Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Latest
  • Huawei Nova 11i – Unboxing at First Impressions! (SUPERB Battery Life!)
  • Huawei
  • Latest
  • Tech Blog

Huawei Nova 11i – Unboxing at First Impressions! (SUPERB Battery Life!)

I-unbox natin itong Huawei Nova 11i at ibibigay ko ang aking first impressions tungkol sa phone na 'to!
sulittechreviews July 9, 2023

Huawei Nova 11i ang pag-uusapan natin ngayon. I-unbox natin at ibibigay ko ang aking first impressions tungkol sa phone na ‘to specifically sa kanyang apat na aspects: battery life, display, 48MP main shooter at 16MP na selfie camera.

UNBOXING

Napakasimple lang ng box nitong Huawei Nova 11i. Makikita sa harap ang itsura ng mismong phone at logo ng AppGallery. Tignan natin mamaya kung paano tayo makakapag-install ng mga app dito sa phone na ‘to.

‘Pag open ng box, ang bubungad sa atin ay ang mismong Huawei Nova 11i na nasa plastic. Napakasimple lang din ng design niya, matte-finished, hindi smudge magnet at fingerprint magnet kaya malinis ang itsura niya all the time. Napaka-modern din ng itsura ng camera module niya at meron ding Huawei branding sa may baba.

Sa loob ng box, meron itong document sleeve na may sim ejector pin, documentations, warranty card at jelly case. Meron din itong kasamang 40W na Huawei SuperCharge na may USB-A port at USB-A to USB-C cable.

BATTERY PERFORMANCE

Meron itong 5000mAh battery capacity at 40W Huawei SuperCharge Turbo na charging speed. Nakakuha tayo dito ng 18 hours and 39 minutes na SOT. Very impressive ‘yan kasi maraming phone sa ngayon na 12-14 hours lang ang nakukuha pero itong Huawei Nova 11i ay almost 20 hours! Kaya reliable siya pagdating sa endurance ng kanyang battery. Pagdating naman sa charging, mabilis din kasi from 19-100%, 1 hour and 33 minutes lang ang inabot.

DISPLAY

Sobrang nipis ng mga bezel nitong Huawei Nova 11i. Sa unang tingin, napabilib ako sa itsura ng phone na ‘to! Aakalain mong PHP20,000 pesos ‘to dahil nga sa nipis ng bezel niya pati na din sa color reproduction. Para siyang AMOLED pero IPS-LCD lang ‘to.

Meron itong 6.8″ IPS LCD FHD+, 90Hz maximum refresh rate, 385 ppi, 270Hz TSR at 94.9% screen-to-body ratio. Ang sarap manuod ng videos at movies dito. Katulad ng sinabi ko kanina, ang ganda ng color reproduction niya. Pero kung hindi niyo naman tipo ang ganitong ka-vibrant na color, pwede naman tayong pumunta sa Settings > Display & brightness > Colour Mode & Temperature at makikita niyo ang dalawang presets na Normal at Vivid. Kung gusto niyong maging natural ang kulay niya, pwede niyong piliin ang Normal. Sa may bandang baba din, pwedeng niyo ding i-blend ang color temperature.

Pagdating naman sa kanyang Screen Refresh Rate, meron itong Dynamic, High at Standard. Kung gusto niyong ma-lock to 90Hz ang refresh rate, piliin niyo ang High. Pero kung gusto niyo naman makatipid sa battery, Standard naman ang piliin niyo.

Meron din itong Smart Resolution. Ang ginagawa naman nito ay bumababa siya to 720p kung kinakailangan. Pero most of the time, naka-1080p siya.

Dito naman sa DRM Info, makikita niyo na ‘yung kanyang Widevine Security Level ay Level 1 kaya makakapag-play tayo dito ng full HD content sa mga streaming services.

CAMERA

Meron itong 48MP f/1.8 main shooter, 2MP f/2.4 depth sensor at 16MP f/2.2 selfie camera.

Sa 1080p 30fps video recording nitong Huawei Nova 11i, wala itong stabilization at pwede itong mag-zoom digitally ng 8x.

Meron din itong feature na pwedeng ma-split to main camera at selfie camera. Maganda ‘to kung gusto nating mag-vlog kasi pwede tayong magpakita ng mga view habang nakikita ang sarili natin.

Meron pa itong isang mode na tinatawag na Pic-in-Pic Video na kung saan mas maliit ang display ng front-facing camera habang nagre-record tayo sa rear camera.

DESIGN

Itong in-unbox natin ay Mint Green ang color way. Pero if ever ayaw natin ito, meron din itong Starry Black. Pero as for me, kontentong-kontento ako sa kulay ng Mint Green kasi ang ganda niya at hindi siya usual na kulay ng mga phones ngayon kaya standout siya talaga. Napaka-elegante talaga ng design nitong Huawei Nova 11i dahil sa Classic Dual Star Orbit Ring design. Hindi lang basta itim dahil meron pa siyang ibang kulay na makikita sa paligid ng kanyang lente. Nagustuhan ko din ang pagiging premium ng itsura nito dahil nga matte-finish at may konting glittery effect. Tapos, splash and dust resistant ‘yung phone na ‘to at 193g lang. Kahit 5000mAh ang capacity ng kanyang battery, damang-dama mo na napaka-gaan nitong Huawei Nova 11i. Overall, pagdating sa design ay nagustuhan ko.

Flat din ang sides ng phone na ‘to kaya maganda ang grip. Sa taas makikita ang sim tray, secondary microphone at secondary speaker. Ang kanyang sim tray ay hybrid kaya pwede tayong maglagay ng dalawang sim card or isang sim card at memory card. Wala naman tayong makikita sa left side, malinis na malinis. Sa may right side naman makikita ang volume up and down button at powerlock button na fingerprint scanner na din. Pagdating sa bilis ng pag-unlock, mabilis siya talaga kasi isang dampi lang, maa-unlock siya kaagad. Sa may ilalim naman ang main speaker, USB-C port for charging at main microphone. Ang kanya namang selfie camera ay nasa gitna.

PERFORMANCE

Naka-EMUI 13 na ito, Snapdragon 680 4G ang chipset, 8GB ang RAM at hanggang 256GB ang internal stoage. Para magka-idea kayo sa overall performance ng phone na ‘to, ito ang kanyang Antutu Score: 218,095. Pagdating sa Thermals, 1° lang ang nadagdag sa kanyang temperature, from 35° to 36°. Pagdating naman sa battery consumption, 2% lang ang nabawas after ng 20 minutes ng mabigat na test na ‘to.

Paano Tayo Makakapag-install ng Apps Gamit ang AppGallery?

Open lang natin ang AppGallery tapos i-search lang natin sa search bar ang app na gusto natin i-install katulad ng Google Application na YouTube. Click lang natin ang Install at masasama na ma-install ang GBox. Sa bandang baba, makikita na natin ‘yung iba pang applications tulad ng Google, Facebook, Google Maps, Messenger, Instagram at marami pang iba. Pwede din kayong mag-install dito ng Viber at banking applications tulad ng BPI. Infairness naman sa Huawei kasi mas madali na ngayon mag-install ng mga application gamit ang AppGallery.

PRICE

Meron itong dalawang variant: 8/256GB na may presyong PHP13,999 at 8/128GB na may price na PHP11,999.

Kung nagustuhan niyo ang phone na ‘to, comment kayo diyan sa baba! Kung gusto niyo pang malaman ang promos at availability ng phone na ‘to, click niyo langa ng link na ‘to: https://invl.io/clj7cvl

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: realme 10 Pro 5G Coca-Cola® Edition Now Available on realme TikTokShop exclusively on July 7-8 with P4,500 OFF
Next: Infinix NOTE 30 VIP – Lahat ng DAPAT Mong Malaman!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.