Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Xiaomi 14 – LEICA, Pag-usapan Natin!
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Xiaomi 14 – LEICA, Pag-usapan Natin!

I-unbox natin guys itong bagong phone ng Xiaomi. Ito ang Xiaomi 14 at pagusapan natin anong meron dito.
sulittechreviews March 4, 2024

As of March 4, 2024, ang pre-order price ng Xiaomi 14 ay Php45,999 for 12GB+256GB variant at Php47,999 naman sa 12GB+512GB variant. Pwede mo ito i-check sa link sa baba.

Unboxing

White parin ang box ng Xiaomi. Meron tayong “Xiaomi 14” text sa gitna at “co-engineered with Leica“. Nasa atin guys itong Jade green na 12/512GB meron pa itong black tska white. Pag open ng box ay document sleeve yung makikita natin. Meron parin tayo ditong sim ejector pin, documentation, at jelly case na color gray. Meron din tayo 90W na HyperCharger na USB-A ang port tapos meron tayong USB-A to USB-C cable.

After set up, napaka-glossy ng phone na ito. Kapitin ng smudges, pero kapag nilagay natin yung case ay neutral na yung kulay niya at protected din ang ating camera bump. Malaki talaga yung camera bump kasi malaki ang camera sensors ng phone na ito. May kakapalan din ito kaya hindi stable kapag nilapag natin. Flat narin yung sides nito at kapitin din ng smudges. Sa taas ay malinis. Sa kanan ay ang volume up and down button at powerlock button. Sa baba naman ay ang sim tray, main mic, USB-C port at ang ating main speaker. Ang sim tray natin ay dual sim lang kaya mas maganda na kung bibili kayo ay highest variant kung possible. Sa harap ay punch hole camera, may pre-installed na screen protector, at yung kaniyang bezel ay pantay na pantay sa lahat ng sides. Ang fingerprint scanner ay in-display, so optical ang ginamit nila. Pero sana lang talaga gamitin na nila yung Ultra Sonic kagaya ng Samsung, pero siyempre mas magiging mahal kapag ganun.

Itong Xiaomi 14 ay may IP68 dust and water resistance. Pwede natin ilubog sa tubig ng 1.8 meters for 30 minutes pero ingat-ingat parin. Ang USB-C port dito ay USB-C 3.2 Gen 1 na, so mabilis iyan at makapag-data transfer ng mabilis. Talagang flagship ang kaniyang haptic, kaya I suggest wag niyo patayin. Ang secondary speaker nito ay nasa earpiece so kapag nag-landscape mode tayo ay hindi matatakpan. Naka Dolby Atmos na ito kaya sobrang ganda ng tunog, sobrang clear at hindi sabog ang tunog kahit i-max volume natin.

Display

Specification:

Pang-flagship ang display ng phone na ito, walang compromise. Color accurate din dahil DC-IP3 yung kaniyang color coverage. Kapag naka-auto ang refresh rate umaabot ito to 120Hz at bababa ng 10Hz. Hindi ko makita ang sinabi ng Xiaomi na 1 to 120Hz na refresh rate maski sa always-on display, pero mababa na iyang 10Hz. Pwede rin nating ma-costumize ang kulay sa settings. Yung kaniyang Widevine Security Level ay Level 1 so makakapagplay tayo ng HD content sa streaming services.

Performance

Specification:

Meron tayong Memory Extension up to 8GB, total of 20GB. Ang Antutu score natin kapag naka-on ang memory extension ay 1,924,770. Pag naka-off naman ay 1,957,277. Malaki talaga ang score, almost 2 million, so I suggest dahil 12GB naman na yung RAM natin ay i-off niyo nalang. Hindi ako nakakuha ng Wild Life Stress Test kasi nagoverheat ang phone bago pa matapos ang test. Hinay-hinay parin sa paggamit kahit na sinabi ng Xiaomi na bago ang cooling system nila dito, kasi powerfull talaga yung kaniyang chipset.

Dito sa NBA Infinite, sa settings ay pinakasagad ang pwede natin i-set. Napaka-smooth ng gameplay natin dito. Sa Game Turbo pwede rin natin i-boost ang game natin. Sa SpongeBob naman ay sagad din ang graphics setting natin. Wala rin akong ma-feel na lag so pagdating sa performance okay itong phone na ito. Magkakatalo lang tayo pagdating sa thermals.

NBA Infinite
SpongeBob – The Cosmic Shake

Camera

Specification:

Good news dahil ang kaniyang selfie camera ay pwedeng pwede na mag-shoot ng up to 4K video recording. Ang ganda ng set up ng camera kasi yung tatlong camera niya ay pare-parehong 50MP, so most likely na yung details na makuha ng camera na iyan ay pare-pareho.

May Steady at Steady Pro na mode tayo sa video recording. Pwede tayo mag-zoom up to 15x. 4K selfie yung harap at maganda naman ang dynamic range niya.

Ito ang mga sample photos:

Ito ang sample video screenshot:

Battery

Specification:

From 13% to 100%, na-charge ko ito for 33 minutes. Mabilis talaga ito mag-charge, pero nakaramdam ako ng alarming heat habang china-charge ko ito lalo na kapag naka enable yung speed or HyperCharge. Pwede natin i-enable ang Boost charging speed sa setting.

Verdict

Kung ako lang ang tatanungin? Ang ganda ng phone na ito. Yung size ay hindi nalalayo sa Iphone 15 Pro. Komportable kapag nagtytype tayo dito. Yun nga lang pagdating sa thermals ay magiingat tayo sa phone na ito. So for me, nag-excel itong Xiaomi 14 sa camera.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clksc65
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: itel A70: Mura Na, Mukhang iPhone Pa!
Next: Facebook Down! Grabe!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.