Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • vivo X300 Pro – ANG PHONE OF THE YEAR KO!
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo X300 Pro – ANG PHONE OF THE YEAR KO!

Ang ganda rin ng quality at output sa selfie camera nito. Talagang na-enjoy namin yung paggamit sa phone na to. Mas na-enjoy pa namin yung...
sulittechreviews December 18, 2025

vivo X300 Pro

MediaTek Dimensity 9500

LPDDR5X + Dual UFS 4.1

6510mAh 90W

40W Wireless Charging

4K 10-Bit LOG

Watch Full Review
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Camera
  • Design
  • Display
  • Battery
  • Performance
  • Combo Kit
  • Video
DESIGNIP68, IP69 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM (eSIM Support)
226g + 7.99mm
Glass Back
Ultrasonic Fingerprint Scanner
DISPLAY6.78″ LTPO AMOLED
1.5K Res 120Hz
4500 nits max brightness
Dolby Vision
PERFORMANCEAndroid 16
Origin OS 6
5 Major Android Upgrades
7 Years Security Patches
MediaTek Dimensity 9500
LPDDR5X RAM
Dual UFS 4.1 Storage
16+512GB
CAMERA50MP f/1.57 OIS Main
Sony LYT-828
200MP f/2.67 ZEISS APO Telephoto OIS
50MP f/2.0 Ultrawide
50MP f/2.0 Selfie
4K 10-Bit LOG
BATTERY6510mAh
90W Wired
40W Wireless

16+512GB

vivo X300 Pro

77,999
PHP
BUY HERE

Nahanap ko na ang may pinakamagandang camera system this year, at ito yung vivo X300 Pro. I-explain ko kung bakit sobrang nagustuhan ko itong phone na to. Masasabi ko na ngayong 2025, ito yung phone of the year ko.

Camera

Specification:

Konting insight lang sa 200MP na periscope telephoto camera. APO ‘yung ginamit na technology nito. Ang ibig sabihin ng APO or APO Chromatic Technology, may superior color correction yung telephoto camera nito. Compared sa ibang mga normal na periscope telephoto camera. Tapos, mas maganda pa yung clarity ng periscope telephoto camera nito compared sa iba. Plus, meron pa itong dalawang dedicated chipset para sa pag-process ng image na nakunan natin. ‘Yung VS1 para sa preprocessing at ‘yung V3+ para naman sa post processing.

Ito ang mga sample photo screenshots:

Napaka-normal ng timpla ng kulay mula sa ultrawide hanggang sa 10x zoom. Pero beyond 3.5x zoom ay digital or hybrid zoom na. At kahit isagad pa to 100x ay pantay ‘yung kulay. Isa ito sa mga makikitang maganda sa X300 Pro kasi mapapansin agad-agad sa output nito kung anong lens ‘yung ginamit. Mapapansin din na kung hindi i-zoom, pantay-pantay halos yung quality at clarity ng bawat images. Yung 10x zoom ay parang ito na yung sagad na zoom sa ibang mga phones. Pero sa X300 Pro ay pwedeng umabot yan hanggang 100X. Pero syempre ay maging realistic tayo. Yung 100X zoom na pinakasagad na digital zoom sa X300 Pro ay may AI na. Sinubukan ko rin ‘yung zoom sa gabi. Ang ganda pa rin. Kahit yung 10x, buong-buo pa rin yung details ng building. Nakuhanan pa nga yung mga stars at hindi noisy yung quality. Sobrang ganda talaga.

Ito ang sample video shot sa low light zoom:

Photos

Ito ang mga main camera sample photos sa low light:

Sunod naman ‘yung mga sample na kuha sa main camera nito kapag gabi. And again, nag-excel pa rin itong X300 Pro kahit na madilim o kaya naman sobrang strong ng ilaw ng mga bumbilya. Na-balance pa rin ‘yung ilaw. Dahil nga ZEISS Optics ito, walang reflections, walang artifacts na nangyayari kapag tinutok yung camera ng phone sa mga bumbilya. Makikita niyo sa langit, kuha pa rin ‘yung stars.

Ito ang mga sample photos sa normal scenarios:

Kung plano ninyong mag-take ng mga photos ng pagkain, pets, o ng kung ano man. Mage-enjoy talaga kayo sa X300 Pro. Kahit pets pa yung kunan, ang bilis ng shutter. Hindi kayo mamomroblema na baka maging blurry yung result kapag gumagalaw yung subject natin.

Ito ang mga sample photos ng telephoto extender:

Itong X300 Pro ay merong Combo Kit na tinatawag. May kasama itong case at adapter para sa telephoto extender. Yung default ay 200mm kapag ginamit yung telephoto extender pero meron pa itong 400mm, 800mm, at 1600mm. Maganda yung quality. Kaya naman to ng digital zoom ng X300 Pro kahit hindi gamitin yung telephoto extender. Pero, anytime of the day ay matatalo ng optical zoom ang digital zoom. Kahit may AI pa ‘yan.

Pero, hindi niyo kailangan ng combo kit na telephoto extender para lang ma-enjoy yung camera ng X300 Pro. Yung default pa lang na makukuha sa phone, kahit wala yung extender or combo kit. Mae-enjoy niyo na. Napakaganda ng mga output na maibibigay sa atin. Pero kung plano ninyong masubukan ‘yung malalayong mga shots. Halimbawa ‘yung nature or concert, kailangan niyo ito.

Video

Ito ang mga sample video screenshot:

Ito ang mga sample selfie photos:

Yung specs ng ultrawide camera nitong X300 Pro ay same sa specs ng selfie camera nito. Ang ganda rin ng quality at output sa selfie camera nito. Talagang na-enjoy namin yung paggamit sa phone na to. Mas na-enjoy pa namin yung quality compared sa iPhone 17 Pro Max. Mas maganda pa itong X300 Pro.

FYI lang din. Kayang-kayang mag-shoot nitong X300 Pro ng 4K 10-bit LOG para sa mga gusto ng color grading sa kanilang video. Iyung camera system pa lang nitong X300 Pro ay ang laking part na sa review. Ito iyung primary na magugustuhan niyo sa phone na ‘to.

Sigurado ako na marami sa inyo yung makaka-appreciate sa design ng phone. Dune Brown lang yung kulay na pwedeng mabili. Kapag yan yung kulay ay ibig sabihin ay yan ‘yung pro. Kapag ‘yung ibang kulay naman, ‘yun ‘yung non-pro version ng X300 Pro dito sa Philippines. ‘Yung texture sa likod ay parang satin. Ang smooth pero parang ang lambot ng texture. Pero at the same time ay napaka-premium. Yung camera island nito ay medyo makapal-kapal lang talaga. Pero acceptable iyan kasi ang ganda talaga ng sensors ng buong camera. Kapag bumili tayo ng combo kit ay mapoprotektahan naman yung buong camera island dahil sa case. Naka-ultrasonic fingerprint reader nito. IP68, IP69 ‘yung rating nito. Pwedeng mailubog ito hanggang 1.5 meters for 30 minutes. May support din ‘to sa eSIM.

Specification:

Dahil LTPO AMOLED ‘yung display nitong X300 Pro, hanggang 1Hz ‘yung kayang ibaba nung refresh rate nito. Tipid sa battery. Yung Widevine Security ay Level 1. Makakapag-play tayo hindi lang ng FHD. Meron pa itong support sa HDR10, Dolby Vision, at HDR10+ sa Netflix. Hindi lang maganda yung display nitong X300 Pro. Talagang mau-utilize natin sa mga streaming services. Nagustuhan ko ito dahil hindi ito curve at flat yung display.

Specification:

Ma-appreciate nyo rin sa X300 Pro ay ‘yung battery nito. At kagaya ng ibang mga vivo phones. Tatak na talaga ng vivo na mataas yung SOT na nakuha natin kahit pa super powerful ng chipset nito. Almost 24 hours, 23 hours and 15 minutes. Sa isang charge lang ay asahan na hindi agad-agad malo-lowbat ito. Kahit pag-uwi natin sa bahay galing work.

Naka-Android 16 na ito out of the box. Pina-promise ng vivo na makakatanggap ito ng 5 Major Android Upgrade. From 16 ay aabot to hanggang Android 21. At hanggang 7 years Security Patches nito. Sobrang tagal natin magagamit itong X300 Pro. Considering na ang ganda nung camera nito, ang ganda nung design, at battery performance. Hindi tayo magkakaroon ng problema kahit ilang taon pa yung lumipas after natin bilhin. Dahil matagal ma-lowbat to sa isang charge. Hindi kailangang i-charge nang i-charge sa isang araw. Yung battery health nito ay hindi madaling magde-deteriorate.

Pagdating sa chipset, itong X300 Pro ay naka-Dimensity 9500 chipset. Baka marami sa inyo ang magsabi; “Ay hindi pala Snapdragon yan.” Pero kapag nag-research kayo, itong Dimensity 9500 ang premium flagship chipset ng MediaTek sa ngayon. Kayang-kaya nitong lampasan yung performance ng Snapdragon 8 Elite Gen 5 sa ilang aspect. Halimbawa ay itong sinabi ng Gemini, yung Dimensity 9500 ay mas superior pagdating sa GPU power. Mas maganda yung thermal management. At mas mataas yung AnTuTu score compared sa Snapdragon 8 Elite Gen 5.

Ito pa yung isang kakaiba at first time kong nakita sa isang flagship phone. Maliban sa LPDDR5X yung RAM nito. Meron pa itong Dual UFS 4.1. Anong ibig sabihin non, dalawa iyung internal storage? Hindi naman. Dalawa lang iyung chip nung storage compared sa iba na naka-UFS 4.1 din pero isa lang yung chip. Ibig sabihin, yung performance nito pagdating sa read and write speed ay mas mabilis. Compared sa ibang mga phone ngayon na naka-UFS 4.1 lang. Ulitin ko, dalawa po yung chip nung kanyang storage kaya Dual UFS 4.1. Pagdating sa performance ay maaasahan ninyo na sobrang bilis. Tunog oa talaga pero sobrang bilis talaga ng performance nitong X300 Pro. Mula pa kanina, sa halos lahat ng aspect ay nag-excel itong phone na to.

Benchmarks

Ang AnTuTu score kapag naka-off ‘yung extended RAM or virtual RAM ay 3401118. Nag-jump yung score kapag ginamit yung extended RAM. Proof lang na sobrang bilis talaga nung internal storage nito, 3423834. Hindi naman sobrang layo kanina pero talagang nag-jump yung performance nito. Nag-improve talaga dahil dun sa internal storage nito. Pero ‘yung 16GB na internal storage nitong X300 Pro, para sa akin ay sapat na sapat na. Hindi niyo na kailangan bugbugin pa ‘yung storage nito para lang gawing virtual RAM. Para sa akin ay okay na yung naka-off lang yung extended RAM. Kumpleto rin ‘yung result ng Wild Life Stress Test.

Proof na naman ‘to na tama ‘yung sinabi ng Google Gemini. Mas maganda talaga ‘yung thermal management ng Dimensity 9500 compared sa Snapdragon 8 Elite Gen 5. Nabawasan lang ito ng 7% pagdating sa kanyang battery. At sa temperature naman ay nadagdagan lang ito ng 18°C. And again, hindi ito nag-overheat. Hindi kagaya sa nagdaang dalawang phone na na-review natin na naka-Snapdragon 8 Elite Gen 5. Hindi nuon natapos yung Wild Life Stress Test. Pero itong X300 Pro ay nakatapos. At pagdating sa gaming, kagaya ng ine-expect niyo. Kahit anong ibatong mga triple A games, kayang-kaya ng X300 Pro.

Sa Combo Kit ay meron itong ZEISS telephoto extender kit. Maliban sa lente, meron itong adaptor para maikabit yung mismong lente. At kasama na rin diyan yung PJYTech Imaging Grip Kit. Meron itong case na leather yung likod. Meron na rin itong built-in stand. Plus, meron ding grip na pwedeng ikabit sa case. Itong grip ay hindi lang basta camera control. Meron din itong 2300mAh na capacity. Macha-charge yung X300 Pro natin habang ginagamit iton grip. Meron na rin itong screw mount sa ilalim para mailagay natin sa tripod. Meron din itong tatlong camera rings para mailagay sa lalagyanan ng adapter sa case. Kung hindi naman natin gagamitin yung telephoto extender lens. At panghuli ay meron itong lanyard.

Conclusion

As of writing this article, ‘yung standard version ng vivo X300 Pro lang ang available. Mabibili natin ito for Php77,999 para sa 16+512GB. Maraming salamat sa pagbasa, para sa samo’t-saring unboxing reviews, this is Sulit Tech Reviews.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
Next: ASUS ExpertBook P1 – Grabe sa AI Features!

Related Stories

REDMI NOTE 15 PRO 5G Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…

sulittechreviews March 20, 2026
POCO X8 Pro Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!

sulittechreviews March 20, 2026
POCO X8 Series KV_RGB 3200x1800_Horizontal
  • Phones
  • Press Release
  • Xiaomi

POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships

sulittechreviews March 20, 2026
Cosmic Box Image
Digital Walker Press Release

Digital Walker Launches Cosmic Box: A Tech-Powered Mystery Unboxing Experience This February

sulittechreviews
March 20, 2026 0
REDMI NOTE 15 PRO 5G Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…

sulittechreviews
March 20, 2026 0
POCO X8 Pro Beauty Shot
Phones Tech Blog Xiaomi

Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!

sulittechreviews
March 20, 2026 0
POCO X8 Series KV_RGB 3200x1800_Horizontal
Phones Press Release Xiaomi

POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships

sulittechreviews
March 20, 2026 0

Recent Posts

  • Digital Walker Launches Cosmic Box: A Tech-Powered Mystery Unboxing Experience This February
  • So bumili kami ng REDMI NOTE 15 PRO 5G sa Physical Store, tapos…
  • Unboxing ng Bagong POCO X8 Pro!
  • POCO X8 Pro Series lands in the Philippines, Redefining the Limits of Next-Gen Performance Flagships
  • Okay ba as DAILY PHONE itong REDMAGIC 11 Air?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.