Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • For Sale
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Magaan, Compact, at Murang Laptop Pang-WFH at Pang-Travel!
  • CHUWI
  • Laptops
  • Tech Blog

Magaan, Compact, at Murang Laptop Pang-WFH at Pang-Travel!

Pero alam niyo kung bakit masasabi ko rin na better than MacBook Air itong CoreBook Air? Dahil iyan sa....
Jotham Abellana March 25, 2026 9 minutes read

CHUWI CoreBook Air

Windows 11 Pro

LPDDR5 16GB

55Wh 65W

AMD Ryzen 5 6600H

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Performance
  • Battery
  • Display
  • Conclusion
  • Video
DESIGN1kg + 15.95mm
Chiclet Keyboard
2MP Camera
Max video: 1080p
DISPLAY14″ IPS LCD 60Hz
1920×1200
350nits max brightness
PERFORMANCEWindows 11 Pro
AMD Ryzen 5 6600H 4.5GHz
6 Cores 12 Threads
AMD Radeon 660M 1.9GHz
LPDDR5 16GB
6400MGHz M.2 PCIe 3.0
512GB SSD
Wi-Fi 6 Bluetooth 5.2
PORTSUSB-C 3.2 Gen 2 (Full-Featured)
USB-C 3.2 Gen 2 (Full-Featured)
HDMI 2.1
USB-C 2.0
USB-A 3.2 Gen 1
3.5mm Audio Jack
BATTERY55Wh
65W

CoreBook Air

31,597.49
PHP
BUY HERE

CoreBook Air Plus

36,201.86
PHP
BUY HERE

Summer na naman at siguradong marami sa atin ang nagpaplanong magbakasyon. For some reason, marami pa rin sa atin ang gustong magbakasyon pero kailangang mag-work habang nasa bakasyon. Pero ayaw natin na magdala ng makapal at napakabigat na laptop. Gusto nating magdala ng laptop na manipis, sobrang gaan, at capable pa rin sa mga office works natin. Sakto yung pag-uusapan nating laptop, itong CoreBook Air ng CHUWI. Bago lang ‘tong laptop na ‘to. Kaka-release lang din.

Ang presyo nito habang ginagawa itong article ay Php31,664.19 as of February 25, 2026. Titingnan natin kung anong kayang gawin ng laptop na ‘to. Bakit pwedeng-pwede niyo ito i-consider kapag magta-travel na kayo.

Inside the Box

If ever na may kakilala ka na magbabakasyon, kailangan ng laptop or humahanap ng laptop na manipis, magaan, pero capable. Pwede mong i-share sa kanila itong article. Umpisahan natin to sa laman ng box. Sa box ng CHUWI CoreBook Air, maliban sa mismong laptop, ang laman nito ay 65W USB-C charging adaptor. Yan lang yung kasama sa box. Walang free na laptop sleeve or laptop bag. Sana maging standard na yun sa mga susunod na mga laptop na ire-release.

Anyway, sa website ng CHUWI may makikita pa kayo na CoreBook Air Plus. Huwag kayong masyadong mag-alala. Hindi ganun kalayo yung difference ng CoreBook na hawak ko ngayon at sa CoreBook Air Plus. Actually, pinapili ako ng CHUWI kung alin sa dalawa yung gusto ko. Gusto nilang ipadala ‘yung CoreBook Air Plus pero mas pinili ko itong hindi Plus version. Yung normal lang dahil mas maliit ito. Kasi yung CoreBook Air Plus ay mas malaki yun, 16″. At plus Php4,000 yung presyo non at may additional na 3kg sa weight. Mas malaki lang yung battery capacity non dahil sa size. 60Wh na yung capacity non. Meron yung facial recognition.

Walang kahit anong biometrics yung non-Plus version ng CoreBook Air. Maliban sa mga nasabi ko, wala nang malaking difference itong hawak ko sa CoreBook Air Plus na sinasabi ko. Pero kung willing kayong gumastos ng additional Php4,000 para sa Plus at sa mga additional features, pwede naman. Pero ‘yung CPU, hard drive, display, ports ay same na same lang.

Design

Masasabi ko na very MacBook Air ‘yung design nitong CoreBook Air kasi very lightweight. Nasa 1kg lang ito. Talagang sobrang gaan para sa isang laptop. Ang maganda pa rito ay yung hinge nito ay parang MacBook Air na rin. Kasi kayang-kaya natin itong buksan ng isang daliri lang. Kapag nakasara ang laptop, manipis pa rin para sa isang laptop. Hindi naman kasing nipis ng MacBook Air pero 15.95mm yung nipis nito. Hindi ganon kalaki yung makukuhang space sa bag natin. At hindi rin ganun kalaking weight yung madadagdag sa dala-dala nating bagahe. Iisa lang yung colorway nito, Indigo Blue. Hindi ko masyadong gusto yung kulay na yan pero wala tayong magagawa. Yan lang yung ino-offer na kulay ng CHUWI para sa CoreBook Air. Pero for the most part ay okay naman. Hindi naman ito gasgasin. Maayos pa rin yung itsura.

Pagdating sa speakers, meron naman itong mga rubber feet sa ilalim. Meron itong stereo speakers. And pagdating sa quality ng speakers, tama lang. Hindi sobrang lakas pero hindi rin naman mahina. Saktong-sakto lang.

Ports

Pero alam niyo kung bakit masasabi ko rin na better than MacBook Air itong CoreBook Air? Dahil yan sa ports. Sa may left side meron itong dalawang full featured USB-C ports. USB 3.2 Gen 2 na yan. Ibig sabihin, kaya nito ‘yung 10Gbit/sec data transfer. Pwede rin tayo ditong mag-charge at kaya nitong mag-handle ng up to 4K 60Hz na external monitor. Take note, bawat isa yun. Plus, meron pa tayong isang HDMI 2.1 port na kaya ring mag-handle ng isang 4K 60Hz external monitor. In total, pwedeng magkabit sa CoreBook Air ng tatlong external monitor.

Sa may right side, meron itong isang USB 2.0 USB-C port. Pang-data lang ‘yan. May additional pa ito na USB 3.2 Gen 1 port na 5Gbit/sec data speed. At merong isang 3.5mm audio jack. Kahit manipis at napakagaan ng CoreBook Air ay sagana pa rin ito sa ports. Complete pa rin. Pwedeng-pwedeng magsaksak ng external monitor. And kagaya ng sinabi ko kanina, wala itong AC adapter na bilog na ginagamit para ma-charge ‘yung isang laptop. Ito, USB-C na yung port para sa charging.

Keyboard & Trackpad

Pagdating sa keyboard and trackpad, okay lang. Hindi naman impressive pero hindi naman ako na-disappoint. Saktong-sakto lang yung key travel nito. Mae-enjoy pa rin natin yung pagta-type. And sa test ko, mataas naman yung words per minute na nakuha ko rito. Lampas 40 words per minute naman. Which is very good na para sa bilis ko mag-type. And sa mga laptop na na-review ko na mas maganda pa ‘yung keyboard or key travel, nakakakuha ako ng 40 plus words per minute rin. Masasabi ko na comfortable ako mag-type sa CoreBook Air.

Pagdating naman sa trackpad, hindi ito ganon kalaki. Pero large enough para dun sa mga gestures ng Windows operating system. Responsive naman. Wala akong na-experience na kahit anong issue. Meron din itong webcam na 2MP at 1080p yung max resolution na kayang i-record. Meron itong privacy shutter. Para sa mga nag-aalala lalo na sa bakasyon at ko-connect tayo sa Wi-Fi ng hotel. Magandang additional security ‘yung shutter na yon. Para meron tayong peace of mind na walang makaka-hack sa webcam natin.

Performance

Specification:

4 years old na itong CPU pero masasabi pa rin natin na very capable sa mga office works. At para lang magkaroon kayo ng idea. Ang equivalent nito sa Intel CPU ay Core i5 12500H at i5 12600H.

Specification:

Pero take note na upgradable ‘yan at pwede tayong gumamit ng PCI 4.0 SSD. Naka-Windows 11 Pro na ito.

Para lang mabigyan kayo ng idea, ito yung mga Geekbench scores ng CHUWI CoreBook Air. Sa CPU Benchmark nakakuha ito ng 1925 Single-Core Score at 7606 Multi-Core Score. Not bad, hindi naman sobrang bilis na performance. Pero tamang-tama lang yung performance na yan para sa mga basic tasks at office works. Sa GPU Benchmark, nakakuha ito ng 14317. Sa Browser Bench, 22.9 yung nakuha nitong score. Napakanormal nung score na yan compared dun sa mga mini PC or laptops na na-review natin. Pero kung mga high end na laptop, maglalaro yan to 30 score sa Browser Bench hanggang 60 na score.

Bottom line, itong CHUWI CoreBook Air ay kayang mag-run ng softwares na as light as this laptop. Kung gaano kagaan ‘tong laptop na ‘to, ganun din kagaan ‘yung mga software na kaya nitong i-handle. For example, mga light photo and video editing. Kayang-kaya naman yan. O kaya kung magra-run tayo ng Canva application na tayo ang mage-edit ng photo, walang problema. Kung mago-open tayo ng maraming mga tabs sa Chrome, hindi ito agad-agad magha-hang. Yung tamang expectation lang yung dapat nating ibigay sa CHUWI CoreBook Air. Office laptop yung performance nitong CoreBook Air. If ever na kailangan lang naman natin para sa office works ay mga office applications like WPS, Canva, o kaya Audacity. Walang problema sa laptop na ‘to.

Battery

Pero sa battery department talaga nag-excel itong CoreBook Air. Meron itong 55Wh battery capacity na capable sa 65W charging speed. Yung sa CoreBook Air Plus ay 60Wh naman yung battery capacity. Kumusta yung battery performance nito? Well, nagamit ko ‘to ng tuloy-tuloy for 3 days. Walang charging na nangyari sa 3 days na yon. Pero take note na ang ginamit ko lang na application sa 3 days na ‘yon ay WPS at Microsoft Edge. Nagba-browse lang ako sa internet. WPS kasi nga office Works ang ginagawa rin ko. Palit-palitan lang at kung minsan ay hindi rin ako naka-connect sa Wi-Fi. Actually, meron isang buong maghapon na hindi ako naka-connect sa Wi-Fi. Ang ginamit ko lang ay WPS at isang magaan lang na application.

Pero tumagal ito ng isang buong araw na ang nabawas lang sa battery ay nasa 15% to 20%. Hindi ako na-lowbat. Nag-start ako na ang battery level nung araw na yon ay nasa mga 80%+. Tapos umuwi ako ng mga 60%+ na lang yung natitira. Pagdating sa battery performance, maasahan natin itong CoreBook Air. At maliban sa magandang battery performance, hindi rin ito maingay. Wala rin akong na-feel na alarming heat kapag office works yung ginagawa ko.

Display

Specification:

Pagdating sa peak brightness, medyo hindi ganon ka-impressive. Kasi 350nits lang ‘yung kaya nitong laptop. Kung gagamitin natin to outdoor, halimbawa sa mga coffee shop, tapos maliwanag sa likod natin. Medyo mahihirapan tayo na makita yung naka-display.

Conclusion

Pero syempre ay hindi perfect itong CHUWI CoreBook Air. Sabihin ko rin sa inyo yung mga cons na napansin ko sa laptop. Una na diyan ay yung kulay nito na Indigo Blue. Sinabi ko kanina na hindi ko masyadong gusto itong kulay pero hindi naman pangit. Maganda pa rin ito. Ang issue ko lang ay hindi ganun ka-consistent ‘yung kulay nung body kung ikukumpara sa pagka-blue nung trackpad. May inconsistency pagdating sa kulay. At napansin ko din na dahil matte finish at medyo dark yung pagka-Indigo Blue ng laptop. Medyo naiiwan yung mga smudge or fingerprint. Hindi ganon kalinis palagi tingnan itong laptop. Maliban na lang kung masipag talaga tayong magpunas sa laptop.

Ang isa pa ay yung privacy shutter. Again, maganda itong additional security. Pero minsan kapag ino-open ko ang laptop ay bumubukas ang privacy shutter. Kailangan ninyo maging aware sa tuwing io-open iyung CoreBook Air na talagang nakasara ng mabuti yung privacy shutter. At panghuli, sa display ay may mapapansin kayo na light leaks. Well, normal yan sa mga LCD display. Pero para dun sa mga hindi sanay sa ganitong issue ng LCD display. Baka ma-bother kayo masyado sa makikita niyo sa CoreBook Air.

Pero overall, pwedeng-pwede niyo ito i-consider kung humahanap kayo ng napakagaan na laptop pero capable sa mga office works. Maraming salamat sa CHUWI kasi sila yung nagpadala nito sa akin. Pero kagaya ng sinabi ko kanina, hindi pa rin po perfect ang laptop na ‘to. Pag-isipan niyo pa ring mabuti kung ito na ba yung ico-consider ninyo.

About Author

Jotham Abellana

See author's posts

Post navigation

Previous: Digital Walker Launches Cosmic Box: A Tech-Powered Mystery Unboxing Experience This February

Related Tech

REDMI NOTE 15 PRO 5G Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…

sulittechreviews March 20, 2026
POCO X8 Pro Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!

sulittechreviews March 20, 2026
Redmagic 11 Air Beauty Shot
  • Phones
  • Redmagic
  • Tech Blog

Okay ba as DAILY PHONE itong REDMAGIC 11 Air?

sulittechreviews March 20, 2026
Cosmic Box Image
Digital Walker Press Release

Digital Walker Launches Cosmic Box: A Tech-Powered Mystery Unboxing Experience This February

sulittechreviews
March 20, 2026 0
REDMI NOTE 15 PRO 5G Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…

sulittechreviews
March 20, 2026 0
POCO X8 Pro Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!

sulittechreviews
March 20, 2026 0
POCO X8 Series KV_RGB 3200x1800_Horizontal
Phones Press Release Xiaomi

POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships

sulittechreviews
March 20, 2026 0

Recent Posts

  • Magaan, Compact, at Murang Laptop Pang-WFH at Pang-Travel!
  • Digital Walker Launches Cosmic Box: A Tech-Powered Mystery Unboxing Experience This February
  • So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…
  • Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!
  • POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.