Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Nintendo Switch OLED at Hollyland Lark Max – Tara, Unbox Natin!
  • Gaming Console
  • Microphones
  • Tech Blog

Nintendo Switch OLED at Hollyland Lark Max – Tara, Unbox Natin!

Samahan niyo ako mag-unbox nitong wireless microphone at Nintendo Switch!
sulittechreviews September 18, 2023

LARK MAX UNBOXING

Kailangan muna i-remove ang sticker para ma-open ang box. Ang unang-unang makikita sa loob ng box ay documentation. Tapos, makikita na ang travel case na sobrang ganda kasi meron siyang water proofing lalo na sa may zipper kaya hindi ito basta-basta papasukan ng tubig.

Pag-open ng travel case, makikita na agad ang charging case at nasa loob na ang dalawang transmitters o microphone at receivers. ‘Yung mga transmitters ay pwedeng i-clip sa damit o pwedeng idikit sa damit using magnet na isa sa mga nagustuhan ko dito sa wireless microphone na ‘to. Sobrang cool din ng pag-control dito sa receiver kasi combination siya ng touch screen at nub. Kaya kahit medyo may kalakihan ang mga daliri natin, kayang-kaya pa din natin baguhin ang setup.

Kumpleto na din sa cable itong Lark Max out of the box at compatible ito sa Android, iOS, Windows, Mac, cellphone, action cameras at kahit sa DSLR. Aabot ng 250 meters LOS ang connection distance nitong Lark Max. Ibig sabihin, line of sight, walang humaharang na pader at poste, talagang malinis na dere-deretso lang.

Isa pa sa favorite kong feature nitong Lark Max ay meron siyang backup audio recording. Meron itong 8GB internal storage bawat isang transmitter, na equivalent sa 14 hours of backup audio recording. Maganda ‘tong feature na ‘to kasi if ever na bigla tayong na-lowbatt o kaya mag-brownout o mawalan ng connection ang camera, meron pa ding audio.

Isa pa sa nagustuhan ko dito sa Lark Max ay meron itong Professional Environmental Noise Cancellation (ENC). If ever na gagamitin niyo itong microphone na ito sa vlog at maingay ang paligid, ika-cancel out niya yun at magiging maganda pa din ang tunog.

Kung gusto niyo itong mabili, click niyo lang itong link: https://hollyland.info/3ppAKsL

NINTENDO SWITCH UNBOXING

Medyo matagal-tagal na itong Nintendo Switch Oled pero ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity na mag-unbox nito kaya pagpasensiyahan niyo ako kung hindi ako ganun ka-familiar sa ganitong klase ng gadget.

Pulang-pula ang box nitong Nintendo Switch. Pag-open ng box, makikita kaagad ang joycons o controllers at mismong Nintendo Switch na may 720p resolution. Pero kapag sinaksak natin sa TV, hanggang 1080p ang resolution na pwedeng maibigay sa atin habang naglalaro. Meron itong Nintendo Switch na logo, meron ding kick stand at meron pang lalagyanan ng micro SD card kung sakali na gusto niyong i-expand ang storage kasi pwede tayong mag-install dito ng mga games galing sa online library ng Nintendo. Ang built-in storage nito ay 64GB at pwede tayong magsalpak ng up to 2TB micro SD card pero dapat swak sa read and write requirements ng Nintendo Switch. Kung gusto niyo malaman ang read and write speed na required dito sa Nintendo Switch, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljtwue

Sa loob pa din ng box, meron itong documentation, power cable na USB-C, HDMI cable, grip kung saan ilalagay ang joycons at dock na gagamitin natin para ma-connect sa TV ang Nintendo Switch. Merong USB ports itong dock, LAN ports, HDMI at USB para sa power.

Maliban sa Nintendo Switch, meron din tayo ditong extra joycons na magagamit kapag gusto nating mag-multi player sa Nintendo Switch. Meron din tayong Rugged Hybrid Protective Case ng SapCase na magagamit sa Nintendo Switch para mas maging maganda ang grip kapag naglalaro tayo. meron din tayong nabiling lalagyanan para sa Nintendo Switch na parang travel case. Pwede itong lagyan ng mga cartridges, joycons, charger at cables. Kaya talagang mao-organize mo talaga dito ang Nintendo Switch mo.

Kung gusto niyong mabili itong Nintendo Switch, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljtwsj

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Tecno Phantom V Fold – Pinakamurang Folding Phone sa Ngayon!
Next: Tecno Pova 5 Pro 5G – Ang Tindi Talaga!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.