Infinix NOTE 60 Pro
Snapdragon 7 Gen 5
LPDDR4X + UFS 2.2
6500mAh 90W
144Hz + 4500nits

| DESIGN | IP64 – Dust & Splash Resistant Nano SIM + Nano SIM 202g + 7.45mm Extra Strong Metal Frame Active Matrix Display Halo Light One-Tap Button |
| DISPLAY | 6.78″ AMOLED 1.5K 144Hz HDR 4500nits max brightness 700nits typical brightness Corning Gorilla Glass 7i |
| PERFORMANCE | Android 16 XOS 16.1 3 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Snapdragon 7 Gen 4 LPDDR4X RAM UFS 2.2 Storage 12+256GB / 16+512GB / 16+1TB |
| CAMERA | 50MP f/1.6 OIS Main 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 30FPS 13MP f/2.2 Selfie Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 6500mAh 90W 30W Wireless Bypass Charging |

Ang Infinix NOTE 60 Pro ang kauna-unahang Snapdragon powered Infinix phone na under Php20,000. Plus, naka-extra strong pa ito na metal frame. At mukhang iPhone and design nito pero syempre, powered by Android. Pagusapan natin kung ano yung mga bago sa phone. Anong ie-expect pagdating sa performance, battery life, at marami pang iba.


Unboxing

Meron itong sleeve at sa loob nito ay may box ng phone at box ng Magpad. Sa likod ng sleeve ay makikita yung ilang top specs. Kasama na yung Active Matrix Display, 90W 6500mAh Battery, yung bagong Cooling System, Display, at yung main camera. Syempre nakalagay rin ang Snapdragon 7s Gen 4 na chipset nito.



Pakita ko muna yung Magpad nito. Wireless charger ito para sa Infinix NOTE 60 Pro. Napakasimple nito at bilog lang. Magnetic yung likod nito at USB-C ang port. Wala itong cable sa loob ng box pero meron naman sa mismong box ng NOTE 60 Pro.





Pag-open ng NOTE 60 Pro ay document sleeve ang unang makikita na may NOTE 60 Series text. Sa loob nito ay may SIM Ejector pin, documentations, at case. Napakaimportante ng case na kasama para magamit ng maayos yung Magpad. Strong yung magnet nito kaya hindi malalaglag.

Sunod naman ang NOTE 60 Pro. Yung nandito ay ang Solar Orange. Ito ang pinaka-popular na kulay ng NOTE 60 Pro sa lineup. Ito ang makikita natin sa mga banner at ads para sa phone. Hindi naman natin masisi kasi maganda talaga at mukha talagang kulay ng iPhone 17 Pro’s. Meron pa silang ibang kulay na Mist Titanium, Torino Black, Deep Ocean Blue, at Mocha Brown.

Kapag inilagay ang case sa phone ay mukhang iPhone talaga. Ang tindi. Sa ilalim ng box ay merong 90W na Infinix charging brick na USB-A ang port at USB-C to USB-A cable.



Performance
Specification:

Ipina-promise ng Infinix na makakatanggap ito ng 3 Major Android Upgrades. From Android 16 to Android 19 yung matatanggap nito. Pagdating sa Security Patches ay 5 Years. Salamat at congrats sa Infinix. Maganda yung promise nila sa software support. Matagal-tagal nating magagamit yung phone. Kung hindi pa tayo kontento sa physical RAM. Meron pa itong MemFusion na up to 12GB.

Ang AnTuTu score kapag naka-off ang MemFusion ay 1088264. Nakuha natin yung ini-promise ng Infinix na more than 1m AnTuTu ang makukuha ng NOTE 60 Pro. Kapag ginamit naman ang MemFusion ay ang laki ng ibinaba ng performance, naging 959831.


Ang sinisisi ko talaga diyan ay yung UFS 2.2 na storage nito. Sa panahon ngayon, yung UFS2.2 ay hindi maituturing na mabagal. Pero sa point of view ko, ito na yung bagong eMMC 5.1. Hindi ito nakaka-wow pero tamang-tama lang. Marami kasing phong ngayon sa ganitong segment ay naka-UFS 3.1 na. Hindi ganun kabilis ang UFS 2.2 compared sa performance ng RAM nito.
Vapor Chamber

Meron din itong bagong vapor chamber na ang tawag ng Infinix ay 3D IceCore Vapor Chamber. According sa Wild Life Stress Test ay mukhang effective naman ito. 4% lang ang nabawas sa battery after nung test at 9°C lang yung nadagdag sa temperature.

Sa gaming, sagad ang graphics settings sa Racing Master. Para masagad pa ang performance ay swipe lang from left to right para lumabas ang XBoost AI. I-select niyo lang ang performance. Sa mismong gameplay, hindi sobrang na-generate ang lahat ng graphics pero almost all. Maayos naman ang rendering ng graphics. Okay din ang mga reflections. Sa pag-start ng game ay may na-feel akong stutter. Pero habang tumatagal yung gameplay ay nawala naman. Wala namang frame drops or pagbagal. Overall, kahit sa mga ganito kabigat na games ay okay naman ang NOTE 60 Pro. Lalo na kung mga casual gaming lang naman. Pero kung mga high fps gaming na hindi naman sagad ang graphics ay kakayanin din ng phone. Design din ito for high fps gaming. Lalo na’t naka-144Hz na refresh rate ito.



Design

Anong bago sa phone na ito? Sa left side ng phone ay makikita natin ang One-Tap Button. Meron itong one press at long press action. Sa one press, ang default action nito ay matatawag ang AI assistant ng Infinix. Sa long press ay makakapamili tayo ng action na gusto natin.


Walang double press action sa One-Tap Button. Parang isa lang talaga yung action na magagawa natin sa phone. Usually, gumagamit tayo ng Google Assistant para sa mga kailangan natin i-search online.
Active Matrix Display
Sunod naman ang Active Matrix Display. Ito yung isa sa pinaka-highlight nitong NOTE 60 Pro. Sa settings > Active Matrix Display, makikita na rin natin dito ang option para sa Halo. Pwede tayong mamili ng kulay para sa Halo Light nito.


May dalawa namang option para sa Active Matrix Display. Pwede naman nating piliin ang mga pre-made na animation para sa display. Sa My Styles, pwede tayong gumawa ng Text or Hand-Pained na lalabas sa Active Matrix Display.




Ang galing! Pwedeng ilagay ang pangalan natin o kahit ano man. Kung gusto natin ng reminder, pwede natin itong lagyan ng date. O kaya naman isang word na magpapaalala sa atin. Sa settings, pwede ring i-enable yung notifications para sa Matrix Display. Hindi kailangang buksan palagi yung phone para makita yung notification. Kung may mahalaga tayong ginagawa at nakataob lang yung NOTE 60 Pro, sa Active Matrix Display ay makikita natin kung may dumating na mahalagang notification. Meron itong widget sa home screen para ma-enable anytime na gusto natin.

Baka maitanong natin kung malakas ba sa battery consumption ang Active Matrix Display kung io-on the whole day. Sa experiene ko, mga 3% to 5% lang yung nabawas sa battery nung ginamit ko ang Active Matrix Display the whole day. As in walang patayan at may naka-display. Depende pa rin iyan sa kung anong effect ang pipiliin natin, gaano kalaki yung text or animation.
Sides


Sa taas ng phone ang IR Blaster, secondary speaker, secondary microphone, at JBL branding. Tuned by JBL yung stereo speakers ng NOTE 60 Pro. Sa may ilalim naman ang main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM Tray.
Speaking of SIM tray, 256GB lang yung internal storage ng NOTE 60 Pro. Alin man sa dalawang variant ang piliin natin. Ang tumaas lang ay ang physical RAM, 8GB at 12GB. Wala itong lalagyanan ng micro-SD card. Hindi expandable ang storage nito. 5G naman ang connectivity nito. Wala itong eSIM support.



Sa OOKLA, 150Mbps ang download speed at 12.4Mbps ang upload speed. Not bad. Mas mataas naman ang nakuha sa Google Speed Test, 222.9Mbps download at 26.2Mbps upload. At panghuli sa FAST, 290Mbps download at 19Mbps upload. Napaka-reliable at mabilis ang 5G connection nito.


Sa may right side naman ng phone ang volume up and down button, power lock button, at kakaibang black na sensor. Hindi ito camera control or button. Ito ay pang-measure ng heart rate. Hindi ko na-feel na sobrang necessary ng sensor na ito pero thank you na rin. Goods na goods naman yung haptics ng phone. Napakagandang gamitin kaya huwag niyong i-off. Meron itong IP64 na ingress protection. Matalsikan man ito ng tubig o mabasa ng ulan ay no problem.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshots:




4K 30fps ang video recording sa rear camera nito. Hindi pwedeng bumalik sa ultrawide kapag nagre-record na. Pwede lang ang 2x na digital at isagad up to 10x digital zoom. Okay pa rin naman ang quality kapag naka-zoom. Naka-AI Steady ito. Hindi gumagana sa 4K ang Ultra Steady, pinagsamang OIS at EIS. Ang pinakasagad na stabilization sa 4K ay AI Steady. Gumagamit ito ng Electronic Image Stabilization. Kung gusto natin gamitin yung pinagsamang OIS at EIS or Ultra Steady Mode ay mado-downscale ito to 1080p 30fps. Kung gagamitin natin ang 2K video recording ay naka-ultrawide lang ito.
4K 30fps naman ang video recording sa selfie camera. Nakakatuwa na hanggang 4K ang video recording. Naka-AI Steady ito or naka-EIS. Napakalaking improvement na meron itong 4K sa harap.
Battery
Specification:

Ang battery daw nitong NOTE 60 Pro ay may self-healing ability. Meron itong mare-recover na 1% battery health every time na umaabot ito ng 200 cycles. At least ay mas matagal ang battery health nito compared sa ibang mga phone na walang ganitong features. Hinay-hinay pa rin tayo sa pag-charge. Dahil 90W ang max charging nito ay madali itong makapag-generate ng heat. Kung gusto nating patagalin pa ang battery health ng phone ay mag-slow charging tayo.

Ang SOT nito ay 17 hours and 37 minutes. Not bad, okay naman yung nakuhang SOT pero hindi impressive. Minsan, may mga ganitong capacity na umaabot na ng 18 to 19 hours of screen on time. Pero yung 17 hours and 37 minutes ay pwede nang maka-last sa atin ng 1 day sa isang charge lang. Sa mga darating na software support, asahan natin na magiging optimized pa ang performance nitong NOTE 60 Pro. Sa charging, from 13% to 100% ay 1 hour and 52 minutes ko ito na-charge.


Yung kasamang charging cable nitong NOTE 60 Pro ay color white. Kung yun ang madalas ninyong gagamitin sa pag-charge ay hindi magtatagal ay maninilaw ito o madudumihan. Ang ginagamit kong cable ay braided. Mas matibay ito at hindi dumihin. May reinforcement pa ito sa bandang dulo para hindi mapunit kapag nabe-bend. Isang tip lang naman iyan kung gusto niyong gumamit ng pangmatagalang at matibay na charging cable.
Display
Specification:

Kahit outdoor ay kitang-kita pa rin yung display. Kahit pa sa katirikan ng araw. Malaking advantage nito lalo na ngayong bakasyon. Yung bezels nito ay manipis lang. At kahit yung mga corners nito ay proportioned yung pagka-curved ng display. Napaka-well-built ng display ng Infinix NOTE 60 Pro. Ang ganda rin ng color reproduction nito. Talagang mage-enjoy tayo sa media consumption.

Speaking of media consumption, ang Widevine Security nito ay Level 1. Sa Netflix ay makakapag-play ito ng Full HD. Pero wala itong support sa HDR content. Sa ilang platforms like YouTube ay makakapag-play tayo ng HDR content.


Sa screen refresh rate ay pwedeng mamili between Auto-Switch, Standard, at High. Ang Auto-Switch ay hanggang 120Hz lang ang refresh rate. Para makapag-144Hz ay i-select lang ang High > Customize App Refresh Rate. Makakapamili tayo ng App na may support sa 144Hz. Future proofing lang ang 144Hz max refresh rate nitong NOTE 60 Pro.
Price
Specification:

Sa bawat purchase niyo ng Infinix NOTE 60 Pro ay makaktanggap kayo ng discounted price para sa bago nilang smart watch. Ito ang XWATCH N5 Pro, “Spin into foresight“. Ang reason niyan ay dahil meron itong rotating bezel at crown. Kapag iniikot natin yung crown ay umiikot din yung bezel, vice versa. Magagamit natin ito sa pag-navigate. Meron itong leather strap. Pero sa box ay meron pa itong rubber strap.



Conclusion

Iyan na lahat ang gusto kong i-share tungkol sa Infinix NOTE 60 Pro. Marami pa sana akong gustong i-share kaso masyong mahaba na. Pero yung main points at main aspects ng phone ay nasabi ko na lahat. Kung kayo ang tatanungin ay sulit ba itong NOTE 60 Pro para sa presyo? Plus, ang XWATCH N5 Pro ay makukuha natin sa discounted price kapag nag-purchase tayo ng NOTE 60 Pro.
Catch the official first sale livestream of the NOTE 60 Pro via Infinix official TikTok page on April 22, 8PM.