Nakakatuwa sa Nothing Phone (3a), mas naramdaman ko na talagang hinahabol ng Nothing yung iPhone pagdating sa innovation. Lalo na pagdating sa UI kasi mas mukha na itong iPhone ngayon compared sa mga dati nilang mga phones. At nakakatuwa kasi ramdam ko na talagang pinipilit ng Nothing na umangat yung mga phones nila sa iba pang mga Android devices. At iyan ang mga gusto kong ipakita sa inyo ngayon. Anong bago sa Nothing Phone (3a)? Dapat ka ba talagang bumili nito? Magkano ba ito? At higit sa lahat ay sulit ba ito?
Price

As of writing this article, ang price nitong Nothing Phone (3a) ay Php22,490. Pero ang pre-order price nito ay Php22,440 para sa 12/256GB na variant. Mabibili natin ito sa Black, White, and Blue na colorway at nasa atin ang color White. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili o i-check ang updated pricing.
Unboxing







Almost same naman ang box ng 3a sa mga previous Nothing Phones. Pero sa wakas ay binago na nila ang way para mabuksan yung box. Hindi mo na kailangan punitin ang buong top part. Meron lang maliit na part na kailangan punitin pero after matanggal ang seal ay buo pa rin ang box. Pag-open, 3a ang makikita natin na naka-paper wrap. Very familiar pa rin ang design at hindi ganun kalayo sa mga previous Nothing Phones. Sa ilalim ay makikita natin ang charging cable, documentation, at SIM ejector. Wala pa rin itong charger sa loob ng box.
Design




Itong Nothing Phone (3a) ay IP64 na ang ingress protection. Upgrade iyan mula sa IP54 ng 2a. Mas maganda ang protection nito sa dust. Kahit na maalikabukan ito or mapunta tayo sa maalikabok na environment ay hindi ito papasukin. Makikita natin yung design ng likod nito ay almost same na same pa rin sa last year maliban na lang sa tatlo na ang camera ngayon. Pero ang Glyph Interface nito ay wala pa ring pinagbago. Kung titingnan natin ang right side, maliban sa power button ay makikita natin na may additional button ito. Ang tawag dito ng Nothing ay Essential Button.
Ang Essential Button sa right side nitong 3a ay para mag-take ng screenshot. Pero kapag ini-long press naman ay pwede ka makapag-screenshot at the same time ay makakapag-record ka ng audio. Good for taking notes, lalo na kapag meeting or event at ayaw mong makalimutan ang information na iyun. Dahil may Ai yung Essential Button ay pwede nitong i-organize yung mga screenshot depende sa audio recording. Nakakalungkot lang na ang button na ito ay hindi natin pwede i-map sa ibang mga action. Like, pwedeng i-open ang camera kapag pinindot, o kaya makapag-take ng screen recording, at marami pang iba. Sa ngayon, exclusive ang button na ito para sa essential space. At nakakalungkot kasi napakaunti pa lang ng tao sa ngayon na makaka-appreciate sa ganitong feature.
Dual speakers pa rin itong Nothing Phone (3a). Ang primary nito ay nasa baba at ang secondary naman ay nasa earpiece. Ang fingerprint scanner ay same pa rin. Pero ang nakakalungkot ay kahit 2025 na, wala pa ring support sa e-SIM itong 3a pero pwede tayo magsalpak ng dalawang SIM card.
Display
Specification:

Ang upgrade sa display ay ang peak brightness. From 1300nits na peak brightness sa 2a ay aabot na ngayon sa 3000nits ang peak brightness. At para sa mga gagamit ng phone sa kanilang media consumption, good news dahil Full HD ang max playback resolution sa Netlfix.




Sa display settings, pwede tayong mamili sa presets ng colors. Pwedeng Alive or Standard para mas maging natural yung kulay ng display. Pwede rin nating timplahin ang color temperature or white balance ng display. Meron din itong color contrast; Default, High, or Medium. Ang refresh rate setting ay may tatlong option; Dynamic para kusang bumaba to 60Hz kung kinakailangan, High kung gusto nating i-fix sa 120Hz, at kung gusto natin makatipid sa battery ay Standard. Pero sa buong test sa phone ay naka-Dynamic lang tayo.
Performance
Specification:

Isa na siguro sa naka-disappoint sa akin sa Phone (3a) ay UFS 2.2 lang yung ginamit nilang storage type sa phone. Unang-una sa lahat ay 2025 na at dapat maging standard na storage type sa mga mid-range phone ay UFS 3.0. Tapos, almost 23K ang presyo ng phone na ito. Mabilis naman ang sequential speed ng storage ng phone at ramdam ko naman habang tine-test ko. Pero knowing na hindi latest na storage type sa ganitong presyo, nakakalungkot.
Pero nakakatuwa na ini-promise ng Nothing na makakatanggap ang phone ng 3 years of Android Updates. Up to Android 18 yung OS na matatanggap ng phone. Pagdating naman sa security patches ay up to 6 years yung matatangap nito. Sulit na sulit naman yung ibabayad natin kung paguusapan ay ang software support.


Ang sinabi ko kanina na software enhancement, ito yung #1 na gustong-gusto ko ngayon sa Nothing OS 3.1 kasi meron na itong Smart App Drawer. Mukhang iPhone at tuwang-tuwa ako nung nakita ko ito. Yun nga lang ay para mabuksan mo ang App drawer ay kailangan mong i-swipe mula sa ibaba paitaas. Hindi kagaya sa iPhone na mula sa right papunta sa left. Android na Android pa rin. Kapag tiningnan naman natin ang settings, makikita natin na na-enhance din ang list ng menus at sub categories. Ang ganda, mas malinis, at mas polish yung UI ngayon ng Nothing. Thumbs up sa Nothing. Bago ko ipakita ang mga AnTuTu score, ang setting ko ay 50% ang brightness at naka-on ang game mode.
Benchmarks


Tingnan natin ang effect ng RAM booster kapag naka-on at naka-off. Ang score na nakuha natin kapag naka-off virtual RAM ay 790482. Ang score naman na nakhua natin kapag ginamit ang RAM booster ay 809830. Kahit UFS 2.2 lang ang storage type na inilagay ng Nothing ay nakakatuwa na malaki pa rin ang improvement sa performance kung sakaling gagamitin natin ang virtual RAM. If ever na kailangan natin o hindi pa sapat sa atin yung 12GB na physical RAM ng phone, pwedeng-pwede. Hindi tayo magaalala na babagal ang phone.

Sa Wild Life Stress Test, nabawasan lang tayo ng 6% sa battery at nadagdagan lang tayo ng 12°C sa temperature. Although umabot tayo ng mahigit 40°C ay okay pa rin. Huwag lang natin sagarin or magtagal sa mabigat na application para hindi ito mag-generate ng alarming heat at mabawasan ang life span ng battery.

Pagdating naman sa gaming, wala naman akong naging problema sa Nothing Phone (3a). Napaka-smooth naman sa Asphalt, kahit na nakasagad ang graphics natin ay ramdam ko na naka-60fps ito at napaka-smooth talaga. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero napaka-decent. Parang konting-konti na lang ay kumpleto na yung graphics na na-generate nito sa game. Kung magga-games tayo sa Nothing Phone (3a) ay walang problema, hindi tayo magkaka-issue. Siguro kung graphics sa ibang mabibigat na game ay hindi nito kakayanin. Pero for the most part at para sa mga typical games sa ngayon ay kakayanin talaga ng phone na ito.
Battery
Specification:

Umabot tayo ng almost 19 hours at malaking improvement iyan from 2a kasi almost 17 hours lang yung nakuha nating SoT sa 2a. Para sa mga nagaalala kung tatagal ba ang battery ng phone na ito ay yes na yes. Talagang maasahan natin na buong maghapon, magagamit natin itong phone. At malamang sa malamang ay meron pa tayong tira paguwi sa bahay. Sa charging, from 20% to 100%, 1 hour and 1 minute ko lang ito na-charge. Take note lang na GaN charger ang ginamit ko.


Camera
Specification:
Test muna natin itong 30x Ultra Zoom dahil ito ang ipinagmamalaki ng Nothing. Sa una ay mapapansin niyo na ang labo na talaga at ang unusable na sa social media yung picture. Pero once ma-process na ay ang laki na ng improvement. Hindi na as sharp as periscope telephoto pero malaking bagay yung nagawa ng image processing para ma-enjoy pa rin natin yung pinakasagad na zoom ng Nothing Phone 3a.


Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshot:


Conclusion

Para sa akin, sulit ang phone na ito. #1 ay kung hindi ka naka-Nothing Phone 2a. Kung luma na yung Nothing mo ay goods na goods po ito. Or kung first time mo magno-Nothing Phone ay sulit ang phone na ito at mage-enjoy ka talaga. Pero kung naka-Nothing Phone (2a) ka ngayon, okay na muna iyan. Tsaka ka na mag-upgrade. Hindi ganun kalayo yung performance na makukuha mo sa Nothing Phone (3a) compared sa 2a.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.io/clmkd4r
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: