Infinix NOTE 60 Ultra
Dimensity 8400 Ultimate
LPDDR5X + UFS 4.0
7000mAh 100W
50W Wireless Charging
10W Reverse Charging

| DESIGN | IP64 – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM (eSIM Support) 220g + 7.9mm Corning Gorilla Glass Victus (Back) Active Matrix Display |
| DISPLAY | 6.78″ AMOLED 144Hz 1.5K 4500nits max brightness 700nits typical brightness Corning Gorilla Glass 7i |
| PERFORMANCE | Android 16 XOS 16.2 3 Major Android Upgrades 5 Years Security Patches Dimensity 8400 Ultimate LPDDR5X RAM UFS 4.0 Storage 12+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 200MP f/1.69 OIS Main 50MP f/2.88 Telephoto 3.5x Zoom 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 60FPS 32MP f/2.2 Selfie Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 7000mAh 100W 50W Wireless 10W Reverse Wired 10W Reverse Wireless Bypass Charging |

Napaka-special ng phone na pag-uusapan natin. Ito ang Infinix NOTE 60 Ultra na design by Pininfarina. Talagang pinagmamalaki ng Infinix ang itsura ng NOTE 60 Ultra. Mamaya ay malalaman niyo kung bakit.

Pininfarina

Konting information lang tungkol sa Pininfarina na partner ng Infinix para sa NOTE 60 Ultra. Ang Pininfarina is a renowned Italian design firm and coach builder founded in 1930. Specializing in automotive styling, industrial design, architecture and nautical engineering. Famous for designing iconic Ferraris, Alfas, and Maseratis.
Ganun lang naman kasosyal ang Pininfarina. Dahil Pininfarina yung nag-design ng phone, i-expect ninyo na may pagka-racing car vibe yung itsura nito. Mamaya ay ma-appreciate niyo lalo yung itsura nito.
Unboxing


Sa unahan ng box, makikita yung Infinix designed by Pininfarina NOTE 60 Ultra. Sa likod ay makikita ‘yung ilang top specs ng phone. Pero ang pinakagusto kong makita ninyo ay ‘yung nasa loob mismo ng brown box. Nasa loob niyan ay ‘yung mismong box ng NOTE 60 Ultra. Meron pa itong dalawang lock sa gilid. Pag-unlock ay mao-open na yung box. Pag-pull ng cover, parang nagkakaroon ng red effect. Mamaya ay malalaman niyo kung bakit.




Kapag natanggal na, merong hahatiin na dalawang parts. Nakabalot ang Infinix NOTE 60 Ultra at may nakalagay na mga top specs ng phone. Yung likod ng phone ay may pagka-carbon. Wala itong texture. Napaka-smooth ng feels. Pero dahil matte finish ay hindi ito kapitin ng mga smudges. Napakalinis tingnan. Meron itong Pininfarina branding sa likod at sa may gilid.


Sa isang part ng box naman. Pag-open, meron itong charger holder. Dito ilalagay yung MagCharge or wireless charger nitong Infinix NOTE 60 Ultra. Ganda, mukhang kotse. May pagka-carbon style din ito. Sa ilalim ay meron itong card na may nakalagay na SIM ejector.






Sa kabilang side ng box, pag- open ay makikita yung MagCharge or wireless charger. Carbon din yung style. Ilalagay lang yung MagCharge sa holder. Itatapat lang yung USB-C port sa may butas. Sa ilalim ay papadaanin yung cable. Meron din itong document sleeve. Sa loob nito ay merong documentations, tempered glass, at case. Fully exposed yung camera module sa case. Mamaya ay i-explain ko kung bakit confident sila na naka-expose yung camera module. Yung likod nito ay may texture na carbon. Ang ganda. Meron din itong 100W charging brick na kulay itim. Panghuli, yung USB-C to USB-C cable.
Design

If ever na hindi niyo trip itong Torino Black, meron pang Monza Red, Amalfi Blue, at Roma Silver. Yung sinabi ko na confident ang Infinix na naka-expose yung camera module nitong Infinix NOTE 60 Ultra. Ang reason ay dahil meron itong Corning Gorilla Glass Victus Protection. Itong mismong camera module ay flat na flat. Talagang wala gap na makikita. Ang tawag nila rito ay Uni Chassis Camera Module. Isang diretso lang ito at flat na flat. Kapag nilapag yung NOTE 60 Ultra, wala itong wobble. Talagang flat na flat ito. Napaka-comfortable gamitin kahit nakalapag ito.

Mayron kulay pula na effect sa ilalim ng camera module. May-pagka racing car vibe itong phone. Napaka-premium talaga ng itsura. Ang ganda ng pagkaka-design ng Pininfarina.




Meron itong mini display para sa Active Matrix Display. Sa Active Matrix Display Setting, mayroong Matrix Studio para makapamili ng design na gusto natin. Napakadami ng design na pwedeng piliin. Pwede pa nga gumawa ng sarili natin. Napaka-customizable. Pwedeng gamitin ‘yan para hindi palaging kailangang i-unlock yung phone para lang i-check yung notification. Pwedeng i-customize yung lilitaw na notification. Kapag may lumitaw sa Active Matrix Display ay alam natin kung importante ba.



Sa default wallpaper at icons. Hindi ko masyadong type personally. Pero at least ay nagra-rhyme ito sa mismong design sa likod. Pinalitan ko muna para mas ma-appreciate natin yung UI. Mukha pa rin itong iPhone. Meron pa rin itong app dock. Yung controls ay mukha pa ring iPhone ‘yung itsura.
Sides


Sa taas ng phone ay merong secondary speaker na Tuned by JBL, IR blaster, at secondary microphone. Sa ilalim yung SIM tray, main microphone, USB-C port, at main speaker. Ang tawag ng Infinix sa speaker ay 360° JBL Dual Stereo Speakers. Ganoon kalakas at ganoon sila ka-confident sa quality ng speakers nitong NOTE 60 Ultra. Hindi naman sila nagkamali kasi hindi tayo mabibitan sa maximum volume pati na rin sa tunog. Napakaganda talaga. Mag-e-enjoy tayo lalo kapag nanonood tayo ng mga movies or naglalaro tayo.

Nagawan din ng Infinix ng paraan yung pag-transfer ng files mula sa Infinix phone papuntang iPhone. Kung may ise-send tayo sa friend natin na naka-iPhone. Kailangan lang i-install ang Instant Transfer application sa ating iPhone. Allow lang yung mga permissions > receive, at nakapag-send na tayo ng file. Hindi pa rin ito ganon kabilis compared sa iOS to iOS pero at least ay meron. Mas madaling makapag-send ng files mula sa Android phone papuntang iOS.
Capabilities

Ang isa pang pinagmamalaki ng Infinix ay ang tinatawag nilang Global Satellite Calling and Messaging. Sa setting, may makikitang Satellite Network. For emergency cases ito. Halimbawa, nasa isang napaka-secluded na lugar tayo or remote area na walang signal yung ating phone. Magagamit natin ‘to para makahingi ng tulong kung kailangan man. Pero kailangang tandaan na depende ito sa SIM card na gamit natin. Sa ngayon, itong GOMO SIM na gamit ko ay hindi compatible.
Para magamit ay pindutin ang Enter Experience Mode. Kailangan muna itong itapat sa isang direction na tugma or makakasagap ng satellite signal. Kailangan naka-tilt ‘yung phone. Kapag na-connect na ay may lalabas na “satellite communication connected successfully”.



Good news, hindi lang to basta dual nano SIM. Pwede ring mag-install ng isang eSIM. It’s either dalawang nano SIM or isang nano SIM + eSIM. Sa speed test, nakasagap ito ng 5G+ connection. Sa OOKLA, 336Mbps download at 25.5Mbps upload speed. At sa Google Speed test, 235.2Mbps download at 23.6Mbps upload. Lastly, sa FAST. 370Mbps download speed at 74Mbps upload. Based sa tatlong result ng test sa speed connection, reliable at mabilis talaga. Iyan ay kung naka-5G+ sa area natin. Naka-GOMO SIM ako at sa kinauupuan ko sa studio ginawa ang test.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video recording screenshots:




4K 30fps ang video recording sa NOTE 60 Ultra. Stable ito at yung stabilization na ginagamit ay yung AI Stable. Kapag Ultra Steady yung ginamit, magda-downscale ito to 1080p. Ang AI Stabilization ay hanggang 4K 60fps. Kahit na hindi naka-Ultra Stable ay hindi maalog yung kuha. Mula sa 1X ay pwedeng 2X to 3.5X. Hindi ito pwedeng bumaba to ultrawide. Kahit na naka-3.5x ito ay stable pa rin. Kahit pa nagpa-pan. Ang pinakasagad na digital zoom ay hanggang 10x.
4K 30fps ang video recording sa selfie camera nitong NOTE 60 Ultra 5G. Pwedeng mag-2x zoom. Meron itong stabilization kahit na naka-4K 30fps. Yun yung advantage ng selfie camera. Pwedeng-pwede na itong gamitin for vlogging. Merong natural bokeh ang video. Medyo blurred yung background kapag naka-focus sa atin. Ayos na ayos ito for vlogging.
Sa indoor ay 4K 30fps rin ang video recording. Kagaya sa outdoor ay pasado rin yung quality sa indoor. Merong ilaw sa tapat ko at merong studio lights. Pero for the most part ay pang-indoor pa rin talaga yung setup. Hindi ito ganun kaliwanag compared kanina. Pero hindi pa rin noisy yung background. Usually, yung mga ganitong klase ng phone ay noisy na sa medyo madilim na part pero malinis pa rin ito. Especially, ‘yung mukha ko ay well balance yung liwanag kahit na dalawa yung nakatutok sa akin na ilaw. Hindi overexposed yung mukha. Para sa akin ay goods na goods yung 4k video recording nito. Mapa-outdoor or indoor man.
Performance
Specification:

Meron din itong tinatawag na Ice Core Cooling System. Isa rin ito sa pinagmamalaki ni Infinix. Madali raw mawala yung init sa phone. Mamaya ay titingnan natin kung effective ba yung cooling system ng phone.
Pero gusto ko muna i-mention yung software support ng Infinix NOTE 60 Ultra. Impressive, 3 Major Android Upgrades yung mare-receive nito. Hanggang Android 19 yung phone na to. Plus, meron pa itong 5 Years Security Patches. Matagal-tagal natin magagamit ito.
Isa pang good news. Sinabi ko kanina na UFS 4.0 ‘yung storage type nito. Mabilis talaga ‘yung read and write speed nito. Kung plano nating gamitin ng matagal ang phone ay hindi tayo madi-disappoint ng mahaba-habang panahon.
Benchmarks

Ang pinakamataas na AnTuTu score na nakuha sa NOTE 60 Ultra, 1949557. Almost 2 million na ‘yung score. Base sa score na ‘to, maaasahan natin na kahit anong application yung patakbuhin sa NOTE 60 Ultra ay kakayanin talaga nito.

Pero hinay-hinay pa rin tayo kasi 7% yung nabawas sa ating battery nung natapos yung Wild Life Stress Test. 20°C naman yung nadagdag sa temperature. Base sa result na yan, medyo hindi ko ma-feel yung benefit nung Ice Core Cooling System. Mas mabilis lang siguro itong lumamig compared sa ibang mga Infinix phones. Pero sana ay ma-feel natin yan habang ginagamit ang phone. Hinay-hinay lang kung magpapatakbo tayo ng mabigat na application. Yes, kaya ng phone pero huwag naman masyadong matagal. Kasi magge-generate ito ng alarming heat at yun yung makakasira sa battery.

Kagaya na lang sa Racing Master, sagad na sagad yung graphics. Talagang na-generate nito ng maayos yung mga graphics. Merong motion blur, lahat-lahat. Napaka-flagship ng performance. And yung mismong gameplay ay smooth din. Although, hanggang 60fps lang itong Racing Master sa phone pero napaka-smooth talaga. Wala mafi-feel na parang hirap na hirap ang phone, frame drops ay wala. Napaka-smooth nito. Pero kagaya ng sinabi ko kanina, hinay-hinay pa rin. Kapag nagtagal sa ganitong game ay magge-generate ito ng alarming heat. Pero bottom line, kayang-kaya nitong Infinix NOTE 60 Ultra yung mabibigat na games.
Display
Specification:

Kung pag-uusapan yung color reproduciton, realistic at napakaganda. Wala tayong mapupuna na parang unrealistic or masyadong vibrant yung mga kulay. Napakaganda ng color reproduction nito. Mag-e-enjoy tayo sa panonood ng mga videos and movies. Yung bezels ay proportioned at manipis talaga. Pero keep in mind lang na out of the box ay wala itong naka-install screen protector. I-install niyo agad yung tempered glass para mapanatag kayo. Kung hindi man ay okay lang kasi meron itong Corning Gorilla Glass Victus sa camera module. Sa harap naman ay Corning Gorilla Glass 7i.


Isa pang good news, Widevine Security Level 1 ito at makakapag-play tayo ng Full HD sa Netflix. Wala lang HDR support sa mga content. Ang nagustuhan ko pa sa display nitong Infinix NOTE 60 Ultra, pwedeng i-downscale to 1080p ‘yung resolution from 1.5K. Kung gusto lang nating makatipid pa ng ilang battery percentage. Sa settings > display in brightness > screen resolution option. Dalawa yung option, UHD at HD. Mamaya ay ipapakita ko ‘yung impact nung dalawang resolution na ‘yan sa battery performance.


Maliban sa screen resolution, meron itong screen refresh rate. Tatlo yung option, Auto Switch, Standard, and High. Alam na natin yung Auto Switch at Standard. Kung gusto natin ma-utilize ‘yung 144Hz refresh rate, tap lang yung High at piliin yung mga application na compatible sa ganyang kataas na refresh rate. Pero sa ngayon, sa unit na nire-review ko, merong limang application na naka-install na pwede sa 144Hz. Pero hindi pa rin ito automatic na masu-switch sa ganon kataas na refresh rate. Maliban na lang kung ita-tap natin at ise-select ‘yung 144Hz. Para mabigyan kayo ng idea kung aling resolution ang dapat piliin, pag-usapan natin ‘yung battery performance.
Battery
Specification:

Lahat ng kailangan natin sa isang battery at charging ay nandito na sa Infinix NOTE 60 Ultra. Ang gamit nila ay silicone carbon battery. According sa Google Gemini, nag-o-offer ito ng superior performance over traditional graphite-based lithium-ion batteries by providing significantly higher energy density (10% to 25% more), allowing for smaller lighter batteries with longer life.

Kahit na 7000mAh yung capacity nito, hindi pa rin ito ganon kakapal. Dahil silicone carbon, mas matagal ‘yung battery health nito. Plus, mayroon pa ‘tong tinatawag na self healing technology. Every 200 cycles ay mayroong mare-repair na 1% sa battery health. Pero hindi naman dahil naka-silicone carbon ‘yung NOTE 60 Ultra ay made-define na niyan kung gaano katagal yung real life SOT sa phone.
SOT

Ang SOT kapag naka-UHD or 1.5k resolution, 12 hours 20 minutes. Ayun lang, medyo na-surprise talaga ako. Na-disappoint talaga ako sa totoo lang. Pero asahan natin na kayang-kaya pang i-improve yan ng Infinix sa mga paparating ng software support. Dahil nga matagal yung updates na mare-receive nito.

I-try naman nating i-switch to 1080p. Ang SOT na nakuha naman ay 13 hours 38 minutes. Ganun pa rin. Sa totoo lang, kahit na nadagdagan ito ng more than 1 hour pero hindi ko pa rin masasabi na impressive. Hindi ko pa rin masasabi na okay lang para sa presyo. Sana talaga ay maayos yan ng Infinix. At least, 16 hours sana yung goal natin kapag naka-1.5k resolution. Tsaka ko masasabi na goods yung SOT. Pero sa ngayon, dahan-dahan tayo sa paggamit. Hindi ganun katagal ‘yung battery life na ma-experience natin sa phone sa isang charge. Mabuti na lang ay 100W iyung charging speed. Mabilis natin itong macha-charge.

Speaking of charging, from 14% to 100% ay 1 hour and 7 minutes ko lang to na-charge. Kung hindi tayo mag-start ng 14%, mga 30% or 40% tayo mag-start mag-cahrge. Less than 1 hour ‘yung tagal ng pag-charge.
Verdict

Yun na lahat ang mga gusto kong i-share sa inyo tungkol sa Infinix NOTE 60 Ultra. Designed by Pininfarina na merong magandang likod, magandang design, magandang display, magandang performance, at malaking battery capacity. Anong masasabi niyo dito sa phone na to? Bibilhin niyo ba itong phone? Based sa mga napag-usapan natin mula pa kanina. Mula sa design hanggang sa battery performance.