Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Nakita Ko Na Ang TOTOONG WINNER Sa Battery!
  • OnePlus
  • Phones
  • Tech Blog

Nakita Ko Na Ang TOTOONG WINNER Sa Battery!

Nung una kong nakita itong Turbo 6, lalong-lalo na ang case. Natuwa talaga ako. Mine-maintain talaga ng OnePlus 'yung quality ng...
sulittechreviews February 24, 2026

OnePlus Turbo 6

Snapdragon 8s Gen 4

LPDDR5X + UFS 4.1

8000mAh 80W

165Hz AMOLED

1800nits

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Camera
  • Battery & Verdict
  • Video
DESIGNIP68, IP69K – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
217g + 8.5mm
DISPLAY6.78″ AMOLED FHD+ 165Hz
100% DCI-P3
1800nits max brightness
800 typical brightness
PERFORMANCEAndroid 16
ColorOS 16
4 Major Android Upgrades
5 Years Security Patches
Snapdragon 8s Gen 4
LPDDR5X RAM
UFS 4.1 Storage
12+256GB / 12+512GB / 16+256GB / 16+512GB
CAMERA50MP f/1.9 OIS Main
Auxiliary Camera
Max video: 4k 30FPS
16MP f/2.4 Selfie
Max video: 1080p 30FPS
BATTERY9000mAh 80W
27W Reverse Wired

12+256GB

22,990
PHP
BUY HERE

12+512GB

27,990
PHP
BUY HERE

16+256GB

25,990
PHP
BUY HERE

Alamin natin kung matatalo ba nitong OnePlus Turbo 6 ang Honor Win pagdating sa battery performance. Less than 1000mAh yung capacity nito compared sa Honor Win. 9000mAh lang itong OnePlus Turbo 6. Aalamin natin kung ilang SOT ang nakuha nitong Turbo 6. Na-release ito noong last January 8 lang. As of writing this article, ilang araw pa lang yung nakakalipas mula ng ma-release to. Kaya gusto nating malaman kung okay ba itong bilhin. Speaking of, mabibili natin ito sa AHH’s Xiaomi Manila. Posible na iba na yung presyo nito habang binabasa mo ito. Mas maganda kung i-message mo na lang sila. Pero mabibili ito for Php21,700.

Unboxing

China exclusive pa lang itong Turbo 6 dahil meron itong mga Chinese characters sa box. Hindi pa ito global as of writing this article. Pero huwag mag-alala kasi pag-uusapan natin kung gumagana ba lahat ng aspect nito sa Philippines. Wala namang makikita masyado sa box. Itong OnePlus Turbo 6 ay 12+256GB configuration na. Pag-open, makikita agad ‘yung documents sleeve na may mga Chinese characters. Pero ang isa sa agad-agad maiintidihan ay ‘yung 165Hz maximum refresh rate.

Nung una kong nakita itong Turbo 6, lalong-lalo na ang case. Natuwa talaga ako. Mine-maintain talaga ng OnePlus ‘yung quality ng mga case nila. Hindi kayo mapipilitang bumili agad-agad ng case kasi ang ganda ng quality nito. Parang Sandstorm ng OnePlus 15 yung feels. Tapos may naka-embossed na OnePlus branding. Ang ganda, lalo na yung texture nito. Hindi ito kapitin ng smudges at fingerprint. Para sa akin ay matagal nating magagamit itong case. May additional at konting-kunting protection pa ito sa camera module nito.

Sunod ang mismong OnePlus Turbo 6 na color Black. Matte ito at ang ganda. Yung camera module nito ay hindi masyadong naka-protrude compared sa ibang mga phone ngayon. Kapag inilagay yung case ay flat na flat pa rin. Ang ganda. Napansin ko rin nung una kong nahawakan itong OnePlus Turbo 6 ay may kabigatan talaga ito. At primarily dahil na yan sa 9000mAh na capacity nito. Medyo makapal-kapal din ito. Pero mas makapal pa rin ng kaunti yung iPhone 17 Pro Max, for reference lang. Sa ilalim ng box ay merong 80W charging brick na USB-A port, SIM tray, at USB-A to USB-C cable.

Design

Gusto nating tingnan kung okay ba yung signal nito sa Philippines. Meron akong ginawang tatlong data connection speed. Nilagay ko ‘yung GOMO SIM ko rito at tingnan natin ‘yung sagap ng signal nito. Tingnan muna natin ‘yung mga gilid nito. Mayroon itong volume up and down buttons at power lock button. Wala itong additional key or slider. Malinis na malinis lang ang left side nito. Sa taas makikita ‘yung mga secondary microphone at IR Blaster. Sa ilalim yung SIM tray, main mic, USB-C port, at main speaker. Makikita sa harap na meron nang naka-install na screen protector. Napakanipis ng bezels at pantay na pantay.

Nasasagap nito ay 4G. Hindi ito nakakasagap ng 5G. Sa speed test ng OOKLA, 182Mbps ang nakuha nitong speed sa loob ng bahay. 20.8Mbps naman yung upload speed. 137.4Mbps naman sa Google Speed Test. At 150Mbps naman sa Fast. Kahit hindi ito nakakasagap ng 5G signal ay mabilis ito. Maganda ‘yung pagsagap nito ng reception. If ever na gagamitin natin ‘to buong maghapon ng naka-data. Habang gumagamit tayo ng mga GPS based applications. Maasahan natin yung bilis nung data connection nito. Kung hindi nyo masyadong gusto ‘tong color Black na Turbo 6. Mayroon pa ‘tong Chasing Light Silver, Wilderness Green, at itong Maveric Black. Pero highly recommended ko itong Maverick Black kasi ang ganda nito. Hindi rin ito kapitin ng smudges at fingerprints.

Capabilities

Meron na itong IP66, IP68, IP69, IP69K na protection. Dust tight and water resistant itong Turbo 6. Medyo makapal-kapal ito, 8.5mm yung kapal. Hindi naman masyadong makapal, tamang-tama lang. Isang nakakalungkot, wala rin iton eSIM support. Dual sim lang ito. Isa pa sa mga kailangang tandaan, maganda yung stereo speakers nitong OnePlus Turbo 6. Pero hindi ito naka-Dolby Atmos. Ang tawag nila rito ay OReality Audio. Ito yung substitute sa Dolby Atmos.

Optical lang ‘yung under-display fingerprint scanner nito. Maasahan naman. Hindi naman ako ah nabitin. Medyo mababa lang yung placement. Hindi kagaya sa ibang mga phone. At FYI, wala itong Google Play Store out of the box. Kasi nga sa ngayon ay China exclusive pa lang ‘yung phone na ‘to. Pero again, huwag kayong mag-alala kasi napakadali lang i-install ng Google Play Store. Gamit lang tayo ng App Store nitong OnePlus. Search lang natin ang Google Play Store at install lang. Tuloy-tuloy na.

Display

Specification:

Napakaganda ng display nitong OnePlus Turbo 6. Napaka-accurate ng kulay nito. Isa pang good news, yung max playback resolution sa Netflix. Level 1 ang Widevine Security. Good news yan, kasi merong mga China phones na mabibili ngayon pero yung Widevine Security ay Level 3 lang.

Sa display settings ay merong Screen Color Mode na pwedeng piliin. Pwede nating timplahin ‘yung color temperature. Plus, mayroon din itong Adaptive Tone. Kung naka-enable ‘yan, ia-adjust na lang ng ColorOS ‘yung color temperature or white balance nitong phone. Para bumagay yung kulay or timpla ng kulay nito depende sa environment natin. At ang maganda pa, yung screen resolution ay pwedeng baguhin. Pwedeng Standard 1080p, pwede ring High 1272p. Pati yung screen refresh rate nito ay pwede ring bago-baguhin. Pero kailangang tandaan na yung 165Hz na max refresh rate ay hindi ko nagamit sa buong test. Ini-enable ko yung pag-monitor sa refresh rate pero talagang hindi ito umaabot ng 165Hz sa ngayon.

Pero kung sakali man na gusto nating i-try, ilagay lang natin sa High tapos App Specific Refresh Rate. Tapos, makikita natin yung mga apps na gusto nating i-push to 165Hz refresh rate. Pero lahat ng apps ay max 120Hz pa rin. Pero future proofing ito. 165Hz ay good enough. Para pag dumami na yung application na may support sa ganito kataas na refresh rate, meron agad tayong phone na makakapag-utilize non.

Performance

Specification:

Mayroon itong virtual RAM na hanggang 12GB. Pwede nating ma-doble ‘yung RAM nito from 12GB to 24GB. At according sa ni-research ko, pina-promise daw ng OnePlus na itong Turbo 6 ay makakatanggap ng hanggang 4 Major Android Upgrade at 5 Years Security patches. Not bad, considering na mabibili lang natin to sa ngayon for Php21,700. Very good.

Ang AnTuTu score na nakuha sa Turbo 6 kapag ginamit natin yung virtual RAM ay 2385017. Kapag naka-off, ang nakuha ay 2394193. Hindi ganon kalaki yung pag-jump ng performance nitong Turbo 6 nung in-off ko ‘yung virtual RAM. Kung gusto niyong gamitin, hindi niyo rin masyadong mararamdaman yung epekto sa performance. Based sa mga AnTuTu score na ipinakita ko, obviously, kahit anong klaseng game ang ibato sa Turbo 6 ay kakayanin talaga. Isang example ay yung sobrang optimized na performance nito sa Asphalt. Talagang 120fps guys yung gameplay. Napaka-smooth, tapos yung graphics nito ay sagad-sagad. Hindi kagaya ng ibang phone na kahit nakasagad ay wala masyadong effect sa itsura. Pero ito, grabe! Sa personal ay napakaganda ng graphics sa Asphalt. Kayang-kaya rin nito yung Subnautica.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photo screenshots:

Ito ang mga sample video screenshots:

Battery

9000mAh yung capacity nito. Less than 1000mAh kung ikukumpara sa Honor Win. Pero yung SOT nito, umabot lang naman ito ng almost 29 hours. 28 hours and 24 minutes. Ganito sana yung at least na ine-expect kong makuha sa Honor Win. Pero nasa 20 hours lang ‘yung pinakamataas na screen on time na nakuha natin don. Pero itong phone, grabe! Less than 1000mAh pero 28 hours iyung SOT na nakuha. Patunay lang yan na yung ColorOS sa OnePlus ay talagang optimized na optimized na kapag nabili natin. Maasahan natin yung battery performance nitong phone. Pagdating sa charging, 20% to 100%, 1 hour and 19 minutes ko lang na-charge itong phone na ‘to.

Conclusion

Yan na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa OnePlus Turbo 6. So far, sobrang satisfied ako sa performance nitong phone. Wala akong masyadong nakitang deal breaker. Maliban na lang don sa 5G connection nito. Hanggang 4G lang talaga itong Turbo 6 sa Philippines. Tapos, wala itong eSIM support. Yun lang ‘yung dalawang bagay na nakita ko na pwedeng makapag-pause para mag-isip muna bago natin ito bilhin. Pero kung kayo yung tatanungin, okay lang ba sa inyo ‘yung mga cons nitong Tubo 6? Kung ako ang tatanungin, okay lang sa akin. Kahit 4G lang ‘yung connection na nasasagap nito. Ang bilis nung data connection nito sa lahat ng test na ginawa natin. At mind you, nasa loob lang ako ng bahay nung tinest ko ‘yun. What more kung nasa labas ako. Maasahan pa rin kahit 4G connectivity lang yung meron sa Turbo 6.

Pero ang isa sa talagang nagustuhan ko sa phone na ‘to ay yung battery performance. Napakalaki ng nakuhang SOT nito. At sa buong 2026 ay mukhang nasa top 10 na ito. Tapos, yung design nito. Matibay yung proteksyon na inilagay ng OnePlus. Para sa akin, magtatagal talaga itong phone. Good investment. Meron lang mga Chinese applications na kailangang i-uninstall pagka-setup natin. Pero again, hindi mahirap gawin. Pati yung Google Play Store installation ay hindi rin mahirap gawin. Napakadali lang.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Infinix NOTE Edge – Ang Unang Phone na Naka-Dimensity 7100 5G!
Next: Sayang, Perfect Na Sana Itong iQOO Z10 Turbo+

Related Stories

moto G100 Pro with Case
  • Phones
  • Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews February 24, 2026
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews February 24, 2026
HONOR WIN
  • Phones
  • Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews February 24, 2026
moto G100 Pro with Case
Phones Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
Phones Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
HONOR WIN
Phones Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews
February 24, 2026 0
iQOO Z10 Turbo+ Beauty Shot
Phones Tech Blog

Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

sulittechreviews
February 24, 2026 0

Recent Posts

  • Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…
  • Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!
  • May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?
  • Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…
  • Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.