin matitimpla ang kulay.

Performance

Specification:

Two thumbs up sa itel. Iyan dapat yung ginagawa sa mga ganitong entry level phones. Hanggat maari ay Go Edition yung inilalagay na operating system para magaan talaga. Hindi ito matakaw sa RAM. Isipin niyo, 3GB physical RAM at ang ibibigay ay standard Android version? Mabigat iyun. Yung Go Edition ay magaan-gaan yung background processes by default. Meron itong ilang pre-installed application pero madali namang i-unistall.

Walang sinasabi ang official statement ang itel pagdating sa software support. Pero according sa ini-research ko ay 1 Major Android Upgrade ang matatanggap nito. At 2 Years Security Patches. Sana lang ay accurate iyan.

Ang AnTuTu score na nakuha ay 373687, iyan ay kapag naka-off ang memory extension. Pero kapag ginamit ang memory extension ay naging 371456 ang score. Medyo bumaba ng kaunti kasi eMMC lang yung ginamit na storage type. At least, hindi pa rin ganun kalayo sa score na nakuha kapag hindi ginamit ang RAM. Kung gusto niyo na mas maging okay ang performance ng phone. Lalo na kung magpapatakbo ng marami-raming apps at once. Pwede niyong i-enable ang MemFusion. Pero kung hindi man ay mabilis pa rin ang phone.

Sa gaming, asahan niyo na okay pa rin ito pagdating sa mga casual games. Kagaya sa Asphalt 8, wala pa rin akong na-experience na struggle, hiccups, or lag. Napaka-smooth ng gameplay. Nagulat talaga ako. Hindi naman ganun kataas yung specs ng phone pero nakaya pa rin. Although hindi gaming phone ito pero kung magga-games kayo ay kakayanin pa rin ng phone. Basta yung mga casual gaming lang.

Ai Features

Isa pa sa pinagmamalaki ng itel sa phone ay ang mga AI features. Sa settings > itel AI, may ilang mga tools na pwedeng gamitin. Una, ang Document Assistant. Meron kang mahabang document at gusto mo ma-summarize ang mga importanteng details. Bahala na ang itel AI mag-summarize niyan gamit ang Document Assistant. Yung Writing Assitant naman ay parang Grammarly. Kino-correct nito yung grammar or spelling. Para bago natin i-send yung message natin ay confident ka na tama yung ise-send mo.

Yung AI Wallpaper Generator ay pwedeng gamitin para gumawa ng unique and very own wallpaper. Sa Magic Words, i-type lang yung scenery na gusto natin. I-click lang yung Writing with AI para madagdagan yung idea natin. Pindutin ang generate at may magagamit na tayong wallpaper. Kailangan lang may data or internet para makapag-generate ng image. At kahit naka-data ito ay na-generate naman ng maayos.

Yung Wifi connectivity nitong A200 ay 2.4GHz at compatible rin sa 5GHz Wi-Fi connection. Check, napatunayan nating smooth ang itel A200.

Battery

5000mAh lang ang inilagay nilang battery capacity. Enough na enough na ba ito para sa whole day na paggamit sa phone? Ang SOT na nakuha ay 13 hours and 51 minutes. Hindi ito impressive. Pero at least, meron kang confidence na pwede itong tuamgal ng buong araw. Lalo na kung naka-Wi-Fi ka lang naman. At dahil 15W lang ang charging speed nito ay i-expect niyo na kailangan ninyong masanay sa medyo matagal-tagal na charging. Sa experience ko, from 19% to 100% ay 2 hours ang charging.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshots:

1080p ang video recording sa selfie camera. Naka-stretch na yung kamay ko pero tight talaga ang kuha nito. Hindi ito ganun ka-wide pero 1080p na. Yung ibang mga entry level phones na ganito na ang presyo ay 720p lang. Kung sakali man na kailangan natin mag-record ng vlog ay hindi ganun kalabo at okay pa rin. Yun nga lang ay wala tayon ie-expect na stabilization.

2K 30fps ang sagad na video recording sa rear camera. Pwedeng isagad ang zoom ng up to 4x. Not bad. Hindi lang ganun ka-stable. Kahit EIS ay wala ang phone. Pero para sa presyo ay 2K resolution na, gagamit ka lang ng gymbal ay okay na okay ka na.

Verdict

Iyan na lahat ang gusto kong i-share tungkol sa itel A200. Sa tingin niyo ba ay okay bilhin ang phone na ito para sa Php4,799? Napaka-competitive ng presyo ng phone na ito. Kapag humanap kayo ng phone na ganito ang presyo ay baka mas marami pang compromises kayong makita. Pero ang A200 ay hindi tinipid ng itel. Isipin niyo 120Hz refresh rate, modern and trendy design, at smooth ang display and performance. Dahil na rin sa Go Edition ang ginamit na Android version.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review

Related Tech

vivo X300 FE Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review

sulittechreviews June 22, 2026
BenQ MA270S Beauty Shot
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA270S

sulittechreviews June 20, 2026
vivo X300 FE pre-order
  • Phones
  • Press Release
  • vivo

Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators

sulittechreviews June 11, 2026
  • itel A200 Beauty Shot
    itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
  • vivo X300 FE Beauty Shot
    Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review
  • BenQ MA270S Beauty Shot
    BenQ MA270S
  • Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators
  • vivo X300 Ultra Launch (3)
    Anne, Marian star in vivo X300 Ultra camera showdown
  • Infinix GT 50 Pro Beauty Shot
    Infinix GT 50 Pro – May silbi ba talaga ang HydroFlow Liquid Cooling?
  • Infinix GT 50 Pro First Impressions GT 50 Pro
    Infinix GT 50 Pro – First Impressions
  • 1200x628---Y31d-pre-order
    SPECIAL OFFER: Pre-order vivo Y31d with Php 3k off

Recent Posts

  • itel A200 – Uy bakit ang mura nito?!
  • Ang BAGONG Favorite Android Phone Ko! | vivo X300 FE Review
  • BenQ MA270S
  • Pre-order vivo X300 FE, compact flagship for creators
  • Anne, Marian star in vivo X300 Ultra camera showdown
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.