Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Unihertz Titan Pocket – Praktikal Pa Ba Ang Ganitong Phone Ngayon?
  • Tech Blog
  • Unihertz

Unihertz Titan Pocket – Praktikal Pa Ba Ang Ganitong Phone Ngayon?

Pag-usapan natin ngayon kung praktikal pa bang gumamit ng mga QWERTY phones sa ngayon.
sulittechreviews January 27, 2023

Para maiba naman, pag-uusapan natin ngayon ang Android Phone na may physical QWERTY keyboard. ito ang Unihertz Titan Pocket. Ang price nito ay $299.99 or around PHP16,300. Tignan natin kung sulit ba talaga sa ganyang presyo ang phone na ‘to.

Ang price nito ay nasa mid-range na price so titignan natin kung ganun ba talaga ang performance ng phone na ‘to. Higit sa lahat, okay pa kayang gumamit ng mga physical keyboard ngayon?

UNBOXING

Nasa maliit at kulay white na box itong Unihertz Titan Pocket. Pagkabukas natin ng box, may maliit at manipis na document sleeve tayong makikita na merong sim ejector tool , documentations at extra screen protector. Nakabalot sa plastic itong Unihertz Titan Pocket at meron na din itong pre-installed screen protector. Ang cute, napaka-nostalgic ng feels ng phone na ‘to at ang ganda din ng design niya sa likod. Sa ilalim ng box, meron tayong makikitang 20W na charger at USB-C to USB-A cable.

After ko din ma-setup itong Unihertz Titan Pocket, meron tayo agad na-receive na Software Update.

DESIGN

Napaka-rugged ng itsura nitong Unihertz Titan Pocket. ‘Yung mga kulay black sa likod at gilid niya ay rubber kaya kapag nabagsak natin ‘to ay hindi kaagad magkaka-dent or damage. Sa likod, may nakalagay na Unihertz at parang letter H na kulay gray. Makikita din sa likod ang single camera, LED flash at speakers. Sa taas, meron itong headphone jack at IR Blaster. Sa may right side, makikita naman ang red na button which is ‘yung Programmable Key at meron ding powerlock button. Sa may left side, andito naman ang sim tray na pwedeng maglagay ng dalawang sim or isang sim at isang micro SD Card at nasa left side din ang volume up and down buttons. Sa ilalim, makikita naman ang USB-C port at main microphone. Sa harap, makikita naman ang LED indicator at selfie camera.

Nasa harap din ang physical keyboard nitong Unihertz Titan Pocket. Makikita niyo na meron itong full QWERTY keyboard. Sa may unang row ng keyboard makikita ang Alt, Function, Recent apps, Home button, Back button, Symbol button at Shift button. ‘Yun ‘yung medyo nakaka-distract kasi nakasanayan na natin sa mga Blackberry phones at mga physical keyboard natin sa PC or laptop na ‘yung mga button na ‘yan ay nakalagay sa baba, wala sa taas. Kaya malaki-laking adjustment ang gagawin natin dito sa Titan Pocket bago tayo maging komporatable sa pagta-type. ‘Yung home button naman ay fingerprint scanner na din. Tapos ‘yung full physical keyboard niya ay pwede nating gamiting pang-scroll pa-landscape or pa-vertical. Kahit hindi natin i-touch ang display, makakapag-scroll pa din tayo.

Sa Settings, meron tayong makikitang Intelligent Assistance. Kapag pumasok tayo diyan, marami pang settings na pwede pang mabago sa phone na ‘to tulad ng Keyboard Shortcuts. Kapag in-enable natin ‘yan, bawat letter sa QWERTY keyboard ay pwede natin lagyan ng shortcut. Pwedeng applications or actions at pwede ding long press or short press. Sa Intelligent Assistance din macu-customize ang Programmable Key. Pwede tayong mag-set ng short press action, long press action at double press. Kaya masasabi kong hindi lang full keyboard experience ang makukuha natin dito sa Unihertz Titan Pocket kasi bawat letter pwede natin gawan ng shortcut tapos meron pang Programmable Key.

Comfortable bang gamitin ang kanyang physical QWERTY keyboard? Sa experience ko, mas mabagal na akong mag-type hindi kagaya nung naka-Blackberry ako. Siguro dahil iba ang format niya kaya may conflict tayo doon compared sa nakasanayan nating physical keyboard ng mga Smart Phones noon. Plus, mas malaki ang mga buttons sa mga Smart Phones natin ngayon. Pwede pa nga nating ma-customize kung gusto nating lakihan ang letter. Pero dito sa Unihertz Titan Pocket, naka-fixed na. Kaya kung medyo malaki ang ating mga daliri, mahihirapan tayo ng kaunti dito. Tapos meron pa tayong extra steps na gagawin para makuha natin ‘yung mga symbols kagaya ng period, comma, exclamation point at marami pang iba.

DISPLAY

Meron itong 3.1″ IPS LCD 716 x 720p at protected ng Corning Gorilla Glass. Mapapansin niyo na ang aspect ratio ng kanyang screen ay hindi 16×9 kundi square. Kaya magkakaroon tayo dito ng malaking problema kapag nanonood tayo ng movies kasi magiging makapal talaga ang black bar sa taas at baba. Nag-try akong manood ng video sa YouTube kaso ayaw niya mag-full screen.

PERFORMANCE

Naka-Android 11 lang tayo dito out of the box, Helio P70 lang ang chipset, 6GB lang ang RAM at 128GB ang internal storage. Kaya talagang may compromise dito sa phone na ‘to kasi kung gusto natin ng physical QWERTY keyboard, may kapalit na outdated ang OS, outdated ang chipset at 6GB lang ang RAM. Kaya medyo lugi ka.

Nakakuha lang din tayo ng 220,636 Antutu Score which is napakababa at entry level lang ang kanyang performance.

Nag-try din akong mag-open ng mga applications na lagi nating ginagamit tulad ng Lazada, Facebook at Instagram. Sa Lazada, okay naman siya, maliit lang talaga siya. Sa Facebook naman, ‘yung mga post na pictures at videos ay mapuputol lang ng kaunti dahil nga maliit ang screen. Sa Instagram, karamihan ng mga post ay putol. Sa TikTok, ang laki ng black bars sa magkabilang gilid dahil nga pahaba yung mga videos ng TikTok. Isa pang problema, kapag ginamit natin pang-scroll ‘yung physical keyboard, ang dami niyang nilalampasang video. Pero kapag touchscreen naman ang ginamit, isa-isa lang din ang nakikitang video.

Medyo awkward din kapag nag-run ng games dito kasi talagang tatagilid siya by default. Mabuti na lang, may ginawang solusyon diyan ang Unihertz. Balik lang tayo sa Settings, click natin ang Intelligent Assistance, then hanapin natin ang Rotation Control. Sa loob ng Rotation Control, hanapin lang natin ang games na gusto nating ayusin ang display, then select natin ang Force Portrait.

CAMERA

Sa selfie camera, ang sagad na resolution sa video recording ay 1440p. Kaya lang, hindi siya swak sa presyo niya na PHP16,000 kasi mukha lang siyang PHP8,000 or PHP6,000.

BATTERY

4000mAh ang battery capacity nitong Titan Pocket. Nakakuha din tayo ng 15 hours and 32 minutes na SOT kaya very good ‘yan para sa mga Android phones.

Anong verdict niyo dito sa Unihertz Titan Pocket na worth PHP16,300? Comment kayo diyan sa baba!

Kung ako ang tatanungin ninyo, sa ilang araw na experience ko sa phone na ‘to, walang araw na naging komportable ako sa pagta-type. Kahit na paulit-ulit akong nagpa-practice dito, hindi pa din niya mahigitan ang pagiging komportable ko sa pagta-type sa touchscreen o sa Blackberry noong 10 years ago. Kaya para sa akin, hindi pa din siya praktikal gamitin. Pero kung isa ka sa mga gustong-gusto ng may physical keyboard, baka ito na ang hinahanap mong phone.

Isa pa sa kagandahan nitong Titan Pocket is rugged siya kaya matibay siya. Sharp din ang kanyang display, hindi malabo o hindi bluish. “yun nga lang hindi normal ang kanyang aspect ratio kumpara sa mga Android phones sa ngayon.

Para sa akin, ang verdict ko dito is magiging sulit lang siya para sa mga collectors ng mga physical QWERTY keyboards na mga phones. Pero kung pang-daily drivers, hindi ko siya maire-recommend. Hindi ito sulit as daily driver at hindi ka mag-e-enjoy. Tapos outdated pa ang OS at chipset ng phone na ‘to, hindi din maganda ang camera at higit sa lahat, mahirap makasanayan ang QWERTY keyboard niya.

Para sa mga gustong bumili ng phone na ‘to, click niyo lang itong link: https://www.unihertz.com/products/tit…

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Infinix Hot 20S – Siksik sa Specs sa Presyong Abot Kaya!
Next: Dere T30 Pro – Laptop na, Tablet Pa! Mura pa!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.