REDMI NOTE 15 PRO 5G
Dimensity 7400 Ultra
LPDDR4X + UFS 2.2
6580mAh 45W
3200nits Max Brightness

| DESIGN | IP68,IP69K – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM / eSIM 210g + 7.69mm Titanium / Black / Mist Purple |
| DISPLAY | 6.83″ AMOLED 120Hz 1280×2772 Dolby Vision 3200nits max brightness 1800nits typical brightness Corning Gorilla Glass Victus 2 |
| PERFORMANCE | Android 15 HyperOS 2 4 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Dimensity 7400 Ultra LPDDR4X RAM UFS 2.2 Storage 8+256GB / 12+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 200MP f/1.7 OIS Main 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 30FPS 20MP f/2.2 Selfie Max video: 1080p 60FPS |
| BATTERY | 6580mAh 45W 22.5W Reverse Wired |
Buying Experience

Yes, nagkamali ako. Hindi lang sa HONOR nangyayari yung kailangan i-open yung device na binili mo before ka umalis sa store. Apparently, nangyayari rin ito sa iba pang mga physical store. Kagaya na lang sa Xiaomi. Bumili kami sa Xiaomi SM Fairview. Ang binili namin ay ang REDMI NOTE 15 Pro 5G na 12+256GB. Meron silang binigay na freebe na AAA batteries. Salamat sa Xiaomi Fairview sa freebie. Nabili namin itong REDMI NOTE 15 Pro 5G for Php17,999 kasi may less Php2,000 discount. Pero nung tinanong ko kung pwede bang hindi na io-open ‘yung phone sa store. Ang mangyayari raw, kagaya ng sa HONOR, mawawala yung 7 days replacement. Plus, yung Php2,000 na discount sa phone ay mavo-void din. Mabibili na namin ito for Php19,999. Syempre ‘di ba Php2,000 din yun. Hinayaan na namin na i-open nila sa store.

Continuing



Pinapili naman ako kung ako or yung employee yung mago-open. Ang pinili ko na lang ay sila para dire-diretso na at magawa agad kung anong kailangan nila sa phone. Pagkatapos i-open ay ini-setup nila ito ng mabilisan lang. Hindi naman fully setup. Puro next,next, at skip. Ang isa lang siguro sa in-enter nila ay ‘yung Wi-Fi para ma-check kung gumagana ‘yung Wi-Fi. At ini-test kung gumagana ‘yung charging nung phone. Kaunting comment lang, hindi ba ‘yun ginagawa na sa factory ng phone yung mga ganung testing? Anyway, binalik naman nila sa box. Pero hindi kagaya sa HONOR na talagang naka-tape pa yung box. Ito ay hindi na. Pero okay lang ‘yun at ganun din naman kahit na i-tape.
Apparently, kagaya ng sinabi ko kanina, nangyayari din pala yun sa ibang physical store. Hindi pa rin magbabago yung feelings ko sa policy na yan. Pero parang store policy talaga ito. Ang lesson learned ko rito ay kung talagang urgently na need mo na yung phone. At okay lang sa iyo i-compromise yung unboxing experience. Pumunta ka sa physical store. Nasa sa ‘yo ‘yan. Pero kung willing to wait ka at gusto mong ma-save yung pag-open sa mismong phone, sa online store ka. As for me, hindi ko naman nire-recommend sa lahat kasi magkakaiba tayo. Mas ipa-prioritize ko pa rin ang online store.
Past Experience
Kasi sa experience ko, maliban dun sa nakapagpadala sa akin ng may bato. Parang 2 years or 3 years ago na ata yun. Wala na akong na-experience na problema sa pag-order ng phone online. Napaka-smooth na. Lalo na ngayon, kapag bumibili tayo sa Lazada ng mga phone ay talagang secured na secured. Maayos na maayos iyung box at merong inilalagay na seal yung Lazada. Talagang mahahalata mo agad kung na-open na or hindi yung package.
Tapos wala na sa waybill ‘yung details nung product na binili mo. Mas secure talaga. Para sa akin, mas gusto ko pa rin bumili sa online store. Maliban na lang kung talagang kailangan na kailangan ko na ang phone. Na same day ay kailangan ko ng makuha ‘yung phone at willing ako na i-compromise yung unboxing. Pupunta ako sa physical store. Pero last resort ko na yun simula ngayon. Maraming salamat sa staff ng Xiaomi Fairview kasi napaka-accommodating at napaka-friendly po nila. Maliban sa AAA batteries na kasama talaga sa REDMI NOTE 15 Pro 5G, may pahabol pa sila. Binigyan pa nila kami ng Xiaomi Umbrella. Maraming salamat sa Xiaomi Fairview. Ini-share ko lang ‘yung experience sa pagbili ng phone sa physical store.

Unboxing





Napakasimple lang naman ng box. Ang nandito sa atin ay ‘yung Titanium na kulay. Meron itong document sleeve pag-open ng box. Meron itong SIM injector pin, documentation, at case. Ganun pa rin ang case sa mga previously Xiaomi at POCO phones. Makapal at hindi transparent yung case. Talagang hindi to naninilaw. Mas gusto ko ‘tong case compared sa ibang mga phones na-unbox ko lately. Maganda ‘yung case ng Xiaomi. ‘Yun nga lang, kapag ito ang ginamit mo ay hindi mo na makikita ‘yung itsura ng likod ng phone. Sunod ang REDMI NOTE 15 Pro 5G. Ang ganda nito.
Ito talaga yung pinili namin kasi humahanap kami ng Android phone na pwede ‘yung eSIM. Pero at the same time ay hindi ko pa nare-review. Eksakto naman na kaka-release lang din nitong REDMI NOTE 15 Pro 5G. Sakto rin na may support ‘to sa eSIM. Gagamitin ko ‘to as may secondary phone sa mga susunod na weeks. Magkakaroon pa ito ng follow-up video. Pero yung second video ay ico-compare ito sa HONOR X9d kasi almost same ito ng presyo. Titingnan natin kung alin ‘yung mas sulit bilhin sa dalawa. Sa may ilalim ng box, makikita natin yung 45W charger at USB-C to USB-A cable. So Complete yung laman ng box. Meron na rin itong pre-installed screen protector.
Design
If ever na hindi niyo gusto yung Titanium na kulay. Meron pang color Black at Mist Purple. Maliban sa 8+256 at 12+256GB. Meron pa itong pinakamataas na variant. Yung 12+512GB na Php21,999 naman yung presyo. Meron itong eSIM support at mga 2 days ko na rin ginagamit itong phone as my secondary phone. In fairness sa battery performance nito ay impressive compared sa HONOR X9d. Pero sa ngayon, pakita ko muna sa inyo ‘yung result ng internet speed test. Gamit ‘yung GOMO SIM ulit. Sa loob ng studio pa rin ginawa ‘yung test.



Una ay ang OOKLA speed test, 156Mbps yung download at ang upload speed ay 10.7Mbps. Maganda na yun. Pagdating naman sa Google Speed Test, 201.8Mbps yung download at 13.1Mbps naman yung upload. At panghuli sa Fast, grabe! 230Mbps yung download at 50Mbps yung upload speed. Impressive ang nasagap na signal nitong REDMI NOTE 15 Pro 5G. If ever na gagamitin natin ‘tong phone sa mga GPS-based applications like Waze o Google Maps, hindi tayo mapapahiya. Maganda ‘yung connection na ibibigay sa atin.
Pina-promise din ng Xiaomi na itong REDMI NOTE 15 Pro 5G ay merong IP68, IP69K na rating. Up to 2 meters for 24 hours daw yung kayang i-survive ng phone na ito underwater. 2.5 meters drop resistant na rin itong phone. Isa pa pala sa na-appreciate ko sa staff ng Xiaomi Fairview, talagang kumpleto yung pag-breakdown nila sa warranty nitong REDMI NOTE 15 Pro 5G. Kahit na mabagsak at mawasak o mabasa ito at mapasukan ng tubig. May warranty ito.
Sides




Sa taas ay makikita ‘yung secondary speaker, secondary microphone, at IR Blaster. Sa may ilalim ay makikita ‘yung SIM tray, main microphone, USB-C port, at main speaker. Makikita sa SIM tray na dalawang physical SIM lang yung kayang i-support nito. Kung gusto nating gumamit ng eSIM, isang physical at isang eSIM ‘yung kayang i-handle nito. Sa may right side, makikita ‘yung volume up and down buttons natin. Good news kasi yung speaker nitong REDMI NOTE 15 Pro 5G ay naka-Dolby Atmos na. Maganda talaga ‘yung tunog. Plus, nilagyan pa nila ‘to ng 400% volume boost. Hindi talaga ako nabitan sa tunog nito. Ang lakas talaga.
Actually, nung una itong ini-test sa physical store. Nagulat talaga ako kasi akala ko naka-Bluetooth speaker iyung tunog. Yun pala ay galing sa REDMI NOTE 15 Pro 5G. Talagang dinig na dinig. Yung physical store ‘di ba talagang ay open area at medyo malawak. Pero nagulat talaga ako kasi dinig na dinig ko at hindi sabog. Ganon kaganda yung speaker nito. Mage-enjoy talaga tayo sa media consumption. At pagdating naman sa optical fingerprint scanner, responsive naman at reliable.
Display
Specification:

Napakaganda ng color reproduction ng display nitong REDMI NOTE 15 Pro 5G. Dahil diyan, mage-enjoy talaga tayo sa panonood ng movies or TV series. Sa mismong Netflix application, yung Widevine Security ay Level 1. Full HD naman yung max playback resolution. May support ito sa HDR10 at Dolby Vision, kahit mismo sa Netflix.

Ini-test ko rin yung refresh rate behavior nito. Kapag naka-Auto lang ito, from 120Hz ay bababa ito agad to 60Hz. Pero kapag ginamit natin yung Always on Display sa phone, bababa ito up to 30Hz. Mas tipid ‘yung battery consumption nito kapag naka-AOD. Compared sa ibang mga phone na naka-AOD pero 60Hz yung refresh rate.


Sa display settings, meron itong color scheme or color modes na pwedeng pagpilian. Vivid, Saturated, at Standard. Meron ding option para matimpla ‘yung color temperature. Dalawa lang yung option na pwedeng piliin sa refresh rate, Default or Custom. Kapag Custom, pwedeng mamili between 60Hz or up to 120Hz.

At lastly, gusto ko lang magbigay ng konting comment sa likod ng REDMI NOTE 15 Pro 5G para sa overall design nito. Maganda po ito. Napaka-premium. Parang POCO M8 Pro 5G yung itsura ng camera module nito. Nasa gitna at medyo pabilog ‘yung camera island nito. Pero ang medyo issue ko lang, madaling mapasukan ng alikabok at smudges ‘yung mismong island. At ganun pa rin yung kaso kahit pa lagyan natin ito ng case.
Performance
Specification:

Hindi naman ito sobrang bagal. Pero para sa akin ay napaka-outdated na ito para sa taong ‘to. Meron din itong memory extension na up to 12GB. Ang nakuha nitong AnTuTu score kapag hindi natin ginamit yung memory extension or virtual RAM, 919525. Pero kapag ginamit naman natin ay tumaas, 941034. Pwedeng gamitin ang virtual RAM. Makakaganda pa sa performance ng phone. Pero para sa akin kasi, yung 12GB ay enough na enough na para sa mga ginagawa natin everyday.



Pina-promise ng Xiaomi na itong REDMI NOTE 15 Pro 5G ay makakatanggap ng 4 Major Android Upgrades. From Android 15 ay pwede itong umabot hanggang Android 19. Pagdating sa security patches ay aabutin daw to ng 6 Years. Maganda po ‘yung future proofing natin sa phone na ‘to. Matagal po ‘yung support na ibibigay ng Xiaomi pagdating sa software update. At isa ‘yan sa mga nakita kong cons sa HONOR X9d kaya hindi ko talaga ma-recommend yung phone na yon.
Wild Life Stress Test

Para mabigyan kayo ng idea sa battery consumption nito. Makikita sa Wild Life Stress Test na nabawasan ito ng 4% sa battery after ng test. Nadagdagan ito ng 10°C. Not bad pa rin at okay pa rin ‘yan. At pagdating sa gaming, naka-data ito habang nagga-games. Pero kahit na hindi naman online game itong Asphalt 9 ay hindi pa rin ito nag-struggle. Sagad ‘yung graphics nito. Hindi nito na-generate lahat pero napaka-smooth nung mismong gameplay. Nag-enjoy pa rin ako. Sa Subnautica, sa setting ay hindi naman ito yung pinakasagad pero malapit na. Sa mismong gameplay, smooth din ‘yung laro at wala rin akong mareklamo. Wala akong na-feel na issue rito. Hindi ko rin napansin na ang bilis uminit ng phone. Although, noong medyo matagal na akong naglalaro sa Asphalt ay nakaramdam na ako ng init sa likod. Pero hindi as alarming as a gaming phone. Tamang-tama lang.



Camera
Specification:

Abangan niyo sa comparison video ng REDMI NOTE 15 Pro 5G at HONOR X9d 5G para sa mga mas marami pang sample photo.
Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshot:


1080p ang video recording sa selfie camera nitong Xiaomi REDMI NOTE 15 Pro 5G. Not bad pero 1080p pa rin ‘yung video recording nito. Nakakalungkot pa rin ‘yun para sa taon na ito. Ine-expect ko na sa ganitong presyo ay mag-step up na sana sila. Compared sa ibang mga phone na ganito yung presyo. Pwede sana nilang i-4K para medyo angat na angat sila. Pero nag-stay pa rin ito sa 1080p. Pero kung pag-uusapan yung mismong quality, not bad pa rin. Maganda naman ito. Makikita natin kung alin mas maganda sa paparating na comparison.
Battery
Specification:

Para mabigyan lang muna kayo ng idea. Yung POCO M8 Pro 5G ay 6500mAh yung capacity pero ang nakuhang SOT non ay 15 hours 38 minutes. Ngayon, kumusta itong REDMI NOTE 15 Pro 5G? 16 hours 7 minutes. Hindi ganon kalayo sa POCO M8 Pro 5G. Almost same nga. May sobra naman itong 80mAh compared sa battery capacity ng POCO M8 Pro 5G. Pero ang medyo funny sa akin, 8000mAh yung battery capacity ng X9d pero 15 hours and 45 minutes lang yung nakuha non. Doon pa lang ay makikita ninyo ‘yung reason ko rin kung bakit hindi ko talaga ni-recommend ‘yung HONOR X9d. Ang dami talagang deal breaker para sa akin. Pagdating naman sa charging, 18% to 100% ay 1 hour and 19 minutes ko ‘to na-charge.


Conclusion

Yun na muna lahat ang mga data at information na gusto kong i-share tungkol sa REDMI NOTE 15 Pro 5G. Sa tingin niyo, sulit bang bilhin itong phone? As for me, sa ilang araw ko na paggamit sa phone na to. Nag-enjoy ako. So far ha, ang hindi ko lang talaga gusto at paulit-ulit kong sasabihin. Kahit ilang Xiaomi phones pa ang i-review ko. Napakapangit ng UI ng Xiaomi. Yun talaga yung number one na reklamo ko palagi sa mga POCO, Xiaomi, at sa mga Redmi phones. Pangit talaga yung UI. Sana ma-improve ng Xiaomi yun. Kung maganda yung yung UI ng buong system, mas marami pang mahahatak na users ang Xiaomi. Para sa akin lang naman. Hindi na ako magrereklamo kasi okay na yung performance eh. Masyado silang nag-focus sa performance, battery, camera pero yung UI ay masyadong napag-iiwanan.
Yung ads ay nagagawa ng paraan. Pwedeng i-uninstall yung mga pre-installed apps. Pwedeng i-turn off yung mga unnecessary notification. Pero yung UI ay hindi ko na magawa ng paraan. Kapag nag-install tayo ng third party launcher, maa-activate yung virtual buttons sa baba. Which is napaka-annoying. Titiisin mo na lang talaga ‘yung UI ng Xiaomi.
‘Yun lang naman ang para sa akin. Wala na akong makitang deal breaker. Magkasunod na araw ko nang ginamit itong phone pero until now ay hindi ko pa ini-charge. Second day of using at naka-data lang ako pero meron pa itong 41% remaining. Ishe-share ko sa inyo ‘yung actual SOT na makukuha ko sa real life usage sa follow-up review. Pero sa ngayon, impressed ako sa battery performance ng phone na to.