Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Sayang, Perfect Na Sana Itong iQOO Z10 Turbo+
  • Phones
  • Tech Blog

Sayang, Perfect Na Sana Itong iQOO Z10 Turbo+

Sa experience ko sa phone, 'yung UI at overall performance sa mga normal applications na gagamitin natin ay mabilis. Stable...
sulittechreviews February 24, 2026

iQOO Z10 Turbo+

Dimensity 9400+

LPDDR5X + UFS 4.1

800mAh 90W

Color Spectrum Sensor

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Data
  • Performance
  • Thermals
  • Battery
  • Camera
  • Conclusion
  • Video
DESIGNIP65 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
212g + 8.16mm
In-display fingerprint scanner
DISPLAY6.78″ AMOLED 144Hz
UHD 1.5K Resolution
5500nits max brightness
2000nits typical brightness
PERFORMANCEAndroid 16
Origin OS 6
4 Major Android Upgrades
5 Years Security Patches
Dimensity 9400+
LPDDR5X RAM
UFS 4.1 Storage
12+512GB
CAMERA50MP f/1.8 OIS Main
8MP f/2.2 Ultrawide
Color Spectrum Sensor
Max video: 4k 30FPS
16MP f/2.5 Selfie
Max video: 1080p 30FPS
BATTERY8000mAh
90W

12+256GB

22,990
PHP
BUY HERE

12+512GB

26,990
PHP
BUY HERE

16+512GB

29,990
PHP
BUY HERE

Maganda ba talaga ‘yung battery life nitong iQOO Z10 Turbo+? Umiinit ba? At kung sakaling umiinit, mabilis bang mawala ‘yung init habang ginagamit? Lahat ‘yan ay masasagot sa article na ito. Plus, bibigyan ko kayo ng update at ilang mga correction tungkol sa mga details na nasabi ko sa unboxing at first impressions.

Para sa mga hindi pa nakapanood o nakabasa sa unboxing at first impressions, mas maganda panoorin o basahin niyo muna yun. Yung presyo nito sa AHH’s Xiaomi Manila kung saan natin to pwedeng mabili, Php22,800 para sa 12+512GB. Isipin niyo yun, ang laki na nung storage na makukuha para sa presyo.

Data Connection

Kagaya ng sinabi ko sa unboxing at first impressions, itong iQOO Z10 Turbo+ ay 4G+ lang yung pinakamataas na data connection na pwedeng masagap. Iyan ay kung Smart, Globe, or GOMO SIM yung gagamitin ninyo. Pero yung DITO SIM, sabi ng AHH’s Xiaomi Manila, 5G signal naman ‘yung masasagap non. Ang download at upload speed sa OOKLA speed test ay 87.3Mbps at 16.4Mbps naman yung upload. Sa Fast, 78Mbps at 22Mbps naman yung upload speed. Panghuli, sa Google speed test ay 53.3Mbps lang at 5.87Mbps upload speed.

Well technically, hindi na masama yung download at upload speed na nakuha nitong iQOO Z10 Turbo+. Mabilis pa rin yun para sa streaming ng Netflix o YouTube. Pero kung ikukumpara sa isang China phone na na-review natin. Yung OnePlus Turbo 6, lumalampas ito palagi ng 100Mbps. Same yung SIM na ginamit ko pero mas mabilis yung sagap non sa 4G+. Hindi rin yun compatible sa 5G connection sa Philippines. Pero kahit 4G+ lang yung OnePlus Turbo 6 umabot ng 100+Mbps yung download speed sa phone na yon. Medyo mabagal yung connection nitong iQOO Z10 Turbo+.

Performance

Specification:

Sa experience ko sa phone, ‘yung UI at overall performance sa mga normal applications na gagamitin natin ay mabilis. Stable, walang ads, at napaka-satisfying gamitin. Kahit ‘yung mismong UI nitong iQOO, syempre vivo, ang linis tingnan. Ang linis ng experience. Yung customization nito, masyadong broad na ang dami nating magagawa talaga. Halimbawa na lang sa home, kapag pumunta tayo sa settings. Mayroon itong Mood Cube kung saan pwede nating ma-customize ‘yung shape nung icon, speed ng animation, pati ‘yung kulay nung buong system. Madali lang natin ma-adjust ito.

Sa Interaction naman, pwedeng ma-customize yung action sa bawat edge nung phone. First time kong makita ‘to pero sigurado meron naman na sa ibang phone. Pero ang galing lang sa iQOO kasi pwedeng magawa yan. Yung widgets nito ay andito pa rin kagaya ng Origin Kits. Madami pa iyan at napaka-basic lang nang ipinakita ko. And again, sobrang satisfying ng UI nitong iQOO.

Hindi ako nabitin. Kung maalala ninyo, ‘yun ung isa sa mga talagang ayaw na ayaw ko sa mga Xiaomi phones, yung UI. Pero sa iQOO ay hindi ko kailangan ng third party launcher. Satisfied ako rito. Kahit ‘yung app dock nito ay mukhang iOS na ‘yung itsura.

Ads

Pero kagaya ng sinabi ko sa unboxing at first impressions. Mayroon pong mga bloatwares or pre-installed applications kapag na-setup na natin ‘tong phone. And again, wala ‘tong Google Play Store. Kailangan nating manually i-install pero madali lang ‘yung process. Search lang natin sa vivo App Store yung Google Play Store. Log-in natin yung Google account natin. No problem. Tapos, lahat ng mga pre-installed applications ay napakadaling i-uninstall. Almost 100% ng mga pre-installed applications nito ay pwedeng-pwede tanggalin. Tapos pwedeng palitan natin mga Google apps na gusto natin. Para sa akin ay hindi problema yun.

At ito ang importante. May nagtanong kung meron bang ads na lumilitaw? Wala. Wala akong na-experience na ads na bigla-bigla na lang lumilitaw. Kagaya sa Xiaomi o kaya sa Infinix. Although yung built-in browser nito ay merong mga notification from time to time. Na parang Chinese characters yung nakalagay pero pwedeng-pwede namang i-turn off yung notification.

AnTuTu

Ang updated AnTuTu score ay 2886604. Ang taas ng score. Almost 3 million na. Ang score kapag ginamit yung extended RAM ay 2857876. Medyo nabawasan ng kaunti pero hindi naman sobrang laki nung nabawas sa performance. Again, iyung 12GB ay malaki na para sa mga applications na ginagamit natin everyday. Para sa akin ay huwag niyo nang gamitin ang extended RAM. Actually, makakadagdag pa yan sa pag-init ng phone ang extended RAM. Kasi mas maraming process yung ginagawa nito at mas doble kayod yung internal storage. Lalo na kung magga-games, ang advice ko, i-turn off niyo ‘yung extended RAM. Para kahit papaano ay mabawasan ‘yung pag-build up nung init.

Previously, nasabi ko na maikli lang yung software support ng iQOO Z10 Turbo+. Pero inulit ko ‘yung research ko. Nag-promise ang iQOO na makakatanggap ‘to ng 4 Major Android Upgrades. From Android 15, which is ‘yung operating system nung na-unbox, aabot ito hanggang Android 19. ‘Yung security patches naman ay 5 Years. Hanggang August 2030 based sa na-research ko. Napakasulit ng phone na ito pagdating sa performance at sa software support. Ang tagal talaga natin magagamit ito. Pag-usapan muna natin yung isang napakalaking question tungkol sa phone na ‘to. Umiinit ba ang iQOO Z10 Turbo+?

Thermals

Ito ay phone na mukhang hindi gaming phone. Kung titingnan yung design nito ay parang pang everyday use lang. Napaka-premium nga design nito. Walang makikitang gaming vibe sa phone. Pero ang tawag dito ng isang website ay “Sleeper Build Gaming Phone“. Considered as gaming phone pa rin itong iQOO Z10 Turbo+ dahil sa dinagdag na mga features at aspect. Umiinit ba? Yes. Lahat naman ng phone ay umiinit. Pero, nagge-generate ba ito ng alarming heat na pwedeng mag-pause sa atin at isipin kung bibilhin ba natin itong phone? Yes. Kung magpapatakbo tayo ng mabibigat na mga applications or mga games. Medyo alarming yung heat na na-experience ko sa iQOO Z10 Turbo+. Okay lang sana yun kung mabilis itong lumalamig. Ang sagot ay hindi rin.

Medyo matagal-tagal. Mga ilang minuto ang hinihintay ko bago mag-cool down itong phone. Yun yung isa sa mga downside na kailangan ninyong tandaan. Unless, hindi ka naman magpapatakbo ng mabigat na game or application. Hindi mo kailangan intindihin yung aspect na to ng Turbo+.

Pero kailangang tandaan na ‘yung inilagay na vapor chamber ay hindi ganun kalaki. Compared sa mga flagship gaming phone. Ang inilagay na vapor chamber, ayon sa ni-research ko ay 7000sqmm. Big enough para sa ganitong gaming phone. Pero hindi kasing laki or kasing lapad ng nakalagay sa mga flagship gaming phone. Like RedMagic 11 Pro na 13116sqmm yung vapor chamber. Malaking bonus na mayroon ‘tong vapor chamber pero hindi pa rin ito enough para mabilis lumamig ‘yung phone. Ang isang advice ko, mayroon naman ‘tong Bypass Charging. Kung magga-games tayo na medyo mabigat-bigat ng matagal, mas maganda po na isaksak natin ito sa charger. I-on natin yung Bypass Charging para less yung heat na papasok sa phone.

Q2 Display Chipset

Meron din itong tinatawag na Q2 Display Chipset. Yung mga 60fps na game ay pwede nitong gawing 144fps or 120fps. Medyo artificial ‘yung dating pero at least mas magiging smooth ‘yung feels dahil sa Q2 Display Chip. Pero mind you, hindi pa rin madami yung games or applications na may support sa mataas na refresh rate. Sa ngayon ay konti pa lang. Sa test ko, meron akong na-experience na isang game lang na umabot ng 120fps ‘yung gameplay. At ‘yan ‘yung Asphalt Legends.

Gaming

Reminder lang na kapag meron kayong ini-install na game. Minsan hindi ito automatic na papasok sa list ng Ultra Game Mode. Kaya wala itong panel sa loob ng game by default. Make sure lang na na-add niyo yung game. Kapag na-add niyo na ay makikita niyo ang performance panel. Pwedeng i-select ‘yung Monster Mode at yung refresh rate. Sa graphic settings nitong Asphalt, may support ito sa 120FPS gameplay. Sagad yung graphic settings nito. Naka-high lahat. Kaya sa mismong gameplay ay napaka-smooth. Napakaganda ng graphic. Medyo tunog oa pero talagang hindi tayo mabibitin sa iQOO Z10 Turbo+ pagdating sa itsura nung game. Napakaganda nung graphics at smooth. Walang mafi-feel na struggle. Feel na feel ko talaga na nakaka-120FPS ito. Galing.

Pero meron na akong heat agad na nafe-feel sa likod na noticeable talaga. Hindi kagaya sa ibang mga phone na medyo matagal bago ko ma-feel yung ganitong init. Pero again, kung hindi ka gamer ay huwag mong intindihin ang aspect na to. Kasi kung nagte-take lang tayo ng pictures, social media, YouTube, o Netflix ay walang problema. Hindi niyo ma-experience ‘yung ganitong heat. And for sure, marami pa kayong mga game na naiisip na may support sa 120FPS gameplay. Pero sa Asphalt 9 pa lang, na-satisfy na ako sa nakita kong output. Sagad yung graphics. Napaka-smooth ng performance.

Battery

Specification:

Dalawa ‘yung test na ginawa ko. Pwedeng babaan from UHD or 1260p resolution hanggang 1080p ang resolution nito. Dalawa yung ginawa kong PCMark test. Sa unang result, ang SOT kapag naka-1260p ay 25 hours 41 minutes. Almost 26 hours. Natalo na naman ‘yung Honor Win na 10000mAh ‘yung battery capacity. Mind you, 8000mAh lang ito. Mas mataas pa rin yung nakuhang SOT sa OnePlus Turbo 6. Pero good enough yung nakuhang SOT sa iQOO Z10 Turbo+. Ang SOT naman kapag 1080p ay 27 hours and 33 minutes. Kung gusto niyong makatipid sa battery at ma-lessen ‘yung nagge-generate na init. 1080p ang best option para mas ma-enjoy niyo yung phone.

Sa charging, from 19% to 100% ay 1 hour and 13 minutes ko lang na-charge yung phone. Kahit malaki yung battery capacity nito, mabilis pa rin natin itong macha-charge. Pagdating sa battery performance, satisfied ako sa iQOO Z10 Turbo+.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Maganda ‘yung quality ng mga photos. Na-satisfy rin ako sa details na na-produce ng phone. Sharp din. Hindi overly processed yung dating nito. Napaka-natural pa rin ng quality. Pagdating sa kulay, tamang-tama lang ang saturation para sa akin.

Ito ang mga sample video screenshots:

Hindi ko masyadong iningatan yung paghawak sa phone. Pero for the most part, stable pa rin yung itsura ng 4K video recording. Maganda rin yung quality nung selfie.

Conclusion

Yun na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa iQOO Z10 Turbo+. Nagustuhan niyo ba ‘tong phone? Kung sakaling nagustuhan niyo ‘to, ano yung favorite na aspect ninyo? Ngayon, sulit ba ito? Sa presyong Php22,800 para sa 12+512GB. Para sa akin, medyo mind blowing yung presyo na yan. Considering na ang ganda nung chipset nito, ang ganda nung display, ang ganda nung itsura ng phone, at ang ganda rin nung battery performance nito. Yung camera ay good enough para sa presyo. Para sa akin, walang malaking deal breaker na makakapigil sa akin para i-recommend ‘tong phone.

Maliban siguro sa 4G+ connection ng phone. Walang 5G ito sa Philippines sa ngayon. Pero yung nakuha nitong data speed connection, although hindi ito umabot ng 100Mbps. Mabilis pa rin naman yun para sa mga everyday na pag-browse sa internet. Lalo na kung social media o YouTube. Mabilis pa rin po ‘yun. Pero kung gusto niyo ng mas mabilis pa na data connection at gusto niyo ng 5G. Pwede niyong i-consider yung Honor Win. Kung gusto niyo naman ng matagal na screen on time, pwede niyong i-consider yung Turbo 6 ng OnePlus. 4G Plus lang din yun pero mas mabilis yung data connection non. Pero kung gusto ninyo ng mas malaking storage, mas magandang design para sa akin, mas magandang UI para sa akin, itong iQOO Z10 Turbo+ yung mare-recommend ko sa inyo.

Sana nakatulong itong article at sana nasagot yung ilang mga question ninyo tungkol sa phone na ‘to. Para sa akin, hindi downside na China phone ito. Maraming work around, madaling work around para sa ilang mga issue na napag-usapan natin kanina. Pero hindi ito malalaking deal breakers para hindi natin bilhin yung phone.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Nakita Ko Na Ang TOTOONG WINNER Sa Battery!
Next: OnePlus launches OnePlus Pad Go 2, the perfect tablet for students and young professionals

Related Stories

moto G100 Pro with Case
  • Phones
  • Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews February 24, 2026
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews February 24, 2026
HONOR WIN
  • Phones
  • Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews February 24, 2026
moto G100 Pro with Case
Phones Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
Phones Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
HONOR WIN
Phones Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews
February 24, 2026 0
iQOO Z10 Turbo+ Beauty Shot
Phones Tech Blog

Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

sulittechreviews
February 24, 2026 0

Recent Posts

  • Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…
  • Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!
  • May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?
  • Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…
  • Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.