POCO X8 Pro
Dimensity 8500 Ultra
LPDDR5X + UFS 4.1
6500mAh 100W
3500nits max brightness
IP68, IP69K

| DESIGN | IP68, IP69K – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM 201g + 8.38mm Glass Black |
| DISPLAY | 6.59″ LTPS AMOLED 120Hz 1.5K 12-Bit DCI-P3 HDR10+ Dolby Vision 3500nits max brightness 2000nits typical brightness Corning Gorilla Glass 7i Wet Touch Display 2.0 |
| PERFORMANCE | Android 16 HyperOS 3.0 Dimensity 8500 Ultra LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 8+256GB / 8+512GB / 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.5 OIS Main 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 60FPS 20MP f/2.2 Selfie Max video: 1080p 60FPS |
| BATTERY | 6500mAh 100W 27W Reverse Wired |
Unboxing









Kagaya pa rin ng mga nagdaang POCO, black and yellow accent pa rin yung itsura ng box. Ang nandito ay ang POCO X8 Pro Black na 12+512GB. Habang ginagawa itong article, ang alam ko lang ay 12+512GB ang pinakamataas na configuration. Pag-open ng box, ang unang makikita ay document sleeve na may POCO logo. Pagbukas ay meron itong SIM ejector pin, documentations, at case. Ganun pa rin ang itsura ng case. May pagka-rubbery ang feels at ang mismong itsura. Covered na covered yung mismong phone maliban sa camera module at flash.
Sobrang ganda ng texture ng likod nitong POCO X8 Pro na Black. Matte finish at hindi kapitin ng smudges. Pero unlike sa ibang phone na matte at makinis ang likod, talagang hindi kumakapit ang smudges sa phone na ito. Ang ganda. May pagka-satin yung feels ng likod nito, napaka-premium talaga. Flat pa rin ang sides nito. Ang power/lock button ay may red accent. Meron itong IR Blaster at pre-installed screen protector.
Sa ilalim ng box ay makikita ang 100W charging brick at USB-C to USB-A cable. Kapag nakalagay na ang free case sa phone, makikita sa butas ng case ang kulay ng phone. Dahil color Black ang phone ay rhyme naman sa case. Pero kung ibang kulay, gaya ng White or Mint Green, kitang-kita ito sa butas sa likod ng case.

Design
After setup, napansin ko na manipis ang phone para sa battery capacity nito.
Specification:

At dahil unboxing at first impressions lang itong article, hindi ko pa maipapakita yung PCMark. Abangan niyo sa full review. Pero sa charging, from 26% to 100%, 42 minutes ko ito na-charge. Yes, mabilis talaga ito. Kahit na 6500mAh ang capacity nito, na-maintain ng POCO yung nipis ng phone. Mabilis pa i-charge.

Kagaya ng sinabi ko kanina, meron itong colorway na Mint Green at White. Meron itong IP68, IP69K na dust and water resistant. Pwede itong malubog nang 1.5 meters for 30 minutes. Dalawang nano SIM ang pwedeng ilagay sa SIM tray. Pero wala itong support sa eSIM. Pero ang stereo speakers nito ay malakas. Na-try ko na at hindi ako nabitin sa maximum volume. Hindi rin sabog. Ang biometrics nito ay in-display fingerprint scanner pero Optical lang at hindi Ultrasonic.
Display
Specification:

Meron pa itong Wet Touch Display 2.0. Kahit basa ang screen dahil naulanan o napatakan ng tubig, magagamit pa rin natin ang phone. Ang una kong napansin nung ginamit ko na itong phone, napakaganda ng color reproduction nito. Talagang mage-enjoy tayo sa media consumption. Speaking of media consumption, ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Makakapag-play ito ng Full HD. Meron pa itong support sa HDR10+ Dolby Vision.


Kailangang tandaan na hindi ito LTPO AMOLED, LTPS ito. Hanggang 60Hz lang yung pinakamababang refresh nito mula 120Hz. Hindi ito ganun katipid sa battery compared sa LTPO. Abangan niyo yung PCMark result ng POCO X8 Pro. Sa display settings, meron itong Color scheme. Dalawang option ang pwedeng piliin; Original color Pro or Vivid. Pwede ring timplahin ang color temperature.
Performance
Specification:

Kahit saang aspect ng performance nitong X8 Pro ay mabilis talaga. Dahil hindi pa naa-announce ng POCO yung official SRP nitong phone habang ginagawa itong article, naka-block pa sa ngayon yung AnTuTu at Wild Life Stress Test. Pero sa full review ay maipapakita ko lahat iyan.


Pero para magka-idea kayo sa performance nitong X8 Pro, i-open natin ang Subnautica. Sa graphics settings, naka-High ang details at resolution nito. Yung limit na FPS nito ay pwede hanggang 120FPS. Para sa kaalaman ng lahat, bihirang-bihira ang phone na merong support sa 120FPS sa Subnautica. Usually ay 30FPS or 60FPS lang. Ramdam na ramdam talaga yung pagka-smooth ng gameplay. Kung maglalaro tayo ng ganito kabigat na mga games, asahan niyo na mage-enjoy talaga kayo. Napakaganda ng performance nito. Dahil kaya nito ang mabigat na games gaya ng Subnautica sa mabigat na settings, asahan niyo na mage-generate ito ng alarming heat kapag matagal ginamit on heavy load.


Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang sample video screenshot:

1080p 30FPS ang pinakasagad na resolution sa selfie camera nitong POCO X8 Pro. Pero infairness, maganda ang quality at ang sharp. Pwedeng-pwede ito pang-vlogging kung wala tayong camera na magagamit. Kitang-kita yung mga hibla ng buhok ko. Ang ganda at lalo na kung outdoor.
Conclusion

Iyan na muna ang gusto kong ipakita sa unboxing at first impressions sa POCO X8 Pro. Nasabi ko ang mga full specs pero walang mga benchmarks sa ngayon dahil wala pa itong SRP. Pero habang ginagamit ko ito, sobrang satisfying ng performance nito. Napaka-smooth talaga. Pero syempre ay may mga compromises gaya ng camera na tamang-tama lang. Wala itong eSIM support pero dual nano SIM naman ang pwedeng ilagay. Pagdating naman sa init, kapag naglaro tayo ng mabigat na game nang matagal-tagal ay medyo magge-generate ito ng alarming heat. At para magkaroon kayo ng idea, sa comparison ng size nitong POCO X8 Pro sa Google Pixel 9a. Almost same sila ng size. Kaya comfortable gamitin ang X8 Pro ng one hand.

