Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Okay ba as DAILY PHONE itong REDMAGIC 11 Air?
  • Phones
  • Redmagic
  • Tech Blog

Okay ba as DAILY PHONE itong REDMAGIC 11 Air?

Yung 207g na weight nito ay mako-consider pa rin natin na magaan. 7000mAh ang battery nito pero 207g lang. Ang reason kung bakit...
sulittechreviews March 20, 2026

REDMAGIC 11 Air

Snapdragon 8 Elite

LPDDR5X + UFS 4.1

7000mAh 80W

Built-in Fan

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Battery
  • Performance
  • Display
  • Conclusion
  • Video
DESIGNIP54 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
207g + 7.85mm
Glass Black – Corning Gorilla Glass 5
Capacitive Shoulder Trigger
RGB Lighting
Built-in Fan
DISPLAY6.8″ AMOLED 144Hz
1216×2688
1800nits max brightness
Corning Gorilla Glass 7i
PERFORMANCEAndroid 16
RedmagicOS 11
2 Major Android Upgrades
3 Years Security Patches
Snapdragon 8 Elite
LPDDR5X RAM
UFS 4.1 Storage
12+256GB / 16+512GB
CAMERA50MP f/1.9 OIS Main
8MP f/2.2 Ultrawide
Max video: 8k 30FPS
16MP f/2.0 Under Display Selfie
Max video: 1080p 30FPS
BATTERY7000mAh 80W
Bypass Charging

12+256GB

46,319
PHP
BUY HERE

16+512GB

55,469
PHP
BUY HERE

Last January pa ini-release itong REDMAGIC 11 Air. Sana makatulong ito sa mga nagpaplanong bumili. Gusto kong i-share sa inyo yung perspective ko sa phone na ito. Kasama na yung mga nakuha kong data sa paggamit sa phone.

Price

Mabibili ito sa dalawang kulay at configuration. Prism at Phantom ang colorway nito at parehas transparent.

Unboxing

Napakasimple lang ng box ng REDMAGIC 11 Air. Ang ire-review natin ay Prism na 16+512GB. Pag-open ng box, ang unang makikita ay yung document sleeve. Napakalinis ng kulay at itsura ng box at loob nito. May REDMAGIC logo ito sa sleeve. Sa loob ng sleeve ay may SIM ejector pin at hard case. Yung case sa REDMAGIC 10 Air ay open ang gilid ng case. Pero itong 11 Air Case ay frosted at covered ang buong gilid. Mas gusto ko ang case ng 11 Air kasi mas protected ang phone. Iyan ang unang improvement na nakita ko. Hindi ko malalahat pero lahat ng makita kong improvements from 10 Air to 11 Air ay sasabihin ko.

Sunod naman ang 11 Air na nakabalot sa paper. Ang ganda ng phone. It reminds me of Nothing Phone. Ganun yung design nito. Yung 10 Air ay napakalinis ng itsura. Mas mukhang Samsung S23 Ultra ang 10 Air. Pero itong 11 Air ay talagang REDMAGIC na ang itsura na may pagka-Nothing Phone. Boxy pa rin yung shape nito at yung kanto ay may katulisan.

Mas mabigat ito ng kaunti. Yung 10 Air ay 205g pero ang 11 Air ay 207g. Ang ganda ng itsura kapag isinuot ang hard case. Ang linis tingnan. Kung gusto natin na mas maging subtle yung design nito, mas magandang gamitin ang case nito. So far, ito yung pinakamagandang case na nakita ko sa isang REDMAGIC phone. Sa ilalim ng box ay makikita yung charging cable na USB-C to USB-C at black charging brick na 80W at USB-C ang port.

Design

Kapag nakasuot ang case ay mukha itong Rimowa na suitcase. Yung 207g na weight nito ay mako-consider pa rin natin na magaan. 7000mAh ang battery nito pero 207g lang. Ang reason kung bakit bumigat ito compared sa 10 Air, number 1 ay meron na itong built-in cooling fan. Yung 10 Air ay walang cooling fan. Umiilaw ang Cooling Fan at ang REDMAGIC logo. Yung Magic Key or Game Space Button ay hindi na bilog. Sa 10 Air ay bilog pero sa 11 Air ay rectangle na at may texture.

Glass pa rin yung likod nitong REDMAGIC 11 Air, kagaya sa 10 Air. Pero meron na itong Corning Gorilla Glass 5. Sa 10 Air ay naka-Panda Glass 2. Parehas matibay yung glass na iyun. Pero mas premium yung Corning Gorilla Glass compared sa Panda Glass. Mas mura lang yung Panda Glass. Improvement pa rin.

Customizable pa rin yung Magic Key. Pero wala pa ring option para makapamili ng App or iba pang actions. Kagaya sa 10 Air, wala pa rin itong eSIM support. Ang kaya lang nito ay dalawang nano SIM.

Sides

Maliban sa air vent ay meron pa rin itong dalawang capacitive shoulder triggers, volume up and down buttons, at power lock button. Sa kabilang side naman ang Magic Key. Sa itaas naman ang IR Blaster at secondary microphone. SIM tray, main mic, USB-C port, at main speaker sa ilalim. Sad news, yung USB-C port nito ay hindi display port. USB 2.0 lang ito. Pang-OTG lang or pang-data lang at charging.

Pwedeng ma-customize ang RGB lighting nito. Sa settings, pwede ma-customize ang effects at LED color. Kahit na meron itong built-in fan ay na-maintain ng REDMAGIC ang IP54 na rating. Protected pa rin ito sa dust at sa mga talsik ng tubig. Pero ingatan pa rin natin ito. Mas maganda pa rin ang sigurado kasi may butas ang phone na ito dahil sa vent. Sa haptics naman, sobrang ganda ng haptics nito. Yung selfie camera nito ay under display pa rin. Hindi ito halata kapag black ang wallpaper. Pero napaka-obvious nito kapag white na ang background. Yung bezels nito ay napakanipis at pantay. Sobrang immersive ng media consumption at gaming. Para sa akin, REDMAGIC pa rin ang may pinaka-immersive na display sa lahat ng phone. Meron na rin itong pre-installed screen protector out of the box.

Battery

Specifications:

Lamang ito ng 1000mAh compared sa 10 Air na naka-6000mAh lang.

Lima ang PCMark test na ginawa ko. Makikita sa screenshot sa taas ang mga settings ng bawat screenshot. Sa unang apat na screenshot, medyo magii-struggle tayo kung gagamitin natin itong phone as daily driver. Medyo magaalangan tayo kung aabot ba talaga the whole day yung phone sa usual usage. Para sa akin, ang pinakamagandang setting kung gusto nating mapiga ang battery ay naka-50% brightness, Off ang Extended RAM, at naka-fix to 144Hz. Pero kahit ganun, hindi pa rin talaga impressive yung SOT na nakuha natin sa phone. Kagaya ng mga previous REDMAGIC phones.

Performance

Specification:

Napakabilis ng phone na ito pero hindi ganun kahaba yung software support na ibibigay ng REDMAGIC. Pagisipan niyong mabuti bago niyo ito bilhin. Para sa presyo, 3 Years lang ang support na ibibigay sa atin. Ang AnTuTu score na nakuha ay 3205583. Sobrang impressive talaga. Napakabilis nito. Yung temperature nito ay not bad din. From 36.6°C ay umabot lang ito ng 47.4°C.

Pero ibang usapan na nung Wild Life Stress Test na yung ginamit ko. Makikita niyo sa throttling nito na sobrang lala. 36.4% lang yung Stability score nito. Nabawasan ito ng 15% sa battery at nadagdagan naman ng 24°C sa temperature. 58°C yung final temperature after nung test. Grabe, sobrang init talaga. Pero in fairness, hindi kagaya ng mga previous phones na ganito yung specs. Natapos ng REDMAGIC 11 Air yung Wild Life Stress Test.

Kagaya dati, napakaganda ng response rate sa display ng phone. Kasama na ang shoulder triggers sa taas nito. Swipe lang ng dalawang beses sa gilid para lumabas ang iba pang settings. Dito pwede mabago ang performance profile; pwedeng Rise, Balance, o Eco. Dito rin nababago yung settings ng shoulder triggers at pag-map sa shoulder triggers. Sa Grid Legends, naka-Graphics ang optimization, ibig sabihin ay yung pinakamataas na quality. Yung sharpening naman ay naka-Max. Pagdating sa gameplay, napaka-smooth at lahat ng graphics ay na-generate nito. Walang kahirap-hirap sa 11 Air. Expected na iyan sa gaming phone na ito. Wala tayong magiging problem sa phone. Kayang-kaya nito lahat ng games.

Display

Specifications:

Upgraded ang protection sa display nito compared sa 10 Air. Same na same yung panel na ginamit sa 11 Air at sa 11 Pro. Pati na yung peak brightness ay same na same. Mage-enjoy talaga tayo sa panonood. Walang notch at buong-buo yung display. Para kang may hawak na TV. Ilang beses na rin ako nag-review ng REDMAGIC phones pero hanggang ngayon, amaze na amaze pa rin ako sa ganda ng display. Pero dahil naka-under display yung selfie camera nito ay compromise talaga yung quality.

Ito ang sample video screenshot:

Ang hazy ng itsura nito. Yung ilaw sa likod ay parang may patterns kasi bumabakat yung pixels. Hindi pa rin ganun kaganda. Compromise talaga yung quality ng camera sa harap. 1080p lang yung video recording nito. Pang-video call lang ito. Parang ang dumi-dumi ng camera sa phone na ito. Hindi naman ito pang-camera people kundi pang-gamers talaga.

Ito ang mga sample photos:

Conclusion

Iyan na lahat ang gusto kong i-share tungkol sa REDMAGIC 11 Air. Kagaya ng pinakit ko kanina, may CPU throttling pa rin kahit na may built-in fan. Ramdam na ramdam pa rin yung paginit nito. Pero kahit ganun, ang bilis bumaba ng temperature nito dahil sa bulit-in fan. Compared sa 10 Air na ang tagal talaga bago mawala yung init. Habang ginagamit ay kusa namang bubukas yung fan. Mako-customize natin kung gaano kabilis yung fan para makatipid sa battery. May Bypass Charging naman kaya I suggest na gamitin niyo para mabawasan yung pag-init. At para hindi masira agad yung battery health ng phone na ito.

Dalawa lang naman yung negative na nakita ko sa phone. Una, wala itong eSIM support. Para sa presyo, oo gaming phone ito. Sana may eSIM support. Plus, 3 Years lang ang software support nito. Para sa presyo ay masakit iyan. Other than that, wala na akong nakitang deal breaker. Yung battery nito ay hindi impressive pero expected na kasi sa mga REDMAGIC phones. Yung mga na-review ko na REDMAGIC phones ay ganito talaga yung battery performance. Kahit pa tinaasan yung battery capacity.

Suggestion

Suggestion ko lang kung bibili ka ng REDMAGIC 11 Air. Ideal kung hindi ito yung daily driver mo. Lalo na kung gagamitin mo ito sa work, magaalala ka kung at the end of the day ay may battery left pa. O kailangan mo na agad mag-charge kahit halfday pa lang. Yun yung isa sa mga concern ko. Mas ideal kung second phone mo lang ito. Pero kung gagamitin niyo ito as daily driver ay walang problema. Mag-ready lang kayo sa battery performance kasi hindi talaga ganun kaganda. Pero ang ganda talaga ng performance ng phone na ito. Kung gusto niyo ng mabilis na phone for gaming, REDMAGIC is the way to go. Kung kaya natin isagad pa ay go for 11 Pro kasi may water cooling yun sa likod.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: OnePlus Launches the Ultimate Performance Flagship: The All-New OnePlus 15
Next: POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships

Related Stories

REDMI NOTE 15 PRO 5G Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…

sulittechreviews March 20, 2026
POCO X8 Pro Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!

sulittechreviews March 20, 2026
POCO X8 Series KV_RGB 3200x1800_Horizontal
  • Phones
  • Press Release
  • Xiaomi

POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships

sulittechreviews March 20, 2026
Cosmic Box Image
Digital Walker Press Release

Digital Walker Launches Cosmic Box: A Tech-Powered Mystery Unboxing Experience This February

sulittechreviews
March 20, 2026 0
REDMI NOTE 15 PRO 5G Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…

sulittechreviews
March 20, 2026 0
POCO X8 Pro Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!

sulittechreviews
March 20, 2026 0
POCO X8 Series KV_RGB 3200x1800_Horizontal
Phones Press Release Xiaomi

POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships

sulittechreviews
March 20, 2026 0

Recent Posts

  • Digital Walker Launches Cosmic Box: A Tech-Powered Mystery Unboxing Experience This February
  • So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…
  • Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!
  • POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships
  • Okay ba as DAILY PHONE itong REDMAGIC 11 Air?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.