Price


Ang paguusapan natin ngayon ay ang bagong laptop ng CHUWI. Ito ang kanilang CoreBook X. Intel i5 na ito, 16GB ang RAM, at 512GB na SSD. Okay naman ang specs pero nakadepende sa presyo. Minsan nasa Php22,000 lang at minsan ay nasa Php27,000. Nasa baba ang link para sa updated pricing. Ano ba ang pwede nating ma-expect sa bagong CoreBook X ng CHUWI? Sa loob ng box, maliban sa laptop ay meron itong power adapter na 65W. DCIN ang charger nito at hindi pa rin USB-C pero may advantage iyan na mamaya natin paguusapan.
Design

Sa BIOS settings nitong CoreBook X ay wala namang special. Ang tanging kakaiba lang na nakita ko sa BIOS setting ay ang Control Function Reverse. Pwede mong pagpalitin ang Control at FN depende sa kung saan ka sanay.


Allover ay plastic lang ito. Napakalinis ng itsura, walang branding sa likod, at matte finish kaya hindi kapitin ng fingerprint at alikabok. Kahit sa mismong harap na frame ng monitor ay wala ring kahit anong branding. Ang hindi ko lang sure ay kung ganitong-ganito rin bang itsura yung matatanggap ninyong CoreBook X kapag bumili kayo. Minsan ay inu-update nila ang itsura ng walang notice. Baka magulat kayo na may branding yung matanggap ninyo. Magaan lang ito at nasa 1.4kg. Hindi sobrang gaan pero magaan na ito para sa ganitong laptop.
Keyboard




Mapapansin niyo din na yung power button sa keyboard ay may kakaibang design. May red accent at mas glossy compared sa ibang mga keycaps. Kapag tiningnan natin ang ilalim nitong CoreBook X ay meron tayong makikita na dalawang microphone at apat na speakers. Tapos ang keyboard nito ay chiclet yung style. Maganda ang key travel at meron tayong dalawang levels of backlight. Nag-test ako kung magiging comfortable ako sa pagta-type at yes comfortable ako. Hindi naman matagal ang adjustment na nangyari bago ko makasanayan ang keyboard. Nung nag-typing test ako ay umabot ako ng 51 words per minute. Sa ibang mga laptop na sinusubukan ko ay nasa 45 to 48 words per minute lang ako. Kaya above sa normal score ang nakuha ko sa CoreBook X.


Mapapansin niyo rin na may kakaibang icon yung spacebar. Kapag pinindot natin ang function key at spacebar ay pwede tayo mamili kung anong klaseng fan mode ang i-activate natin. Pwedeng Eco, Balance, or Turbo na pinakamalakas. Pero take note lang na fan mode lang ito or bilis ng fan. Yung performance profile ay hindi magbabago. Kahit pa i-Eco natin at naka-set na sa laptop na naka-performance mode tayo ay ganun pa rin ang performance profile natin.


Mapapansin niyo din na ang lapad ng trackpad nito, 5.8″ to be exact. Sobrang comfortable dito mag-gestures, scroll, at kahit mag-zoom in and out. Walang nangyari sa akin na aksidenteng magzo-zoom in habang ginagamit ko. Rest assured na mae-enjoy natin yung gesture sa trackpad nitong CoreBook X. Mas magiging productive tayo habang ginagamit natin itong laptop.
Ports



Sa kaliwang side ay makikita natin yung DCIN, USB-A 3.0, HDMI 1.4, at full featured na USB-C port. Ibig sabihin, dalawang monitor yung pwede nating isaksak sa CoreBook X. Ang laking advantage niyan kung gusto natin na mag-improve yung productivity natin. Yun yung sinasabi ko kanina na advantage ng charger nito. Kahit bilog pa rin at medyo old style pero hindi tayo mapipilitan na gamitin yung USB-C port nito for charging lang. Kasi may hiwalay na port for charging. Yung USB-C ay pwede nating gamitin for monitor at isa pang HDMI na cable para sa isa pang monitor. Sa test ko, kayang-kaya ng CoreBook X na mag-handle ng dalawang external monitor. Malaking tulong ito para mas maging productive tayo sa work natin at mas madaling mag multitask.


Sa may right side naman ay makikita natin ang isa pang USB-A 3.0, audio jack, at micro-SD card reader. Konting opinion lang at medyo nagni-nitpick na lang ako. Malaking tulong na may micro card reader ito pero sana ay hindi micro-SD. SD card lang sana na malaki kasi yung maliit ay pwede nating isaksak sa SD card adapter para lumaki. Pero kapag SD card na yung ginamit ay hindi natin kayang paliitin iyan. At the end of the day ay baka mapilitin pa rin tayong gumamit ng card reader. Pagdating sa wireless connectivity, meron itong Wi-Fi 6 at naka-Bluetooth 5.2 na ito.
Webcam

Sa webcam nitong CHUWI CoreBook X, hanggang 720p/30fps lang ang resolution na pwede nitong ma-record. At pagdating sa quality ay over expose na ito, sobrang labo, at noisy. Hindi ganun kaganda ang quality at imagine kung hindi pa-stable yung internet connection natin or nung kausap natin sa video conference ay mas papangit pa yung itsura natin. Kung ako sa inyo ay gumamit kayo ng external webcam. Pero for emergency calls ay pwede nang pagtiyagaan.
Performance
Specification:

Yung CPU nito ay goods na goods. Maraming laptop ang gumagamit ng CPU na ito at pa-partneran na lang nila ng NVIDIA GPU. Meron akong nakitang Asus at Lenovo na ganitong-ganito yung CPU at may partner na GPU. Pero itong CoreBook X ay wala at Intel HD graphics lang. Pang-office works, programming, at basic photo or video editing lang talaga ito. Pero kapag rendering na ay mahihirapan na tayo sa laptop na ito. Not necessarily na luma or bago yung CPU nito kasi noong first quarter ng 2022 na-release yung Intel i5 12450H na nasa CoreBook. Not bad at pasado pa rin. Pero ang problema ay isa lang ang RAM nito na 16GB DDR4 3200MGHz, yun lang ay SODIMM single channel.
Upgrade




Sa ilalim nitong CoreBook X, meron talagang dedicated na bukasan para sa additional RAM. Pwede pa tayo magsalpak ng isa pang 16GB na RAM. Kung iko-consider natin yung specs ng CPU na Intel i5 12450H, up to 64GB of RAM ang kaya nitong hawakan. Kung gusto natin umabot ng 64GB yung RAM ng CoreBook X ay tatanggalin natin yung nakakabit ng RAM at papalitan natin ng dalawang 32GB na DDR4. Kapag tinanggal natin yung buong cover ng ilalim nitong CoreBook X ay makikita ninyo yung iba pa nating upgrade options. Makikita ninyo sa may gilid ang 512GB SSD na ang brand ay AirDisk. Pwede natin tanggalin iyan at papalitan ng mas malaki. Katulad na lang ng 1TB na SSD.
Pagdating sa upgrade options, marami tayong magagawa dito at pwede itong umabot ng 1TB of SSD and 64GB of RAM. Talagang very capable na laptop na ito kapag ito yung ginawa natin. Pero syempre ay optional iyon at pwede nating gawin in the future. As is ay maganda na yung performance na makukuha natin. Konting reminder lang kung bubuksan natin yung panel sa may ilalim. Kailangan ninyong tanggalin yung dalawang rubber feet sa may likod kasi may nakatago na dalawang screws.

Benchmark


Tingnan naman natin ang mga Geekbench scores. Sa Single-Core ay nakakuha tayo ng 2113 na score at sa Multi-Core naman ay 6109. Pagdating sa GPU score ay 7827 ang nakuha nating score. Disclaimer lang, single channel pa lang o isang RAM pa lang ang nakakabit at mabubuksan talaga natin ang full potential ng laptop kung kakabitan natin ito ng isa pang RAM. Tataas pa yung score na nakuha natin sa Geekbench kapag ginawa natin iyun at mas magiging maganda pa yung performance nito overall. Lalo na kung gusto natin mag-casual games.


Halimbawa na lang, sa Asphalt Unite. Sa lowest graphics setting ay okay na okay yung performance at walang problema. If ever na ganitong klaseng mga games ang papatakbuhin natin sa CoreBook X ay walang problema at mage-enjoy tayo. Napatakbo nito ang game kahit na isa lang ang RAM na nakakabit. Sa Browse bench naman ay nakakuha tayo ng 21.5 na score. Masasabi kong malaki na ang score na iyan. Yung mga na-review natin before na naka-Intel N100 lang na CPU ay nasa 10 or 11 lang ang score sa browse bench. Pagdating sa performance nito sa internet browsing ay okay na okay ito at naka-Wi-Fi 6 pa.
Display
Specification:

Manipis naman yung mga bezels nito kaya mas modern at malinis pa rin yung itsura overall. Tapos yung color coverage ng display ay sRGB kaya kung mage-edit tayo ay walang problema. Kung sakali ay bitin pa rin tayo sa color coverage nitong CoreBook X ay pwede tayong magkabit ng external monitor.
Battery
Specification:

According to CHUWI ay pwede itong tumagal ng up to 8 hours of battery life in one charge. Pero syempre ay depende iyun kung paano natin gagamitin itong CoreBook X ng CHUWI.
Conclusion

Kung kayo ang tatanungin, sa tingin niyo ba ay sulit yung performance na makukuha natin sa CHUWI CoreBook X para sa presyo? Kung ako ang tatanungin ay na-satisfy naman ako sa performance na nakuha ko sa laptop.
Click niyo lang ang mga link na ito kung gusto niyo bumili:
Link 1 – https://store.chuwi.com/products/core…
Link 2 – https://invl.me/clmlcc2
External Monitor – https://invol.co/clichoq
Discount code – SULITCOREX