Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…
  • Phones
  • Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

Kagaya ng sinabi ko kanina, merong risk na makukuha kapag binili natin itong Moto G100 Pro. Kasi hindi talaga to available sa...
sulittechreviews February 24, 2026

moto G100 Pro

Dimensity 7300

Corning Gorilla Glass 7i

6720mAh 30W

IP68, IP69K

MIL-STD 810H

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Camera
  • Battery & Verdict
  • Video
DESIGNIP68 / IP69K – Dust & Water Resistant
MIL-STD 810H
Nano SIM / microSD + Nano SIM / eSIM
185g + 7.8mm
Eco Leather Back
In-display Fingerprint Scanner
Audio Zoom
DISPLAY6.67″ pOLED 120Hz
1.5K resolution
4500nits max brightness
Corning Gorilla Glass 7i
PERFORMANCEAndroid 15
Oxygen OS 16
2 Major Android Upgrades
4 Years Security Patches
Dimensity 7300
8GB LPDDR4X RAM
UFS 2.2 Storage
8+256GB
CAMERA50MP f/1.9 OIS Main
8MP f/2.2 Ultrawide
Max video: 4k 30FPS
32MP f/2.2 Selfie
Max video: 4k 60FPS
BATTERY6720mAh
30W

8+256GB

9,999
PHP
BUY HERE

Itong Moto G100 Pro ay nabili namin for Php9,999. Pero meron kayong ilang mga risk na kailangang malaman bago niyo ito i-purchase.

Unboxing

Nabili namin to sa Lenovo store. LazMall naman kaya feeling ko ay safe. At safe naman dumating sa akin. Nakabalot naman ng mabuti. Okay naman yung box nito at okay na okay naman yung packaging. Wala namang masyadong makikitang special sa box. Pag-open, merong document sleeve na makikita. Sa loob ay merong SIM ejector pin, documentations, at hard case. Ang ganda ng hard case nito. Parang TPU at merong moto logo na naka-engrave. Medyo expose lang ang ilang parts ng phone. Kasama yung power lock button, yung volume up and down, at ilalim nito. Pero for the most part ay talagang protected ‘yung phone. Lalo na ‘yung camera bump. Maganda ‘yung case na kasama.

Yung nandito ay yung Purple daw na kulay. Pero sa totoo, lang sa personal ay mas mukha itong blue kaysa purple. Pero sa website ng Motorola ay hindi talaga purple yung pangalan ng kulay ng Moto G100 Pro. Para lang sa kaalaman ninyo, yung Moto G100 Pro na model name nito ay exclusive sa China. Ang global model name naman nito ay Moto G86 5G. Yung likod nitong Moto G100 Pro ay naka-eco leather. May pagka-leather ‘yung texture nung likod nito. Napakaganda sa totoo lang. Hindi mo iisipin na Php9,999 lang ‘yung presyo nito. Sa ilalim ng box ay merong charging brick na USB-A yung port at USB-A to USB-C cable.

Design

Maganda pa rin naman yung itsura kapag nakalagay yung hard case nito. Madali itong i-maintain kasi hindi kapitin ng smudges or fingerprints yung likod. Kahit na nakasuot yung case. Kagaya ng sinabi ko kanina, merong risk na makukuha kapag binili natin itong Moto G100 Pro. Kasi hindi talaga to available sa Philippines. Naka-open or naka-unlock yung boot loader nitong G100 Pro. Basically, may custom ROM na naka-install ito. Siguro, para maging global version yung China model yung G100 Pro ay nilagyan nila ng global ROM. Pero China pa rin yung version nito. Yun yung kailangan ninyong tandaan. Unlock yung boot loader nito.

Pero tinesting ko ‘yung GCash para makita lang kung gagana ‘yung mga banking apps. Hindi lahat ng banking apps ay tinest ko. Pero yung GCash ay na-open ko rito, nagamit ko. Nakapag-send ako ng cash. Pero syempre kahit na na-testing ko ‘to at okay naman yung GCash. Buy at your own risk pa rin. Ang maganda pa rito sa G100 Pro ay meron itong IP68, IP69K, at MIL-STD 810H na certification or protection. Ibig sabihin, may pagka-military grade talaga yung build or build quality nitong G100 Pro. Hindi agad-agad mapapasukan ng tubig kahit malubog natin. Up to 1.5m for 30 minutes ay hindi mapapasukan ng tubig o ng alikabok. Kahit mabagsak natin ay hindi agad-agad masisira.

Sides

Sa bandang itaas ay meron itong Dolby Atmos na branding. Meron ring microphone. Sa gilid ‘yung SIM tray nito. Tapos sa kabilang gilid ay meron ulit na microphone, merong power lock button, at volume up and down. Sa ilalim ay meron ulit na isa pang microphone, USB-C port, at main speaker. Based sa nakita ko, meron itong tatlong microphone ang G100 Pro. Tapos, ang maganda rito, yung SIM tray nito ay hybrid. Makakapaglagay ng isang micro-SD card at isang nano SIM, or dalawang nano SIM pero walang SD card, or isang nano SIM at isang eSIM. Yes, merong eSIM support itong G100 Pro. Pero uulitin ko, isa lang yung kaya nitong hawakan na eSIM.

At bilang proof, ini-open ko ang GCash app at working naman. Sunod naman ang BDO App. Hindi ko ito ini-login pero kapag binuksan mo, wala kang error na matatanggap. Pwedeng-pwede ka nang mag-login agad-agad. At para makita ninyo kung okay yung data speed nito. Sinaksak ko yung Globe SIM ko rito. 90Mbps yung download at yung upload 20Mbps sa Fast. Sa Google Speed Test, 66.6Mbps yung nakuha nito. Panghuli, sa OOKLA speed test, naka-105Mbps naman ito. Mabilis naman yung 5G connection sa G100 Pro. Gumagana yung eSIM at mataas yung download speed na nakuha nito.

Present pa rin yung ilang mga gestures na trademark ng isang Motorola phone. Halimbawa na lang yung Double Twist para ma-open yung camera. Meron din Double Chop para naman ma-open yung flashlight. At responsive naman at reliable yung In-display fingerprint scanner nito.

Display

Specification:

At makikita ninyo pantay yung bezels mula sa baba, sa taas, at sa dalawang gilid. Maganda yung display at hindi mo aakalain na Php9,999 lang. Kasi based sa specs nito on paper ay pang-midrange phone na yung display nitong G100 Pro. Ang ganda rin nung kulay nito, napaka-punchy. Hindi tayo mabibitin sa accuracy. Tapos ang maganda pa, yung Widevine Security nito ay Level 1. Makakapag-play tayo ng Full HD content sa Netflix.

Performance

Specification:

Pero uulitin ko lang yung risk ha. Dahil sa unlocked or open iyung boot loader nito ay hindi tayo guaranteed na makakatanggap ng software support itong G100 Pro. At ang isa sa mga senyales na nakita ko ay yung Android Security Update nito. May 1, 2025 pa ang update nito. Meron din itong tinatawag na RAM Boost para sa virtual RAM na additional 16GB. In total, pwedeng magkaroon ng 24GB of RAM. Pwede ring mag-enable ng AI Auto, para ‘yung mismong AI na yung magde-decide kung ilang RAM ‘yung kailangan based sa ginagawa natin.

Ang AnTuTu score na nakuha sa G100 Pro ay 899926 kapag hindi ginamit yung RAM Boost. Kapag ginamit naman yung RAM Boost ay umabot ng 903346. May jump sa performance. May improvement na nakita nung ginamit natin iyung RAM Boost. Sa gaming, good news kasi compatible sa Subnautica itong G100 Pro. Dahil din sa ang taas ng AnTuTu score na nakuha nito. Expect natin na magiging maganda yung gaming performance sa G100 Pro. Sa Subnautica, alam naman natin napaka-demanding ng graphics nito pero nakaya naman. Hindi man mataas ‘yung FPS na nakuha natin sa mismong gameplay pero napaka-acceptable na.

Camera

Specification:

Bago ko pa makalimutan, may additional features itong G100 Pro pagdating sa camera application. At isa na diyan yung Palm Capture. Ipakita lang natin ang palm natin at pwede na itong mag-take ng picture or mag-start ng video recording. Plus, meron din itong tinatawag na Audio Zoom. At nakita natin ‘yun sa flagship ng Samsung before. Na kapag ini-zoom ‘yung video, magzo-zoom din ‘yung audio nito.

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video shot screenshot:

Ang good news sa Moto G100 Pro ay kaya nitong mag-shoot ng 4K selfie recording. Hanggang 30fps nga lang. Yung rear or main camera ay 4K 60fps yung pinakasagad. Para sa ganitong presyo ng phone ay nakakabilib na pwedeng mag-record ng 4K video sa selfie camera.

Battery

Specification:

Ang SOT na nakuha sa G100 Pro PCMark ay 13 hours 48 minutes. Para sa akin ay hindi impressive pero hindi naman sobrang sama. Almost 14 hours naman yung nakuha nito. Pero siguro dahil hindi nga optimized yung ROM na naka-install kasi nga custom ROM lang yung. Pero sana sa mga susunod na software support, kung sakali man na meron ma-receive, ay mag-improve pa yung screen on time nito. Sa charging, 16% to 100% ay 1 hour and 12 minutes ko naman ito na-charge.

Conclusion

Yan na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa Moto G100 Pro. Good start para sa 2026 as first smartphone na mare-review natin ngayong taon. Pero ‘yun nga, meron lang ilang mga risk na kailangang tandaan. Ulitin ko lang, unlock ‘yung boot loader nito. Parang nag-install sila ng custom ROM para maging global version ‘yung G100 Pro. Hindi guaranteed na makakatanggap ito ng mga software support. Pero kagaya ng nakita ninyo, goods na goods yung performance nito. Mataas yung AnTuTu score na nakuha nito. Maganda yung camera performance. Ang ganda rin nung display at kahit yung mismong design ay maganda rin. And wala naman akong naging problema pagdating sa GCash application. Na-open ko rin ung BDO app. Pero uulitin ko, buy at your own risk. Pero overall, masasabi ko na magandang phone ‘to. If ever man na bilhin niyo ‘to ay hindi kayo magsisisi pagdating sa performance.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: OnePlus launches OnePlus Pad Go 2, the perfect tablet for students and young professionals
Next: Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

Related Stories

POCO M8 Pro Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews February 24, 2026
HONOR WIN
  • Phones
  • Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews February 24, 2026
iQOO Z10 Turbo+ Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog

Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

sulittechreviews February 24, 2026
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
Phones Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
HONOR WIN
Phones Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews
February 24, 2026 0
iQOO Z10 Turbo+ Beauty Shot
Phones Tech Blog

Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

sulittechreviews
February 24, 2026 0
STR Conclusion on Honor Win Full Review
Phones Tech Blog

Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…

sulittechreviews
February 24, 2026 0

Recent Posts

  • Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…
  • Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!
  • May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?
  • Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…
  • Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.