Redmi A7 Pro
Unisoc T7250
LPDDR4X + UFS 2.2
6500mAh 15W
4GB+128GB

| DESIGN | IP52 – Dust & Water Drips Resistant Nano SIM + Nano SIM + micro-SD (up to 2TB) 208g + 8.15mm Plastic Back |
| DISPLAY | 6.9″ IPS LCD 120Hz 720p 800nits max brightness 650nits typical brightness |
| PERFORMANCE | Android 16 HyperOS 3.0 ? Major Android Upgrades ? Years Security Patches Unisoc T7250 LPDDR4X RAM UFS 2.2 Storage 4+64GB / 4+128GB |
| CAMERA | 13MP f/2.2 OIS Main Auxiliary Camera Max video: 1080p 30FPS 8MP f/2.0 Selfie Max video: 1080p 30FPS |
| BATTERY | 6000mAh 15W Wired |
Price

May bagong budget friendly android phone and REDMI. Ito ang A7 Pro na 4+128GB yung configuration. Mabibili ito for Php6,999. Iyan ang presyo nung in-order namin ito sa Lazada.
Nakakatuwa, dati kapag bibili tayo ng phone sa ganitong presyo ay 64GB lang yung internal storage. Nakakatuwa na 128GB na yung kayang ibigay sa atin. At hindi ito eMMC 5.1 ang storage type nito kundi UFS 2.2 na. Sa ganitong presyo ay malayo-layo na yung naabot ng pera natin.
Gusto pa rin natin malaman sa bawat aspect ng phone na ito kung okay ba talaga ito bilhin? Okay ba ito gawing daily phone or backup phone? Kamusta ang signal nito sa 4G connection? Kumusta ang battery performance? Lahat iyan ay paguusapan natin.
Unboxing





Wala namang masyong special sa box ng REDMI A7 Pro. Maliban na lang sa sticker na inilagay nila sa box. Pinagmamalaki nila na 6.9″ display ito, 6000mAh battery capacity, total of 8GB of RAM, at 128GB of storage. Pag-open ng box ay yung phone yung makikita natin. Nakabalot ang phone sa plastic at may sticker ng top specs sa display ng phone.
Take note lang na wala itong pre-installed screen protector. Makikita naman sa ilalim ng box ang mga accessories na 15W charging brick, USB-A to USB-C cable, documentations, at jelly case. Medyo flimsy yung case pero protected naman yung phone.
Sa ganitong presyo ay medyo okay yung accessories na makukuha kasi almost complete. Wala lang itong pre-installed screen protector pero madali namang makahanap niyan sa Shopee, Lazada, or Mall. At least ay meron itong charger at jelly case.
Design

Sa unang tingin ay alam niyo agad kung ano yung compromised at yan yung design. Makapal ang chin nito at hindi pa ito naka-punched hole selfie camera. Naka-notch pa rin ito.
Ang kinuha namin ay Mist Blue. Pero meron pa itong Black, Palm Green, at Sunset Orange. Kung ako sa inyo ay Sunset Orange ang kunin ninyo. Nagkataon lang na hindi available ang Sunset Orange nung nag-order ako kaya sa Mist Blue na lang.
Kapitin ng smudges ang likod ng phone. Mukha rin itong Samsung phone, may mga Samsung phone na ganito ang itsura ng likod. May REDMI branding ito sa likod at meron itong IP52 rating.
According sa na-research ko, ang IP52 ay nago-offer ng partial dust protection and limited to light to water drips protection. Hindi ito kagaya ng mga nakasanayan nating IP64 na kahit matalsikan ng tubig o maulanan ay hindi agad-agad papasukin. Medyo delekado na ang phone sa malalakas na ulan o gripo. Hindi rin kakayanin nito ang masyadong maalikabok na environment. Pang-bahay lang ito.
Sides






Wala namang kakaiba sa bawat side ng phone. Sa itaas ng phone ay plain lang. Sa right side ang volume up and down buttons at fingerprint scanner na power lock button na rin. At sa left side ang SIM tray na hindi nakagitna. Tapos, sa ilalim naman ang headphone jack, main mic, USB-C port, at speaker. Good news na meron itong headphone jack pero hindi rin ito nakagitna.
Good news din na ang SIM tray ay may dedicated na micro-SD card slot. According to Xiaomi, ang REDMI A7 Pro ay kayang mag-handle ng up to 2TB na micro-SD.
Ang fingerprint scanner nito ay okay naman. Hindi naman maarte yung animation. Mabilis naman kapag nagu-unlock tayo. Hindi pa rin sobrang bilis pero nakatulong na hindi sobrang bilis ng animation.
Meron din itong 200% volume boost. Kahit na mono speaker lang ito ay malakas naman yung sound na ibibigay sa atin. Pero huwag niyong asahan na napakaganda ng quality ng tunog nito. Tamang-tama lang naman.



Para magka-idea kayo sa bilis ng 4G connection nito, sa OOKLA ay nakakuha ito ng 43.7Mbps download at 11.3 Mbps upload. Sa Google speed test, 35.1Mbps ang download at 11.9Mbps upload. Panghuli, sa FAST ay 25Mbps download at 11Mbps upload. Hindi ganun kabilis ang mae-expect nating data connection sa phone. Sa pag-test ko ay GOMO SIM pa rin at sa kinauupuan ko sa studio na kagaya ng dati.
Hindi man lang ito umabot ng 50 or 60Mbps. Talagang nasa 30+ or 40+ Mbps lang yung inabot nito. Again, kung gagamitin natin ito sa everyday na trabaho na kailangan ng data connection. Asahan ninyo na hindi ganun kabilis ang magiging internet natin.
Display
Specification:

Huwag tayong masyadong mag-expect ng napakagandang color reproduction. Medyo blusih yung timpla ng kulay para sa akin. Medyo malaki-laking factor at disturbance sa atin yung notch sa taas at napakakapal na chin nito. Ito talaga yung compromise sa ganitong klase ng mga phone. Pero in fairness naman sa REDMI A7 Pro, ang Widevine Security nito ay Level 1. Makakapag-play tayo ng Full HD content sa Netflix.


Sa display settings ay meron itong Colour Scheme. Pwedeng timplahin ang kulay kung hindi tayo masaya sa default setting. Meron ding option para i-adjust ang color temperature.
Ganun pa rin ang refresh rate, may dalawang option. Default kung 120Hz to 60Hz at vice versa. At Custom para i-lock natin ito to 60Hz. Pero gusto kong i-set ang expectation niyo. Hindi dahil 120Hz ang refresh rate nito ay mae-experince niyo yung same smoothness sa mga phones na naka-120Hz din. Medyo laggy sa phone. Hindi naman yung mga humihinto-hinto. Pero hindi talaga ganoon ka-smooth. Kapag nagi-scroll kayo sa A7 Pro ay mafe-feel ninyo na 60Hz ang refresh rate. Hindi ganun ka-smooth compared sa mid-range at flagship phones.
Performance
Specification:

Pwedeng i-extended ang physical RAM ng up to 8GB. Kasi up to 4GB ang memory extension na pwedeng i-set.

Sa AnTuTu naman, hindi ganun kataas yung makukuhang score. As expected kasi nasa Php7,000 lang yung presyo nito. Hindi naman talaga natin kayang i-expect na magiging napaka-ganda ng performance ng isang phone sa ganitong presyo. Ang AnTuTu score kapag hindi ginamit ang memory extension ay 418694. Nang ginamit ang memory extension ay naging 418585. Nabawasan ng kaunti ang performance pero gabuhok lang ang difference. Gamitin niyo na ang 4GB na memory extension. Para at least, may headroom kayo kapag kailangan ninyong magpatakbo ng multiple apps at once.


Ang ganda rin ng result ng Wild Life Stress Test, 2% lang ang nabawas sa battery after ng test. 1°C lang ang nadagdag sa temperature. Magkakaroon kayo ng idea na ang battery performance nitong A7 Pro ay talagang maganda.

Pagdating sa gaming, huwag na kayong mag-expect na magiging maayos yung gaming experience natin. Yung mga casual games na magagaan lang ay kakayanin naman ng phone. Kahit pa Asphalt Legends ay kayang-kaya nito sa graphics na hindi nakaka-wow. Hindi ito gaming phone pero kung gusto niyong maglaro ay hindi magiging maganda ang graphics.

Pagdating sa UI ay wala namang masyadong special. Same na same pa rin sa ibang Xiaomi phones. May mga bloatwares pa rin. Dahil medyo mabigat ang UI para sa phone. Asahan ninyo na hindi ganun ka-smooth yung experience natin.
Battery
Specification:

Ang SOT nito ay 20 hours 20 minutes. Maasahan natin ang phone na sa isang charge lang ay pwede itong umabot ng 2 days. Ito ay kung hindi tayo matakaw sa data at hindi tayo masyadong magi-internet gamit ang data. Kung naka-WiFi lang tayo ay pwede itong umabot ng 2 and half days sa isang charge. Hindi talaga powerful ang chipset nito kaya kung gagawin natin itong backup phone or pang messenger lang, viber, text messages, calls, YouTube, Netflix, or mga simpleng gawain lang sa phone. Kakayanin ito ng phone at matagal bago ma-lowbat.

Medyo matagal lang ang charging speed ng phone. Sa battery department nag-excel ang phone. Maasahan natin ito as backup phone. Lalo na kung magta-travel tayo.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample videos screenshots:


1080p ang video recording sa selfie camera nitong A7 Pro. Hindi naman nakakagulat na 1080p lang ang sagad na video recording para sa presyo. at least ay hindi 720p ang binigay sa atin. Pwedeng-pwede na natin itong gamitin sa video calls. Kung gagamitin natin ito for vlogging ay medyo hindi ganun kaganda yung quality. Wala itong stablization. Kapag naka-stretch yung kamay ko ay malawak naman. Maipapakita naman natin ng maayos yung background natin.
Verdict

Iyan na lahat ang gusto kong i-share tungkol sa REDMI A7 Pro. Sa tingin niyo ba ay sulit itong phone para sa presyo? Para sa akin, kung humahanap kayo ng backup phone or pang-secondary phone. Swak itong phone na ito. 128GB na rin naman ang internal storage. Pero as main phone tapos kailangan nating gumamit ng mabibigat na apps. O kaya kailangan natin the whole day ng mabilis na data connection. Hindi ko maire-recommend ang phone na ito.
Gaya ng pinakita ko kanina, hindi ito nag-excel kahit sa data testing. Mabagal talaga yung sagap nito sa signal. Nag-excel ito sa display, walang problema kung manood tayo ng movies or videos. At napakaganda ng battery department nito. Siguro ay idadagdag ko na rin ang storage nito. Maliban sa 128GB na ito para sa presyo. Up to 2TB pa ang SD card na pwedeng ilagay. Pwedeng-pwede talaga gamitin as backup phone.