Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Parang Flagship ang Kuha! | vivo V70 FE Full Review
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

Parang Flagship ang Kuha! | vivo V70 FE Full Review

Parang normal lang kapag hindi ini-zoom yung photos. Pero kapag ini-zoom ay makikita kahit pa yung pixels ng...
sulittechreviews April 22, 2026 11 minutes read

vivo V70 FE

Dimenity 7360 Turbo

LPDDR5 + UFS 3.1

7000mAh 90W

200MP Main Camera

Watch Full Review
  • Specs
  • Price & Unboxing
  • Camera & Design
  • Battery & Performance
  • Display & Verdict
  • Vid
DESIGNIP68, IP69 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
200g + 7.79mm
In-display Optical Fingerprint Sensor
DISPLAY6.83″ AMOLED 120Hz
1900nits max brightness
PERFORMANCEAndroid 16
OriginOS 16
4 Major Android Upgrades
6 Years Security Patches
Dimensity 7360 Turbo
LPDDR5 RAM
UFS 3.1 Storage
8+256GB / 12+256GB
CAMERA200MP f/1.9 OIS Main
8MP f/2.2 Ultrawide
Max video: 4k 30FPS
32MP f/2.0 Selfie
Max video: 4k 30FPS
BATTERY7000mAh 90W

8+256GB

25,999
PHP
BUY HERE

12+256GB

29,999
PHP
BUY HERE

Itong vivo V70 FE ay mabibili for Php25,999 para sa 8+256GB, as of writing this article. Kung gusto pa nating taasan ng up to 12+256 ay magdadagdag tayo ng Php4,000. Php29,999 naman.

Unboxing

Wala namang masyadong bago sa box ng vivo V70 FE. Meron lang Powered by Origin OS at Comes with AI text sa harap. Sa likod ng box makikita yung kulay at variant nung unit na binili natin. Pag-open, makikita agad yung mismong V70 FE na Silver color. Hindi ito literal na silver na silver. May pagka-violet nga ‘yung tone ng kulay nito. Napakasimple lang. Matte finish. Walang kahit anong texture or effects sa likod. May vivo branding sa likod. May makikita rin na 200MP OIS Camera sa camera module.

Meron din itong jelly case na makapal na merong additional protection para sa camera module. Sa ilalim rin ng box ang documentations, 90W vivo FlashCharge na USB-A port, USB-C to USB-A cable, at SIM ejector pin. Yes, tama yung nakita niyo na 200MP at merong OIS yung main camera nito. Ang tawag nga rito ng vivo ay flagship grade camera.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Unahin natin yung zoom capabilities nito. Yung 1x to 5x zoom ay lossless quality. Halos walang makikitang bawas sa quality ng photos mula 1x to 5x. Preserve talaga iyung quality. Crisp and rich. Iyung kulay nila ay same na same. Iyung exposure at dynamic range ay same na same. Yung mismong 200 megapixels yung pinangkuha. Up to 30X ang zoom nito. Of course, meron ng AI yung 30X. Obvious talaga na digital yung 30X. If ever talaga na hinihingi ng ating situation na isagad yung digital zoom, pwedeng-pwede gawin yan sa vivo V70 FE.

Pagdating sa 200MP na main camera nito, pwedeng i-enable yung mode na yan sa taas ng camera. Pwedeng 50MP or 200MP. Tap lang natin yung 200MP para masagad natin iyung quality nung ite-take nating photo. Keep in mind lang na kapag ito iyung mode na pinili natin. Kapag ini-tap yung shutter button ay magte-take lang ng around 1 to 1 and 1/2 seconds bago nito ma-process yung photo.

Ito ang mga sample 200MP photos:

Parang normal lang kapag hindi ini-zoom yung photos. Pero kapag ini-zoom ay makikita kahit pa yung pixels ng LCD nung relo. Ganon katindi ito at napaka-sharp pa rin ng quality. Ganito kadaming information yung pwedeng makunan sa main camera ng vivo V70 FE kapag naka-200MP. Imagine kung ang kukunan natin ay tao or mga building. Ang dami nating makukuhang details. Puntahan naman natin yung mga normal photos at low light photos.

Ito ang mga sample photos:

Una sa lahat ay maganda iyung color science ng vivo V70 FE. Take note hindi ito ZEISS optics pero ang linis ng quality. Kahit mga low light photos at night photos ay walang artifacts or noise. Napaka-usable kahit pa i-upload natin sa mga social media websites.

Videos

Ito ang mga sample video screenshots:

4K 30fps ang video recording sa rear camera ng V70 FE. Ito yung sagad na video video recording. Pwedeng i-enable yung stabilization sa 4K 30fps. Hindi kagaya dati na para magamit yung stabilization, kailangan i-downscale to 1080p muna. Hanggang 10x yung sagad na zoom.

Sa selfie naman ay pwedeng mag-record ng up to 4K video recording pero walang SteadyFace. Medyo maalog yung video recording kasi naglalakad ako. Kung gusto nating gamitin yung SteadyFace, magdo-down scale ito to 1080p. Kung extreme ‘yung situation natin, like nasa sasakyan or tatakbo tayo, pwedeng i-enable ‘yun pero compromise ‘yung quality.

Based sa mga sample photos at videos, anong masasabi niyo sa camera nitong vivo V70 FE? Agree ba kayo sa sinabi ng vivo na flagship grade na to?

Design

Super simple lang naman yung itsura nito. Kung ayaw niyo nitong Urban Silver, meron pa itong Ocean Blue at Muse Purple. Dual nano SIM lang yung pwedeng ilagay. Although 5G naman yung sagad na signal nitong vivo V70 FE. Nakakalungkot lang na sa presyong Php25,999 ay wala pa itong eSIM support. Sana i-improve yan ng vivo sa mga susunod nilang phones na ganito ‘yung presyo. Sana may eSIM.

Sa unang test na ginawa ko gamit yung OOKLA speed test. Yung download speed ay 259Mbps at 23.5Mbps naman yung upload speed. Matindi talaga. Sunod naman ang FAST, 230Mbps at 72Mbps upload speed. Panghuli, sa Google Speed Test. 207.5Mbps download at 17.7Mbps upload speed. Take note, sa mismong kinauupuan ko sa studio ginawa ang test.

Kagaya ng palagi kong ginagawa sa ibang mga phones. Same SIM lang at GOMO. Hindi bumaba ng 200Mbps yung download speed nito. Ganun ka-stable yung connectivity nito. Ganun kaganda at kabilis yung signal nito. Masasabi natin na reliable talaga yung signal ng vivo V70 FE. Good news yan if ever na gagamitin natin to sa field, outdoor, or sa work natin. Asahan natin na magiging maayos yung signal natin maghapon.

Sides

Pagdating naman sa biometrics, naka-optical fingerprint scanner ito. Hindi ito ganon kabilis. Actually, yung animation nito ang medyo nagco-cause ng delay kapag ina-unlock ‘yung phone. Although may work around naman. Pwedeng i-disable yung animation nito para bumilis yung feels kapag ina-unlock yung phone.

Sa may taas makikita yung secondary speaker, IR blaster, at secondary microphone. Sa ibaba yung main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM tray. Kagaya ng sinabi ko, dual nano SIM yung pwedeng ilagay at walang micro-SD card slot. Sa may gilid naman ‘yung volume up and down button at power lock button. Malinis naman yung left side. Take note lang na IP68, IP69 ingress protection nitong V70 FE. Dust tight and water resistant itong phone. Hindi ito basta-basta mapapasukan ng alikabok.

Lalo na ngayong summer na pupunta tayo sa mga travel destination natin. Sa mga probinsya, dagat, ganiyan. Hindi tayo mag-aalala na papasukin ‘to ng moisture o ng alikabok. Pero syempre, ingatan pa rin natin at huwag nating isasama ‘to sa pagi-swimming. Please lang, hindi ito action camera. Yung ingress protection na yon ay inilagay lang ng vivo at ng iba pang mga brand for accidents. Accidental na mga pagkalublob nung phone. Pero hindi ito designed para i-operate sa ilalim ng tubig.

Battery

Specification:

Ang isa pang nakakabilib sa vivo V70 FE ay yung battery capacity. High capacity yung inilagay ng vivo. Pero at the same time, hindi pa rin ganon kakapal itong phone. Manipis pa rin itong maituturing kasi 7.79mm slim itong V70 FE. According to vivo, isa pang advantage ng BlueVolt battery na inilagay nila ay tatagal ito ng limang taon. Ibig sabihin niyan, 1,700 charging cycles yung pwedeng gawin sa vivo V70 FE before ito mag-umpisang mag-degrade. In 5 years ay baka magpalit na tayo ng phone. Baka sagad na sagad na yung paggamit natin sa V70 FE.

Pagdating sa actual SOT, sa PCMark ay 26 hours 33 minutes. Ang tindi talaga! Ang tagal nating pwedeng gamitin ang phone. Natuwa talaga ako nung makita ko ang result kasi ang tagal kong hinihintay na matapos yung PCMark test. Parang 2 days ko atang hinintay pero sulit naman. 26 hours, hindi talaga ako makapaniwala. Sa isang charge baka umabot ito ng 3 days. Depende syempre sa paggamit natin. Pero kung gagamit tayo ng data sa buong araw, baka tumagal lang ‘to ng 2 days. Pero yung 2 days, ang tagal na non. Maaasahan talaga natin ‘tong V70 FE pagdating sa battery performance. Sa isang charge ay kakalimutan na natin ‘yung battery kasi hindi ito ganun kabilis malo-lowbat. Impressive ‘yung nakuha nating result sa battery.

Charging Specification:

Performance

Specification:

Not bad naman. Sa totoo lang ay nakukulangan lang talaga ako sa physical RAM nito. Yung base model nito ay 8GB. Para sa Php25,999, ang in-expect ko ay at least 12GB na. Tapos yung susunod na configuration sana ay 12 pa rin pero 512GB naman yung storage. Pero hindi. Yung dalawang variant nito ay parehong 256GB. Magkaiba lang yung RAM at yung sagad ay 12GB lang. Yun lang yung medyo off sa akin. Pero considering na meron naman itong virtual RAM, baka sakaling pampalubag loob sa ating lahat. Pwedeng magdagdag ng 8GB kung 8GB ‘yung variant na pipiliin natin. In total ay 16GB yung RAM natin.

Pero keep in mind lang na palaging mas mahalaga yung physical RAM. And according sa na-research ko, makakatanggap to ng 4 Major Android Upgrades. Hanggang Android 20 ito. Makakatanggap rin ito 6 Years Security Patches. Ang tagal nating pwedeng magamit itong V70 FE. Yung 256GB ay hindi ganun ka-future-proof. Gamit tayo ng mga cloud storage para ma-compress natin yung ating mga files.

AnTuTu

Ang AnTuTu score kapag hindi ginamit yung virtual RAM ay 936515. Kapag ginamit naman ay tumaas ang score. Naging 976036. If ever na talagang kailangan nating gamitin yung virtual RAM, okay lang kasi bibilis pa yung performance nito. Pero again, kung hindi naman natin kailangan ay huwag na nating i-enable ‘yung virtual RAM. Para hindi masyadong mabugbog ‘yung internal storage.

Pagdating naman sa gaming, sa Asphalt. Sagad yung graphic settings pero napaka-smooth nung gameplay. Hindi pa rin nito na-generate lahat ng graphics kasi hindi pa ganon ka-optimize ang Asphalt 9 sa vivo V70 FE. Bottom line, napaka-smooth ng experience. Walang kahit anong hiccups or struggle. And even sa Racing Master na nakasagad din ‘yung graphic settings. Maganda rin ‘yung experience ko. Napaka-smooth ng buong gameplay. Wala ring struggle. Pero hindi pa rin ganon kaganda ‘yung graphics na na-generate nito compared sa ibang mga midrange or flagship phone. Sa casual gaming ay okay lang sa vivo V70 FE.

Display

Specification:

Pagdating sa mismong kulay nung display, dahil AMOLED ito ay napaka-vibrant talaga ng kulay. Maganda yung color reproduction ng display nito. If ever na manonood tayo ng videos, mag-e-enjoy talaga tayo sa V70 FE. Pero yung 1,900nits na peak brightness ng vivo V70 FE ay sa totoo lang ay medyo nakulangan ako. Kasi sa ibang mga phone na naka-AMOLED din ay umaabot na ng 3500nits or 4000nits yung peak brightness. Yung 1,900nits ay hindi ko masyadong in-expect para sa ganitong presyo. Ini-test ko naman ito outdoor at nakikita ko naman. Pero syempre ay magkakaiba tayo ng standard pagdating sa brightness ng phone. Sa akin ay nakikita ko naman pero hindi pa rin ito ganun ka-bright compared sa ibang mga phone. May possibility na may chance na makulangan kayo sa brightness ng phone na to kapag outdoor.

Ang good news, meron itong Widevine Security Level 1. Makakapag-play tayo ng Full HD sa mga streaming services kagaya na lang sa Netflix. Plus, meron pa itong HDR10 support. Wala Ring ini-declare ang vivo na Corning Gorilla Glass Protection or Panda Glass Protection. Matibay lang daw. Mohs Level 4 yung sinabi nilang tibay ng screen nitong vivo V70 FE. Pero karamihan sa atin ay hindi masa-satisfy roon. Gusto natin na merong Corning Gorilla Glass Protection, mga ganyan. Lalo na sa ganitong presyo. Mabuti na lang ay meron itong screen protector na naka-install. Hindi na tayo masyadong mai-stress na bumili agad ng screen protector or tempered glass. But then, nakulangan ako na wala itong screen protection.

Display Settings

Sa display settings, meron itong Eye Comfort and Protection. Kung medyo sensitive ‘yung mata natin. Lalo sa gabi na ginagamit natin yung phone. I-on lang natin ‘yan para maprotektahan tayo from eye fatigue. Or mabawasan yung blue light na napo-produce ng display nitong V70 FE. Meron din itong Screen Colors: Natural, Professional, and Bright. Pwede pang i-downscale yung screen resolution. Ang default ay 2800×1260. Pero pwedeng i-downscale to 1080p kung gusto pa nating makatipid sa battery. Take note, yung pinakita ko na PC Mark result ay UHD yung settings. Imagine kung naka-HD lang ito, baka umabot ito ng 30 hours SOT sa PCMark.

Conclusion

Yun na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa vivo V70 FE. Nagustuhan niyo ba ‘tong phone na ‘to? Kung nagustuhan niyo, anong aspect ng phone yung pinaka-favorite ninyo? Maraming salamat sa pagbabasa. This is Sulit Tech Review.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Infinix NOTE 60 Pro

Related Tech

Infinix NOTE 60 Pro Beauty Shot
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix NOTE 60 Pro

sulittechreviews April 20, 2026
VW_KV_Group KV_2 CMFs_16x9_RGB
  • Digital Walker
  • OnePlus
  • Phones
  • Press Release

OnePlus Unveils the Nord 6: “Flagship-Crusher” with Elite Gaming and Long Battery Life

sulittechreviews April 15, 2026
vivo V70 FE - Muse Purple
  • Phones
  • Press Release
  • vivo

vivo V70 FE now on pre-order with exclusive freebies

sulittechreviews April 15, 2026
Infinix NOTE 60 Pro Beauty Shot
Infinix Phones Tech Blog

Infinix NOTE 60 Pro

sulittechreviews
April 20, 2026 0
VW_KV_Group KV_2 CMFs_16x9_RGB
Digital Walker OnePlus Phones Press Release

OnePlus Unveils the Nord 6: “Flagship-Crusher” with Elite Gaming and Long Battery Life

sulittechreviews
April 15, 2026 0
vivo V70 FE - Muse Purple
Phones Press Release vivo

vivo V70 FE now on pre-order with exclusive freebies

sulittechreviews
April 15, 2026 0
POCO X8 Pro Full Review Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

Mga Dapat Mong Malaman sa POCO X8 Pro!

sulittechreviews
April 15, 2026 0

Recent Posts

  • Parang Flagship ang Kuha! | vivo V70 FE Full Review
  • Infinix NOTE 60 Pro
  • OnePlus Unveils the Nord 6: “Flagship-Crusher” with Elite Gaming and Long Battery Life
  • vivo V70 FE now on pre-order with exclusive freebies
  • Mga Dapat Mong Malaman sa POCO X8 Pro!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.