Price

Alam mo ba na sa presyong Php6,999 ay meron ka nang magandang Android tablet na malaki yung storage. 129GB na at malaki rin ang battery capacity. Pero tingnan natin kung ano pa ang pwede nating i-expect sa tablet na ito kapag binili niyo. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing









Ayos naman ang pagkakabalot ng package ng dumating. Makapal yung bubble wrap at walang kahit anong damage na nakita sa mismong box ng itel VistaTab 30. Makikita natin sa harap ng box yung itsura ng VistaTab 30. Pagka-open ng box ay makikita agad natin ang mismong tablet. Space Gray pala ang nasa atin at in fairness naman ay hindi cheap ang overall na itsura kahit pa sobrang mura. Mukhang well design at well built naman. Meron na itong screen protector na pre-installed at kailangan lang tanggalin yung outer layer para fully installed na. Dahan-dahanin mo lang para hindi sumama ang mismong screen protector habang tinatangal ang cover. Sa ilalim ng box ay may manual, 10W charging brick, USB-C cable, at SIM ejector pin. Kung ayaw niyo ng Space Gray ay may isa pang colorway na Sky Blue.


Weight



Brush Metal yung itsura ng likod at napaka-premium ng itsura. Makikita niyo rin yung hugis ng camera module ay napaka-modern at parang iPhone yung overall setup. Mukhang tatlo ang camera pero ang totoo ay isa lang iyan. Yung isa ay Ai at yung isa naman ay LED flash. Makikita niyo rin sa may bandang baba na meron itong VistaTab na branding na may AI Designed by itel. At ang exact weight ng tablet na ito ay 550 grams. Yung pinakabagong 2025 na iPad ay 477 grams lang. Malaki-laki yung difference pagdating sa weight kaya may kabigatan kaunti yung tablet na ito. Primarily, dahil iyan sa malaking battery capacity.
Design





Sa may itaas ng tablet ay makikita natin ang USB-C port at ang dalawang speaker grills. Meron ulit itong dalawang speaker grill sa ilalim. Sa ibabaw naman kapag naka-landscape mode ay may microphone, SIM tray, volume up and down buttons, at power lock button. Sa kabilang side naman ay wala na tayong makikita. Ngayon ito ang catch, aakalain mo na apat ang speakers nitong VistaTab 30 dahil apat ang grills. Pero sa totoo lang, dual speakers lang ang tablet na ito. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit ginawang apat na speakers grills ng itel itong tablet. Plus, isa pa sa naka-caught ng attention ko sa design ay yung placement ng USB-C port. Kasi kapag ginamit mo ng naka-portrait yung tablet ay nasa taas ang port. Ang usual na tablet at kahit pa mga phone natin ay nasa ilalim ang port.
Pero in fairness naman sa overall na tunog at quality ng dual speakers, hindi ako nabitin sa max volume. Malakas at malinaw din naman. Compatible din ito hindi lang sa 2.4GHz Wi-Fi connection at 5GHz Wi-Fi connection. Hybrid ang SIM tray at pwede tayong makapaglagay ng micro-SD card at isang nano SIM. Or dalawang nano SIM at walang SD card.

Display
Specification:

Ang nakakalungkot lang, ang Widevine Security Level ay Level 3. Hindi tayo makakapag-play ng HD content sa mga streaming services. Pero in fairness naman sa refresh rate nito, makikita niyo sa Test UFO na talagang legit 60Hz. Kapag pumunta naman tayo sa display settings good news ulit, meron itong option para matimpla yung kulay. Merong Automatic contrast, Increased contrast, at Standard. Pwede pa nating timplahin yung kanyang white balance or color temperature. Overall, pagdating sa display ay wala naman akong major issue na na-encounter. Maliban na lang siguro sa Level 3 lang yung Widevine Security Level at saka 450nits lang yung peak brightness. So if ever na gagamitin natin ito sa outdoor ay mahihirapan po tayo.



Performance
Specification:

Meron itong MemFusion na up to 8GB so kapag i-enable natin yan ay pwede tayong mamili from 4GB, 6GB, or 8GB. Nakakutawa naman na talagang UFS 2.2 ang nilagay nilang storage type sa VistaTab 30. Pero tingnan natin yung epekto ng MemFusion pagdating sa performance gamit ang AnTuTu benchmark. Ang nakuha nating score kapag naka-off ang MemFusion or Virtual RAM, 253394. Ang nakuha nating score kapag naka-on yung MemFusion, 254655. Tumaas ng kaunti, maganda yung epekto ng MemFusion sa mismong performance. Kung gusto niyong gamitin ay hindi kayo kakabahan.




Maganda rin yung nakuha nating result sa Wild Life Stress Test. Although, hindi naman natin gagamitin ang tablet sa mabibigat na application or kahit sa mga games. Pero good to know na maganda yung battery perform performance nito. 2% lang yung nabawas sa battery at same na same lang yung temperature mula nung nag-start tayo hanggang matapos yung test.
Battery
Specification:

Mabagal talaga ang charging speed. Tingnan natin ang mga SOT na nakuha natin sa tablet na ito. 9 hours and 27 minutes, not bad para sa isang tablet pero hindi rin naman impressive, saktong-sakto lang. Pwede na itong tumagal sa atin for one whole day at may konti pa tayong tira na battery. Pagdating naman sa charging speed, 4% to 100% ay 3 hours and 49 minutes ko na charge yung tablet na ito.

Camera

Ito naman ang quality selfie camera na 5MP. Hanggang 720p 30fps lang yung pwede nating ma-record sa selfie camera. At para sa isang webcam ay okay ito kumpara dun sa mga webcam ng mga laptop sa ngayon. Mas okay po ung quality nito. Pero syempre dahil 720p ay hindi ganon ka-sharp. Para sa video conference or video call ay okay na okay na po ito.
Features



Kapag tiningnan natin yung list ng mga application ay meron tayong ilang mga apps na designed for kids. Halimbawa ay yung Learning Center. Pwede silang makapag kulay-kulay dito ng mga drawings. Pero sa totoo lang ay hindi ko nire-recommend na paggamitin niyo ng device yung maliliit na bata kasi baka maadik agad sila sa mga gadget sa murang edad.
Conclusion

Iyan na lahat yung mga gusto kong i-share sa inyo tungkol sa VistaTab 30 ng itel. Nakakatuwa na sa ganitong presyo ay meron na pala tayong mabibiling magandang tablet. Hindi naman sobrang bilis kasi nakita niyo naman yung performance ay hindi man lang tayo umabot ng 300K. Sapat na sapat lang yung performance ng tablet para sa Facebook, mga social media applications, YouTube, makapagbasa ng PDF, at makapagbukas ng ePub. Yung productivity ay saktong-sakto lang. Pwede din tayong makapagbukas dito ng mga files natin like Excel, Word, or Google Docs. Kayang-kaya naman ng tablet at malaking advantage na UFS 2.2 yung internal storage natin. Para kapag ginamit natin yung virtual RAM ay magi-improve ng kaunti ang performance.
Ang isang lang siguro sa gusto kong makita sa mga susunod na tablet, hindi lang sa VistaTab, kahit pa sa ibang mga Android tablet. Ang fingerprint scanner, kasi yung mga murang phone natin at kahit ang mga entry level ay meron nang fingerprint scanner. Sana ganun din sa mga tablet kahit pa mura.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmlu5p
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: