Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • POCO X6 5G – Sulit Kaya? Panoorin Bago Bumili..
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

POCO X6 5G – Sulit Kaya? Panoorin Bago Bumili..

Review natin ngayon ang POCO X6 5G. Sulit kaya ang phone na ito? Kamusta ang specs? Basahin mo muna bago ka bumili.
sulittechreviews August 20, 2024

Price

Ang iu-unbox nating POCO X6 5G ay ang 12/512GB na variant. Kung kaya ng budget ay bilhin natin ang mas mataas na variant para future proof.

Unboxing

Typical pa rin ang box nitong POCO X6 5G, kagaya pa rin ng previous phones ng POCO. Ang colorway nito ay Black, pero meron pa itong White at Gray. Una nating makikita pag-open ng box ay ang document sleeve. Sa loob ng sleeve ay may SIM ejector pin, documentation, at case. Ang case ay parang goma, flexible, at napakalambot. Protected din ang camera bump dito. Sunod naman ang phone na nakabalot sa plastic na may top specs. Sobrang glossy ng phone pero premium ang itsura. Sa ilalim ng box ay may 67W na charging brick at USB-C to USB-A cable. Itong phone ay may IP54 na rating. Matalsikan man ng or mabasa ng ulan ay okay lang. Pero hindi pa rin ito waterproof kaya huwag natin ito ilulubog.

Design

After set up, pansin ko na may ilang bloatware sa phone, pero pwede naman natin ito i-uninstall. Pantay na pantay at manipis ang bezel ng phone. Sa haptic naman ng phone, maganda at pang-flagship ang feels. Sa taas ng phone ay may headphone jack, secondary speaker, secondary mic, at IR Blaster. Sa right side naman ang volume button at power lock button. Sa left side naman ay malinis na malinis. Sa ilalim naman ang SIM tray, main mic, USB-C port, at main speaker. Sa SIM tray naman ay dual SIM slots lang. Sa harap naman ay naka-punch hole selfie camera.

Ang gilid ng phone or frame nito ay matte finish ang texture. Pagdating sa speaker, malakas at nag-enjoy ako. Naka-Dolby Atmos na rin ang speaker kaya maganda ang separation ng left and right. Matatakpan lang natin ang secondary speaker kapag naka-landscape.

Display

Specification:

Kahit napaka-mura ng phone na ito ay flagship level ang display. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Sa Netflix, Full HD ang Max Playback Resolution at may support sa Dolby Vision. May pre-installed na rin itong screen protector along Corning Gorilla Glass protection. Sa settings ay pwede natin matimpla ang kulay at pwede rin natin matimpla ang temperature. Dalawa lang ang option para sa Refresh Rate. At sa test na ginawa, bumaba naman ito ng mabilis from 120Hz to 60Hz kapag hindi na ginagalaw ang display.

Performance

Specification:

Almost 1 year old na rin ang Snapdragon 7s Gen 2, bago pa rin naman ang chipset. Ang Antutu score na nakuha kapag naka-on ang Mem Fusion ay 603591. Sobrang decent na ng score na iyan at lagpas half milllion. Kapag naka-off naman ang Mem Fusion, nakuhang score ay 602694. Bumaba ng kaunti, recommend ko na i-on niyo ang Mem Fusion. Ang Mem Fusion ay pwedeng umabot ng hanggang 8GB.

Test natin ito sa CarX Street. Sa graphics settings, pinaka-comfortable na feel ay hanggang 5 lang. No limits naman ang FPS dito. Sa mismong gameplay, smooth naman at walang frame drops. Pero i dont think na nakaka-120fps tayo dito. Test din natin sa SpongeBob – Cosmic Shake. Sa graphics setting, naka-Ultra lahat ng settings. Medyo may nafe-feel na akong init dito sa likuran ng phone. Parang 60fps pa rin ang game pero smooth pa rin. Kapag naglaro tayo dito ng mabigat na games ay may mararamdamang ka nang init.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos screenshots:

Ito ang video screenshots:

Sa video recording, 4K/30fps at may OIS kaya stable kahit na naglalakad. Meron din additional na EIS pero magdo-downscale to 1080p. Sa selfie video naman ay kaya mag-record ng 1080p. May EIS din ito kaya medyo naka-zoom in.

Battery

Meron itong 5100 mAh na battery capacity at capable sa 67W na fast charging. Nag-charge ako from 15% to 100%, inabot ako ng 41 minutes. Not bad na para sa size ng battery.

Verdict

Sulit ba itong POCO X6 5G? Kung ako ang tatanungin, una sa lahat, ang main selling point nito ay ang flagship level na display. Pangalawa, ay ang storage nito na kayang umabot ng 512GB. Malaki rin ang battery capacity nito. Okay na rin naman ang camera. Sana dumating ang time na sa susunod ay meron ng 4K selfie video recording. Para sa akin, okay itong phone para sa presyo. Sana lang ma-fix nila ang heating issues. Kung hindi naman tayo magga-games at media consumption lang ay sulit sa atin ang phone na ito.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkkds1
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Infinix HOT 40 Pro – Murang-mura Para sa Specs! Pag-usapan Natin!
Next: CHERRY Aqua S11 Pro – ETO MGA DAPAT MONG MALAMAN!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.