Price

Ano nga ba yung pwedeng ipagmalaki ng isang Php9,399 kagaya na lang nitong bagong itel Super 26 Ultra? Lahat ng aspect ay titingnan natin kung maju-justify ba natin yung presyo. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing










Sa box ng itel Super 26 Ultra ay makikita agad sa harap yung ilan sa pinagmamalaki ng itel sa phone. Kasama na ang IP65 rating at 6-year fluency. Ang fluency at saka yung software support ay magkaiba po ‘yan. ‘Yung software support ay usually yan ‘yung security patches, major Android upgrades, at mga bug fixes. Yung fluency, ibig sabihin ay may assurance na itong itel Super 26 Ultra. Magiging stable at same na same yung performance kahit lumipas pa yung anim na taon. Kung ano ‘yung performance nito pagkabili, ‘yun daw ‘yung magiging performance sa loob ng anim na taon. Sa likod ng box ay makikita pa yung ibang top specs. Pag-open ng box, makikita agad yung napakanipis na documents sleeve. Meron itong SIM injector pin, tempered glass, at ilang documentations.
Sumunod ang Super 26 Ultra na may top specs na nakasulat sa balot. Yung nandito ay itong color Gold. Ang ganda at ang linis tingnan. Premium ito para sa ganitong presyo. Ang nipis pa. Medyo naka-protrude lang ‘yung camera module. Kailangan talagang suotan ‘to ng case. Meron itong free case sa ilalim. Parang may MagSafe ng iPhone. Hard case ito. Exposed ‘yung gilid which is okay dahil curved ‘yung display nito. Kapag naka-suot ang case ay medyo protected na yung camera bump. Pang accessories na merong magnet lang ito pero wala itong wireless charging. Sa ilalim ay makikita yung 18W charger. USB-A pa rin yung port at USB-A to USB-C cable.
Display
Specification:

Kaya ang claim ng itel ay cinema grade display itong phone. Yung color production ay talagang maganda para sa ganitong presyo.Pagdating sa media streaming, mage-enjoy talaga tayo kasi maganda yung kulay nung display. Pero again, yung 144Hz max refresh rate nitong Super 26 Ultra ay future proofing pa lang sa ngayon. Hindi pa yan masyadong mau-utilize. Nasa 120Hz lang talaga or 90Hz yung kadalasang magagamit na refresh rate sa Super 26 Ultra. Yung Widevine Security Level 1. Makakapag-play ito ng FHD sa mga streaming services kagaya ng Netflix. At if ever lang na hindi tayo satisfied sa timpla ng kulay ng phone. Meron naman itong Color Style: isang Bright Color at Original Color. Pwede pang matimpla ‘yung color temperature or white balance.


Battery
Ang susunod na pinagmamalaki ng itel sa Super 26 Ultra ay yung battery. Sa taong 2025 at malapit na malapit na sa 2026. Medyo maituturing na yan na slow charging. Yung unang SOT na nakuha sa phone kapag ginamit ang MemFusion ay 12 hours 55 minutes. Parang 13 hours iyung screen on time in total. Ang laki ng improvement kapag nakapatay ang MemFusion. Umabot na ito ng 15 hours and 3 minutes. Kung hindi naman talaga kailangan ng virtual RAM ay huwag na lang gamitin. Para mas matagal pa ‘yung battery life na makuha sa Super 26 Ultra. Yun nga lang, pagdating sa charging ay medyo slow talaga. Sa test ko, from 19% to 100% ay 1 hour and 49 minutes ko na-charge yung phone.



Design
Pinagmamalaki rin ng itel ang design nitong Super 26 Ultra. Manipis ito, 6.8mm to be exact. Hindi ito yung pinakamanipis na phone sa ngayon pero manipis na na maituturing. Magaan pa ito, 168g to be exact. Talagang napaka-comfortable gamitin. Curved pa yung likod at harap. Mas madaling mag-navigate. Kagaya ng palagi kong sinasabi, mas gusto ko pa rin yung flat na display or hindi curved. Pero marami sa inyo aay siguradong mage-enjoy sa ganitong klase ng display.


Napakatibay din nito. Meron lang naman itong IP65 na rating. Dust and water resistant na ‘yung phone na ‘to. Plus, drop resistant up to 1.5m. Kahit mabagsak, hindi agad-agad masisira ‘tong phone na ‘to. Meron pa itong rainproof na touch screen. Kung sakali na nasa labas tayo at umuulan. Basang-basa yung display. Magagamit pa rin natin itong Super 26 Ultra. Para madagdagan ‘yung durability ng phone, gamitin natin ang case. I-install din natin ‘yung temper glass na nasa box. Walang pre-installed na screen protector ‘to. Hindi ganon kaganda ‘yung haptic feedback nitong Super 26 Ultra. Single firing speaker lang ito sa may ilalim. Malakas naman at hindi naman ako nabitin sa max volume. Pero pagdating sa pagiging immersive nung sound ay hindi pwedeng i-expect sa isang single firing speaker.
Performance
Specification:

Hindi natin pwedeng i-expect na matagal yung magiging software support sa isang Php9,399 na phone. Usually, ganun talaga yung mga itel phones. Nasa isang major Android upgrade lang yung pwedeng matanggap or isang taon na security patches. Sa MemFusion, ang max ay 8GB. Pwede maging 16GB ‘yung RAM nito. Ang AnTuTu score na nakuha kapag ginamit yung virtual RAM ay 672,846. Malaki ang jump sa performance kapag ginamit ang MemFusion. Ang score kapag hindi ginamit yung MemFusion ay 695032. Nag-isang test pa ako. Naka-off ‘yung MemFusion at naka-add sa i-Boost itong AnTuTu. Tumaas pa ulit ang score, 698478 na. Almost 700000 na yung nakuhang score sa phone. Nakakabilib talaga yun para sa ganitong presyo ng phone.




Sa Wild Life Stress Test, 2% lang yung nabawas sa battery. 2°C lang din yung nadagdag sa temperature. Kahit magpatakbo ng mabigat na application ay hindi agad-agad malo-lowbat or iinit ‘tong phone. Hindi naman talaga makakapagpatakbo rito ng masyadong mabigat na mga apps. Mataas ‘yung score nito para sa presyo. Pero hindi pa rin makakapagpatakbo rito ng mabibigat na application. Entry level pa rin itong Super 26 Ultra. Ang isa sa mga downside na pwedeng i-expect sa itel Super 26 Ultra ay ‘yung mga ads or bloatware. Kahit in-off ko na ‘yung mga recommendations o mga pre-installed apps. Meron pa rin akong nare-receive at nakikita na lumilitaw na mga popup ads.

Gaming


Sa gaming, basta na-add sa game space or i-Boost ang isang game. Merong pwedeng i-activate na boost. I-swipe mula sa may left papunta sa gitna. Pwedeng piliin ‘yung performance profile kung Power Saving, Balance, or Performance. Para sagad ‘yung speed ng phone. Sa Asphalt, sagad ‘yung graphic settings pero hindi nito na-generate lahat ng graphics as expected. Hindi naman ganon kalakas yung chipset compared sa mga midrange or flagship phones. Smooth ‘yung performance nito. Hindi natin i-expect na magiging maganda yung graphics. Pero kung casual gaming ay walang magiging problem sa Super 26 Ultra. Smooth naman yung performance nito sa gaming.
Camera
Specification:

For color detection or auxiliary camera yung dalawa pang natitirang camera. Parehong kayang mag-shoot ng 2K 30fps yung harap at likod nitong Super 26 Ultra. At ang nakakabiliib aay merong EIS or electronic image stabilization yung dalawang camera.
Ito ang mga sample video screenshot:


Ito ang mga sample photos:




Conclusion

Based dun sa mga napag-usapan natin at sa lahat ng data. Sa tingin niyo ba ay sulit bilhin itong itel Super 26 Ultra para sa presyo? Siguro ay automatic sa inyo na “Uy sulit ‘yan para sa presyo”. And maga-agree ako dahil kung titingnan iyung performance, lalo na iyung battery, durability, at display. Nakakabilib talaga para sa ganitong presyo. Pero huwag niyong kakalimutan din yung mga downside. Para alam niyo yung ie-expect sa phone na ‘to. Kasi yung software support ay parang lifespan ng isang phone.Yun yung compromise nito. Kagaya nung sinabi ko kanina, iba yung 6-year fluency sa software support. Pagdating sa software updates ay baka isang taon lang yung matanggap nito. Kung okay kayo sa ganong compromise ay sulit to para sa inyo.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/cln18n7
TikTok – https://www.tiktok.com/view/product/1…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: